Tuesday, April 3, 2012

LOVE STORY "KRISTINE"

LOVE STORY “KRISTINE”

Ni Rhea Hernandez

 Pinoy poems




              Si Kristine isang simpleng babae lang siya. Ambisyosa gustong umasenso sa buhay. Kaya naman noong maka graduate siya ng college di siya namasukan. Gusto niya maging isang business woman kasi ang sabi niya kahit  maliit lang ang negosyo mo di pa rin uubra  sa kitaan ang mga nag oopisina. Kaya kahit maliit pa ang kanyang itinayong negosyo kuntento na siya . maganda naman ang kinikita niya. Pero pangarap pa rin niya na ito mapalago at umasenso ng husto. Wala siyang time para sa pakikipag ligawan sa mga lalaki. Maganda naman si Kristine at malakas ang kanyang appeal sa mga lalaki. Paano naman nasa hustong tindig siya at taas. Hindi lang yong maganda ang hubog ng kanyang katawan. Plus pa ang ganda ng kanyang mukha na parang laging nakatawa ang kanyang mga mata pag iyong titigan.

              Kahit anong iwas niya sa mga lalaki mayroon isang naging matiyaga sa kanya. Halos araw araw di ito nag sasawang dalawin siya at mag sabi na mahal na mahal siya. Hindi naman bato ang puso niya para di niya ito mapansin. Total guapo din naman si Danny. Mayroon matatag na trabaho sa isang construction company. Isa siyang supervisor dito. Tahimik lang ito at mabibilang mo ang mga salita niya. Ito ang nagustuhan ni Kristine sa kanya ang pag ka simple niya. At sa pag papahiwatig na mahal na mahal siya nito. Kaya naman hindi nag tagal sinagot na rin ni Kristine si Danny. Naging masaya ang kanilang mga araw. Wala silang sinayang na panahon .ramdan na ramdan ni Kristine na mahal na mahal siya ni Danny.

              Minsan sa pag di date nila nakalimot sila sa isa’t isa. Ang minsan pag kalimot nasunda pa at naging regular ang kanilang pag niniig. Hanggang magising na lang si Kristine isang umaga na buntis napala siya. Hindi niya akalain na sa mura niyang edad maranasan niya ito. Akala niya purong sarap lang ang kapiling niya si Danny. Noong malaman niya na buntis siya dito nag umpisa ang kanilang kalbaryo. Handa naman siyang pakasalan ni Danny pero si Kristine ang hindi pa handa sa pagiging isang ina at sa pag aasawa. Marami pa siyang gustong gawin sa buhay niya. Pero ano ang magagawa niya mayroong isang buhay na mas dapat niyang bigyan ng atensyon. At bigyan ng magandang kinabukasan. Dahil sa baby hihinto ang mabilis na takbo ng buhay ni Kristine. Kailangan niyang buuin ang isang pamilya para sa pag labas ng baby mayroon itong matatawag na ama at ina. Ayaw ni Kristine ilabas sa mundong ibabaw na walang matatawag na isang tahanan.

              Kaya naman  binalak na nila Danny at Kristine ang mag pakasal kahit wala sa plano ni Kristine ang pag aasawa. Kailangan baguhin na  niya ang kanyang priority sa buhay. Ang akala ni Kristine madali lang ang mag pakasal. Sa pag aayos pa lang ng kasal nila ang dami na nilang hindi mapag kasunduan. Dan kasi mag kaiba ang kanilang kinalakihang kaugalian kaya nahihirapan silang mag adjust. Tungkol sa mga pakikisama sa mga malalapit na kamag anakan at mga kaibigan. Ibang iba ang style nila ni Danny. Ngayong buntis na siya saka niya nakikita ang malaki nilang pag kakaiba. Pero kailangan siya ng kanyang magiging anak. Kaya sabi ni Kristine sige ok lang kakayanin ko ito. Wala siyang di kakayanin basta para sa kanyang magiging anak. Ibibigay niya dito ang lahat lahat na makakayanan niya. Hinding hindi niya pahihintulutan na maging dehado ang kanyang magiging baby. Kaya naman kahit hirap ang kalooban ni Kristine tiniis niya. May mga sandali nga dumadating sa kanyang isipan baka puedeng huwag ng ituloy ang kasalan. Pero pag naiisip niya ang baby sa kanyang sinapupunan lumalakas ang loob niyang ituloy ito.

              Sa awa ng poong maykapal nakaraos na rin ang kanilang kasal. At sa unang pag kakataon din sa dito sila unang hindi nag kasundo ni Danny.  Dahil mahal naman nila ang isa’t isa ok naman  na. kahit mayroon silang hindi napag kasunduan minsan. Habang nag bubuntis si Kristine sa kanyang panganay napilitan siyang ihinto ang kanyang pag nenegosyo. Kaya naman sa sueldo lang ni Danny sila umasa. Ngayon naramdamn ni Kristine hindi sapat ang kinikita ng kanyang asawa para bumuhay ng isang pang karaniwang pamilya. Ang kanyang kinikita ok lang sa isang binata pero para sa isang pamilya  ito ay hindi sapat. Kaya inintay lang ni Kristine na makapanganak siya at muling niya itayo ng sarili niyang negosyo. Yong hindi na kailangan na panay ang biyahe niya. Ayaw niyang iwanan lang sa yaya ang kanilang anak.

              Kaya nag isip si Kristine ng negosyo nasa bahay lang siya.tutal nasa probinsya siya at doon siya nag patayo ng bahay. Inilibot niya ang kanyang paningin sa kapaligiran kung anong mga negosyo ang nababagay na pasukin niya. Na hindi kailangan na madalas lang siya sa biyahe. Nakita niya karamihan na magaganda ang mga buhay at nga lalakihan ang mga bahay yong mga taong nag papatahi. Kaya napilitan siyang pag aralan ang negosyon ito. Dahil nakapag aral naman siya tungkol sa negosyo kaya madali na lang para kay Kristine matutunan ang pasikot sikot ng  negosyong ito. Nag umpisa lang siya sa maliit sa limang makina at limang mananahi. Dahil magaling siyang humawak ng negosyo at sa pag hawak ng pera. Unti unti napapalago na ni Kristine ang kanyang negosyo. Ngayon unti unti na ring lumalaki ang anak nila ni Danny. Pero habang lumalago ang kanilang negosyo pati ang kanilang pamilya ay lumalago na rin .

              Kasi ba naman ipinag bubuntis ni Kristine ang pangalawa niyang anak. Ngayon lalu niyang dapat pag butihin ang pag kita ng pera para sa kinabukasan ng dalawa nilang anak. Ang kinikita ni Danny minsan sa kanya palang kulang pa. At kung minsan nag aabono pa si Kristine. Sabi nga ni Kristine ala ka bang balak humanap ng ibang pag kakakitaan. Kung sa iyo ko lang iaasa ang ating kabuhayan baka mamatay kaming dilat ng mga anak mo. Kahit ganoon pa man kahit minsan hindi nila pinag awayan ang pera. Kahit kailan kasi hindi nag hanap ng pera si Kristine sa kanyang asawa. Kung kailangan niya ang pera siya na mismo ang nag hahanap. Walang paki si Danny kung paano sila makakaraos sa pamumuhay. Kuntento na siya sa kanyang trabaho. Sadya lang matiisin si Kristine at di siya pala asa sa kanyang asawa. Kaya siguro namihasa ito na ganoon ang kanilang buhay. Kaya siguro hindi na nag ka interest na mag sumikap sa buhay si Danny kasi ginagawan na ng paraan ni Kristine ang lahat. kaya noong lumaon ang kinikita ni Danny hindi na niya intrega pa sa asawa kasi kinukuha din niya ito. Si Kristine ay dina rin niya hinahanap ang sueldo ng kanyang asawa. Kasi naiistorbo lang siya sa kahihingi nito at minsan mas higit pa dito ang hinihingi niya .

              Lumipas ang mga taon at ang dalawang anak nila kailangan ng mag aral at ang negosyo ni Kristine ay doing good na rin at masyado na siyang abala. Kaya ala na siyang time para I tutor pa ang dalawa niyang mga anak. Kaya kuha siya ng yaya at tutor para dito. Noong tuusin ni Kristine ang gasto niya dito nakita niya na mas malaki pa kesa sa sueldo ng kanyang asawa. Kaya kinausap niya ito na mag resign na lang at siya ang mag tutor sa kanilang mag anak at siya na lang ang mag bibigay ng allowance  sa kanya. Kung mag kano ang kinikita niya ibibigay na lang ni Kristine. Noong una ayaw pumayag ni Danny. Kasi ba naman makukulong siya sa bahay sa pag aalaga ng mga bata. O takot lang siya sa maputol ang iba niyang ginagawa pag wala siya sa bahay. Hindi alam ni Danny mayroon nararamdamang kakaiba sa kanyang asawa. Kasi lately madalas napapansin nito na mapili siya sa mga isinusuot na damit at laging nakapabango na dati naman hindi  niya ginagawa. Pakiramdam ni Kristine na mayroon ibang kinahuhumalingan ang kanyang asawa.

              Minsan kinausap ni Kristine si Danny ng isang masinsinan. At walang ka kurap kurap ang mga mata nita nakatitig sa asawa. Sabi ni Kristine kahit di ka nag eentrega sa akin para sa ikabubuhay ng iyong mga anak at ako wala kang maririnig na reklamo sa akin kaya kong tumayo sa sarili kong mga paa. Kayang kaya kong buhayin silang mag isa. Kaya huwag mong subukin ang aking kakayahan. Isang bagay lang ang ating pag kakasira ang ikaw ay mang babae. Oras na ginawa mo ito hinding hindi mo na makikita ang mga anak mo at ako. Nasabi ito ni Kristine alam niya nararamdaman niya na mayroon 3rd party sa buhay nila. Pero di pa gumagawa ng paraan si Kristine para tuklasin niya ang katotohanan. Gusto niya na kusang itigil ng kanyang asawa kung anuman ang kanyang ginagawa. Pero  hindi pa rin ito tumitigil kung anu paman iyon. Kaya walang sabi sabi ibinalot ni Kristine ang lahat ng damit ng kanyang asawa kahit ang kanyang butas na medias ay inimpake ni Kristine. At sa pag uwi ng kanyang asawa nag tataka kung bakit ang daming bag na ka impake. Mag babakasyon daw ba sila.

              Walang mag babakasyon binalaan na kita. Isa lang ang huwag mong gagawin ang mang babae pero bakit mo ginawa. Wala akong babae ang sagot ni Danny. Isang  mapaklang halakhak ang binitiwan ni Kristine. Kung akala mo sa akin tanga nag kakamali ka. Sinabi ko sa iyo hindi ako nag rereklamo at di kita inaaway dahil sa di mo kami kayang buhayin ng mga anak mo iisa lang ang huwag mong gagawin ang lokohin ako. Bakit mo pa rin ginawa. Sa binitiwan salita ni Kristine doon nabatid ni Danny na hindi na biro ang galit ng asawa niya. Alam niya na mayroon na itong alam sa kanyang ginagawa. Nag tataka siya di pa mandin siya nag luluko at binabalak pa lang niya nalaman na agad niya. Sa totoo wala pa akong babae pero mayroon lang akong binibiro biro sa isang babae. Ang lakas talaga ang radar ng kanyang asawa. Binabalak pa lang niya nararamdaman na niya. Alam din ito ni Kristine alam niya na di pa umaabot sa malala ang kanyang asawa. Binigyan lang niya ito ng gulpi de gulat. Na di siya mag hihinayang na mawalan ng asawa at ama ang kanilang mga anak kung manbabae siya.

              Hindi na nga natuloy ang pag papalayas ni Kristine sa asawa niya. Pero binigyan  niya ito ng isang parusa na hindi akalain ni Danny na kayang gawin ng kanyang asawa. 2 buwang di siya makatabi dito. Pag silang dalawa lang pinahahalata ni Kristine na di pa sila ok. Pero pag mayroon kaharap na ibang tao laluna ang kanyang mga kamag anak akala mo wala silang problemang mag asawa. Pero matiyaga din manuyo si Danny alam niya kaya pa rin siyang patawarin ng kanyang asawa. Sa maliit niyang kasalanan. Pero di alam ni Danny na mapakalaki ang ginawa niya para kay Kristine. Kasi sinira niya ang pag titiwala nito. Ang pag ibig niya binalewala niya. Hindi alam ni Kristine kung kailan maibabalik ang nawalang respeto sa kanyang asawa. Hindi niya maatim na mag pasiping dito. Para siyang nandidiri sa kanyang sarili niya. Ang lalaking kanyang sisipingan ay mayroon ibang minamahal. Hindi na niya solo ang puso nito. Dahil dito para mapaniwala ni Danny na hindi siya nag luluko. Pumayag na siyang mag resign sa kanyang trabaho at siya na lang ang titingin sa kanilang anak at susubaybay sa pag aaral nito. Dahil dito na feel ni Kristine na mag babago na ang kanyang asawa. Kaya unti unti pinatawad na niya ito. At binigyan niya ng pangalawang pag kakataon.

              Ngayon wala ng trabaho ang kanyang asawa. Si Kristine na ang bumubuhay sa kanilang buong pamilya pati na sa kanyang asawa. Dahil naging tutok na si Kristine sa kanyang negosyo unti unti itong lumago at lalu siyang nawalan ng oras sa kanilang mga anak at asawa. Pero pinipilit niyang mag karoon ng quality time sa kanyang mga anak para lumaki itong magagalang at sanay sa buhay. Kahit maigsing oras lang ang naibibigay niya sa mga anak pero sigurado naman siyang quality ito. Muling bumalik sa dati ang kanilang pag sasamang mag asawa. At di nag tagal muling nag dalang tao si Kristine ang kanilang bunsong anak. Sa pag silang ng bunso nilang anak parang isang suerte ito sa kanila. Kasi parang inuulan ng suerte sa negosyo si Kristine. Dahil dito nakakapagpundar sila ng mga asset tulad ng lupa. Hindi maluho sa buhay si Kristine bagkus napaka tipid niya. Hindi siya tulad ng ibang babae na maluho sa katawan.

              Lahat ng kanyang kinikita niya inilalagay sa saving o kaya sa mga makabuluhang. Ipinagawa niya ang bahay nila kung noon maliit lang ang bahay nila semi bungalow ngayon pinalakihan niya ito halos doble sa dati nilang bahay. At nag pundar din siya ng sasakyan at nag bibili siya ng mag lupa . kahit maliliit na lote lang ang kaya niyang bilhin pero puede naman tayuan ng bahay. Ang pangarap ni Kristine na maging million ang mahawakan niya ito kanyang naabot di lang isang million higit pa. ang pagiging ambisyosa ni Kristine kaya narating niya ang tinatamasa niyang tagumpay. Sabi nga niya hindi  masama ang mag ambisyon kung ito iyong pag susumikapan at wala kang taong inaapakan. Gamitin mo ito sa  iyong pag abot ng iyong mga panagrap. Ang maging  ambisyosa  dapat gawin sa magandang paraan.

              At pag kumikita ka ng malaki huwag mo itong sabayan sa pag gasta. Isipin nag kinabukasan. Mag ipon para sa darating na bukas. Kahit naabot mo na ang gusto mong abutin huwag kang tumigil sa pangangarap. At kung mangangarap ka din lang lakihan mo ang iyong pangarap. Para lagi kang mayroon gustong abutin sabi nga ng ama ni Kristine ala namang bayad ang mangarap . bakit hindi tayo mangarap at pag sumikapan abutin ito. Kaya yong iba kay daling mahalata ang pag yaman kasi pag malaki ang kita halos ubusin lahat at nag papakasarap. Pero iba si Kristine kung hindi kailangan hindi niya pinag aaksayahan ng panahon. Pati ang kanyang mga anak pinalaki niya sa karaniwang pamumuhay para matikman nila ang hirap at pahalagahan ang lahat kung ano mayroon sila. Binusog niya sa pangarap ang mga anak niya at pangaral at pag mamahal .

              Kaya ang buhay ng tao punong puno ng pag subok. Kung anu man ito dapat nating harapin ng taas an gating ulo. Dapat harapin huwag takbuhan o talikuran. Kung ang isang problema naka amba pa lang harapin mo na ito para hindi lumala at madaling maagapan. Laluna sa pag sasama ng isang mag asawa. Sa mumunting pag subok huwag mag papadala. Huwag agad susuko. Harapin ng buong tapang para sa iyo ding kinabukasan. Minsan nakukuha sa pag aagap ang isang problema para di ito maging malala.THE END copyright by Rhea Hernandez  April 3/12….

               

No comments:

Post a Comment