Thursday, April 26, 2012

PAG SINTANG WAGAS


PAG SINTANG WAGAS

Ni Rhea Hernandez

Pinoy poems




Mga nagdaan araw ikaw ang ligaya

Nag bibigay ng kaligayahan at saya

Dito sa puso alang mapagsidlan ligay

Hindi pinaniniwalaan ang  sinasabi nila



Ikaw lang ang nag iisa dito sa puso ko

Pag dating ng panahon papatunayan ko

Pag ikaw ay kapiling anong saya ng puso

Ito ang siya nararamdaman nating pareho



Ang dalawang puso natin nag mamahalan

Walang puwang ang kalungkutan at alitan

Laging nag hahari sa puso ay kaligayahan

Bawat sandali tayo’y mag dadamayan



Ang dalawang nag mamahalan dapat may tiwala

Para maiwasan ang selosan at bangayan tuwina

Ang kalungkutan walang lugar sa pag sasama

Ang dalawang pusong nag mamahalan masaya



Pag lipas ng panahon tayo pa rin mag kasama

Ang puso natin ay mag katugon ang ligaya

Sa lahat ng pag kakataon handang mag paraya

Sa bawat kaligayahan ng bawat isa kinasasaya



Ang mahalaga kung ano ang laman ng damdamin

Kahit dumating ang malaking pag subok kayanin

Sapagkat mag kaugnay ang dalawang puso natin

Sa lahat ito ang mahalaga huwag babalewalain



Ang pag mamahalan siyang nag bibigay saya

Sa pag sasama ang buong paligid nakikisama

Mag bibigay magandang kulay sa atin tuwina

Kahit anong problema kakayanin basta kasama



Sa bawat gawin ikaw ang laging kasangga

Ikaw lang ang mamahalin wala ng iba pa

Nag iisang minamahal ng puso ko talaga

Huwag matakot ikaw lang ninanais kasama



Dahil sa kahirapan kailangan lisanin ka

Sa ibayong dagat doon pumaroon nakibaka

Ngayon masusubukan ang ating pagsasama

Ang dakilang pag mamahalan susubukin na



Sana pag lipas ng panahon di mag bago

Darating ang panahon muling mag tatagpo

Muling ipapadama ang init ng yakap mo

Kahit kailan di lilimot ang dalawang puso



Hindi lilimot kahit ano ang mangyayari

Nandito nag iintay ang puso ko parati

Huwag mangamba puso’t isipan lalagi

Nag mamahal sa iyo kahit ano mangyari



Muling darating panahon magkakatagpo

Hindi na muli pang lalayo sa piling mo

Puro tuwa magiging laman ng puso ko

Sa muling pagtatagpo ng ating pag suyo



Basta lagi mo lang tatandaan ikaw mahal

Mamahalin habang may buhay aking dasal

Lalung tumitibay ang pagmamahalan dahil

Sinusubok ng panahon ang ating pag mamahal              

By Rhea Hernandez April 26, 2012


No comments:

Post a Comment