INA KONG MAHAL
Ni Rhea Hernandez
Pinoy poems
noong mag paalam tayo’y nagyakapan
sabi mo humayo ka hanapin ang kapalaran
hindi akalain ito na ang huling masisilayan
sa bisig huling yakap na aking matitikman
noong mag kasakit di kita napag silbihan
hindi nadamayan sa iyong kalagayan
lumisan ka sa mundo, di kita nasisilayan
kahit gustuhin ko man umuwi kailangan
wala akong magawa dahil sa kalagayan
alam ko aking ina ako’y naiintindihan
kahit ito masakit sa aking kalooban
sa puso mo ako’y iyong nauunawaan
noong ikaw nakaratay sa higaan
hindi kita nadamayan sa nararamdaman
hindi ka man lang kita napag silbihan
kahit sa huling sandali di kita naalagaan
nag hihimagsik man ang aking kalooban
wala akong magawa itong puso’t isipan
lumisan ka sa mundong di kita nasilayan
hinahanap hanap ko ang iyong kandungan
ikaw ang naging gabay sa aking kamusmusan
ikaw ang nagsilbing ilaw ng aking kapalaran
wala kang hinangad kundi aking kaligayahan
lagi mo akong naiintindihan sa mga kamalian
kung maibabalik ang kahapon nag daan
noong mag paalam ang huling yakapan
kung alam ko sana’y hindi na binitawan
para ngayon hindi kita lagi kinasasabikan
alaala pumasok sa aking puso’t isipan
hindi ko mapigilan mata maging luhaan
tumatangis pati buo kong kalooban
mga ala ala mo ina aking kinasasabikan
dito lalagi sa puso ko ang kadakilaan
kahit kailan hindi kita malilimutan
mga gunita ay lalagi sa aking isipan
sa puso ko isipan nakatatak kailanman
ngayon kay bigat nitong aking kalooban
laging naghahanap inang madadaingan
isang inang laging handa masandigan
pag ganito kahapon aking binabalikan
para lang gumaang ang aking nararamdaman
laging iniisip mga pangaral tinatak sa isipan
noong pumanaw nawala ang tunay na kaibigan
ang mga pag alalay aking tuwina kinasasabikan
ni Rhea Hernandez May 9, 2012
No comments:
Post a Comment