Tuesday, May 29, 2012

LOVE STORY "TRISHA" chapter 3

LOVE STORY “TRISHA” chapter 3

Ni Rhea Hernandez

Pinoy poems




              Hindi makapaniwala si Trisha sa kanyang mga narinig. Hindi niya akalain isa palang bayani ang kanyang ama. Kay dakilang pag ibig handang isakripisyo ang kanyang magandang kinabukasan para lang sa kanyang minamahal. Handang ibuwis ang buhay para sa kaligtasan ng kanyang mahal. Hindi akalain ni Carol ganito tatangapin ng kanyang anak ang ama. Akala ni Carol ikakahiya niya na ang ama ay nasa bilanguan. Pero bagkus hinangaan pa niya ang kanyang ama sa kanyang katapangan at dakilang pag mamahal sa kanyang ina.

              Hiniling ni Trisha sa kanyang ina na gusto niyang makita ito at makadaupang palad. Gusto niyang makaharap ang kanyang ama at mayakap ito. Nasasabik siyang makilala ang kanyang ama. Gusto ni Trisha na mabuo ang kanilang pamilya. Mag papasalamat siya sa kanyang ama dahil sa kanyang katapangan kaya siya nabuhay at isinilang sa mundong ibabaw. Ang tulad ng kanyang ama hindi dapat ikahiya bagkus ipag malaki pa sa kanyang kadakilaan. Nag hihinayang lang si Trisha sa ganito humantong ang isang dakilang pag mamahalan. Pero alam niya hindi pa huli ang lahat para buoin ang kanilang pamilya. Yong may ama , ina at anak kumpleto matatawag na isang pamilya.

              Nag papasalamat si Carol at hindi siya nag kamali sa pag papalaki kay Trisha. Isa siyang batang napakalawak ng pang unawa at pag iisip. Pero hindi nag sisi si Carol ng pag tatago ng katotohanan. Kasi kung noon pa niya sinabi kung nasaan ang kanyang ama baka hindi maunawaan ng kanyang murang isipan. Marami kasi siyang nakikita na nag rerebelde ang mga bata kasi ang magulang nila nasa kulungan. Marami ang di matangap ang katotohanan. Sa katunayan nga nangangamba din siyang ipag tapat kay Trisha ang katotohanan at baka maging negative ang pang tangap niya dito. Laki ng kanyang pasasalamat sa Panginoon at binigyan niya ng magandang pag iisip at pang unawa ang kanyang anak. 

              Nakahinga ng maluwag si Carol. Nawala ang malaking tinik sa kanyang dibdib. Mahigit 18 taon niyang dala dala at pilit na itinatago at ikinukubli sa kanyang anak ang katotohanan. Pero ngayon makakatulog na siya ng mahimbing kasi wala na siyang itinatago sa kanyang anak. Kay sarap ng pakiramdam pag ang isa mong pinag kakatagong lihim ay iyo ng naipag tapat sa mahal mo. Ang bigat nasa kanyang balikat biglang gumaan. Parang kay sarap huminga. Wala na ang mga agam agam sa nag papagulo sa kanyang kaisipan. Iba pala ang pakiramdam kung ang sekreto mo ay iyo ng naibulalas sa taong mahal mo. Hindi akalain ni Carol na ganito ang kanyang mararamdaman. Hindi niya akalain na malaking bagay pala sa katiwasayan ng kalooban pag ang matagal mo ng dalahin ay mawala at hindi mo na pinopoblema.

              Hiniling ni Trisha sa kanyang ina na samahan siyang dalawin ang kanyang mahal na ama. Isang banayad na tango ang ibinigay ni Carol sa kanyang anak. At sabay tayo at humingi ng paumanhin sa anak kung maaari ay makapag pahinga na siya. Pagod siya sa biyahe kasi kay aga niyang nag biyahe para lang makausap si Marc. Pero sulit naman ang kanyang ginawa. Kasi maganda ang naging resulta. Nag papasalamat siya sa kanyang anak at naunawaan niya ang kalagayan ng ama. Noong una inaamin niya na nag dadalawang isip siya kung sasabihin na niya ang lahat ng katotohanan. Pero sa tingin niya ito na ang tamang panahon at hindi siya nag kamali.

              Samantala sa kulingan na kinalalagyan ni Marc. Hindi siya mapakali iniisip niya kung ano na ang nag yayari sa kaniyang mag ina. Hindi malaman kung uupo siya o tatayo sa mga nag lalarong mga bagay sa kanyang isipan. Panay ang dasal niya na sana maintindihan ng kanyang anak ang mga pangyayari sa kanila ng kanyang ina. Saksi niya ang panginoon na kahit katiting hindi nag babago ang kanyang nararamdaman para kay Carol. Bagkus mas sumisidhi pa ito habang tumatagal. Ang pananabik niyang makasama ito hindi nag babago. Kung mayroon lang siyang magagawa kung maibabalik lang niya ang kahapon sana nag pakahinahon siya ng mga sandaling yaon. Sana hindi siya nag padala sa galit na kanyang nararamdaman noon. Di sin sana wala siya dito sa loob ng kulungan. Pero hindi siya nag sisi sa ginawa niya. sapagkat ang naging kapalit naman ng kanyang pag hihirap ay ang kaligtasan ng kanyang mag iina.

              Alam niya sa kanyang sarili kung maulit muli ang pangyayari hindi siya mag dadalawang isip na ialay ang kanyang buhay para lang sa kaligtasan ng kanyang mag iina. Hinding  hindi siya mag dadalawang isip na muling iligtas sa kapahamakan ang mga ito. Kahit pa ang maging kapalit ay ang buhay niya. ganito niya kamahal ang mga ito.  Basta mailigtas lang niya ito sa kapahamakan kahit ang kanyang kalayaan ang naging kapalit hindi niya pinag sisihan.  Sa mga picture lang niya nasusubaybayan sa pag laki ng kanyang anak. Hindi nag kukulang si Carol sa pag update ng mga panyayari sa buhay ng kanilang anak. Ramdam na ramdam pa rin ni Marc ang pag mamahal sa kanya ni Carol.

              Kahit ang kaliit liitang pang yayari sa buhay ng kanyang anak ay kanyang nalalaman. Halos tuwing dinadalaw siya ni Carol laging dala nito ang mga latest picture ng kanyang anak. Halos lahat ng oras ng dalaw ang anak nila ang kanilang pinag uusapan at ang kanilang pag mamahalan hindi man lang nababawasan o nag babago. Kung mayroon mang pag babago ay ang lalung sumisidhi ang nadarama nilang pag mamahalan. Ang wala lang ay ang makaharap niya ng personal ang kanyang anak. Kahit ang ayaw at gusto niya ay kabisado na ni Marc. At ngayon nga ang pag ibig nito kay Darwin. Alam nila na sinisikil ni Trisha ang sarili para lang pag bigyan ang kanyang ina.

              Dalaga na nga ang kanilang anak. Marunong ng mag mahal.samantala noon takot ihakbang ang mga paa sa unang pag subok niyang mag lakad. Ngayon ni hindi na takot mag mahal. Natuto ng umibig sa isang lalaki. Natutuwa nga ang kanyang ina dahil iisa daw ang mga katangian ng lalaking minahal nila ng  kanyang anak. Sabi nga ni Carol iisa daw ang likes nila sa isang lalaki. Natatakot siyang mag mahal ang anak at baka maparis sa kanila. Ayaw niyang masaktan ang kanyang baby. Laging sinasabi ni Marc kay Carol ang kapalaran ni Juan ay hindi magiging kapalaran ni Pedro. Bawat nilalang may kanya kanyang kapalaran nakaguhit sa kanilang palad sa oras ng kanilang pag silang. Pero kung minsan kung paano mo ito harapin at tangapin sa buhay mo doon nababago ang resulta.

              Samantala nag iisip na ng mga sasabihin ni Trisha sa kanyang ama. Anu ba ang una niyang gagawin pag nakita niya ito? Mag mamano ba siya? Yayakapin ba niya? anu ang una niyang itatanong dito? Kakamustahin ba niya kung ano ba ang kalagayan niya sa loob ng kulungan? Paano ba niya haharapin ang kanyang ama sa kauna unahang pag kakataon. Makilala kaya siya nito? Kay daming katanungan ang pumapasok sa isipan ni Trisha. Halos hindi siya nakatulog sa pag iisip. Pero iisa lang ang alam niya nasasabik siyang makita ang kanyang ama. Ang hindi lang niya alam ay kung paano niya ito pakikiharapan habang nandoon siya. Paano ba ang makipag usap sa isang ama? Mga katanungan na pabalik balik sa kanyang isipan.

              Kahit halos hindi nakatulog sa nag daang mag damag pero maaga parin itong nagising at nag handa sa pag lakad nila ng kanyang ina. Sabik na siyang masilayan ang kanyang ama. Nangingiti ang kanyang ina. Kasi kakaiba ang ikinikilos niya ngayon. Pag ganito kasing ala siyang pasok kahit anong gawin ng kanyang ina hindi siya mapuknat sa kanyang higaan. Lagi niyang katwiran ala naman siyang pasok sa school kaya susulitin niyang matulog at bumawi sa mga araw na kulang ang tulog niya dahil sa pag aaral. Ayaw kasi niyang bumaba ang grade niya. para alang dahilan ang kanyang ina na pag bawalan siyang mag mahal kahit habang nag aaral siya. Gusto niyang patunayan na puedeng pag sabayin ang pag aaral at ang pag ibig.

              Hindi siya kumikibo habang tumatakbo ang car nila. Na kakaiba  sa mga ordinaryong araw nila sa loob ng car. Ang tipo kasi ni Trisha ayaw niyang tahimik sa loob ng car. Para daw karo ng patay nakakabingi ang katahimikan. Kaya panay daldal nito habang si Carol ay nag drive. Pero ngayong umaga kakaiba. Kasi ba naman nakakabingi ang katahimikan nilang mag ina. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaction nito sa pag harap sa kanyang ama. Ngingiti ngiti lang si Carol alam niya panay kalabog ng dibdib ng kanyang anak. Nag hahalo ang emosyon ang kanyang nararamdaman. Alam  ni Carol mag lalaho lahat ng ito pag nag kaharap na ang mag ama.

              Kasi alam ni Carol na aware siya sa mga kaganapan sa kanyang anak. Hindi ito maliligaw sa usapan . doon hinahangaan ni Marc si Carol. Masyadong siyang advance kung mag isip. Kaya naman inihanda na niya noon pa si Marc sa kanilang pag haharap ng kanyang anak. Kahit ganoon kinakabahan din siya sa magiging reaction ng kanyang anak pag nakita na siya at mag kaharap sila. Sabik na sabik na siyang makita ito. Mahigit 18 taon na ang anak niya ngayon lang niya makakaharap ng personal. Alam niya malaki ang pag kakaiba ng picture sa personal na pag haharap.

              Kay dami niyang inisip sa unang pag haharap ng kanyang ama pero sa mga plano niya alang nagawa. Halos patakbo niyang nilapitan ang ama dahil sa lukso ng dugo napayakap siya ng mahigpit na mahigpit. Ito pala ang pakiramdam ng yakap ng isang ama. Halos ayaw ng bumitaw ni Trisha sa kanyang ama. Kay sarap pala ng yakap ng isang ama. Bakit ngayon lang ipinagkaloob sa kanya ng nanay niya sana noon pa niya ito naramdaman ang mga ito. Ang buong akala niya mag kakahiyaan sila ng kanyang ama. Pero mali ang kanyang akala parang walang namagitang  mahigit na labing waalong taon na di sila nag kita. Akala mo matagal na silang mag kakilala kay sarap ng kannilang kuwentuhan. Hindi mo aakalain na ngayon lang sila nag kita sa mahabang panahon. Ito ba talaga ang lukso ng dugo.

              Sa pag tatagpo ng mag ama nalubos ang kaligayahan ni Marc. Kahit nasa loob pa siya ng kulungan nararamdaman niya ang kanyang pamilya ay malapit ng mabuo. Umaasa siya balang araw darating din na mag kakasama sila sa iisang bubungan. Masasabi niyang ito ang aking tahanan. Ito ang aking pamilyang matagal ko ng pinapangarap. Hindi siya nawawalang ng pag asa na mabubuo at mag kakasama sama silang tatlo sa iisang bubungan. Labing walong taon na niyang dinadalangin sa poong may kapal na mag kasama sama na silang mag anak. Unti unti ng dinidinig ng Diyos ang kanyang mga dalangin. Alam niya huwag lang siyang mag sawa sa pagdarasal at papakingan din ang kanyang mga kahilingan.

              Hiniling niya na sana maunawaan at matangap siya ng kanilang anak ni Carol. At dumating ang panahon na makasama niya ito at mayakap. Ang lahat ng ito ay naganap at pinag kaloob sa kanya. Kahit nag intay siya ng mahabang panahon pero di siya binigo ng Diyos. At natitiyak din niya na ang iba pa niyang dinadasal at hinihiling dito ay ipag kakaloob din sa kanya pag dating ng tamang panahon. Hindi siya mag sasawa sa pag dalangin sa Panginoon. Alam niyang pinapakingan nito ang kanyang mga kahilingan. Alam ni Marc hindi natutulog ang Diyos. Alam niya ang lahat ng ito isang pag subok lang sa kanyang pag katao. Kaya haharapin niya ito at tatangapin niya taos sa kanyang puso. Naniniwala siya na di ito ibibigay sa kanya kung hindi niya kakayanin.

              Masayang masaya si Trisha at nakasama niya ang kanyang ama kahit sa maigsing oras. Umaasa si Trisha na makakasama ang kanyang ama sa susunod na parol. Kung mag kakaganoon mag kakasama sama na silang buong mag anak. Idadalangin niya na makasama ang kanyang ama. Alam niya na ginagawa nito ang lahat upang mag pakabuti sa loob para makasama siya sa gagawaran ng parol. May awa ang Diyos sana mapasama ang pangalan niya. ito lang ang nakikita niyang pag kakataon para mag kasama sama sila bilang isang buong pamilya.

              Matangap kaya ni Darwin na anak ng isang bilango si Trisha? Hindi kaya ito ang maging dahilan ng kabiguan ni Trisha? Kasing lawak kaya ng pag iisip ni Trisha ang isip at damdamin ni Darwin? ABANGAN!! Copyright by Rhea Hernandez May 29, 2012

                          

No comments:

Post a Comment