NGITI SA MGA LABI
Ni Rhea Hernandez
Pinoy poems
pag aking pinag mamasdan ang mga labi
parang sa puso mo nanggagaling ang ngiti
nakakalimutan ko ang nadaramang pighati
sobra sobrang kaligayahan ang nag hahari
pag pinagmamasdan ka puso ko natutuwa
mga ngiti sa iyong labi ay makakahalina
parang mga bulaklak sa hardin nag aanyaya
humahalimuyak ang bango sa tuwi tuwina
walang katumbas na halaga ang dulot mo
ang handog mong kaligayahan sa puso ko
pag mamahal na dumadaloy walang hinto
sa piling mo giliw aking laging natatamo
ang mga labing kay sarap halikan
araw at gabi pinapangarap mahalikan
lalu na iyong iniaalay sa aking harapan
mapupulang labi aking kinasasabikan
ikaw ang nagbigay kulay sa kapaligiran
nga ngiti mo’y siya kong kaligayahan
nag bibigay ng buhay sa aking kalungkutan
mga halakhak mo siya kong kinasasabikan
huwag mo sana ako’y iyong pagtawanan
nag sasabi lang ako sa iyo ng katotohanan
ikaw ang nag bigay ng lakas at kahinaan
kailan ko kaya matatagpuan ang kalayaan
kailan ang puso ko iyong maiintindihan
aking pangarap sa humimlay syo kandungan
dito ko mararamdaman ang kapayapaan
huwag mong iiwasan kung ano kapalaran
pag aking nasasamyo ang iyong bango
ang pag tibok ng aking puso humihinto
pero huwag mag alala di ako hihinto
sa pag asam na makapiling kang totoo
tuwing natatanaw mga ngti sa iyong labi
hindi mawawalan ng pag asa mangyayari
mga minimithi sa labi mamumutawi
sa aking puso laging mananatili nakangiti
copyright by Rhea Hernandez 4/12/12
No comments:
Post a Comment