Wednesday, April 11, 2012

KAHAPON

KAHAPON

Ni Rhea Hernandez

Pinoy poems




Kay lungkot lingunin ang kahapon

Maalala mo ang magagandang pag kakataon

Mga nag yari sa buhay na pinagdaanan mo noon

Sa gunita na lang masarap balikbalikan ngayon



Madalas mong itanong bakit tayo ganito ngayon?

Kay ganda ng ating pinagsamahan simula noon

Mga ligayang lumipas saan na nga ba pumaroon

Bakit bakas ng pag susuyuan na lang ang naroon.



Ang buong akala ko noon walang dapit hapon

Sa pag iibigan di akalain dumating ang panahon

Na kinatatakutan ko noon mawala ka at maglimayon

Sisikat pa ba ang bukang liwayway sa buhay ko ngayon



Bakit kay hirap balikan ang mga araw na masasaya

Maibabalik pa ba ang dating kahapon pagsasama

Mga ngiti sa labi at kislap ng mga mata biglang nawala

Ang buhay ko dina tulad ng dating masaya sa tuwina



Bakit nga ba kay ilap makamtam ang tunay na ligaya

Wala na bang paraan para umasam ng kaunting pag asa

Ang mga pag sisikap ginawa para sa magandang umaga

Pero sadya kay daming balakid ang maging maligaya



Anu ba ang naging kasalanan at iyong kinalimutan

Ang mga masasayang kahapon kay sarap balikan

Kay dami na nating pinagsaluhan ating nakaraan

Mga gunitang na siya pinagdaanan atin samahan



Ang buhay ko sa iyo lang umikot noon at kasalukuyan

Bakit hindi mo ako tinuruang malayo ng tuluyan

Bakit kinakailangan saktan mo ang pusong sugatan

Bakit kay daming tanong nitong pusong luhaan



Hindi ako mabubuhay kung mawawala ka ng tuluyan

Ngayon batid mo na huwag mo sanang pag tawanan

Mga pag yayakapan aking itong kinasasabikan

Matitikman ko pa ba na ikaw aking mahawakan



Isa na lang itong malungkot na kahapon sa buhay

Mga alala sa gunita ko na lang laging dumadaloy

Mga hinaing ng kahapon sa puso’t isipan nanaghoy

Buhat noong mawalay ang buhay naging malumbay

Copyright by Rhea Hernandez  4/11/12


No comments:

Post a Comment