KAWALAN
Ni Rhea Hernandez
Pinoy poems
laging nakatingin sa kawalan
lumilipad itong aking isipan
tuwing naalala ang kasawian
pag susuyuan natin nakaraan
puso ko dama ang kapighatian
sa mga sakit nararamdaman
dulot noong ikaw ay lumisan
sa buhay kay laking kakulangan
pinipilit huwag magkasakitan
pero kailangan kong bitawan
para di tayo magkasubukan
pinipilit kong wag pakawalan
ayaw isipin ang kalungkutan
kakulangan sa iyong kandungan
kaya pinipilit kong pinupunan
ang nararamdamang kabiguan
pero di ka maalis sa isipan
di kita maalis sa katauhan
ikaw ang aking kahinaan
ikaw din siyang kalakasan
kaya naman kawalan nararamdaman
Bakit ganito aking nararamdaman
May kirot pa akong binabalikan
Kaya ko na bang lumaya sa iyo?
Bakit kay hirap mag isang tumayo!
Kailan makakalimot sa siphayo?
Mga pighati hatid sa puso ko.
Mga alala natin di makalimutan
Mga sumpaan natin nakalimutan
Kaya ngayon tayo’y nasasaktan
Kaya ang mga puso natin sugatan
Mga mata nakatanaw sa kawalan
Nag iisip bakit ngayon nahihirapan
Itong puso kong naging sugatan
Sa iyong paglisan sa ating suyuan
Ni Rhea Hernandez April 26 2012
No comments:
Post a Comment