Wednesday, April 18, 2012

LOVE STORY "ROSALINDA"

LOVE STORY  “ROSALINDA”

Ni Rhea Hernandez

Pinoy poems




              Si Rosalinda simpleng buhay lang ang kanyang kinagisnan. Pero nangarap siya makatikim ng kahit kaunting ginhawa. Kasama ang kanyang mga mahal sa buhay. Mabigyan niya ng kaunting ginhawa. Kaya naman napilitan siyang mag trabaho sa ibang bansa. Dito niya naranasan ang pangungulila sa mga mahal niya sa buhay. Lahat ng mga magagandang pangyayari sa buhay niya kanyang binabalikan para lang makalimutan niya ang matinding pangungulila sa mga ito. Lalung laluna ang naiwan niyang kasintahan. Mahal na mahal niya ito at ganoon din ito sa kanya.

              Wala silang pinapangarap na balang araw lumagay sila sa matahimik nabuhay. Pangarap nilang mag pakasal sa darating na panahon. Gusto nilang mapag handaan ang magiging kinabukasan ng magiging mga anak nila. Kaya naman nag sasakripisyo silang mag kalayo sa isa’t isa pang samantala. Malaki ang tiwala ni Rosalinda sa Boyfriend niyan si Rolando. Kaya naman wala siyang alinlangan noong siya makipag sapalaran sa malayong lupain ng mga banyaga. Alam niya na matatag ang kanilang pag mamahalan. Regular ang pag papalitan nila ng mga tawag, at pag uusap sa pamamagitan ng makabagong internet. Salamat na lang mayroon ng yahoo at facebook

              Sa dalas nilang pag uusap parang  nasa Pilipinas pa rin siya. Hindi nag babago ang kanilang mga nararamdaman. Bagkus lalu pa itong pinag titibay ng pag kakalayo nila. Dito nila napatunayan na kahit na mag kalayo sila ang pag mamahalan nila lalung tumitindi. Lalu silang nasasabik sa isa’t isa. Patuloy sa pangangarap na balang araw ikakasal sila at mag kakaroon ng mga anak na siyang  lalung mag uugnay sa kanilang pag mamahalan. Si Rolando ang nag sisilbing kalatas niya para makayanan ang mga hirap at pangungulila sa kanyang mga magulang at mga kapatid. Ang pinapadama nitong pag mamahal siyang nag papalakas ng kanyang loob na kayanin ang mga hirap niyang pinag dadaanan sa pag tratrabaho sa ibang bansa.

              Lumipas ang mga araw at buwan lalung sumisidhi ang kanilang pag mamahalan. Subalit pag kalipas ng isang taon dumalang ang kanilang pag uusap at pag kikita sa internet. Hindi malaman ni Rosalinda kung bakit biglang nag lamig ang kanyang BF sa kanya. Hindi niya malubos maisip bakit nag kakaganito siya. At tuwing mag kakausap sila ayaw nitong mag pakita sa cam. Kaya naman nakuha niyang mag tampo sa kanyang BF. Pero wala siyang magawa. Dahil sa pangungulit ni Rosalinda sa BF niya napilitan itong mag pakita sa cam. Laking gulat ni Rosalinda bakit biglang bumagsak ang pangangatawan nito. Para bang mayroong mabigat na karamdaman. Ito ba ang dahilan kaya dumadalang ang kanilang komunikasyon dalawa. Ayaw niyang mag alala si Rosalinda sa kalagayan nito.

              Tinanong ni Rosalinda kung ano na ang nag yayari sa kanya. Dito niya nalaman na mayroon palang karamdaman si Rolando. Mayroon siyang cancer sa liver at ito ay nasa stage 4 na. Ayaw na sana ipaalam ni Rolando ang kanyang karamdaman. Ayaw din niyan isipin ni Rosalinda na kaya siya di nakakapag on line dahil mayroon na siyang ibang minamahal. Lilisan siya sa mundo na si Rolalinda lang ang laman ng kanyang puso. Hindi niya kayang saktan ang babae kanyang minamahal. Iisa lang ang kanyang iibigin walang iba kundi si Rosalinda. Kaya kung maaari ayaw niya itong mag alala sa kanya. Ayaw niya itong saktan bigyan ng problema habang nasa malayo siya. Gustong gusto ng umuwi ni Rosalinda para alagaan nag kanyang pinakamamahal. Pero hindi niya magawa kasi ayaw ibigaw ng kanyang amo ang pasaporte niya. kailangan daw tapusin niya ang kanyang kontrata.

             

              Araw at gabi walang iba nasa kanyang isipan kundi ang kasintahan nag dadanas ng malubhang karamdaman. Lagi niya naitatanong sa panginoon bakit si Rolando pa ang dinapuan ng sakit na alang lunas. Kay daming dyan na halang ang kaluluwa bakit hindi ito ang binigyan ng malubhang karamdaman. Bakit kung sino pa ang malapit sa Diyos at ubod ng bait siya pa ang nag dadanas ng ganitong karamdaman. Hindi malaman ni Rosalinda kung ano ang kanyang gagawin. Nahahati ang kanyang atensyon. Hindi niya maipokus ang buo niyang pag iisip sa kanyang trabaho. Napapatulala siya turing naiisip niya ang kanyang kasintahan. Panay ang dasal ni Rosalinda sana abutan pa niyang buhay ang lalaking nag patibok sa kanyang puso. Habang lumalakad ang mga araw nasasabik si Rosalinda na makauwi na siya sa Pinas. Para masilayan niya ang lalaking pinakamamahal niya.

              Patuloy ang kanilang ugnayan sa pamamagitan ng facebook. Tuwing makikita niya si Rolando unti unti na  itong pinapanawan ng lakas. Halos hindi na nga niya ito makausap ng matagal at nakakaramdam na ng pag hihina. Malakas ang paniniwala ni Rolando na gagaling siya mag hihimala ang langit. Bibigyan pa siya ng mahaba habang araw para mabuhay. Kahit minsan pag sumusumpong ang sakit na nararamdaman nakakagat na lang niya ang kanyang mga labi upang tiiisin ang sakit na kanyang nararamdaman. Walang gabi na hindi tumutulo ang kanyang mga luha. Mga impit na dalangin na sanay mawala na ang sakit na kanyang dinadanas.

              Lumipas ang mga araw at buwan dumating na ang pinakahihintay ni Rosalinda ang katapusan ng kanyang kontrata. Kaya noong huli silang mag usap ni Rolando kaunting tiis na lang at mag kikita na muli sila. Pilitin mong huwag bumitiw. Pang hawakan mo ang ating pag mamahalan ang sabi ni Rosalinda. Intayin mo ako malapit na akong umuwi. Isang kiming ngiti ang ibinigay ni Rolando sa kanya. Huwag kang mag alala lumalaban ako. Mag sasama pa tayo ng matagal. Iintayin ko ang iyong pag babalik. Matitikman ko ulit ang iyong mga labi at yakap. Mga halik na punong puno ng pag mamahal. Lagi mong tatandaan Rosalinda ikaw lang ang babae dito sa puso ko. Babaunin ko ang ating pag mamahalan hanggang sa aking kamatayan. Ganyan kabusilak ang aking pag mamahal sa iyo. Dangan nga lang hindi tayo sinuwerte. Nag karoon ng hadlang ang ating pag mamahalan. Ang tadhana na ang nakialam sa ating wagas na pag mamahalan.

              Umaagos ang mag luha ni Rosalinda hindi niya mapiglan ang kusang pag laglag sa kanyang mga mata. Parang alang katapusan ang sakit na kanyang naramdaman. Hindi niya kung kailan niya makakayanan na tignan ang lalaking kanyang iniibig sa ganoong kalagayan. Dumating na ang araw na ang pag babalik ni Rosalinda sa Pilipinas. Noong sumapit sya sa airport parang gusto na niyang liparin ang kinalalagyan ng lalaking kanyang minamahal. Sa wakas makikita na niya ang lalaking kanyang ninamahal. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lang ang kanyang kaba sa kanyang dibdib. Bakit kabadong kabado siya sa mga sandaling iyon. Kaya naman bago pa siya umuwi sa kanyang mag magulang kay Rolando muna siya tumuloy. Gusto muna niya makita ang lalaking kanyang minamahal.

              Pero pumapasok pa lang siya sa pintuan nag tataka na siya kung bakit marami tao sa bahay nila. Nandoon ang kanyang malalapit na kamag anak. Noong pumapasok siya halos lahat ng mga nandoon ay nag bubulungan. Nag tataka man siya ang una niyang hinanap ang kanyang mahal. Ang ina ni Rolando ang sumalubong sa kanya. At ang sabi nasa room ito at iniintay siya sa kanyang pag dating. Parang may mga pakpak ang kanyang mag paa sa  pag pasok ng kuarto ng kanyang minamahal. Nakita niya ito na nakahiga sa isang kama. At ang sabi ng kanyang ina Rolando nandito na si Rosalinda. Di ba ang tagal mo na siyang iniintay sa kanyang pag dating. Idinilat ni Rolando ang kanyang mga mata. At pilit itinataas ang kanyang ulo sa para salubungin ang babaeng kanyang minamahal. Unti unting lumapit si Rosalinda sa kanyang kasintahan. At sabay yakap at halik dito at kinamusta siya. Isang ngiti ang namutawi sa kanyang labi. At isang mahinang bulong ang kanyang sinambit. Kay tagal kitang inintay sa iyong pag babalik. Ngayon nandito ka na matiwasay na ang aking kalooban.  Handa na ako sa anu pa man. Kaya ko ng tangapin ang aking kapalaran sa mga sandaling ito. Panay agos ng luha ni Rosalinda habang pinakikingan ang mga sinasabi ni Rolando. Kahit hirap na hirap ito sa pag sasalita pinilit niyang tapusin ang kanyang sinasabi. Alam ni Rosalinda na kay tagal inintay ng kanyang kasintahan ang kanyang pag babalik.  Pag katapos ng mga pamamaalam ni Rolando. Hiniling nito na sana minsan pa gawaran siya ni Rosalinda ng isang halik at yakapin siya ng mahigpit.

              Dali daling tumalima si Rosalinda sa kahilingan ni Rolando. Habang yakap yakap ni Rosalinda si Rolando hinigit nito ang kanyang balikat. Isang napakalakas na sigaw ang namutawi sa bibig ni Rosalinda. Hindi niya akalain na sa kanyang pag babalik siyang araw ng kamamatayan ng lalaking pinakamamahal niya. Sa kanyang mga bisig ito malagutan ng hininga. Sadya lang initay ni Rolando ang kanyang pag babalik para makapag paalam. Hindi mabitiw bitiwan ni Rosalinda ang kanyang si Rolando. Hindi niya matangap na wala na ito. Kay tagal niyang inasam na mag kakasama sila sa kanyang pag babalik bakit ito ang naging pasalubong sa kanya. Ang huling araw niya sa mundong ibabaw. Kay sakit ni hindi niya naalagaan ang lalaking kanyang minamahal.

              Umuwi lang sandali si Rosalinda upang ipabatid sa kanyang mga magulang na dumating na siya. At upang mag paalam na din na habang nakaburol si Rolando doon muna siya sa burol nito. Sasamahan  niya ito hanggang sa kanyang  huling hantungan. Halos di niya iniiwan ang kabaong ni Rolando. Halos ayaw niyang malayo man lang sa kabaong nito. Hindi mapatid ang kanyang mga luha sa pag agos. Bakit napakalupit ng kapalaran. Bakit hindi man lang binigyan sila kahit ilang araw na mag kasama. Bakit kailangan sa araw mismo ng kanyang pag babalik saka ito pumanaw. Kay daming tanong pero wala siyang makapang kasagutan. Ang pinag papasalamat na lang niya kahit papaano nakapag paalam ito sa kanya. Na intay siya marami ang nag bubulong bulungan na sadya kay laki nagagawa ng pag mamahal. Kay tagal din nilabanan at nag tiis ng hirap at sakit si Rolando.  Para lang makapag paalam ng personal sa kanyang minamahal.

              Sa ganitong mga sandali muling bumabalik sa kanya ang mga alala noong hindi pa siya nag aabroad. Damang dama niya ang pag mamahal ni Rolando noon. Ang pag aalaga sa kanya. Sa walang sawang pag paparamdam kung gaano siya kamahal nito. Ang pagiging gentleman nito sa bawat sandali. Ang kanilang  pamamasyal sa kahit sa Luneta lang. kasi kapwa silang walang pera. Naipadama ni Rolando kung gaano siya kamahal nito. Kahit noong mag paalam siya na mag tratrabaho sa abroad hindi ito tumutol. Bag kus sinuportahan pa siya sa kanyang ambisyon. Kahit na mag kalayo sila hindi ito nag kulang. Naging madalang lang ang kanilang kommunikasyon noong may sakit na ito.

              Kahit na nga banana que o kaya kamote que at gulaman at sago ang kanilang miyenda masaya sila at maligaya. Bumubuo sila ng mga pangarap kung ilang anak ang kanilang gagawin. Tama na nga daw ang dalawa kasi mahirap ang buhay. Para daw mabigyan nila ng magandang kinabukasan. Ayaw nila na mag aanak sila pero di naman nila kayang pag aralin at mabigyan ng tamang pag aaruga. Mag sisikap sila para sa kanilang kinabukasan. Paano pa ngayon matutupad ang mga panagrap na iyon . pumanaw na siya bago pa mag karoon ng katuparan ang mga pinapangarap nila.

              Sa araw ng libing ni Rolando halos himatayin si Rosalinda. Nag tataka man ang ilang mga nakilibing kung sino siya. Pero malakas ang bulong bulungan na siya ang kasintahan ni Rolando. Marami ang nag tataas ng kilay alam niya. akala mo asawa siya kung umasta. Samantala kasintahan lang naman siya. Pero ang mga ito di niya pinapansin sapagkat mahal na mahal niya ang lalaking ito. Hindi niya alam kung kailan siya makakarekober sa pag kawala ng lalaking kanyang minamahal. Hindi niya alam kung paano na ang mabuhay na wala si Rolando. Alam niya kahit kailan hindi na niya makikita pa ang lalaking nag bigay sa kanya ng isang libo at isang laksang kaligayahan sa buhay. Paano nga ba ang mabuhay na wala na siya. Paano nga ba mangarap kung wala na ang katuwang mo sa pangangarap. Paano nga ba mabuhay muli na wala na ang nag bibigay kulay ng buhay mo.

              Pag kawala ni Rolando para na rin nawala ang kaligayahan niya. hindi niya alam kung paano siya muling tatayo sa at mag move on. Paano nga ba niya haharapin ang kanyang kinabukasan ngayon wala na ang kanyang pinakamamahal. Ilang araw din na kulong sa kanyang kuarto si Rosalinda. Gusto niyang mag isa para gunitain ang mga magagandang pinagsamahan nila ni Rolando. Sa mga pakiusap ng mga magulang niya at napag isipan niya hindi magiging maligaya si Rolando kung nasaan  man ito kung hindi siya mag move on. Alam niya na hindi matatahimik ang kanyang kaluluwa hanggang hindi niya hinaharap ang kanyang kinabukasan. Kahit siguro nabubuhay si Rolando hindi papayag ito na mag mukmok na lang siya sa kanyang kuarto. Kaya nag desisyon muli si Rosalinda na mag apply muli ng trabaho sa ibang bansa. Ito ang kanyang naisip upang kahit papaano makalimot siya sa pag kawala ng kanyang kasintahan.

              Sana sa pag dating ng araw matuto muli siyang umibig at mag mahal. Sana makatagpo muli siya ng isang lalaki katulad ni Rolando na minahal siya ng lubusan. Hindi nag tagal muling nilisan ni Rosalinda ang bayan kanyang sinilangan. Nakipag sapalaran siyang muli. Mag susumikap siya para pag handaan ang kanyang kinabukasan. Alam niya darating din ang panahon muli siyang mag mamahal pero hindi pa lang sa ngayon. Darating din ang tamang lalaki para sa kanya. Hindi siya nawawalan ng pag asa. Habang nabubuhay alam niya mayroon pag asa. At pag dumating ito alam niya magiging maligaya si Rolando para sa kanya. Alam niya lagi siyang binabantayan nito para lagi siyang ligtas sa mga kapahamakan. Siya ang mag sisilbing guardian niya sa bawat kanyang ginagawa. Alam niya na kahit wala na ito sa piling niya hindi siya pababayaan nito.

              Dito nag tatapos ang dalisay na pag mamahalan nila Rosalinda at Rolando. At sana nagustuhan ninyo ang natatangi nilang pag mamahalan. At sana naging inspirasyon ninyo ang klase ng pag mamahal na namagitan sa kanilang dalawa.

THE END…. Copyright by: Rhea Hernandez April 18, 2012

No comments:

Post a Comment