LOVE STORY “PRINCESS”
NI Rhea Hernandez
Pinoy poems
Si Princess ay nag iisang anak, Kaya naman kung ituring siya ng kanyang mga magulang ay isang princesa. Lumaki siya na busog sa pag mamahal at pag aalaga ng kanyang mga magulang. Subalit noong siya malapit ng mag tapos sa high school biglang na aksidente ang kanyang ama. Kaya naman sa batang edad naulila siya sa kanyang ama. Kaya naman ang kanyang ina hirap na hirap siyang itaguyod sa pag aaral. Kasi noong nabubuhay ang kanyang ama walang alam ito kundi ang asikasuhin ang pangangailangan nila ng kanyang ama. Wala siyang alam kundi ang mga gawaing bahay at asikasuhin at paglingkuran ang kanyang ama . isa siyang mapag mahal na asawa. Kaya naman noon biglang nawala ang kanyang ama hirap na hirap ang kanyang ina na itaguyod ang kanilang pamumuhay na dalawa. Hirap na hirap siyang mag adjust kung paano siya bubuhayin at bibigyan ng magandang kinabukasan. Gusto ng kanyang ina na makatapos siya ng pag aaral.
Hindi niya alam kung paano na ang kanilang buhay ngayon bigla silang iniwan ng kanyang ama. Pangarap niyang makatapos ng pag aaral. Gusto niyang maging isang nurse. Ngayon ito isang pangarap na lang . hindi kaya ng kanyang ina na pag aralin siya sa kolehiyo. Kahit ano ang kanyang gawin hindi kakayanin ng kanyang ina na igapang ang kanyang pag aaral. Kahit ano ang gawin nahihirapan ang kanyang ina kaya naman pinipilit ni Princess sa abot ng kanyang makakaya na tulungan ang kanyang ina sa pag hahanap buhay. Lumipas ang mga araw at buwan unti unting nasasanay na silang mag ina na wala ang kanyang ama. At ang kanyang ina unti unti na ring nakakapag adjust. Kahit alam niya na hihirapan ang kanyang ina para tustusan ang kanyang pag aaral sa kolehiyo. Kahit anong trabaho pinasok na nito. Mag buy and sell ng kung anu ano. Kahit na nga ang pag gawa ng tocino at longganisa. Ginawa na rin ng kanyang ina para lang masustentuhan ang kanyang pag aaral. Ang dating pangarap na maging isang nurse ay nauwi sa pagiging com sci ang kinuha niya. 2yrs course. Ok na rin kesa sa hindi siya makapag aral. Ang alin na nga lang makatapos na siya sa pag aaral para makatulong na siya sa kanyang ina. Nakikita kasi niya na hihirapan ito na itaguyod siya.
Pag ka graduate ni princess ng com sci madali lang siyang napasok sa trabaho sa isang maliit na company. At dito niya nakilala ang kaunaunahang lalaking nag patibok ng kanyang puso. Ang lalaking nag turo kay Princess na mag mahal. Ito ay si Jayson magandang lalaki at lapitin ng mga babae. Hindi niya inaasahan na lalapitan siya nito at makikipag kaibigan sa kanya. Hindi kagandahan si Princess at hindi rin siya tulad ng ibang kadalagahan na pala ayos. Si Princess simple lang siya basta mayroon siyang baby powder ok na sa kanya at mag pahid ng manipis na lipstick. Everyday laging ganoon ang kanyang ayos. Pero kung iyong tititigan ito makikita mo ang tinagong ganda ni Princess. Nakatago ang kanyang ganda sa pagiging simple niya. Totoong maganda siya hindi lang niya inilalabas ang tunay niyang kagandahan. Ito ay nakikita ni Jayson sa kanyang katauhan. Kitang kita ni Jason ang tinagong ganda ni Princess pag kanyang tinititigan ito. Naging malapit si Jayson sa kanya. Ramdam ni Princess na may ibang motibo si Jayson. kaya kung bakit ito nakipag lapit sa kanya. Pakiramdam ni Princess mahal siya nito. At ibig siyang ligawan kaya nakikipag kaibigan sa kanya.
Tama ang hinala ni Princess na may pag tatangi sa kanya si Jayson. Kaya hindi nag tagal nag tapat na ng pag ibig si Jayson kay Princess. Dahil wala namanng ibang manliligaw si Princess hindi nag tagal sinagot na rin niya si Jayson. Naging masaya sila at pinapadama talaga ni Jayson ang kanyang pag mamahal sa kanya. Kaya naman naging kuntento na si Princess sa inihahandog na pag ibig ni Jayson. Malaki ang tiwala niya sa lalaking kanyang minamahal. Naging regular Ang pag hahatid sundo ni Jayson kay Princess. Naging masaya sila, lagi nga silang mag kasabay sa pag pasok at pag uwi at mag ka minsan nanonood sila ng movie o kaya mamasyal na mag kahawak kamay. Habang hawak ni Jason ang kanyang mag palad paminsan minsan pinipisil niya ito. Na parang sinasabi niya na mahal na mahal kita Princess. Ang ganitong set up ng kanilang relasyon ok na kay Princess simple pero napapahatid ang kanilang mga nararamdaman pag ibig sa isa’t isa. Sa kanilang relasyon walang problema kay Princess. Masaya siya sa piling ni Jason. Ang kanilang simpleng relasyon hindi alam ni Princess ay kinababagutan na ni Jason. Wala daw trill boring akala mo de numero ang routine. Nababagot na siya sa de kahong relasyon. Ang pagka sobrang simple relasyon ay nakakabagot para kay Jason. Gusto niya yong ma action. Walang ganito o ganoon bawal ito bawal ang ganoon.
Minsan hindi na nga siya sinusundo nito at inihahatid ni Jayson . nag tataka man siya wala siyang magawa. Panay dahilan ni Jayson ng kung anu ano. Alam naman ni Princess na palusot lang ito alam niya . pero hinahayaan na lang niya. Kasi ayaw ni Princes na mag aaway lang sila pag ito’y kanyang sinita. Mahaba ang pasensya ni Princes pag dating sa kanilang relasyo. Masasabi mo nga na isang martir ito pag dating sa pag ibig. Pati ang pag kain nila ng sabay sa lunch ay kinababagutan na rin niya. Noong mga una nilang buwan ok lang kay Jayson na mag babaon siya ng pag kain nila sa pananghalian para salo sila sa pag kain. At kung minsan pag nag uusap sila na kakain sa labas hindi nag hahanda ng baon si Princess. Pero lately di na sumasabay sa kanya si Jayson keyso ganito o ganoon ang dahilan nito.hinahayaan na lang ni Princess baka ayaw lang niya ang baong niyang pag kain kaya sa canteen na ito kumakain. Hindi sinasadya nakalimutan ni Princess ang kanyang baon kaya bumababa siya para sa canteen na siya kakain. Pero di na siya nakapasok sa canteen. Nakita niya ang kanyang kasintahan na may kalampungan. May kasalo sa pag kain at nag susubuan pa sila. Ang sweet nilang tignan akala mo mga lovebirds na alang pakialam sa kapaligiran. Hindi na nakuhang kumain ni Princess. Nag mamadali siyang bumalik sa kanyang table at ibig ibig niyang umiyak. Kaya lang pigil na pigil siya. Ayaw niyang pag usapan siya ng kanyang mga kaopisina.
Kanyang binalikan sa kanyang isipan ang kanyang nakita kanina. Nag susubuan at napa sweet sa isa’t isa na ni minsan di pa ginawa sa kanya ni Jayson. Ang akala niya noong mga sandaling iyon pinag bagsakan siya ng langit at lupa. Nanlambot ang kanyang mga tuhod halos di na niya ito maigalaw ang kanyang mga paa. Hindi na nga niya nakuhang sitahin ang kanyang boyfriend at ang babae kanyang kalampungan. Hindi na nga niya alam kung paano siya nakalayo sa lugar na yon. Totoo pala ang chismiss na mayroon ibang nililigawan at GF sa kanilang departamento. Nag kataon kasi na mag kahiwalay ang kanilang department. Habang papalayo siya sa canteen mayroon siyang narinig na usapan. Di ba mayroon ding GF iyan si Jayson sa ibang department? Ilan ba ang GF niyan kay gandang lalaki kasi kaya habulin ng mga babae. Kay sarap ng magandang lalaki ano kay daling makakuha ng babae. Sa mga naririnig niya nanliliit siya sa kanyang sarili. Di yata ang kanyang pinag ukulang ng pag mamahal ay hindi siya minahal. Pinag lalaruan lang niya. Ibinibilang sa kanyang tropeo.
Umuwi siya ng araw na iyon na bagsak ang kanyang balikat. Alang ganang kumain ng hapunan. Napansin ng kanyang ina ang kanyang pananamlay at tinanong siya kung mayroon siyang nararamdaman. Ang sagot niya masakit lang ang kanyang ulo at gusto na niyang mag pahinga. Hindi man lang nag duda ang kanyang ina sa kanyang alibi. Kaya hinayaan na lang siya nito na pumasok sa kanyang room.sa pag pasok na pag pasok niya saka niya ibinuhos ang kanina pa niyang tinitimping pag luha. Umiyak siya ng umiyak mag damag. Napakasakit ang kanyang natuklasan. Kinabukasan namamaga ang kanyang mga mata sa kaiiyak. Napansin ng kanyang ina kung bakit namamaga ang kanyang mga mata. Umiyak ka ba kagabi at namumugto ang iyong mga mata. Hindi na niya maitago s akanyang ina ang kanyang nararamdaman. At muli napaiyak siya sa balikat ng kanyang ina. Kailangan niya ngayon ang yakap ng isang ina at pag unawa nito at pag mamahal. Sinabi na niyang lahat ang kanyang natuklasan sa kanyang BF na bukod sa kanya mayroon pang ibang kasintahan. Ang sabi ng kanyang ina ang katulad ni Jayson ay hindi iniiyakan bagkos dapat kang mag saya na habang maaga natuklasan mo na kung anong klase pag katao mayroon ang Jayson na iyan.
Pinayuhan siya ng kanyang ina na tapusin na niya ang lahat ng kanyang ugnayan sa lalaking iyon. Kailanga ngayon na siya makipag break kay Jayson. Pero paano siya makikipag kalas sa lalaking nag turo sa kanya kung paano ang mag mahal. Ang tanong niya sa kanyang sarili kaya ba niyang mawala si Jayson. Yong tuluyang mawawala sa kanyang sistema. Lubusang alang communicasyon . nag kita na lang sila ng Jayson sa opisina. Kasi nag dahilan nanaman ito na mayroon siyang gagawin kaya di na niya kayang sunduin pa siya kasi ma late na siya sa work nila. Napansin ni Jayson na matamlay siya kaya tinanong siya kung may sakit ba siya. Walang kamalay malay si Jayson na buking na siya sa kanyang kataksilan. Gustong gusto ni Princess na ipamukha niya kung gaano siya kataksil sa kanilang relasyon. Pero bakit ganoon di niya kayang gawin. Kaya naman dinaan na lang niya sa walang kibo. Hindi niya sinabi kay Jayson na alam na niya ang pag tataksil nito sa kanya. Lumipas ang mga araw naging isang linggo na alam na niya ang lahat. Pero wala siyang magawa. Wala siyang lakas ng loob para ipagtapat ang kanyang natuklasan. Sa walang kibo ni Princess naging matamlay siya at malamig sa pakikitungo kay Jayson. Ang buhay niya walang sigla. Ang kanyang pakiramdam para na siyang nauupos na kandila. Nakakahalata na si Jayson na matamlay na ang pakikitungo nito sa kanya.
Noong di na nya talaga kayang dibdibin ang mga pangyayari . kinausap niya si Jayson at sinabi niya na tinatapos na niya ang kanilang relasyon. Nagulat si Jayson kung bakit niya tinatapos ang kanilang relasyon. Sa pag tatanong ni Jayson para bang wala siyang alam na ginawang kasalanan sa kanya. Nag tataka pa ito kung bakit siya nakikipag kalas sa kanilang relasyon. Doon na sumabog ang kay tagal niyang kinukuyom na galit dito. Ang pag tataksil nito sa kanya. Hindi nakakibo si Jayson noong bangitin niya ang dahilan. Hindi niya akalain na matagal na pala niya alam ang pag tataksil niya sa kanilang relasyon. Nag tataka siya kung bakit ngayon lang sinasabi nito ang mga kanyang natuklasan. Ang sabi ni Princess akala ko kaya ko na may kahati sa iyong pag ibig. Hindi ko pala kaya itong mga nagdaan mga araw kinukumbinsi ko ang aking sarila na ok lang na mayroon kang iba. Ang pahayag ni Princess pero hinde kaya ng akong kalooban ang iyong pag tataksil sa ating relasyon. Doon nabatid ni Jayson na hindi na biro biro ang sinasaad ni Princess. Ayaw pumayag ni Jayson na tapusin ang kanilang relasyon. Ang sabi pa nito siya talaga ang mahal nito. At ang sinasabi niyang babae ay libangan lang niya. Pang pasigla ng dugo ng buhay. Kasi masyadong kang boring kung minsan napaka lamig mo. Sa mga binitawang salita ni Jayson lalung naging natatag ang kanyang pag dedesisyong tapusin na niya ang relasyon sa lalaking ito na ang tingin ay laruan lang ang mga babae.
Sabi ni Jayson kung talagang mahal mo ako hindi ka makikipag hiwalay sa akin. Mahal na mahal naman kita. Natukso lang ako sa kanya kasi siya na mismo ang lumalapit sa akin. At isa pa game siya sa lahat ng bagay. Di tulad mo ang daming di dapat at bawal. Di puede ang ganito ang ganoon. Saka na pag kasal na tayo. Lalaki ako may pangangailangan din. At siya nag nag bibigay noon ang di mo maibigay binibigay niya. Pero sa aking puso ikaw ang mas mahalaga. Sa mga salitang binitawan ni Jayson lalung napag tibay ni Princess na makipag hiwalay ng tuluyan. Hindi si Jayson ang tipo ng lalaking magiging katulad ng kanyang ama. Na mapag mahal sa pamilya. Ngayong nadinig niya ang paliwanag ni Jayson lalung naging solid ang kanyang pasya na tapusin na ang kanilang relasyon. Walang kakapuntaha lang ito. Mag tatagal lang ang kanyang pag hihirap ehh wala namang kakapuntahan. Hinding hindi matatangap ni Princess na may kahati siya habang panahon sa lalaking kanyang papakasalan. Mainam hanggang maaga natuklasan nito ang pag uugali ni Jayson. Laglag ang balikat ni Jayson noong lisanin nito ang kanilang bahay.
Ituturing na lang ni Princess na isang masamang bangungot si Jayson ng kanyang buhay. Kahit naging matatag si Princess sa harap ni Jayson sa pag talikod nito saka siya ipinalaya ang kanyang pag tangis. Ang sakit sakit sa dibdib ang pakikipag kalas niya kay Jayson pero ala siyang magawa kasi ito ang nararapat niyang gawin. Nag sisi si Jayson kung bakit niya sinira ang pag titiwala ni Princess. Siya ang tipong babae na dapat seryosohin . isang magiging mabuting asawa at ina ng magiging anak. Samantala hindi akalain ni Jayson mayroon pa siyang isang problemang haharapin. Ang babaeng ipinalit niya kay Princess ay kanyang nabuntis. Pinipilit siyang panagutan ang kanyang ipinag bubuntis. Pero hindi siguradong siya ang ama ng batang dinadala nito. Sapagkat hindi siya ang nakauna sa babae ito. Paano siya makakasigurong kanya ang ipinag bubuntis nito. Pero di niya kayang takbuhan ito. Anak ng isang militar ang kanyang nabuntis. Baka kanyang tatakbuhan baka isang araw makita na lang ang kanyang katawan na lumulutang sa isang estero. Ngayon niya naalala si Princess ang babaeng kanyang tunay na minamahal. Kung nakuntento lang siya sa pag mamahal na ibinibigay ni Princess di sin sana wala siyang problema ngayon. Kahit kailan laging nasa huli ang pag sisi. Ngayon pakakasalan niya ang isang babae na di niya minamahal. At di pa siya nakakasigurong kanya pa ang batang dinadala sa kanyang sinapupunan. Napilitan pakasalan ni Jayson ang babae na sabi nabuntis niya.
Lumipas ang mga araw linggo at buwan. Sa pag susumikap ni Princess na kalimutan niya si Jayson hindi siya nabigo. Unti unti niyang nakalimutan ang pag mamahal niya sa lalaking niloko siya at pinag taksilan. Pero di alam ni Princess kung kailan uli siya iibig. Basta ngayon masaya siya na kasama na lang ang kanyang ina. Ang lahat ng kanyang panahon ibinubuhos niya sa kanyang trabaho at sa kanyang ina. Kung tatanungin ninyo paano na ang kanyang love life hindi niya alam kung kailan uli siya iibig pang muli. Kahit marami ang mga lumiligaw sa kanyan. Wala pa siyang napupusuan. Hindi siya nag mamadali sa pag dedesissyon tungkol sa pag aasawa. Kanyang nabalitaan ikinasal na si Jayson sa babaeng kanyang nabuntis. Wala siyang nagawa kundi panagutan ang kanyang pag kakamali. Bago siya nag pakasal kinausap pa niyang muli si Princess kung mayroon pa sila pag asa na mag kabalikan. Pero naging matatag na si Princess sa kanyang desisyon. Hindi niya maaaring ipag katiwala ang kanyang kinabukasan sa isang taong salawahan at walang paninindigan sa kanyang mga pangako. Mag sisi man siya ngayon huli na ang lahat. kahit kailan ang pag sisi laging nasa hulihan. Hindi sya marunong mag pahalaga sa tunay na pag mamahalan. Kaya ngayon nag sisi siya sa kanyang mag ginawa kay Princess. Pero wala na siyang magawa kundi pag tiisan ang mga nagaganap sa buhay niya. Kahit anong pag hihinayang at pag sisi ang gawin niya wala na siyang magawa kundi mag pag sisihan ang pag kakamali niya.
Hanggang dito na lang ang kuwento ng pag ibig ni Princess at sana nagustuhan ninyo ang kanyang kasysayan ng pag ibig. Unang pag ibig unang kabiguan. Ang kanyang pangalawang pag ibig ay aking muling ikukuwento sa inyo sa susunod na pag dadaupang palad namin ni Princess. Pero pang samantala dito muna tatpusin ang pag kukuwento ko sa inyo. THE END… copyright by Rhea Hernandez 3/29/12
No comments:
Post a Comment