Tuesday, May 8, 2012

INA NASAAN KAMAN!!

INA NASAN KAMAN!!

Ni Rhea Hernandez

Pinoy poems




mula pag kabata ikaw ang kanlungan

mga nararamdaman iyong naiintindihan

kailan ko kaya muling mararamdaman

mga pangaral at paalala hindi malilimutan



mga alaala mo sa puso aking iingatan

magagandang halimbawa dito aalagaan

pag tanaw sa kawalan ikaw nasisilayan

mga pangaral mo siya kong kinakapitan



sabi mo noon isa ako sa iyong kayamanan

ikaw nag bigay ng aking pangangailangan

sa lahat ng sandali ako iyong ginagabayan

magagandang bagay ikaw nag bigay sa isipan



kung ako’y nahihirapan lagi dinadamayan

bawat sandali pag mamahal nararamdaman

mga aking kakulangan iyong naiintindihan

hindi ka nag sasawang ako’y iyon gabayan



sa iyong pag panaw di matangap ng isipan

iyong mga huling sandali di kita nasilayan

kaya naman doble ang aking kalungkutan

wala ang aking inang siyang nasasandigan



ikaw tinuturing na matalik na kaibigan

sa lahat ng oras aking napag susumbungan

sa bawat sandali ikaw lang aking takbuhan

walang kapara ang  ating pagmamahalan



ang kahinaan ikaw nag bibigay ng kalakasan

sa bawat sandali kadamay sa kalungkutan

hindi ka nag sasawa ako’y iyong tulungan

lagi mong pinupunan ang aking kakulangan



saan man naroon hangad ko ang katiwasayan

sa iyong pagpanaw alam kong dina mahihirapan

katiwasayan iyong makakamtan katahimikan

alam kong masaya kana dyan sa kalangitan

ni Rhea Hernandez May 8, 2012


No comments:

Post a Comment