Thursday, May 31, 2012

LOVE STORY "TRISHA" chapter 4

LOVE STORY “TRISHA” chapter 4

Ni Rhea Hernandez

Pinoy poems




              Sa pag kakatuklas ni Trisha sa kanyang ama at nakaharap pa niya. Nag dulot ng isang laksang kaligayahan kay Trisha. Pero mayroon siyang kinatatakutan. Maintindihan kaya ni Darwin ang katayuan ng kanyang ama. Matatangap kaya nito na isang criminal ang tunay niyang ama? Hindi malaman  ni Trisha kung ipag tatapat na niya sa lalaking itinitibok ng kanyang puso ang katotohanan. Wala pa naman siyang obligasyon na ipag tapat kung ano man ang sekreto ng kanyang pag katao. Pero mahal siya nito at mahal di niya ito yong nga lang di pa niya sinasagot si Darwin.

              Ngayon masasabi na niya buo ang kanyang pag katao. Nakaharap na niya ang kanyang ama at nakasama kahit isang araw lang. noong gabing umuwi sila ng kanyang ina hindi siya nakatulog. Kay daming mga bagay ang pumapasok sa kanyang isipan. Kay daming mga katanungan. Kailangan balikan niya ang kanyang ama na di nalalaman ng kanyang ina. Gusto niyang makausap ito ng hindi kaharap ang kanyang nanay. Gusto niyang mag bonding silang dalawa lang. gusto niyang makasama ng matagal ang kanyang amang kinasabikan ng mahabang panahon.

              Gusto niyang kalimutan na ang kahapon at harapin ang bagong buhay na kasama ang kanyang anak at babaeng pinaka mamahal. Alam niya na mayroong magandang bukas na nag iintay sa kaniyang pamilya. Ang pintuan ng magandang kinabukasan ang muling mag bubukas para sa kanila. Hindi siya nawawalan ng pag asa na darating ang mga sandaling ito sa buhay niya. alam niya at nanalig siya kay Lord na pahihintulutan niyang lumigaya ang kanyang mga mahal sa buhay. Alam niya hindi natutulog ang Diyos. Nakikita nito ang kabutihan ng puso niya. At ito ay gagabayan niya sa mapalaya at mabigyan siya ng parol sa taong ito.

              Kahit nakakahinayang ang mga panahong lumipas. Pero hindi nawawalan ng pag asa si Marc na mag kakaroon ng magandang bukas na nag hihitay sa kanila. Dahil sa mga pag subok na dumating sa kanyang buhay dito siya natutong lumaban sa buhay. Manalig ng lubos kay Lord. Siya lang ang naging sandigan niya habang pinag hihinaan siya. At sa panahong nawawalan na siya ng pag asa. Si Lord lang ang nasandigan niya at tumulong gumabay sa kanya. Kung wala si Lord sa buhay niya baka matagal na siyang nawalan ng pag asa sa buhay. Baka hindi niya natagalan ang mga pasakit na kanyang pinag daanan. Natutunan niyang harapin ang bukas na nakangiti at may pag asa tinatanaw dahil sa pag mamahal niya kay Lord natutunan niyang lumaban sa malalaking pag subok na kanyang pinag daanan.

              Lalu na ngayon na tangap siya ng kanyang anak. Hindi niya akalain na parang walang mahabang panahon na namagitan sa kanila. Kung papalarin siya at mabigyan ng parol isusulit niya ang bawat sandali ng buhay niya sa piling ng kanyang mag iina. Ipapadama niya dito ang kanyang pag mamahal na kay tagal niyang iningatan sa kanyang puso. Kay daming taon na pinangarap niyang makita nag kanyang anak sa personal. Dahil ito ang kanyang pinaniniwalaan at alam niya di siya bibiguin ni Lord gagawa ito ng paraan para makasama niya ang kanyang anak. At nag yari nga ayon sa kalooban niya. at alam niya at nanalig siya na mag kakasama sama silang lahat. at alam din niya sa kalooban ni Lord mangyayari ang lahat ng ito. Kaya hindi siya nawawalan ng pag asa. Kahit na pang habang buhay ang hatol sa kanya. Alam niya gagawa at gagawa ng paraan ang Diyos na ituro sa kanya ang paraan paano siya makakalaya at makakasama ang kanyang mag iina. Sana itong taon na ito ibigay na niya ang matagal na niyang hinihiling. Ang apply niyang parol alam niya ito ang katuparan.

              Muling dumalaw si Trisha sa kanyang ama sa pangalawang pag kakataon muli silang nag kaharap ng kanyang ama. Hindi kasama ni Trisha ang kanyang ina gusto niya na masolo ang kanyang ama para maibsan ang kanyang pananabik sa ama. Saka ang dami niyang gustong malaman sa kanyang ama. Madami siyang tanong na gusto niyang mag karoon ng kasagutan. Ang mga tanong na ayaw sagutin ng kanyang ina. Na ngayon gusto niya sa kanyang ama itanong ang mga katanungan na matagal na niyang gustong makamit ang kasagutan.

              Alam ni Marc na kaya mag isa dumalaw ang kanyang anak mayroon gustong malaman. Sigurado siyang puputaktihin siya ng katanungan ng kanyang anak. Kaya naman handa na siya dito. Sinabi na ni Carol sa kanya na kung ano ang mga tanong nito at kung bakit di niya sinasagot ang mga tanong ng anak. Gusto ni Carol na siya ang sumagot sa mga tanong ng kanilang anak. Gusto nito na siya ang mag paliwanag sa kanilang anak. Kung bakit at ano ang dahilan. Masaya ang mag oras na mag kasama silang mag ama. Kahit maraming tanong maganda naman ang bonding nila sa isa’t isa

Masayang masaya si Trisha sa pag bobonding nila ng kanyang ama. Kay raming tanong sa kanyang isipan ang nabigyan ng kasagutan kaya naman kay gaang ng kanyang kalooan noong sapitin niya ang kanilang bahay.

              Inabutan ni Trisha na ini intay siya ng kanyang ina.  Bakit alam nito na sa kanyang ama siya galing. Hindi naman niya sinabing pupunta siya dito. Hindi niya alam nag tatawagan pala ang kanyang ama’t ina. Ngayon hindi na siya nag tataka kung bakit hindi nabibigla ang kanyang ama sa kanyang mga katanungan. Talaga si nanay gusto niya laging nasa ayos ang lahat. Ano masaya ka na ngayon at ang matagal mo ng tanong nasagot ng iyong ama. Isang matamis na ngiti ang isinagot ni Trisha sa kanyang ina. Pahuni huni pang umakyat sa kanyang roon ito. Ngayon alam na ni Trisha na balak ng kanyang ama na pag nakuha nito ang kanyang parol mag papakasal sila at magiging legal na siyang anak. Hindi na siya putok sa buho. Mag kakaroon na ng bendisyon ng diyos ang pagiging mag asawa ng kanyang ama’t ina.

              Napakadakilang pag iibigan ang pag mamahalan ng kanyang mga magulang. Kahit sinubok na ng mahabang panahon lalu pa itong tumitibay at yumayabong. Kahit nasa loob na ng kulungan ang kanyang ama. Ang ganitong pag iibigan sana kanyang masumpungan sa lalaking kanyang mamahalin. Sana tulad ng kanyang ama kung mag mahal si Darwin. Sana kasing dakila nito ang pag ibig na inihahandog sa kanya. Sana una at huling pag ibig niya si Darwin at ganoon din ito sa kanya. Ngayon ang pag mamahalan ng kanyang ama ang ideal love niya.

              Sa pag kikita nila ni Darwin ipinagtapat na niya ang tungkol sa kanyang ama.  Ang pagiging isang bilango nito sinabi din niya ang dahilan kung bakit nakakulong ang kanyang ama. Ngayon niya mapapatunayan kung gaano siya kamahal ni Darwin. Makikita niya kung paano niya ito matatangap na ang kanyang nililigawan ay isang anak ng criminal. Kahit wala siyang kasalanan isa pa rin siyang bilango nakakulong pa rin siya. Mababakas mo sa mukha ni Darwin ang pag kabigla ng marinig ang katotohanan. Saglit na nawalan ng kibo ito at halatang nag iisip. Ok lang Trisha hindi mo naman kasalanan na makulong ang iyong ama. At saka  wala naman siyang kasalanan. Nag mahal lang siya ng sobra sobra. Kahit makapatay siya basta mailigtas lang niya sa kapahamakan ang mahal sa buhay. Isang dakilang pag sasakripisyo ang ginawa ng iyong ama. Hindi niya inisip ang pang sariling kaligtasan. Handa siyang pangalagaan ang mga mahal sa buhay. Walang mag babago kung ano ang aking nararamdaman sa iyo. Mahal pa rin kita at iniibig kahit sabihin mo pa na isang criminal ang iyong ama. Wala naman naging apekto sa aking nararamdaman sa iyo. Ang matatas na sabi ni Darwin kay Trisha. Nag iisa ka sa puso ko.

              Sa mga tinuran ni Darwin parang may kung anong  humaplos sa kanyang puso. Sadyang mahal siya ni Darwin. Hindi tumitingin sa kung ano ang katayuan niya ok lang sa kanya kung isang bilango ang kanyang ama. Gusto nang sagutin ni Trisha si Darwin pero nag pipigil pa  siya. Gusto niya na ipakilala muna si Darwin sa kanyang ama. Minsan isang araw aayain nia si Darwin na dumalaw silang dalawa sa kanyang ama. Hindi naman nag dalawang isip si Darwin na sumama sa babaeng pinakakamahal niya. anu kaya ang magiging reaksyon ng kanyang ama. Pag nakita niya ang lalaking nanunuyo sa unica jiha niya.

              Pumasa kaya si Darwin sa panuntunan ng kanyang ama ? mahigpit kayang ama si Marc? ABANGAN! Copyright by Rhea Hernandez May 31, 2012

Tuesday, May 29, 2012

LOVE STORY "TRISHA" chapter 3

LOVE STORY “TRISHA” chapter 3

Ni Rhea Hernandez

Pinoy poems




              Hindi makapaniwala si Trisha sa kanyang mga narinig. Hindi niya akalain isa palang bayani ang kanyang ama. Kay dakilang pag ibig handang isakripisyo ang kanyang magandang kinabukasan para lang sa kanyang minamahal. Handang ibuwis ang buhay para sa kaligtasan ng kanyang mahal. Hindi akalain ni Carol ganito tatangapin ng kanyang anak ang ama. Akala ni Carol ikakahiya niya na ang ama ay nasa bilanguan. Pero bagkus hinangaan pa niya ang kanyang ama sa kanyang katapangan at dakilang pag mamahal sa kanyang ina.

              Hiniling ni Trisha sa kanyang ina na gusto niyang makita ito at makadaupang palad. Gusto niyang makaharap ang kanyang ama at mayakap ito. Nasasabik siyang makilala ang kanyang ama. Gusto ni Trisha na mabuo ang kanilang pamilya. Mag papasalamat siya sa kanyang ama dahil sa kanyang katapangan kaya siya nabuhay at isinilang sa mundong ibabaw. Ang tulad ng kanyang ama hindi dapat ikahiya bagkus ipag malaki pa sa kanyang kadakilaan. Nag hihinayang lang si Trisha sa ganito humantong ang isang dakilang pag mamahalan. Pero alam niya hindi pa huli ang lahat para buoin ang kanilang pamilya. Yong may ama , ina at anak kumpleto matatawag na isang pamilya.

              Nag papasalamat si Carol at hindi siya nag kamali sa pag papalaki kay Trisha. Isa siyang batang napakalawak ng pang unawa at pag iisip. Pero hindi nag sisi si Carol ng pag tatago ng katotohanan. Kasi kung noon pa niya sinabi kung nasaan ang kanyang ama baka hindi maunawaan ng kanyang murang isipan. Marami kasi siyang nakikita na nag rerebelde ang mga bata kasi ang magulang nila nasa kulungan. Marami ang di matangap ang katotohanan. Sa katunayan nga nangangamba din siyang ipag tapat kay Trisha ang katotohanan at baka maging negative ang pang tangap niya dito. Laki ng kanyang pasasalamat sa Panginoon at binigyan niya ng magandang pag iisip at pang unawa ang kanyang anak. 

              Nakahinga ng maluwag si Carol. Nawala ang malaking tinik sa kanyang dibdib. Mahigit 18 taon niyang dala dala at pilit na itinatago at ikinukubli sa kanyang anak ang katotohanan. Pero ngayon makakatulog na siya ng mahimbing kasi wala na siyang itinatago sa kanyang anak. Kay sarap ng pakiramdam pag ang isa mong pinag kakatagong lihim ay iyo ng naipag tapat sa mahal mo. Ang bigat nasa kanyang balikat biglang gumaan. Parang kay sarap huminga. Wala na ang mga agam agam sa nag papagulo sa kanyang kaisipan. Iba pala ang pakiramdam kung ang sekreto mo ay iyo ng naibulalas sa taong mahal mo. Hindi akalain ni Carol na ganito ang kanyang mararamdaman. Hindi niya akalain na malaking bagay pala sa katiwasayan ng kalooban pag ang matagal mo ng dalahin ay mawala at hindi mo na pinopoblema.

              Hiniling ni Trisha sa kanyang ina na samahan siyang dalawin ang kanyang mahal na ama. Isang banayad na tango ang ibinigay ni Carol sa kanyang anak. At sabay tayo at humingi ng paumanhin sa anak kung maaari ay makapag pahinga na siya. Pagod siya sa biyahe kasi kay aga niyang nag biyahe para lang makausap si Marc. Pero sulit naman ang kanyang ginawa. Kasi maganda ang naging resulta. Nag papasalamat siya sa kanyang anak at naunawaan niya ang kalagayan ng ama. Noong una inaamin niya na nag dadalawang isip siya kung sasabihin na niya ang lahat ng katotohanan. Pero sa tingin niya ito na ang tamang panahon at hindi siya nag kamali.

              Samantala sa kulingan na kinalalagyan ni Marc. Hindi siya mapakali iniisip niya kung ano na ang nag yayari sa kaniyang mag ina. Hindi malaman kung uupo siya o tatayo sa mga nag lalarong mga bagay sa kanyang isipan. Panay ang dasal niya na sana maintindihan ng kanyang anak ang mga pangyayari sa kanila ng kanyang ina. Saksi niya ang panginoon na kahit katiting hindi nag babago ang kanyang nararamdaman para kay Carol. Bagkus mas sumisidhi pa ito habang tumatagal. Ang pananabik niyang makasama ito hindi nag babago. Kung mayroon lang siyang magagawa kung maibabalik lang niya ang kahapon sana nag pakahinahon siya ng mga sandaling yaon. Sana hindi siya nag padala sa galit na kanyang nararamdaman noon. Di sin sana wala siya dito sa loob ng kulungan. Pero hindi siya nag sisi sa ginawa niya. sapagkat ang naging kapalit naman ng kanyang pag hihirap ay ang kaligtasan ng kanyang mag iina.

              Alam niya sa kanyang sarili kung maulit muli ang pangyayari hindi siya mag dadalawang isip na ialay ang kanyang buhay para lang sa kaligtasan ng kanyang mag iina. Hinding  hindi siya mag dadalawang isip na muling iligtas sa kapahamakan ang mga ito. Kahit pa ang maging kapalit ay ang buhay niya. ganito niya kamahal ang mga ito.  Basta mailigtas lang niya ito sa kapahamakan kahit ang kanyang kalayaan ang naging kapalit hindi niya pinag sisihan.  Sa mga picture lang niya nasusubaybayan sa pag laki ng kanyang anak. Hindi nag kukulang si Carol sa pag update ng mga panyayari sa buhay ng kanilang anak. Ramdam na ramdam pa rin ni Marc ang pag mamahal sa kanya ni Carol.

              Kahit ang kaliit liitang pang yayari sa buhay ng kanyang anak ay kanyang nalalaman. Halos tuwing dinadalaw siya ni Carol laging dala nito ang mga latest picture ng kanyang anak. Halos lahat ng oras ng dalaw ang anak nila ang kanilang pinag uusapan at ang kanilang pag mamahalan hindi man lang nababawasan o nag babago. Kung mayroon mang pag babago ay ang lalung sumisidhi ang nadarama nilang pag mamahalan. Ang wala lang ay ang makaharap niya ng personal ang kanyang anak. Kahit ang ayaw at gusto niya ay kabisado na ni Marc. At ngayon nga ang pag ibig nito kay Darwin. Alam nila na sinisikil ni Trisha ang sarili para lang pag bigyan ang kanyang ina.

              Dalaga na nga ang kanilang anak. Marunong ng mag mahal.samantala noon takot ihakbang ang mga paa sa unang pag subok niyang mag lakad. Ngayon ni hindi na takot mag mahal. Natuto ng umibig sa isang lalaki. Natutuwa nga ang kanyang ina dahil iisa daw ang mga katangian ng lalaking minahal nila ng  kanyang anak. Sabi nga ni Carol iisa daw ang likes nila sa isang lalaki. Natatakot siyang mag mahal ang anak at baka maparis sa kanila. Ayaw niyang masaktan ang kanyang baby. Laging sinasabi ni Marc kay Carol ang kapalaran ni Juan ay hindi magiging kapalaran ni Pedro. Bawat nilalang may kanya kanyang kapalaran nakaguhit sa kanilang palad sa oras ng kanilang pag silang. Pero kung minsan kung paano mo ito harapin at tangapin sa buhay mo doon nababago ang resulta.

              Samantala nag iisip na ng mga sasabihin ni Trisha sa kanyang ama. Anu ba ang una niyang gagawin pag nakita niya ito? Mag mamano ba siya? Yayakapin ba niya? anu ang una niyang itatanong dito? Kakamustahin ba niya kung ano ba ang kalagayan niya sa loob ng kulungan? Paano ba niya haharapin ang kanyang ama sa kauna unahang pag kakataon. Makilala kaya siya nito? Kay daming katanungan ang pumapasok sa isipan ni Trisha. Halos hindi siya nakatulog sa pag iisip. Pero iisa lang ang alam niya nasasabik siyang makita ang kanyang ama. Ang hindi lang niya alam ay kung paano niya ito pakikiharapan habang nandoon siya. Paano ba ang makipag usap sa isang ama? Mga katanungan na pabalik balik sa kanyang isipan.

              Kahit halos hindi nakatulog sa nag daang mag damag pero maaga parin itong nagising at nag handa sa pag lakad nila ng kanyang ina. Sabik na siyang masilayan ang kanyang ama. Nangingiti ang kanyang ina. Kasi kakaiba ang ikinikilos niya ngayon. Pag ganito kasing ala siyang pasok kahit anong gawin ng kanyang ina hindi siya mapuknat sa kanyang higaan. Lagi niyang katwiran ala naman siyang pasok sa school kaya susulitin niyang matulog at bumawi sa mga araw na kulang ang tulog niya dahil sa pag aaral. Ayaw kasi niyang bumaba ang grade niya. para alang dahilan ang kanyang ina na pag bawalan siyang mag mahal kahit habang nag aaral siya. Gusto niyang patunayan na puedeng pag sabayin ang pag aaral at ang pag ibig.

              Hindi siya kumikibo habang tumatakbo ang car nila. Na kakaiba  sa mga ordinaryong araw nila sa loob ng car. Ang tipo kasi ni Trisha ayaw niyang tahimik sa loob ng car. Para daw karo ng patay nakakabingi ang katahimikan. Kaya panay daldal nito habang si Carol ay nag drive. Pero ngayong umaga kakaiba. Kasi ba naman nakakabingi ang katahimikan nilang mag ina. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaction nito sa pag harap sa kanyang ama. Ngingiti ngiti lang si Carol alam niya panay kalabog ng dibdib ng kanyang anak. Nag hahalo ang emosyon ang kanyang nararamdaman. Alam  ni Carol mag lalaho lahat ng ito pag nag kaharap na ang mag ama.

              Kasi alam ni Carol na aware siya sa mga kaganapan sa kanyang anak. Hindi ito maliligaw sa usapan . doon hinahangaan ni Marc si Carol. Masyadong siyang advance kung mag isip. Kaya naman inihanda na niya noon pa si Marc sa kanilang pag haharap ng kanyang anak. Kahit ganoon kinakabahan din siya sa magiging reaction ng kanyang anak pag nakita na siya at mag kaharap sila. Sabik na sabik na siyang makita ito. Mahigit 18 taon na ang anak niya ngayon lang niya makakaharap ng personal. Alam niya malaki ang pag kakaiba ng picture sa personal na pag haharap.

              Kay dami niyang inisip sa unang pag haharap ng kanyang ama pero sa mga plano niya alang nagawa. Halos patakbo niyang nilapitan ang ama dahil sa lukso ng dugo napayakap siya ng mahigpit na mahigpit. Ito pala ang pakiramdam ng yakap ng isang ama. Halos ayaw ng bumitaw ni Trisha sa kanyang ama. Kay sarap pala ng yakap ng isang ama. Bakit ngayon lang ipinagkaloob sa kanya ng nanay niya sana noon pa niya ito naramdaman ang mga ito. Ang buong akala niya mag kakahiyaan sila ng kanyang ama. Pero mali ang kanyang akala parang walang namagitang  mahigit na labing waalong taon na di sila nag kita. Akala mo matagal na silang mag kakilala kay sarap ng kannilang kuwentuhan. Hindi mo aakalain na ngayon lang sila nag kita sa mahabang panahon. Ito ba talaga ang lukso ng dugo.

              Sa pag tatagpo ng mag ama nalubos ang kaligayahan ni Marc. Kahit nasa loob pa siya ng kulungan nararamdaman niya ang kanyang pamilya ay malapit ng mabuo. Umaasa siya balang araw darating din na mag kakasama sila sa iisang bubungan. Masasabi niyang ito ang aking tahanan. Ito ang aking pamilyang matagal ko ng pinapangarap. Hindi siya nawawalang ng pag asa na mabubuo at mag kakasama sama silang tatlo sa iisang bubungan. Labing walong taon na niyang dinadalangin sa poong may kapal na mag kasama sama na silang mag anak. Unti unti ng dinidinig ng Diyos ang kanyang mga dalangin. Alam niya huwag lang siyang mag sawa sa pagdarasal at papakingan din ang kanyang mga kahilingan.

              Hiniling niya na sana maunawaan at matangap siya ng kanilang anak ni Carol. At dumating ang panahon na makasama niya ito at mayakap. Ang lahat ng ito ay naganap at pinag kaloob sa kanya. Kahit nag intay siya ng mahabang panahon pero di siya binigo ng Diyos. At natitiyak din niya na ang iba pa niyang dinadasal at hinihiling dito ay ipag kakaloob din sa kanya pag dating ng tamang panahon. Hindi siya mag sasawa sa pag dalangin sa Panginoon. Alam niyang pinapakingan nito ang kanyang mga kahilingan. Alam ni Marc hindi natutulog ang Diyos. Alam niya ang lahat ng ito isang pag subok lang sa kanyang pag katao. Kaya haharapin niya ito at tatangapin niya taos sa kanyang puso. Naniniwala siya na di ito ibibigay sa kanya kung hindi niya kakayanin.

              Masayang masaya si Trisha at nakasama niya ang kanyang ama kahit sa maigsing oras. Umaasa si Trisha na makakasama ang kanyang ama sa susunod na parol. Kung mag kakaganoon mag kakasama sama na silang buong mag anak. Idadalangin niya na makasama ang kanyang ama. Alam niya na ginagawa nito ang lahat upang mag pakabuti sa loob para makasama siya sa gagawaran ng parol. May awa ang Diyos sana mapasama ang pangalan niya. ito lang ang nakikita niyang pag kakataon para mag kasama sama sila bilang isang buong pamilya.

              Matangap kaya ni Darwin na anak ng isang bilango si Trisha? Hindi kaya ito ang maging dahilan ng kabiguan ni Trisha? Kasing lawak kaya ng pag iisip ni Trisha ang isip at damdamin ni Darwin? ABANGAN!! Copyright by Rhea Hernandez May 29, 2012

                          

Friday, May 25, 2012

LOVE STORY "TRISHA" chapter2

LOVE STORY “TRISHA” chapter 2

Ni Rhea Hernandez

Pinoy poems




              Tuwang tuwa si Trisha sa pag bubukas ng pintuan nito para sa kanya. Sa wakas makikilala niya kung anong klaseng lalaki ang kanyang ama. Na kinasabikan niyang makilala sa mahabang panahon. Ngayon alam na niya nag mahalan talaga ang kanyang mga magulang. At ngayon kanyang tutuklasin kung bakit kay gandang pag iibigan sa simula na uwi sa pag hihiwalay nilang dalawa. Ramdam na ramdam niya na mahal na mahal ng kanyang ina ang kanyang ama. Pero bakit ngayon lumaki siya na alang amang kinikilala.

              Noong gabing iyon halos hindi makatulog si Trisha sa kaiisip sa kanyang ama. Anu nga ba itchura nito. Mayroon kaya silang pag kakahawig. Alam kaya niya na mayroon na siyang anak na dalaga at maganda. Napangiti si Trisha sa kanyang mga iniisip tungkol sa kanyang ama. Kahit busog siya sa pag mamahal ng ina. At halos ginagampanan niya bilang isang ina , ama at kaibigan sa kanyang buhay. Hinahanap parin ng kanyang isip at puso ang kanyang ama. Iba siempre lumaki na may ama na tinatawag. Lagi niyang kinasasabikan ang isang ama. Kinaiingitan niya ang ibang bata kalaro niya na lumaking kasama ang kanilang ama. Bakit kasi kakaiba siya sa karaniwang bata. Bakit siya isinilang na iisa ang magulang .

              Kailan kaya itutuloy ng kanyang ina ang pag kukuwento ang nalalabi pang salaysay ng pag mamahalan ng kaniyang ina at ama. Parang hindi na siya makapag intay gusto niyang ngayon na malaman ang karugtong ng love story ng kanyang mga magulang. Pero alam niya na pag ayaw na mag salita ng kanyang nanay hindi niya ito mapipilit. Nag papasalamat nga siya ngayon at nag kusa itong mag kuwento sa kanya. Kusang ibinabahagi sa kanya ang masasayang pag iibigan nila. Ang mga masasayang araw na pinag saluhan ng kanyang mga magulang. Alam niya mayroon gustong iturong aral sa kanya ang kaniyang ina kaya ibinabahagi nito ang pinag kakaingatan niyang pag iibigan ng kanyang ama.

              Kahit napuyat sa pag iisip si Trisha sa maaari niyang malaman tungkol sa kanyang ama ay maaga siyang gumising para sa pakikinig na ikukuwento ng kanyang ina. Pero hindi na niya ito nagisnan. Maaga daw umalis at may mahalagang lalakarin ito. Noong malaman na wala na ang kanyang ina bumalik uli siya sa kanyang kuarto. Bagsak ang kanyang balikat sa habang nag lalakad. Ang buo niyang akala ay malalaman na niya ang karugtong ng kuwento tungkol sa kanyang ama. Matulog na lang uli total ala naman si nanay para mag kuwento  pabagsak nahiga sa kanyang kama. Laking dismaya ang naramdaman niya. napawi lahat ang kanyang saya .

              Sa pag muni muni ni Trisha binasag ng pag ring ng kanyang cellphone. Sino ba itong storbong ito kung kailan nasa kalagitnaan ka ng pag iisip saka mag ri ring. Nakasibangot noong sagutin ang kanyang cellphone. Sa pag hellow niya narinig niya ang boses ng isang lalaki. Unti unting nag babago ang expresyon ng kanyang mukha. Ang nasa kabilang linya ang lalaking nag papangiti sa kanya at nag papagaang ng kanyang nararamdaman. Ito walang iba kundi ang lalaking nag papatibok ng kanyang puso. Si Darwin ang lalaking unang minahal ni Trisha at ito din ang dahilan kung bakit ngayon ang kanyang nanay nag kukuwento tungkol sa kanyang ama.

              Si Darwin ang nag iisang lalaki na pumukaw sa kanyang natutulog na puso. Mabait ,marunong, at galing sa isang prominenteng pamilya. Pero si Darwin ay isang habulin ng mga babae. Dahil sa angkin kaguapuhan nito at isang sikat na basketball. Muling pumasok sa isipan ni Trisha iisa klase lalaki ang type nilang mag ina. Halos iisa ang katangian ng kanyang ama sa lalaking kanyang napupusuan. Kahit maraming babae ang nag kakandarapa na pansinin lang ni Darwin napaka suerte niya at siya ang minahal nito at sinuyo. Noong una ayaw niya dito kasi nga masyadong lapitin ng mga girls.

              Kung ang ibang babae si Darwin ang nililigawan pero siya naman noon pilit niyang iniiwasan ito. Ayaw niya sa lalaking masyadong lapitin ng chicks. Baka masaktan lang siya pag dating ng araw. Pero habang iniiwasan niya ito saka namang tuksong nakipag kilala sa kanya at siya’y niligawan at sinuyo. Habang nag kakalapit sila sa isa’t isa ay siya namang unti unti na ring nahuhulog ang kanyang kalooban sa lalaki. Hindi niya mapigilan ang kanyang sarili na mapalapit kay Darwin. Nasa kanya na kasi ang lahat na mga katangian ng isang lalaki na hinahanap ng isang babae

              Pero di pa niya ito sinasagot dahil sa pakiusap ng kanyang nanay na huwag muna mag mahal at makipag relasyon. Noong una nag hihimaksik ang kanyang kalooban kung bakit siya pinipigilan ng kanya nanay na umibig sa kanyang edad hindi na siya batang paslit na dapat pigilan  18yrs old na siya. Sabi nga ng iba botante na siya mayroon ng sariling pag papasya at pumili kung ano at sino ang gusto niya. kahit sa legal na batas mayroon na siyang sariling pag dedesisyon. Puede na lalu na sa ngalan ng pag ibig may roon na siyang karapatan pumili kung sino ang puede niyang mahalin. Bakit kaya ang kanyang nanay pinapakialaman nito ang kanyang damdamin.mapipigil ba niya ang pusong tumibok sa lalaking mamahalin niya. kaya noon nag tatampo siya sa kanyang nanay. Pero ngayon sa pag lalahad niya ng kanyang personal na dahilan ay kanya na itong naiintindihan. Kung  bakit ganito siya kahigpit sa anak.

              Kahit hindi niya gaano pinapansin si Darwin lalu naman ito naging masigasig sa pan liligaw. Ginagawa ang lahat ng paraan para magustuhan niya ito. Nahuli ni Darwin ang kanyang kahinaan. Ang mga padala niyang love notes na may kasamang bulaklak at chocolate. Alam na alam ni Darwin na ito ang weakness niya. kaya naman halos araw araw nag bibigay ito sa kanya. Alam ni Trisha may pag ka corny siya pero ito ang nag papakilig sa kanya. Lalu na ang mga sweet notes na tagos sa puso. Mga maliliit na bagay pero nakakataba ng puso. Dito nahuhulog ang loob ni Trisha. At alam na ni Darwin na mahilig siya dito at ito ang nag papakilig sa dalaga gagawin niya ang lahat magustuhan lang siya nito. Alam din ni Trisha na ayaw din ni Darwin na siya ang nililigawan  ng mga babae at ang gusto niya siya ang lalaki siya ang dapat nanunuyo at nanliligaw.

              Kaya dito sila nag kasundo pareho kung ang gusto ng isa siya naman gustong gawin ng isa. Si Trisha gusto siya ang sinusuyo at ginagawang baby. Si Darwin naman gusto niya siya ang nanunuyo para iparamdam niya na siya ang lalaki siya ang nakapantalon. Natutunan ng mahalin ni Trisha si Darwin kaso di pa niya ito masagot ng tahasan dahil sa kanyang nanay. Nangako siya di muna siya makikipag boyfriend hanggang hindi pa siya nakakatapos ng kanyang pag aaral. Naiintindihan naman ni Trisha ang kahilingan ng kanyang ina. Pero ano ang gagawin niya umibig na ang aba niyang puso. Hindi niya alam kung hanggang kailan niya kayang pigilan ang kanyang nararamdaman.

              Alam ni Trisha nararamdaman na ni Darwin na may pag tatangi siya dito. Pero sinisikil lang niya ang kanyang sarili para sagutin ang kanyang iniluluhog na pag ibig. Alam din ni Darwin na mayroon pumipigil sa kanya para ilabas kung ano talaga ang laman ng kanyang puso. Anu ang magagawa ni Trisya lumaki siya na naging masunurin sa kanyang ina. Alam niya na bihirang humiling ito sa kanya. Lumaki siya na puro siya ang humihiling sa kanyang nanay. Wala siyang hiniling na di ibinigay sa kanya basta kaya lang niya ang hinihiling niya. iisa lang ang hiniling niya noon na di ibinigay ng kanyang ina. Ang kung sino ang kanyang ama. Kaya naman ang pakiusap nito na huwag muna siya mag boyfriend di siya nag dalawang isip na sumagot ng oo.

              Sana lang hindi mainip si Darwin sa kaiintay sa kanya. Sana di ito mag sawa sa panliligaw sa kanya. Sana lang maintay siya ng lalaking tinatangi niya. Hindi niya alam kung hanggang kailan kakayanin mag intay ni Darwin. Natatakot siya na bigla na lang itong huminto sa panunuyo sa pag aakalang ala siyang pag mamahal dito. Pero anu ang kanyang gagawin ayaw niyang biguin ang kanyang ina. Pero ayaw din niyang mawala ang lalaking kanyang minamahal. Naguguluhan na si Trisha kung alin ang kanyang susundin. Ang kahilingan ng kanyang ina o ang lalaking nag papatibok ng kanyang puso.

              Sa kanyang pag muni muni saka dumating ang kanyang ina. Noong nalaman niya na ang kanyang ina ang dumating bigla siyang bumaligwas sa kanyang higaan ang gusto niyang salubungin ito. Baka pag katapos niyang lumabas ay nasa mood siya para ituloy ang pag kukuwento. Pagkalapit ni Trisha sa kanyang ina inabot nito ang kamay at siya ay nag mano. Pinalaki siya ng kanyang nanay na maging magalang. Inalok pa niya ng isang basong tubig ang ina. Gusto niya na maging ok ang pakiramdam ng kanyang ina para ipag patuloy nito ang kanyang pag kukuwento. Alam ng kanyang nanay na inaabangan niya ang pag dating nito. Kahit hindi siya nag sasalita alam ng kanyang ina ang kanyang iniisip.

              Isang matamis na ngiti ang ibinigay ng kanyang ina. Ang bait yata ng baby ko ahh! Ano ang gusto at may suhol ka pang isang basong tubig. Iyang kinikilos mo may gusto kang sabihin o hilingin sa akin kaya ka nag kakaganyan. Isang manipis na tawa ang pinakawalan ni Trisha at sabay yakap sa kanyang ina. Sabay bulong na kung puede ituloy na nito ang kuwento ng kanilang pag mamahalan ng tatay niya. sinasabi ko na nga ba na di mo ako hahayaan na mag pahinga muna. Talagang gustong gusto mong marinig ang aming kasaysayan ahh.Isang buntong hininga ang pinakawalan ng kanyang ina at sabi. Handa ka na bang makinig ulit sa aking ikukuwento. Bakit ba masyado kang interesado sa love life ko. Kasi naman noon ko pa gustong makilala si tatay ayaw mong sabihin sa akin kung nasaan siya o buhay pa o mayroon na siyang ibang pamilya.

              Saan ba naputol ang kuwento ko sa iyo kahapon. Ang pag tatanong ng kanyang ina. Nandoon na tayo sa una ninyong pag kalimot sa isa’t isa. Noong magising kami na parehong alang saplot sa katawan. Hindi ko mapigilan ang mapahagulgol sa pag iyak. Noong makita ako ng tatay mo na umiiyak niyakap niya ako at inalo. Carol huwag kang mag alala pananagutan ko man kung anuman ang nag yari sa atin ngayon. Handa akong pakasalan ka kahit anong oras o araw mong gustuhin. Hinding hindi kita tatakbuhan. Alam mo naman na mahal na mahal kita. Kahit na ang buhay ko ang hilingin mo kaya ko itong ibigay sa iyo. Ganyan kita kamahal. Sa mga pangakong binitawan ni Marc tumigil na sa pag iyak si Carol.

              Umuwi sila ng araw na iyo na kay daming agam agam sa puso’t isipan. Hindi alam ni Carol kung ano ang gagawin. Uuwi na lang ba siya at mag hihiwalay sa mga oras  na iyon. Samantala si Marc na parang walang nag yari sa kanila. Naging sunod sunuran siya sa lahat sabihin ni Marc. Umuwi si Carol na nag kukuwanri na walang nagyari sa kanila ni Marc. Walang nakahalata sa kanila na hindi na siya virgin. Na nakipagtalik siya sa lalaking kanyang minamahal. Ang routine nila walang nabago tawagan at halos araw araw  nag uusap pa rin sa telephono at doon napatunayan na parang wala lang nagyari sa kanila. Hindi makapaniwala si Carol na para kay Marc ok lang ang lahat sa nagyari sa kanila. Bakit sa kanya parang walang nag yari sa kanilang pero kay Carol parang ang laki laki ang naganap sa buhay niya.

              Sabi ni Marc huwag kang mag alala. Mahal na mahal kita at wala kang dapat ikatakot. Kung sakali mang mag bunga ang ating pag mamahalan di mag pasalamat tayo at mag kakaroon na tayo ng anak. Kahit anong oras handa naman kitang pakasalan. Kaya huwag kang mangamba kung mayroon nagyari sa atin. Natural lang iyon sa dalawang taong nag mamahalan. Hinimas ni Marc ang buhok ni Carol at ito kanyang hinalik halikan. Sa mga dampi ng halik ni Marc nag kakaroon ng katiwasayan ng damdamin si Carol. Naniniwala siya sa lahat ng sabihin ng kanyang minamahal. Ramdam na ramdam ni Carol na mahal na mahal siya ni Marc ng mga sandaling yaon.

              Wala na siyang mahihiling pa sa kanilang relasyon. Patuloy at kung mayroon pag kakataon at muli nilang pinag sasaluhan ang kaligayahan. Nag mistulang parang mag asawa na sila. Hindi na natatakot si Carol  sa kanilang pag sasanib muli. Parang isang parte na ng kanilang relasyon ito. Dumating ang araw ng pasukan humanap sila na matutuluyan alam nila na di pa sila puedeng mag sama sa isang kuarto. Pero lihim sa kanilang mga magulang ang kinuha nilang tirahan yong mag kasama na sila. Kaya lalu silang naging Malaya. Nag sama sila ng parang isang mag asawa. Pero pinilit nilang hindi nila mapabayaan ang kanilang pag aaral. Sabay silang nag aaral ng kanilang lesson at pag katapos muli silang nag sasalo sa kaligayahan.

              Walang kamalay malay ang kanilang mga magulang sa kanilang ginagawa. Hanggang dumating ang isang pangyayari na di nila inaasahan. At dahil dito nag umpisa ang pag durusa ng kanilang puso. Dahil dito kinailangan nilang mag hiwalay ng habang buhay. Lingid sa kanilang kaalaman dinadala napala ni Carol ang bunga ng kanilang pag mamahalan. Ni sa hinagap hindi nila akalain na hahantong sa ganito ang kanilang pag mamahalan. Dahil sa kanya kaya sila nag kalayo ni Marc. Ang ngayon nag durusa siya sa kasalanan hindi niya ginusto.

              Habang papauwi sila galing sa school mayroon mga lalaking humarang sa kanila. At pilit na kinukuha si Carol. Ang mga lalaki mukhang lasing sa pinag babawal na gamut. Halos sa harap ni Marc gustong gahasain si Carol. Nag dilim ang paningin ni Marc at itoy nag laban. Dahil sa pag tatangol kay Carol nakapatay si Marc. Napatay ni Marc ang dalawa sa mga ito. Kamalas malasan mo isang anak mayaman ang napatay ni Marc. Kaya naman nahatulan ito ng habang buhay. Habang si Marc hinahatulan at lumalaban na selfdefence lang ang kanyang ginawa. Wala paring nagawa ang mga magulang nito. Habang buhay parin ang naging hatol sa kanya. Samantala habang tumatagal ang tiyan ni Carol ay lumalaki. Hindi niya akalain na mag bunga ang kanilang pag mamahalan.

              Noong malaman ni Marc na buntis si Carol. Hiniling nito na ilihim sa kanilang anak nasa kulungan siya. Ayaw niya na lumaki ang anak nila na sabihin na isang criminal ang kanyang ama. Ayaw pumayag ni Carol alam niya na walang kasalanan ang kanyang minamahal. Dahil lang sa maimpluwensyang pamilya kaya siya nag durusa sa kasalanan hindi niya ginusto. Ipinag tangol lang siya nito sa gustong sumalbahe sa kanya. Doble doble ang pag hihinagpis ni Carol. Halos hindi makapaniwala ang kanyang mga magulang na nag dadalantao ang kanilang anak.

              Naging regular ang pag dalaw ni Carol sa kulungan kahit malaki na ang kanyang tiyan. Pero si Marc mayroong kahilingan kay Carol. Pag katapos manganak ipag patuloy niya ang kanyang pag aaral at huwag ipaalam sa kanilang anak kung nasaan siya. Ayaw pumayag si Carol sa kagustuhan ni Marc. Mahal na mahal parin niya si Marc kahit habang buhay ang hatol sa kanya. Dahil ayaw tumigil si Carol sa pag bisita sa kanya. Si Marc na ang gumawa ng paraan para mapilitang huminto si Carol sa pag dalaw. Tuwing dadalaw si Carol hindi siya nilalabas ni Marc. Ni ang mga pasalubong na kanyang dinadala hindi tinatangap. Hanggang inilipat siya sa ibang kulungan. At hiniling ni Marc na huwag ipaalam kay Carol kung saan siya ililipat. Kaya mula noon nawalan na sila ng communication sa isa’t isa.

              Nasira ang kinabukasan ni Marc ng dahil sa kanya. Kaya naman hindi na muling umibig pa si Carol ang puso niya si Marc pa rin ang itinitibok nito. At alam din ni Carol na hanggang ngayon siya pa rin ang mahal ni Marc. Kaya naman pinag sumikapan ni Carol ang lahat ng kanilang pangarap na marating. Ang mga pangarap na sabay nilang binuo mag isang binigyan ng katuparan ni Carol.  Nag aral na mabuti at pinalaking mag isa ang kanilang anak. At sinunod din niya ang kahilingan nito na huwag sabihin kung nasaan ang kanyang ama.

              Sa katagalan sa pakikiusap ni Carol sa mga magulang ni Marc kung nasaan itong kulungan at gusto niyang dalawin ma lang. Sa awa sa kanya ibinigay nila kung nasaan ito. Laking pag tataka ni Marc kung bakit niya nalaman kung nasaan siya. Sa muli nilang pag kikita doon nalaman ni Carol na kahit bahagya walang nabawas sa kanyang pag mamahal  dito. Mahal na mahal parin niya si Marc. At ganoon din si Marc ang dakila niyang pag ibig ni minsan hindi niya nakalimutan. Sa araw araw na ginawa ng Diyos wala siyang iniisip kundi ang kanyang mag iina. Ano ang kanyang magagawa. Habang buhay ang hatol sa kanya. Ayaw naman niyang ikulong pati ang kalayaan ng mahal niya sa buhay.

              Kahit ipinag tutulakan na ni Marc si Carol na humanap ng ibang lalaki na mag mamahal sa kanya at sa anak nila. Pero laging sagot ni Carol hindi natuturuan ang puso kung sino ang mamahalin nito. Kaya sinisikap ni Marc na mag pakabuti sa loob para mabigyan siya ng parol. Para makasama naman niya ang kanyang mag iina kahit man lang sa huling mga taon ng kanyang buhay. Bakit nga ba ganoon ang batas ng tao. Hindi patas para sa mayaman at mahirap. Alam ng Diyos na ipinag tangol lang siya ni Marc sa mga lalaking walang mga puso.

              Hindi alam ni Trisha na kaya maagang umalis ang kanyang ina dumalaw ito sa kanyang ama. Upang ipaalam na handa na siyang ipag tapat sa kanilang anak ang katotohanan. Hiningi niya ang permiso nito para sa pag lalahad ng katotohanan. Lingid kasi sa kaalaman ng kanyang anak kung mayroon siyang pag kakataon dumadalaw siya ng palihim kay Marc. Kung siya nga ang masusunod gusto niyang mag pakasal sila ni Marc pero ayaw nito. Ayaw niyang itali si Carol sa isang relasyong alang katiyakan. Gusto niya na muling mag mahal ito at ng maging normal ang kanyang buhay. Pero sabi nga niya kay hirap turuan ang puso. Kung puede nga lang daw sana matagal na niyang tinuruan ito na limutin siya at mag mahal ng iba.

              Sa natuklasan ni Trisha tungkol sa kanyang ama anu ang kanyang mararamdaman? Matangap kaya niya ang kanyang ama? Hindi kaya siya madismaya na kay tagal niyang pinangarap makilala iyon pala ay isang bilango ang kanyang ama? Paano tatangapin ni Trisha ang katotohanan. ABANGAN!!  Ni Rhea Hernandez***** May 25, 2012 *****

Tuesday, May 22, 2012

LOVE STORY "TRISHA" chapter 1

LOVE STORY  “TRISHA” chapter 1

Ni Rhea Hernandez

Pinoy poems




              Si Trisha isang mabait , maganda at isang masunuring anak.  Kahit nag iisang anak hindi siya lumaking sa layaw. Maraming mga kalaro niya ang naiingit sa kanya. Kasi ba naman nag iisa kahit anong klaseng laruan mayroon siya. Pero hindi siya masaya. Mas naiingit nga siya sa mga kalaro niya. Paano ang mga ito kumpleto mayroon nanay at tatay. Lagi niyang tinatanong nasaan ang kanyang tatay. Pero tulad ng mga nakaraan niyang mga tanong hindi siya sinasagot ng kanyang nanay. Pilit nitong iniiba ang kanilang pinag uusapan. Sa ganito lumaki si Trisha.

              Kahit walang amang kinikilala ay sagana sa lahat ng bagay. Kasi ba naman may kaya ang kanyang mga lolo at lola. At di lang yon mataas ang posisyon ng kanyang ina sa pinapasukan nitong company. Maganda at matalino ang kanyang nanay . kaya siguro dito siya nag mana. Buhat noong mag aral siya sa eskuwela lagi siyang nangunguna. Kaya marami  ang naiingit sa kanya. Nasa kanya na daw lahat ang katangian marunong maganda at mayaman. Subalit hindi maialis ni Trisha sa kanyang isipan ang kanyan tatay. Sino nga ba ito at ano at itchura nito. Ni sa picture di niya nakita man lang. at ni minsan hindi nila pinag usapan ng kanyang nanay. Siguro masyadong nasaktan ito kaya ayaw na niyang balikan pa ang kahapon.

              Nag dadalaga na si Trisha kaya hindi na niya binabangit pa ito sa kanyang ina. Habang lumalaki siya naging parang mag kapatid lang sila ng kanyang ina at ito na rin ang nag silbi niyang matalik na kaibigan. Lahat ay kanilang napag uusapan maliban sa kanyang ama. Kahit mga crush niya sa school nasasabi niya dito. Lahat ng kanyang problema tungkol man sa kanyang mga aralin at sa boys ok lang sa nanay  niya. laging may time ito sa pakikinig sa kanyang mga kuwento kahit sa ka kikayan lang niya sa school. Kahit nag iisa bilang magulang ni Trisha nagagampanan nito ang pagiging isang ina at ama sa kanya. Kaya naman habang siya nag kakaisip hindi na niya binabangit pa kung nasaan ang kanyang ama.

              Noong matutong umibig si Trisha doon niya nakitang nag higpit ang kanyang nanay. Kung maari daw huwag muna siyang mag mahal hanggang wala pa siya sa hustong gulang. Huwag daw siyang pumaris sa kanya. Doon nalaman  unti  unti ni Trisha na hindi maganda ang karanasan ng kanyang ina sa ngalan ng pag ibig. Unang pag ibig niya ang kanyang tatay na niloko lang siya at pinaasa. Sa edad 18 nag mahal ang kanyang nanay 4th yr high school siya noong ma in love.  Unang  pag ibig unang kabiguan. Sa kauna unahang pag kakataon nag kuwento ang kanyang nanay tungkol sa kanyang ama.

              Minsan lang umibig ang nanay niya nasaktan at nabigo pa. kaya pala ganoon na lang ang pag iwas nito na pag usapan. Kasi ba naman buhat noon hanggang ngayon hindi na muling nag mahal ang nanay niya. iisa lang ang kanyang minahal at pinag laanan ng kanyang puso. Masyadong malalim ang naging sugat nito kaya kay tagal bago nag hilom. Kahit nag hilom na di pa rin niyang makuhang mag mahal na muli. Alam ni Trisha kung bakit napilitan ipag tapat ng kanyang nanay ang kanyang kasaysayan sa pag ibig. Ayaw nito na muling maulit ang kanyang kasaysayan sa kanya.

              Kaya naman sa pag bubukas ng aklat ng pag ibig ng kanyang nanay naging interesado si Trisha. Ito ang kuwento ng pag iibigan ng kanyang tatay at nanay noong high school pa sila. Maganda at laging nagiging muse sa school nila ang nanay ni Trisha kaya naman kay daming lalaking nanliligaw sa kanya. Pero wala ni isang pumukaw sa kanyang puso. Mahilig mag aral ito kaya naman lagi siyang nangunguna  sa klase. Nasira ang mga sinasabi ng marami sa nanay niya. pag daw maganda ala naman daw laman ang utak. Pero iba si Carol maganda na matalino pa at di lang yon lagi pang  top sa klase. Si Carol ang nanay ni Trisha.

              Kaya naman karamihan sa kalalakihan ilag mag didikit kay Carol. Lalu na ang lalaking alang alam kundi ang mag pa pogi wala namang laman ang utak. Kahit minsan hindi pa na in love si Carol. Noong mag birthday siya sa ika labing walo niya ni pa nakakaranas mag BF. Kaya naging tampulan ng tukso siya ng mga kaibigan noong mag debu siya. Na never kiss  pa daw siya. Ok lang naman kay Carol sa hindi pa siya na in love ano ang magagawa niya. sabi ng best friend niya pag ganyang di ka pa nag kaka boyfriend ni minsan pag na in love ka humanda ka at siguradong to the max ang love na mararamdaman mo. Isang ngiti lang ang sinagot ni Carol sa kanyang kaibigan.

              Mga panahon iyon hindi pa alam ni Carol kung paano ang mag mahal. Hindi pa niya na meet ang lalaking kanyang mamahalin. Minsan nakumbidang mag muse ng isang basketball si Carol dito niya nakilala ang lalaking mag papatibok ng kanyang pihikang puso. Ang lalaking captain ball ang team  ang siyang pumukaw sa atensyon ni Carol. Ito ay si Marc isang mataas guapo at magaling mag laro ng basketball. Kay daming kadalagahang tumitili pag nakaka shoot ng bola. Hindi alam ni Carol kung napapansin din siya ni Marc. Kasi di man lang siya kinakausap habang pumaparada sila kanina. Panay usal ng dasal ni Carol na sana bigyan siya ng kahit kaunting atensyon ni Marc.

              Sabi niya kung mag yayari ang ganoon siya ang pinakamasayang babae sa mga oras na iyon. Ngayon lang nakaramdam ng ganito si Carol. Ito ba ang tinatawag nilang love of first sight. Hindi akalain ni Carol na mag kakaganito siya kay Marc. Lingid sa kaalaman ni Carol ganoon din si Marc sa kanya. Iyon nga lang na ngingimi ito sa babae baka alangan siya dito. Sobra ang ganda niya para sa kanya. Kaya naman sinabi niya sa kanyang sarili pag bubutihin niya ang pag lalaro para mapansin siya nito. At hindi puedeng di niya ito makausap after ng laro. Kailangan makuha niya ang tel# ni Carol . hindi siya papayag na dito lang mag tapos ang kanilang pag kikilala.

              Kaya naman sa game na yon si Marc ang tinanghal na mbp. Hindi nasayang ang pag papasikat niya kay Carol. Noong matapos ang game nilapitan ni Marc si Carol hindi mapigilan niya na di  kiligin. Kanina pa dasal ni Carol na pag tuunan siya ng kahit kaunting pag tingin ni Marc. Kaya naman laking pag papasalamat niya na di siya binigo ng Diyos. Iyon na ang umpisa ng pag lalapit ng dalawa. Hindi nag laon sinuyo ni Marc si Carol. Dahil sa umpisa palang may pag tingin na si Carol kay Marc kaya naman dina niya ito pinahirapan pa sa pan liligaw.

              Walang araw na di sila masaya. Halos araw araw nag tatawagan sa phone at nag papalitan ng mga love notes. Tuwing mag kasama para silang mga love birds sa sweet. Pag nag holding hands sila akala mo bolta boltaheng kuryente ang dumadaloy sa kanilang katawan. Pag nagkikita sila anu na lang na huwag na matapos pa ang araw na yon. Ang mga sandaling iyon ang pinakamaligayang araw sa buhay ni Carol. Ang pag mamahalan nila akala mo wala ng katapusan.

              Dumating ang kanilang graduation sa high school. Isa sa mga nag top honor si Carol. Kaya naman ilang beses siyang umakyat para sa kanyang medal. Doble ang kaligayahan kanyang naramdaman ng mga sandali yaon. Kasi ba naman nandoon ang pinakamamahal niyang lalaki. Ang lalaki nag bibigay ng kulay ng kanyang kapaligiran. Sigurado na si Carol sa kanyang nararamdaman. Si Marc  lang ang kanyang mamahaling lalaki sa habang siya nabubuhay. Handa siyang ibigay dito ang kanyang kinabukasan.

              Ang lahat niyang mga pangarap biglang nag bago. Ngayon sa lahat ng kanyang plano laging kasama si Marc. Ngayong bakasyon ang dami nilang time para mag kasama. Ok lang kasi sa mga magulang ni Carol ang kanilang relasyon. Nakikita nila kasi na masayang masaya ito pag kasama ang kanyang boyfriend. At batid nila na ngayon din lang nag mahal ang kanilang anak. Wala din naman sila nakitang dahilan para ayawan si Marc para sa kanilang anak. Napakagalang at mabait nito. At nabibilang din sa nirerespetong pamilya. Kaya naman pasado ito sa kaniyang mga magulang.

              Nakahanda na ang isip ang kalooban ni Carol na si Marc ang kanyang makakasama sa kanyang pag tanda. Mahal na mahal niya ito. At kanyang pinaparamdam sa lalaki na siya ang lahat sa kanya. Kasama ito sa kanyang mga pinapangarap sa buhay. Si Marc ay ganoon din sa kanya. Pinaparamdam din niya kung gaano niya kamahal si Carol. Hindi siya mabubuhay na wala  ito sa kanyang piling. Ang mga nadarama nila sa isa’t isa ang nag bibigay ng kaligayahan sa kanilang buhay. Siyang nag papasigla ng kanilang mga araw na nagdaraan.

              Kaya nag kasundo sila na isang university na lang sila mag aaral para naman lagi silang mag kasama. Kaya noong mag eenrol sila sabay na silang lumuwas ng maynila. Pag katapos nilang mag enroll namasyal na sila at nanood ng movie. Sa kauna unahang pa kakataon nag kasama sila sa panonood ng movie.  Sa loob ng sinihan hindi naintindihan ni Carol kung ano ang kanilang pinapanood. Paano ba naman kung saan saan nag lalakbay ang mga kamay ni Marc. Na siyang nag dudulot ng kakaibang damdamin sa kanya.

              Minabuti na lang nilang huwag tapusin kung anuman ang kanilang pinapanood. Sa pag labas nila ng sinehan pumara ng isang taxi si Marc at hindi akalain ni Carol na doon sila humantong sa isang parisukat na kuarto na  siyang nilang naging kanlungan ng kanilang mga narararmdaman. Dito nila itinuloy ang mga inumpisahan nila sa loob ng sinihan. Kahit sa umpisa tutol si Carol na gawin nila ang isang bagay na ginagawa lang ng isang mag asawa. Pero wala siyang lakas ng loob at katawan para tanggihan ang nga halik ni Marc. Ang mga labing nag aapoy sa pag halik sa kanya. Ang sensation na kanyang nararamdaman habang siya ay hinahalikan ni Marc.

              Ang mga palad ni Marc na parang nilalagnat  sa pag lapat sa kanyang balat. Bakit hindi matangihan Ni Carol ang mga yakap at halik ni Marc. Ang halik na nag umpisa sa padampi dampi sa kanyang pisngi tumuloy sa kanyang mga labi. Halik na halos mapugto ang kanyang hininga noong matapos. Na sanay huwag ng mag hiwalay pa ang kanilang mga labi. Mga halik na lagi hinahabol ang hininga nila pag naghihiwalay . Mga labing hindi niya mapigil na halughugin lahat ang buo niyang pag katao. Mga labing parang may hinahanap at parang uhaw na uhaw kung saan.

              Isa isang bumabagsak sa sahig ang mga saplot niya sa katawan. Hindi niya namamalayan na inaalis na pala ni Marc ang kanyang kasuutan. Walang lakas ang kanyang mga kamay para pigilan si Marc sa kanyang ginagawa. Sabi ng kanyang isipan huwag ayaw ko di puede. Pero iba ang inihahatid ng kanyang katawan. Iba ang binibigay na palatandaan kay Marc. Sumusunod sa saliw ng kumpas ng mga kamay ni Marc ang buong katawan ni Carol. Walang lakas si Carol para tangihan ang mga kagustuhan ni Marc. Para isa siyang alipin ni Marc na handang sundin ang lahat ng kagustuhan nito.

              Lumipas ang mga sandali na namalayan na lang ni Carol na pareho na silang nakahiga sa kama na para silang si Eva at Adan. Na walang saplot na kahit ano sa kanilang katawan. Isang karanasan hindi makakalimutan ni Carol .  ang sarap at hapdi kanyang naramdaman habang silang nag mamahalan. Ay tumimo sa kanyang puso’t isipan. Sa unang pag kakataon naramdaman niya ang kirot habang pumapasok si Marc sa kanyang  pag katao. Ganoon pala iyon kay sakit pero hindi niya pinigilan si Marc sa ginagawa bagkus hinayaan lang niya ito. Mayroon kasing kakaibang siyang naramdaman na di niya maipaliwanag kung ano. Gusto niyang ituloy tuloy ni Marc kung anuman ang ginagawa nito sa kanya. Ibig niyang matikman ang dulot nitong ligaya sa kanyang puso.

              Sa pag babalik ng mga gunita ni Carol napahinto siya sa pag kukuwento sa kanyang anak. Sumilay ang isang ngiti sa kanyang mga labi at napatanaw sa malayo. Doon naramdaman  ni Trisha na hanggang sa ngayon nasa puso pa ng kanyang ina ang mga alala ng kanyang ama. Ngayon lang niya nalaman ang pangalan ng kanyang ama ay Marc. Kay tagal itinago ng kanyang ina ang mga bagay na ito. Pinilit niyang balikan ang kahapon para lang ipabatid sa kanya na ang unang pag ibig at ang isang batang gulang na tulad niya kung mag mahal ay walang control sa sariling damdamin. Ngayon daw nasa tamang gulang na siya at handa na siyang maintindihan ang naging karanasan niya handa na rin siyang ikuwento lahat lahat sa kanya.  Kahit ang kaliit liitang  pag yayari sa kanila ng kanyang ama.

              Trisha ngayon natuto ka ng umibig kailangan malaman mo lahat ang aking pinag daanan para maiwasan mo na maparis sa akin ang malumanay na salita ni Carol sa kanyang anak. Patawarin mo ako kung ngayon ko lang binubuksan ang kasaysayan namin ng iyong ama. Alam kong ngayon na ang tamang oras para mabatid mo ang lahat tungkol sa amin. Noon umiiwas akong pag usapan siya sapagkat masakit balikan ang kahapon. Gusto ko na sanang ibaon ito sa limot pero ngayon nakikita ko sa iyo ang aking sarili noon ako’y bata pa. Ang pahayag ni Carol sa kanyang bugtong na anak. Ayoko na maparis ka kung ano ang dinanas ko. Hindi ko makakaya pa na pati ikaw ay matikman ang pait ng unang pag ibig.

              Lumapit si Trisha sa kanya nanay at niyakap niya ito at sinabi huwag kang mag alala nanay sisikapin kong huwag sumapit sa buhay ko ang mga pinag daanan mo sa piling ng aking ama. At sabay ngiti at sisti sa ina. Hindi pa tapos ang kuwento mo sa akin. Kailangan malaman ko ang buong storya ng buhay pag iibigan ninyo ng aking ama. Isang malalim na bungtong hininga ang hinigot ni Carol at sabi bukas na lang natin pag kuwentuhan ang karugtong ng kuwento. Alam ni Trisha na nahihirapan ang kanyang ina na balikan ang kahapon. Kaya isang tango ang ibinigay sa kanyang ina. At sabay sabi hindi ka makakaligtas nanay sa pag kukuwento ng buhay pag ibig ninyo ni ama. Hindi ako titigil kung bakit sa ganito natapos ang maganda ninyong pag mamahalan.

              Anu nga kaya ang nag yari sa pag iibigan nila Carol at Marc at nauwi sa pag hihiwalay…. SUBAYBAYAN….copyright by Rhea Hernandez 5/22/12  

Wednesday, May 9, 2012

INA KONG MAHAL

INA KONG MAHAL

Ni Rhea Hernandez

Pinoy poems




noong mag paalam tayo’y  nagyakapan

sabi mo humayo ka hanapin ang kapalaran

hindi akalain ito na ang huling masisilayan

sa bisig huling yakap na aking matitikman



noong mag kasakit di kita napag silbihan

hindi nadamayan sa iyong kalagayan

lumisan ka sa mundo, di kita nasisilayan

kahit gustuhin ko man umuwi kailangan



wala akong magawa dahil sa kalagayan

alam ko aking ina ako’y naiintindihan

kahit ito masakit sa aking kalooban

sa puso mo ako’y iyong nauunawaan



noong ikaw nakaratay sa higaan

hindi kita nadamayan sa nararamdaman

hindi ka man lang kita napag silbihan

kahit sa huling sandali di kita naalagaan



nag hihimagsik man ang aking kalooban

wala akong magawa itong puso’t isipan

lumisan ka sa mundong di kita nasilayan

hinahanap hanap ko ang iyong kandungan



ikaw ang naging gabay sa aking kamusmusan

ikaw ang nagsilbing ilaw ng aking kapalaran

wala kang hinangad kundi aking kaligayahan

lagi mo akong naiintindihan sa mga kamalian



kung maibabalik ang kahapon nag daan

noong mag paalam ang huling yakapan

kung alam ko sana’y hindi na binitawan

para ngayon hindi kita lagi kinasasabikan



alaala pumasok sa aking puso’t isipan

hindi ko mapigilan mata maging luhaan

tumatangis pati buo kong kalooban

mga ala ala mo ina aking kinasasabikan



dito lalagi sa puso ko ang kadakilaan

kahit kailan hindi kita malilimutan

mga gunita ay lalagi sa aking isipan

sa puso ko isipan nakatatak kailanman



ngayon kay bigat nitong aking kalooban

laging naghahanap inang madadaingan

isang inang laging handa masandigan

pag ganito kahapon aking binabalikan



para lang gumaang ang aking nararamdaman

laging iniisip mga pangaral tinatak sa isipan

noong pumanaw nawala ang tunay na kaibigan

ang mga pag alalay aking tuwina kinasasabikan

ni Rhea Hernandez May 9, 2012


Tuesday, May 8, 2012

INA NASAAN KAMAN!!

INA NASAN KAMAN!!

Ni Rhea Hernandez

Pinoy poems




mula pag kabata ikaw ang kanlungan

mga nararamdaman iyong naiintindihan

kailan ko kaya muling mararamdaman

mga pangaral at paalala hindi malilimutan



mga alaala mo sa puso aking iingatan

magagandang halimbawa dito aalagaan

pag tanaw sa kawalan ikaw nasisilayan

mga pangaral mo siya kong kinakapitan



sabi mo noon isa ako sa iyong kayamanan

ikaw nag bigay ng aking pangangailangan

sa lahat ng sandali ako iyong ginagabayan

magagandang bagay ikaw nag bigay sa isipan



kung ako’y nahihirapan lagi dinadamayan

bawat sandali pag mamahal nararamdaman

mga aking kakulangan iyong naiintindihan

hindi ka nag sasawang ako’y iyon gabayan



sa iyong pag panaw di matangap ng isipan

iyong mga huling sandali di kita nasilayan

kaya naman doble ang aking kalungkutan

wala ang aking inang siyang nasasandigan



ikaw tinuturing na matalik na kaibigan

sa lahat ng oras aking napag susumbungan

sa bawat sandali ikaw lang aking takbuhan

walang kapara ang  ating pagmamahalan



ang kahinaan ikaw nag bibigay ng kalakasan

sa bawat sandali kadamay sa kalungkutan

hindi ka nag sasawa ako’y iyong tulungan

lagi mong pinupunan ang aking kakulangan



saan man naroon hangad ko ang katiwasayan

sa iyong pagpanaw alam kong dina mahihirapan

katiwasayan iyong makakamtan katahimikan

alam kong masaya kana dyan sa kalangitan

ni Rhea Hernandez May 8, 2012