LOVE STORY” Princess” ( ang bagong pag ibig)
Ni Rhea Hernandez
Pinoy poems
Ang buong akala ni Princes pag lipas ng maraming araw nakalimot na siya. Nawala na kung anuman ang nararamdaman niya kay Jayson. Kapag nag iisa siya at naiisip pa niya si Jayson may nararamdaman parin siyang kirot sa kanyang puso. Paminsan minsan sumasagi pa rin si Jayson sa kanyang isipan. Nakakasama pa rin siya sa kanyang mga panaginip paminsan minsan. Pag nag iisa naalala pa rin niya ang kanilang masasayang araw na pinag saluhan. Hindi ito tama na maalala pa niya si Jayson mayroon na itong asawa at mag kakaanak na siya. Wala na siyang karapatan na ipag patuloy ang tinitibok ng puso niya. Kahit pinilit niyang kalimutan sumasagi pa rin ito paminsan minsan sa kanyang balintataw. Kahit sino ang makakaalam tunay na wala na siyang karapatang ipag patuloy pa ang kanyang kabaliwan noon. Wala na siyang karapatang ipag patuloy pa kung ano man ang kanyang nararamdaman para kay Jayson.
Ang mga nararamdamna niya ngayon ay kanyang naikuwento sa kanyang matalik na kaibigan na si Paula. Ang maganda nating gawin mag bakasyon tayo para makalimutan mo na ng tuluyan ang Jayson nayan. Mayroon akong alam namagandang lugar para sa mga sawing sa pag ibig ng katulad mo ang pahayag ni Paula. Maganda ang Islang ito. Para siyang isang paraiso. Maiibigan mo ang mag bakasyon dito. Ano mag bakasyon tayo kahit isang linggo lang, ang aya ni Paula kay Princess. Sa tinuran ng kanyang matalik na kaibigan baikit nga ba hindi matagal na siyang di nakakapag bakasyon man lamang. Baka ito ang maging sagot sa kanyang nasugaang puso. Baka dito tuluyang gumaling ang sugatan niyang puso. Dati rati sabik siya sa mga lakaran pero bakit ganito ang nararamdamn niya sa darating na lakad nila ni Paula
Nag paalam si Princess sa kanyang ina na plano nila ni Paula na mag babakasyon. Pumayag naman ito kasi kilala niya si Paula. Para na silang tunay na mag kapatid kung mag turingan. Kaya naman nag paalam siya sa kanyang opisina na mag babakasyon ng 2weeks. Totoo ang lahat ng sinabi ni Paula na. napaka ganda ng lugar na kanilang binabaybay sa kasalukuyan. Nakapaganda ng Islang ito. Tahimik ang lugar na ito. Madalang ang mga taong nag lipana malayong malayo sa kamaynilaan. Kung saan sila galing ni Puala. Ok lang sa kanyang ina na mag bakasyon sila dito sa malayong lugar at baka ito ang maging daan sa lubusan niyang pag kalimot sa nakaraang kabiguan. Maganda ang lugar na ito puede nga siyang gawing pasyalan ng mga turista kung madedevelop lang ito. Nag tataka si princess kung bakit niya nalaman ang ganitong kalayong lugar. Kaya naitanong niya kay Paula paano niya natuklasan ang mala paraisong lugar na ito. Isang ngiti lang ang pinakawalan ni Paula. Hindi ko pa ba naikukuwento sa iyo na dito ako isinilang at nag kaisip. Isang mahinang iling lang ang sagot ni Princess. Halos sabay na nga tayong nag dalaga akala ko sa Maynila ka isinilang tulad ko sabi ni Princess. Mahabang kuwento saka ko na sa iyo ikuwento lahat nandito tayo para mag saya at enjoy ang magagndang tanawin. Marami tayong mapapasyalan dito mag sasawa ka.
Totoo ang mga sinabi ni Paula na taga doon siya mayroong pailan ilang tao na nakikilala pa siya. Binabati siya at kinakamusta ang kanyang mga magulang. Bakit daw di niya kasamang nag bakasyon ngayon. Hindi niya alam na madalas pala pumarito si Paula. Sa isang matandang bahay sila tumuloy ni Paula. Naitanong tuloy ni Princess kung kaninong bahay ang kanilang pinapasok. At mayroon siyang sariling susi dito. Sa amin itong bahay pero ang kapatid ko ang nakatira dito. Nagulat si Princess sa mga tinuran ni Paula ang buong akala niya kilalang kilala na niya ang kanyang kaibigan iyon pala ang dami pa niyang sekreto sa buhay na hindi pa niya nalalaman. Sa pag pasok nila itinuro ni Paula kung aling room ang kanyang gagamitin habang sila nag babakasyon dito. Pag ka ilang minuto pa inayos na niya ang ilang damit na kanyang baon. At pag katapos naligo si Princess pakiramdam niya sinagap niyang lahat ang alikabok sa mga dinaanan nila. Mahaba haba din naman ang kalsadang dinaanan nila na di pa sementado.
Pag kapaligo nahiga siya sa kama sa dala ng pagod di niya namalayan nakatulog pala siya. Pag gising niya saka palang siya lumabas sa kanyang room. At kanyang nabungaran si Paula na may kausap na lalaki. Hindi niya nakikita ang mukha nito kasi sa kinalalagyan niya doon nakatalikod ito sa kanya. At saka pa lang napalingon sa kanya si Paula nakitang gising napala siya. Princess tawag sa kanya ni Paula, akala ko di kana lalabas ng room mo ahh.. at lumapit ito sa kanya kasama ang guapong lalaking kausap niya. Kahawig ito ni Paula kaya ang hinala niya ito ang sinsabi niyang kapatid niya dito. Hindi siya nag kamali noong ipakilala sa kanya ito ang kuya niya. Matanda lang sa kanya ng ilang taon. Guapo ito at matipuno ang pangangatawan masasabi mong batak ang katawan sa mabibigat na trabaho sa bukid. Saka palang ipinakilala ni Paula ang kapatid niya ang pangalan nito ay Jerico. Nag daupang palad sila sa isa’t isa. Bakit ganoon mayroon kuryenteng dumaloy sa kanyang katauhan. Hindi maintindihan ni Princess kung ano itong kanyang naramdaman. Sa kauna unahang pag kakataon para siyang nakuryente sa unang pag kakamay pa lang nila ni Jerico. Na ni minsan di niya naramdaman kay Jayson noong sila pa ang mag kasintahan.
Noong iwanan na sila ni Jerico saka nag tanong si Princes kay paula. Bakit nandito ang kuya mo at hindi ninyo kasama sa Maynila. Natawa lang si Paula kaibigan isa isa lang ang tanong mahina ang kalaban. Sasagutin ko lahat ng iyong katanungan saka tumawa ng mahina si Paula. Kapatid ko sa ama si kuya Jerico. Ang nanay ko 2nd wife kasi. Noong mag pakasal sila sa Mynila na sila nanirahan.ayaw namang sumama si kuya. Kaya naiwan siya sa pangangalaga ni lola naming. Noong mamatay sila lola at lolo inaaya siya naming na pumisan na sa amin pero ayaw niya mas gusto pa rin niya dito. Kahit anong pilit ang gawin naming sa kanya ayaw niyang sumama. Mas sariwa daw ang hangin dito at dito na siya lumaki at nasanay mamuhay. Kaya wala nagawa sila nanay at tatay. Kaya kami nalang ang madalas dumalaw dito at bisitahin siya. Masipag si kuya at ang dami niyang pinag kakaabalahan dito. At saka ang dami ding kabuhayang iniwan nila lola at siya lahat ang nag aasikaso noon.
Kinabukasan ng punta sila sa isang batis. Napakalinis ng tubig puede ka nga manalamin sa linaw ng tubig. Walang tao sila lang tatlo ang nandoon. Bakit walang tao dito? Bakit hindi gawing pasyalan ito? Kay ganda ng location at ang ganda ng kapaligiran. Sigurado akong dadayuhin ito ng marami. Private kasi ito kaya walang namamasyal dito. Ganoon ba baka magalit ang may ari at dito tayo nag punta. Isang ngiti langang pinakawalan ni Paula kasi si kuya Jerico kasi ang nag mamay ari nito. Namana niya ito kina lolo at lola naming. Magandang idevelop ito at gawing resort. Pero ayaw ni kuya masyado kasing sentimental siya. Ganoon ba kaya pala masyado siyang tahimik. Kaya pala halos din a nga siya kumikibo ano. Huwag kang maiilang sa kanya mabait naman siya ehh… katulad mo rin kasi siya kasalukuyang nag papagaling ng sugat sa puso niya. Iniwan siya ng kanyang kasintahan kasi nga ayaw niyang umalis dito sa lugar na ito. At ang kanyang mahal gusto makipag sapalaran sa kamaynilaan. Gusto kasi niyang maranasan sa Maynila manirahan. At si kuya di naman niya maiwanan ang lahat ng mga ito. Kasi mahal na mahal niya ang mga bagay na iniwan n gaming mga lolo at lola. Kaya ayun noong mag karoon ng pag kakataon ang kanyang kasintahan iniwan siya at tinapos ang kanilang pag mamahalan. Mahirap daw yong long distance relationship.
Ang buong akala niya din a siya kikibuin nito. Lagi lang kasi nakatingin ito sa kanya. Mabait naman at maasikaso kasi alagang alaga sila ni Paula. Para nga silang mga Prinsesa kung ituring nito at kung paano sila pag lingkuran. Sabi nga niya kay Paula sa wakas na trato din tayo na parang mga prinsesa. Sabay pa nga sila nag hagikgikan. Hating gabi na tulog na sila Jerico at Paula. Pero heto pa si Princess di pa rin dalawin ng antok pabiling biling siya sa kanyang higaan. Kaya naman naisipan niyang bumangon at lumabas para sumagap ng sariwang hangin. Siguro naman di naman delikadong lumabas ng gabi at ganitong oras sa labas ng bahay. Hindi niya akalain na kabilugan pala ng buwan nakapa romantic ng kapaligiran. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at dinama ang malamig na simoy ng hangin. Kay sarap ng hangin sa ganitong lugar ang bulong niya sa kanyang sarili. Pag katapos tumingala siya sa langit at pinag masdan ang buwansabay bulong na kay romantic ng gabi kay sarap mangarap kasama mo ang mahal mo sa buhay. Kay romantic naman ng gabing ito. Hindi napansin ni Princess mayroon palang dalawang mga mata na kanina pa siya pinag mamasdan. Noong mabanda doon ang kanyang paningin sa lugar na kinalalagyan ni Jerico muntik na siyang mapasigaw sa gulat. Hindi pa rin pala ito natutulog katulad din niya pinag mamasdan ang kabilugan ng buwan.
Nilapitan siya ni Jerico at nakipag kuwentuhan ito sa kanya.ok din pala itong kausap ang bulong niya sa kayang isipan. Masayang kausap at may pagka kalog din pala. Noong una akala niya may pag ka suplado ito hindi naman pala. Marami silang napag usapan. Hindi na nga nila namalayan na sumisikat na ang araw.Natapos ang gabing iyon na parang pakiramdam nila na kay tagal na nilang mag kakilala. Kinabukasn nag taka si Paula kung bakit di pa gising ang kuya niya at ala pang lutong pag kain tulad noong nakaraang araw. Kaya napilitan si Paula ang nag luto ng kanilang almusal. Nag tataka siya bakit tanghali na di pa bumabangon ang dalawa. Paano naman babangon ng maaga ehh sikat na ang araw noong mag hiwalay ang mga ito. Alang kaalam alam si Paula habang siya natutulog mayroong milagrong nagaganap sa dalawa. Dahil sa mag damag na iyon mayroon silang natuklasan sa kanilang mga sarili. Na nagkaroon sila ng pag ibig sa unang pag dadaop palang ng kanilang mga kamay. Ito kanilang natuklasan sa kanilang mga sarili. Pero di nila maamin sa isa’t isa. Mas una pa ring bumangon si Jerico. Kahit tanghali na siyang bumangon di pa rin kumain ng almusal si Jerico at Paula kasi sabi ng kuya niya intayin nila si Princess. Napasarap yata tulog mo ahh. Ayaw ka naman ipagising ni kuya hayaan ka lang daw matulog . dahil sa iyo tiniis ko ang gutom ko nag coffee lang ako at gusto ni kuya na sabay sabay daw tayong kumain. Ewan ko dito puede namang mauna sa pag kain di niya ginawa.
Parang mayroon napapansin si Paula. Nag palipat lipat ang tingin nito sa dalawa. At ang sabi mayroong nagyari kagabi habang ako’y natutulog ano. Ano ang nag yari kagabi na di ko alam? Isang ngiti lang ang isinagot ni Princess at ni Jerico. Pag katapos nating mag almusal mayroon tayong pupuntahang magandang pasyalan dito. Kay ganda talaga dito siguro kay sarap dito manirahan ano? Tahimik malayo sa magulong buhay ng Maynila. Nangiti si Jerico at sabi kung gusto mo dito ka na lang huwag ka na lang bumalik sa Maynila. Ehem ehem ang sabi ni Paula mayroon nga bang nagyari kagabi na di ko alam. At muling nag tawanan lang ang dalawa. At sabay na binigkas na wala. Nag dududa man si Paula hindi na lang siya kumibo. Habang tumatagal sila sa pag babakasyon lalung nag kakalapit sila Jerico at Princess. Ngayon para na silang matagal na mag kakilala at close sa isa’t isa. Parang ayaw na nga umalis ni Princess. Pero ano ang kanyang magagawa kailangan na nilang bumalik sa Maynila. Nag iintay ang isang tambak na trabaho sa kanya. Tapos na ang 2weeks niyang bakasyon. Huling gabi na niya dito parang kay bigat ng kanyang pakiramdam na lisanin ang lugar na ito. Parang ayaw pa niyang umalis kinabukasan. At muli di siya dalawin ng antok. Hindi siya makatulog sa isiping lilisan na siya kinabukasan. Kaya naman naisipan niyang lumabas at mag pahangin at baka sakaling antukin siya .
Pag labas niya dinatnan na niya si Jericosa madalas nilang tambayan sa gabi. Tanong niya dito hindi ka rin ba makatulog. Lumingon ito sa kanya at tinitigan siya sa mga mata ni Jerico. Parang kung ano ang kanyang naramdaman sa kanyang puso para itong biglang kumislot. Mayroon naba siyang pag tingin sa lalaking ito. Kay igsi pa ng panahon ng kanilang pag kakakilala. Bakit ganito na ang kanyang nararamdaman para kay Jerico. Umiibig nanaman ba siya sa pangalawang pag kakataon. Hindi niya akalain ang kanina kanilang pag titigan ngayon ay ang pag lalapat ng kanilang mga labi. Hindi maipaliwanag ni Princess kung ano ang kanyang naramdaman. Para siang nakalutang sa hangin habang hinahalikan siya ni Jerico. Bakit kay sarap ng pakiramdam habang hinahalikan siya nito. Na kay sarap damhin ang mga labi ni Jerico. Kay tamis ng kanyang mga halik parang ayaw na niya matapos ang mga sandaling yaon. Mga halik na di niya naramdaman kay Jayson. Bakit ibang iba ang mga halik ni Jerico kung ikukumpara niya ito. Ang mga halik ni Jerico may kasamang kuryenteng dumadaloy sa kanyang katauhan. Mga halik na ayaw niyang matapos. Mga halik na nag papalambot ng kanyang mga tuhod. Ang mag ahlik na handang mag paubaya kung kinakailangan. Kung gugustuhin ni Jerico angkinin siya ng mga oras na ion palagay niya hindi siya tututol. Pero isang maginoo si Jerico hindi mapag samantala ng kahinaan ng isang babae. Para sa kanila ayaw na nilang matapos pa ang mga sandali. Kung puede lang pahintuin nila ang orasan gagawin nila para lang dsila mag kahiwalay pa. halos mag damage silang gising at kukuwentuhan habang mag kahawak kamay sa isa’t isa.
Mag mamadaling araw na sila nag hiwalay halos din a nga nila namalayan ang pag lipas ng mga oras. Anong ligaya niya ng mga sandali iyon. Subalit aalis na sila kinabukasan. Uuwi na siya sa Maynila. Paano na ang kanilang pag mamahalan na dedevelop na sa isang tunay na pag iibigan ang mga nararamdaman ng kanilang mga puso. Paano na ang kanilang pag iibigan. Ngayon lang nag uumpisa mayroon na itong sagabal. Noong paapalis na sila ni Paula nag paalam na siya kay Jerico parang gustong pumatak ng kanyang mga luha sa mga sandaling yaon. Bakit napakasakit ang kanyang pag alis niya. Parang ayaw na niyang iwanan pa si Jerico sa malayong islang ito. Pero nangako si Jerico na susunod siya sa Maynila aasikasuhin lang niya ang kanyang mga iiwanan at kanyang maliit na kabuhayan. Nakauwi na sila sa Maynila naging mas malungkutin na muli si Princess kasi ba naman na miss niya si Jerico. Sa araw araw lagi niya dinadangin na sanay dumating si Jerico. Sana totohanin ni Jerico ang pangako nito luluwas siya ng maynila. Ang pangako ni Jerico na luluwas siya para dalawin ay nakalimutan na kaya. Lumipas ang mga araw , linggo at buwan walang Jericong dumating. Hindi na umaasa si Princessna tutuparin pa ni Jerico ang kanyang binitiwang mga salita. Kaya eto nanaman siya ang turuan kung paano I handle ang pangalawang pag kabigo.
Nakauwi na sila sa maynila at naging malulungkutin na uli si Princess kasi ba naman na miss niya si Jerico. Araw araw dinadasal niya na totohanin ni Jerico ang kanyang pangako. Mabilis na naging pag likwad ng mga araw at buwan. Wala paring Jericong dumadating kaya naman nag desisyon siya na turuan niya ang kanyang puso na limutin si Jerico. Gusto niyang isipin na isang masamang panaginip lang ito na dumating sa buhay niya. Isang bangungot na dumating sa kanila ni Jerico. Pero di alam ni Princess na gustong gusto na ni Jericong lumuwas ng Maynila subalit nag karoon ng malaking problema sa kanyang maliit na negosyo. Kaya naman hindi niya ito maiiwanan basta basta. Kaya pag katapos na pagkatapos ang problema kaagad siyang lumuwas ng Maynila. Gustong gusto na niyang masilayan ang kanyang prinsesa ng buhay niya. Nang dumating si Jerico sa Maynila iinanong agad nit okay Paula kung paano makikita si Princess. Nag tataka man si Paula kung bakit si Princess ang kanyang hinahanap wala siyang nagawa kundi samahan ito sa bahay nila Princess. Habang daan panay usisa ni Paula bakit. Doon inamin ni Jerico na mahal na mahal niya ang kanyang kaibigan. Hagalpak ng tawa si Paula. Napalundag sa tuwa si Paula noong malaman niya na magiging hipag niya ang kanyang bestfriend. Hiniling ni Jerico na dumaan muna sila sa flower shop at bumili ng bulaklak at chocolate. Para mayroon siyang pasalubaong sa dalaga. Noong kumakatok na siya sa pintuan ng bahay nila Princess hindi niya malaman kung ano ang kanyang nararamdaman. Hindi niya akalain na ganito ang kanyang mararamdaman sa pakikipag harap sa ina ni Princess. Noong kumatok si Jerico sa pintuan at si Princess ang nag bukas nito hindi niya akalain na sa pag bubukas niya ng pintuan si Jerico ang kanyang makikita.parang ipinako sa kanyang kinatatayuan ang dalaga. Hindi niya alam kung ano ang gagawin o ng kanyang sasabihin.n kaya naman nag taka ang kanyang ina. At ayaw niyang papasukin , noon lang parang nagising si Princess at bumalik siya sa kanyang sarili. Kung kailan hindi na niya inaasahan susundan siya dito ni Jerico saka nanaman siya dumating ng walang ka abog abog.
Sabi nga niya kay tagal isipin na kung kailan handa na siyang limutin ito saka naman dumating. Pero ang puso niya ay tuwang tuwa sa pag kakita niya kay Jerico. Alam niya kasi nararamdaman niya ni minsan di nawala sa puso niya ang nadarama niyang pag mamahal dito. Ibinigay ni Jerico ang mga dala niyang bualaklak at chocolate kay Princess at sabay bulong na I miss you so much. Napangiti siya di niya namamalayan. Na kay sarap pakingan ang mag kataga kanyang binitawan . lalu na sa sa mga labi ng iyong minamahal manggagaling nag mga salitang I LOVE YOU….pag katapos nag balitaan sila at ikinuwento ni Jerico kung bakit hindi siya kaagad nakasunod sa kanya. Kung puede nga lang na iwanan niya ang kanyang negosyo kaso di puede mayroon problema na agarang resolba ang kailangan. Pag ganoon kailangan nandoon siya para maagapan agad para di lumaki ang problema. Hindi basta iiwanan sa kanyang katiwala . hindi makakapag desisyon ng ura urada. Kailangan nandoon siya kaya di siya makasunod agad sa iyo kahit halos batakin ko na ang mga araw para ka lang makita.
Araw araw nasa kanila si Jerico ang sabi nito any binabawi niya ang mga araw na di sila mag kasama. Kaya yong mga araw na di siya nasisilayan isusulit niya ngayon nandito siya sa Maynila. Naging masugid ito sa panliligaw niya at alam din naman nito na may pag ibig na siya dito noong pa. noong nasa probinsya pa sila. Kaya naman masayang masaya sila sa kanilang pag iibigan. Lalung lumalalim ang pag mamahalan nila sa isa’t isa. Nag tataka si Princess kung bakit din a bumabalik si Jerico sa Isla. Kaya naman isang araw naitanong niya ito sa binata. Wala nab a siyang balak bumalik ito doon. Ngumiti lang ang itinugon ni Jerico paano ako babalik doon ang aking puso ay nandito. Kasi naalala niya kaya nag kahiwalay si Jerico at ang nobya nito noon dahil ayaw ni Jerico na tumira sa Maynila. Tapos ngayon dito siya sa Maynila kaya naman naitanong iya ito. Saan mo ba gustong manirahan kung saka sakaliang bilis ng sagot nito na siempre sa Isla kaya lang nandito ka ano ang aking magagawa. Hindi ko kayang malayo sa iyo. Sarap pakinggan ang mga binibitiwang salita ni Jerico. Pero naaawa si Princess dito alam niya na lubusan nag madarama nitong kaligayahan kung sa Isla sila titira. Nandoon sa Isla ang puso at kaligayahan nito. Kaya lang siya mag titiis sa Maynila dahil ayaw niyang malayo sa babaeng kanyang mnamahal.
No comments:
Post a Comment