LOVE STORY “TRISHA” chapter 2
Ni Rhea Hernandez
Pinoy poems
Tuwang tuwa si Trisha sa pag bubukas ng pintuan nito para sa kanya. Sa wakas makikilala niya kung anong klaseng lalaki ang kanyang ama. Na kinasabikan niyang makilala sa mahabang panahon. Ngayon alam na niya nag mahalan talaga ang kanyang mga magulang. At ngayon kanyang tutuklasin kung bakit kay gandang pag iibigan sa simula na uwi sa pag hihiwalay nilang dalawa. Ramdam na ramdam niya na mahal na mahal ng kanyang ina ang kanyang ama. Pero bakit ngayon lumaki siya na alang amang kinikilala.
Noong gabing iyon halos hindi makatulog si Trisha sa kaiisip sa kanyang ama. Anu nga ba itchura nito. Mayroon kaya silang pag kakahawig. Alam kaya niya na mayroon na siyang anak na dalaga at maganda. Napangiti si Trisha sa kanyang mga iniisip tungkol sa kanyang ama. Kahit busog siya sa pag mamahal ng ina. At halos ginagampanan niya bilang isang ina , ama at kaibigan sa kanyang buhay. Hinahanap parin ng kanyang isip at puso ang kanyang ama. Iba siempre lumaki na may ama na tinatawag. Lagi niyang kinasasabikan ang isang ama. Kinaiingitan niya ang ibang bata kalaro niya na lumaking kasama ang kanilang ama. Bakit kasi kakaiba siya sa karaniwang bata. Bakit siya isinilang na iisa ang magulang .
Kailan kaya itutuloy ng kanyang ina ang pag kukuwento ang nalalabi pang salaysay ng pag mamahalan ng kaniyang ina at ama. Parang hindi na siya makapag intay gusto niyang ngayon na malaman ang karugtong ng love story ng kanyang mga magulang. Pero alam niya na pag ayaw na mag salita ng kanyang nanay hindi niya ito mapipilit. Nag papasalamat nga siya ngayon at nag kusa itong mag kuwento sa kanya. Kusang ibinabahagi sa kanya ang masasayang pag iibigan nila. Ang mga masasayang araw na pinag saluhan ng kanyang mga magulang. Alam niya mayroon gustong iturong aral sa kanya ang kaniyang ina kaya ibinabahagi nito ang pinag kakaingatan niyang pag iibigan ng kanyang ama.
Kahit napuyat sa pag iisip si Trisha sa maaari niyang malaman tungkol sa kanyang ama ay maaga siyang gumising para sa pakikinig na ikukuwento ng kanyang ina. Pero hindi na niya ito nagisnan. Maaga daw umalis at may mahalagang lalakarin ito. Noong malaman na wala na ang kanyang ina bumalik uli siya sa kanyang kuarto. Bagsak ang kanyang balikat sa habang nag lalakad. Ang buo niyang akala ay malalaman na niya ang karugtong ng kuwento tungkol sa kanyang ama. Matulog na lang uli total ala naman si nanay para mag kuwento pabagsak nahiga sa kanyang kama . Laking dismaya ang naramdaman niya. napawi lahat ang kanyang saya .
Sa pag muni muni ni Trisha binasag ng pag ring ng kanyang cellphone. Sino ba itong storbong ito kung kailan nasa kalagitnaan ka ng pag iisip saka mag ri ring. Nakasibangot noong sagutin ang kanyang cellphone. Sa pag hellow niya narinig niya ang boses ng isang lalaki. Unti unting nag babago ang expresyon ng kanyang mukha. Ang nasa kabilang linya ang lalaking nag papangiti sa kanya at nag papagaang ng kanyang nararamdaman. Ito walang iba kundi ang lalaking nag papatibok ng kanyang puso. Si Darwin ang lalaking unang minahal ni Trisha at ito din ang dahilan kung bakit ngayon ang kanyang nanay nag kukuwento tungkol sa kanyang ama.
Si Darwin ang nag iisang lalaki na pumukaw sa kanyang natutulog na puso. Mabait ,marunong, at galing sa isang prominenteng pamilya. Pero si Darwin ay isang habulin ng mga babae. Dahil sa angkin kaguapuhan nito at isang sikat na basketball. Muling pumasok sa isipan ni Trisha iisa klase lalaki ang type nilang mag ina. Halos iisa ang katangian ng kanyang ama sa lalaking kanyang napupusuan. Kahit maraming babae ang nag kakandarapa na pansinin lang ni Darwin napaka suerte niya at siya ang minahal nito at sinuyo. Noong una ayaw niya dito kasi nga masyadong lapitin ng mga girls.
Kung ang ibang babae si Darwin ang nililigawan pero siya naman noon pilit niyang iniiwasan ito. Ayaw niya sa lalaking masyadong lapitin ng chicks. Baka masaktan lang siya pag dating ng araw. Pero habang iniiwasan niya ito saka namang tuksong nakipag kilala sa kanya at siya’y niligawan at sinuyo. Habang nag kakalapit sila sa isa’t isa ay siya namang unti unti na ring nahuhulog ang kanyang kalooban sa lalaki. Hindi niya mapigilan ang kanyang sarili na mapalapit kay Darwin . Nasa kanya na kasi ang lahat na mga katangian ng isang lalaki na hinahanap ng isang babae
Pero di pa niya ito sinasagot dahil sa pakiusap ng kanyang nanay na huwag muna mag mahal at makipag relasyon. Noong una nag hihimaksik ang kanyang kalooban kung bakit siya pinipigilan ng kanya nanay na umibig sa kanyang edad hindi na siya batang paslit na dapat pigilan 18yrs old na siya. Sabi nga ng iba botante na siya mayroon ng sariling pag papasya at pumili kung ano at sino ang gusto niya. kahit sa legal na batas mayroon na siyang sariling pag dedesisyon. Puede na lalu na sa ngalan ng pag ibig may roon na siyang karapatan pumili kung sino ang puede niyang mahalin. Bakit kaya ang kanyang nanay pinapakialaman nito ang kanyang damdamin.mapipigil ba niya ang pusong tumibok sa lalaking mamahalin niya. kaya noon nag tatampo siya sa kanyang nanay. Pero ngayon sa pag lalahad niya ng kanyang personal na dahilan ay kanya na itong naiintindihan. Kung bakit ganito siya kahigpit sa anak.
Kahit hindi niya gaano pinapansin si Darwin lalu naman ito naging masigasig sa pan liligaw. Ginagawa ang lahat ng paraan para magustuhan niya ito. Nahuli ni Darwin ang kanyang kahinaan. Ang mga padala niyang love notes na may kasamang bulaklak at chocolate. Alam na alam ni Darwin na ito ang weakness niya. kaya naman halos araw araw nag bibigay ito sa kanya. Alam ni Trisha may pag ka corny siya pero ito ang nag papakilig sa kanya. Lalu na ang mga sweet notes na tagos sa puso. Mga maliliit na bagay pero nakakataba ng puso. Dito nahuhulog ang loob ni Trisha. At alam na ni Darwin na mahilig siya dito at ito ang nag papakilig sa dalaga gagawin niya ang lahat magustuhan lang siya nito. Alam din ni Trisha na ayaw din ni Darwin na siya ang nililigawan ng mga babae at ang gusto niya siya ang lalaki siya ang dapat nanunuyo at nanliligaw.
Kaya dito sila nag kasundo pareho kung ang gusto ng isa siya naman gustong gawin ng isa. Si Trisha gusto siya ang sinusuyo at ginagawang baby. Si Darwin naman gusto niya siya ang nanunuyo para iparamdam niya na siya ang lalaki siya ang nakapantalon. Natutunan ng mahalin ni Trisha si Darwin kaso di pa niya ito masagot ng tahasan dahil sa kanyang nanay. Nangako siya di muna siya makikipag boyfriend hanggang hindi pa siya nakakatapos ng kanyang pag aaral. Naiintindihan naman ni Trisha ang kahilingan ng kanyang ina. Pero ano ang gagawin niya umibig na ang aba niyang puso. Hindi niya alam kung hanggang kailan niya kayang pigilan ang kanyang nararamdaman.
Alam ni Trisha nararamdaman na ni Darwin na may pag tatangi siya dito. Pero sinisikil lang niya ang kanyang sarili para sagutin ang kanyang iniluluhog na pag ibig. Alam din ni Darwin na mayroon pumipigil sa kanya para ilabas kung ano talaga ang laman ng kanyang puso. Anu ang magagawa ni Trisya lumaki siya na naging masunurin sa kanyang ina. Alam niya na bihirang humiling ito sa kanya. Lumaki siya na puro siya ang humihiling sa kanyang nanay. Wala siyang hiniling na di ibinigay sa kanya basta kaya lang niya ang hinihiling niya. iisa lang ang hiniling niya noon na di ibinigay ng kanyang ina. Ang kung sino ang kanyang ama. Kaya naman ang pakiusap nito na huwag muna siya mag boyfriend di siya nag dalawang isip na sumagot ng oo.
Sana lang hindi mainip si Darwin sa kaiintay sa kanya. Sana di ito mag sawa sa panliligaw sa kanya. Sana lang maintay siya ng lalaking tinatangi niya. Hindi niya alam kung hanggang kailan kakayanin mag intay ni Darwin. Natatakot siya na bigla na lang itong huminto sa panunuyo sa pag aakalang ala siyang pag mamahal dito. Pero anu ang kanyang gagawin ayaw niyang biguin ang kanyang ina. Pero ayaw din niyang mawala ang lalaking kanyang minamahal. Naguguluhan na si Trisha kung alin ang kanyang susundin. Ang kahilingan ng kanyang ina o ang lalaking nag papatibok ng kanyang puso.
Sa kanyang pag muni muni saka dumating ang kanyang ina. Noong nalaman niya na ang kanyang ina ang dumating bigla siyang bumaligwas sa kanyang higaan ang gusto niyang salubungin ito. Baka pag katapos niyang lumabas ay nasa mood siya para ituloy ang pag kukuwento. Pagkalapit ni Trisha sa kanyang ina inabot nito ang kamay at siya ay nag mano. Pinalaki siya ng kanyang nanay na maging magalang. Inalok pa niya ng isang basong tubig ang ina. Gusto niya na maging ok ang pakiramdam ng kanyang ina para ipag patuloy nito ang kanyang pag kukuwento. Alam ng kanyang nanay na inaabangan niya ang pag dating nito. Kahit hindi siya nag sasalita alam ng kanyang ina ang kanyang iniisip.
Isang matamis na ngiti ang ibinigay ng kanyang ina. Ang bait yata ng baby ko ahh! Ano ang gusto at may suhol ka pang isang basong tubig. Iyang kinikilos mo may gusto kang sabihin o hilingin sa akin kaya ka nag kakaganyan. Isang manipis na tawa ang pinakawalan ni Trisha at sabay yakap sa kanyang ina. Sabay bulong na kung puede ituloy na nito ang kuwento ng kanilang pag mamahalan ng tatay niya. sinasabi ko na nga ba na di mo ako hahayaan na mag pahinga muna. Talagang gustong gusto mong marinig ang aming kasaysayan ahh.Isang buntong hininga ang pinakawalan ng kanyang ina at sabi. Handa ka na bang makinig ulit sa aking ikukuwento. Bakit ba masyado kang interesado sa love life ko. Kasi naman noon ko pa gustong makilala si tatay ayaw mong sabihin sa akin kung nasaan siya o buhay pa o mayroon na siyang ibang pamilya.
Saan ba naputol ang kuwento ko sa iyo kahapon. Ang pag tatanong ng kanyang ina. Nandoon na tayo sa una ninyong pag kalimot sa isa’t isa. Noong magising kami na parehong alang saplot sa katawan. Hindi ko mapigilan ang mapahagulgol sa pag iyak. Noong makita ako ng tatay mo na umiiyak niyakap niya ako at inalo. Carol huwag kang mag alala pananagutan ko man kung anuman ang nag yari sa atin ngayon. Handa akong pakasalan ka kahit anong oras o araw mong gustuhin. Hinding hindi kita tatakbuhan. Alam mo naman na mahal na mahal kita. Kahit na ang buhay ko ang hilingin mo kaya ko itong ibigay sa iyo. Ganyan kita kamahal. Sa mga pangakong binitawan ni Marc tumigil na sa pag iyak si Carol.
Umuwi sila ng araw na iyo na kay daming agam agam sa puso’t isipan. Hindi alam ni Carol kung ano ang gagawin. Uuwi na lang ba siya at mag hihiwalay sa mga oras na iyon. Samantala si Marc na parang walang nag yari sa kanila. Naging sunod sunuran siya sa lahat sabihin ni Marc. Umuwi si Carol na nag kukuwanri na walang nagyari sa kanila ni Marc. Walang nakahalata sa kanila na hindi na siya virgin. Na nakipagtalik siya sa lalaking kanyang minamahal. Ang routine nila walang nabago tawagan at halos araw araw nag uusap pa rin sa telephono at doon napatunayan na parang wala lang nagyari sa kanila. Hindi makapaniwala si Carol na para kay Marc ok lang ang lahat sa nagyari sa kanila. Bakit sa kanya parang walang nag yari sa kanilang pero kay Carol parang ang laki laki ang naganap sa buhay niya.
Sabi ni Marc huwag kang mag alala. Mahal na mahal kita at wala kang dapat ikatakot. Kung sakali mang mag bunga ang ating pag mamahalan di mag pasalamat tayo at mag kakaroon na tayo ng anak. Kahit anong oras handa naman kitang pakasalan. Kaya huwag kang mangamba kung mayroon nagyari sa atin. Natural lang iyon sa dalawang taong nag mamahalan. Hinimas ni Marc ang buhok ni Carol at ito kanyang hinalik halikan. Sa mga dampi ng halik ni Marc nag kakaroon ng katiwasayan ng damdamin si Carol. Naniniwala siya sa lahat ng sabihin ng kanyang minamahal. Ramdam na ramdam ni Carol na mahal na mahal siya ni Marc ng mga sandaling yaon.
Wala na siyang mahihiling pa sa kanilang relasyon. Patuloy at kung mayroon pag kakataon at muli nilang pinag sasaluhan ang kaligayahan. Nag mistulang parang mag asawa na sila. Hindi na natatakot si Carol sa kanilang pag sasanib muli. Parang isang parte na ng kanilang relasyon ito. Dumating ang araw ng pasukan humanap sila na matutuluyan alam nila na di pa sila puedeng mag sama sa isang kuarto. Pero lihim sa kanilang mga magulang ang kinuha nilang tirahan yong mag kasama na sila. Kaya lalu silang naging Malaya . Nag sama sila ng parang isang mag asawa. Pero pinilit nilang hindi nila mapabayaan ang kanilang pag aaral. Sabay silang nag aaral ng kanilang lesson at pag katapos muli silang nag sasalo sa kaligayahan.
Walang kamalay malay ang kanilang mga magulang sa kanilang ginagawa. Hanggang dumating ang isang pangyayari na di nila inaasahan. At dahil dito nag umpisa ang pag durusa ng kanilang puso. Dahil dito kinailangan nilang mag hiwalay ng habang buhay. Lingid sa kanilang kaalaman dinadala napala ni Carol ang bunga ng kanilang pag mamahalan. Ni sa hinagap hindi nila akalain na hahantong sa ganito ang kanilang pag mamahalan. Dahil sa kanya kaya sila nag kalayo ni Marc. Ang ngayon nag durusa siya sa kasalanan hindi niya ginusto.
Habang papauwi sila galing sa school mayroon mga lalaking humarang sa kanila. At pilit na kinukuha si Carol. Ang mga lalaki mukhang lasing sa pinag babawal na gamut. Halos sa harap ni Marc gustong gahasain si Carol. Nag dilim ang paningin ni Marc at itoy nag laban. Dahil sa pag tatangol kay Carol nakapatay si Marc. Napatay ni Marc ang dalawa sa mga ito. Kamalas malasan mo isang anak mayaman ang napatay ni Marc. Kaya naman nahatulan ito ng habang buhay. Habang si Marc hinahatulan at lumalaban na selfdefence lang ang kanyang ginawa. Wala paring nagawa ang mga magulang nito. Habang buhay parin ang naging hatol sa kanya. Samantala habang tumatagal ang tiyan ni Carol ay lumalaki. Hindi niya akalain na mag bunga ang kanilang pag mamahalan.
Noong malaman ni Marc na buntis si Carol. Hiniling nito na ilihim sa kanilang anak nasa kulungan siya. Ayaw niya na lumaki ang anak nila na sabihin na isang criminal ang kanyang ama. Ayaw pumayag ni Carol alam niya na walang kasalanan ang kanyang minamahal. Dahil lang sa maimpluwensyang pamilya kaya siya nag durusa sa kasalanan hindi niya ginusto. Ipinag tangol lang siya nito sa gustong sumalbahe sa kanya. Doble doble ang pag hihinagpis ni Carol. Halos hindi makapaniwala ang kanyang mga magulang na nag dadalantao ang kanilang anak.
Naging regular ang pag dalaw ni Carol sa kulungan kahit malaki na ang kanyang tiyan. Pero si Marc mayroong kahilingan kay Carol. Pag katapos manganak ipag patuloy niya ang kanyang pag aaral at huwag ipaalam sa kanilang anak kung nasaan siya. Ayaw pumayag si Carol sa kagustuhan ni Marc. Mahal na mahal parin niya si Marc kahit habang buhay ang hatol sa kanya. Dahil ayaw tumigil si Carol sa pag bisita sa kanya. Si Marc na ang gumawa ng paraan para mapilitang huminto si Carol sa pag dalaw. Tuwing dadalaw si Carol hindi siya nilalabas ni Marc. Ni ang mga pasalubong na kanyang dinadala hindi tinatangap. Hanggang inilipat siya sa ibang kulungan. At hiniling ni Marc na huwag ipaalam kay Carol kung saan siya ililipat. Kaya mula noon nawalan na sila ng communication sa isa’t isa.
Nasira ang kinabukasan ni Marc ng dahil sa kanya. Kaya naman hindi na muling umibig pa si Carol ang puso niya si Marc pa rin ang itinitibok nito. At alam din ni Carol na hanggang ngayon siya pa rin ang mahal ni Marc. Kaya naman pinag sumikapan ni Carol ang lahat ng kanilang pangarap na marating. Ang mga pangarap na sabay nilang binuo mag isang binigyan ng katuparan ni Carol. Nag aral na mabuti at pinalaking mag isa ang kanilang anak. At sinunod din niya ang kahilingan nito na huwag sabihin kung nasaan ang kanyang ama.
Sa katagalan sa pakikiusap ni Carol sa mga magulang ni Marc kung nasaan itong kulungan at gusto niyang dalawin ma lang. Sa awa sa kanya ibinigay nila kung nasaan ito. Laking pag tataka ni Marc kung bakit niya nalaman kung nasaan siya. Sa muli nilang pag kikita doon nalaman ni Carol na kahit bahagya walang nabawas sa kanyang pag mamahal dito. Mahal na mahal parin niya si Marc. At ganoon din si Marc ang dakila niyang pag ibig ni minsan hindi niya nakalimutan. Sa araw araw na ginawa ng Diyos wala siyang iniisip kundi ang kanyang mag iina. Ano ang kanyang magagawa. Habang buhay ang hatol sa kanya. Ayaw naman niyang ikulong pati ang kalayaan ng mahal niya sa buhay.
Kahit ipinag tutulakan na ni Marc si Carol na humanap ng ibang lalaki na mag mamahal sa kanya at sa anak nila. Pero laging sagot ni Carol hindi natuturuan ang puso kung sino ang mamahalin nito. Kaya sinisikap ni Marc na mag pakabuti sa loob para mabigyan siya ng parol. Para makasama naman niya ang kanyang mag iina kahit man lang sa huling mga taon ng kanyang buhay. Bakit nga ba ganoon ang batas ng tao. Hindi patas para sa mayaman at mahirap. Alam ng Diyos na ipinag tangol lang siya ni Marc sa mga lalaking walang mga puso.
Hindi alam ni Trisha na kaya maagang umalis ang kanyang ina dumalaw ito sa kanyang ama. Upang ipaalam na handa na siyang ipag tapat sa kanilang anak ang katotohanan. Hiningi niya ang permiso nito para sa pag lalahad ng katotohanan. Lingid kasi sa kaalaman ng kanyang anak kung mayroon siyang pag kakataon dumadalaw siya ng palihim kay Marc. Kung siya nga ang masusunod gusto niyang mag pakasal sila ni Marc pero ayaw nito. Ayaw niyang itali si Carol sa isang relasyong alang katiyakan. Gusto niya na muling mag mahal ito at ng maging normal ang kanyang buhay. Pero sabi nga niya kay hirap turuan ang puso. Kung puede nga lang daw sana matagal na niyang tinuruan ito na limutin siya at mag mahal ng iba.
Sa natuklasan ni Trisha tungkol sa kanyang ama anu ang kanyang mararamdaman? Matangap kaya niya ang kanyang ama? Hindi kaya siya madismaya na kay tagal niyang pinangarap makilala iyon pala ay isang bilango ang kanyang ama? Paano tatangapin ni Trisha ang katotohanan. ABANGAN!! Ni Rhea Hernandez***** May 25, 2012 *****
No comments:
Post a Comment