Thursday, April 26, 2012

KAWALAN


KAWALAN

Ni Rhea Hernandez

Pinoy poems




laging nakatingin sa kawalan

lumilipad itong aking isipan

tuwing naalala ang kasawian

pag susuyuan natin nakaraan



puso ko dama ang kapighatian

sa mga sakit nararamdaman

dulot noong ikaw ay lumisan

sa buhay kay laking kakulangan



pinipilit  huwag magkasakitan

pero kailangan kong bitawan

para di tayo magkasubukan

pinipilit kong wag pakawalan



ayaw isipin ang  kalungkutan

kakulangan sa iyong kandungan

kaya pinipilit kong pinupunan

ang nararamdamang kabiguan



pero di ka maalis sa isipan

di kita maalis sa katauhan

ikaw ang aking kahinaan

ikaw din siyang kalakasan



kaya naman kawalan nararamdaman

Malaya naba ako sa ating nakaraan

Bakit ganito aking nararamdaman

May kirot pa akong binabalikan



Kaya ko na bang lumaya sa iyo?

Bakit kay hirap mag isang tumayo!

Kailan makakalimot sa siphayo?

Mga pighati hatid sa puso ko.



Mga alala natin di makalimutan

Mga sumpaan natin nakalimutan

Kaya ngayon tayo’y nasasaktan

Kaya ang mga puso natin sugatan



Mga mata nakatanaw sa kawalan

Nag iisip bakit ngayon nahihirapan

Itong puso kong naging sugatan

Sa iyong paglisan sa ating suyuan

Ni Rhea Hernandez April 26 2012


No comments:

Post a Comment