LOVE STORY “ANA MARIE” chapter 3
Ni Rhea Hernandez
Pinoy poems
Pag katapos ng kanilang kasal anong ligaya nila. Mag sasama na sila sa hirap ang ginhawa. Ang dating kanilang pangarap na mag kasama at bumuo ng isang magandang masayang buhay ay matutupad na. panibagong buhay ang kanilang haharapin. Bagong pakikibaka sa pag tupad ng mga pangarap. Akala ni Ana Marie ngayon mag kasama na siya isa ng paraiso.
Ganoon pala iyon iba kesa sa tunay na buhay. Mga pangarap at mga binubuo noong mag kasintahan pa lang sila. Iba pala pag mag asawa na kayo. Kay sarap bumuo at mangarap habang kayong mag kasintahan pa lang. Pero sa actual na sa buhay iba pala. Masarap lang ang mangarap pero ang hirap palang isakatuparan ang lahat ng iyong mga pinapangarap.
Pag katapos ng kanilang kasal ipinisan na ni Ramil si Ana Marie sa kanyang mga magulang. Dito natutunan ni Ana Marie ang makisama sa kanyang mga biyanan. Ang mga bagay na di niya nakasanayan noong dalaga pa siya kailangan niyang matutunan. Kailangan niyang manimbang sa kanyang mga biyanan. Kahit ang mga ito ay mababait sa kanya.
Dahil pinili ni Ramil ang mag asawa ng maaga kaya nahinto na siya sa kanyang pag aaral. Hindi na niya tinapos ang kanyang kurso. Kahit isang taon na lang graduate na siya. Sa naging desisyon ng kanyang asawa hindi na umimik pa si Ana Marie. Dahil hindi nakatapos nahirapang humanap ng trabaho si Ramil. Naging pala asa sa magulang. Dahil napakabait ng mga ito inaabuso naman ni Ramil.
Hanggang dumating ang pag bubuntis ni Ana Marie sa kanilang panganay. Ganoon pa rin si Ramil. Patulong tulong sa kanyang ama sa bukirin. Wala paring regular na pag kakakitaan. Wala namang maipipintas si Ana Marie sa asawa niya. Mabait ito at mapag mahal sa kanilang mag iina. Pero kuntento na sa buhay niya alang ambisyon. Ok lang na iasa sa kanyang mga magulang ang dapat na kanyang responsibilidad sa mag iina niya.
Para kay Ana Marie hindi sapat ang pag sama sama niya sa kanyang ama sa bukid. Lumalaki na ang kanilang anak. Gusto niya na muling mangarap ng magandang buhay para sa kanila ang kanyang asawa. Pero ganoon pa rin si Ramil. Hanggang dumating ang pangalawa nilang anak. At muli isang babae dalawang magagandang babae ang kanilang anak. Na gusto ni Ana Marie na mabigyan ng magandang kinabukasan.
Kaya nag desisyon na si Ana Marie na bumukod na sa kaniyang biyanan. Nag babakasakali siya na ito ang maging daan sa pag babago ng kanyang asawa. Para mag bago at muling mangarap ng magandang buhay para sa kanilang mga anak. Iniisip niya habang nakasandal sa kanyang mga magulang si Ramil hindi ito mag babanat ng kanyang buto para sa kinabukasan ng kanilang mga anak.
Lumalaki na ang kanilang pamilya kaya dapat lang na pag isipan na nila ang kinabukasan ng mga ito. Kaya si Ana Marie na ang kumausap sa kanyang biyanan na gusto na nilang bumukod. Sinabi niya sa ayaw at sa gusto ni Ramil bubukod na sila. Nakakahiya na laging sa kanyang biyanan sila nakasandal. Kailangan matuto na si Ramil na tumayo sa sarili niyang mga paa. Na walang magulang na sinasandalan.
Laking pasasalamat ni Ana Marie naintindihan siya ng kanyang biyanan. Nag pagawa sila ng bahay kahit malapit din ito sa bahay ng kanyang biyanan. Ok na basta nakabukod na sila. Kahit maliit lang ito matatawag niyang kanya ang bahay. Na hindi sila nakikitira sa kanyang biyanan. Dahil mag kalapit lang bahay nila ng kanyang biyanan. Parang dirin sila bumukod kasi madalas nag bibigay pa rin ito sa kanila.
Dahil lumalaki na ang dalawa nilang anak. Lumalaki na rin ang kanilang mga gastusin sa pang araw araw. Kaya naman naisipan ni Ana Marie na mag tayo ng maliit na tindahan sa kanilang bahay. Naging maganda naman ang naging kita ng kanilang tindahan. Kaya kahit papaano nakakaraos sila. Kahit hindi regular sa pag kita ng pera ni Ramil dahil sa tindahan nakapag pundar sila ng gamit sa bahay.
Ok na sana ang takbo ng kanilang buhay. Mabait namang asawa si Ramil. Mahal nito ang kanilang mga anak at siya. Kaya kuntento na si Ana Marie. Ang akala niya tuloy tuloy na ang suerte nila. Pero isang araw dinayo sila ng mga kamag anak at hipag at bayaw mga kaibigan. Inayang mag inuman. Dito natutong uminom si Ramil. Nagustuhan niya ang barkada. Naging masaya siya sa pakikipag inuman habang kumakanta sa videoke. Noong una hindi kumikibo si Ana Marie.
Hinayaan lang niya ang kanyang asawa. Baka gusto lang mag libang. Pero noong dumadalas na pati laman ng kanyang tindahan ang siyang kinukuha ni Ramil para ipainom sa kanyang mga kabarkada. Na di naman marunong mag bayad. Ipinapainom ni Ramil sa kanyang mga barkada ng libre. Padalas ng padalas ang inuman hanggang gabi gabi na ang kanilang inuman.
Pakaunti ng paunti ang laman ng kanilang tindahan. Noong una nag titiis lang si Ana Marie sa ginagawa ng kanyang asawa. Pero kahit anong bait pala at gaano Kaman nag titimpi dumadating pala sa isang tao na sasabog ka rin. Isang araw hindi na makatiis si Ana Marie sa mga pang yayari sumabog na siya. Pakiramdam niya nabibingi na siya sa lakas ng tugtugin ng videoke at mga halakhakan ng mga kaibigan nito.
Biglang lumabas na si Ana Marie at pinag babalibag niya lahat ng kanyang mahawakan. Pinag babasag niya lahat ng CD ng videoke mga bote. Wala na siyang pakialam kung sino sino ang bisita ng kanyang asawa. Nakakatorete na ang araw araw na inuman at kantahan sa kanilang bahay. Hindi siya nag papigil sa kanyang asawa sa kanyang pag wawala. Sa sobra niyang galit at tension nawalan siya ng malay.
Hindi niya akalain na magawa niya ang ganoon. Nagising na lang si Ana Marie na umiiyak si Ramil at humihingi ng sorry. Nag promise na hindi na muli itong iinom at mag babago na ito. Tinupad naman ni Ramil ang kanyang pangako. Hindi na nga nag pupuntahan sa kanilang bahay ang mga kaibigan nito para mag inuman. Ilang buwan din naging tahimik ang buhay nila.
Pero mali si Ana Marie ang akala niya tuluyan ng nag bago ang kanyang asawa. Pero pinalipas lang nito ang kanyang galit. Pag katapos ng ilang buwan balik na muli ito sa kanyang bisyong pag inom. Iyon nga lang lingid sa kanyang kaalaman. Sa bahay ng kanyang kaibigan na ito nakikipag inuman. Hindi lang inom ngayon ang kanyang bisyo. May kasama na itong pag susugal.
At muling bumalik ang sakit ng ulo ni Ana Marie sa kanyang asawa. Muli nagulo nanaman ang kanilang pag sasama. Hindi na malaman ni Ana Marie kung papaano na niya papatigilin ang kanyang asawa sa natutunan nitong bisyo. Nag sawalang kibo na lang si Ana Marie sa mga pangyayari. Nag concentrate na lang siya sa pag hahanap buhay. Hinarap na lang niya kung paano palaguin ang kanyang munting tindahan. At sa pag aalaga sa kanilang dalawang anak.
Hanggang dumating ang isang problema. Dahil sa dalas niyang pag inom at sa pag susugal nalilipasan ng gutom. Biglang nag kasakit si Ramil.nag karoon ng complicated ang kanyang sakit . noon nag salita siya sa asawa. Nasaan na ang mga magagaling mong mga kaibigan. Kasama mo sila sa kasayahan ngayon maysakit ka nasaan na sila. Sino ang kadamay mo sa iyong karamdaman. Kami ng iyong mga anak. Hindi naman matiis ni Ana Marie ang asawa. Ipinagamot niya ito hanggang maubos lahat ang kanilang kabuhayan.
Alang natira sa kanila kundi ang bahay at lupa. Walang wala na sila. Nasaid lahat ang ipon at puhunan nila sa maliit na tindahan. Hindi malaman ni Ana Marie kung saan sila kukuha ng ikabubuhay nila. Ang ipinag papasalamat na lang ni Ana Marie kahit naubos lahat ng kanilang kabuhayan gumaling ang kanyang asawa. At natuto na ito sa kanyang pag kakamali.
Dahil sa pangyayari walang choice si Ana Marie kundi ang mag abroad siya. Noong una ayaw ni Ramil na umalis siya pero saan sila kukuha ng pang gastos sa pag araw araw. At isa pa nag aaral na ang dalawa nilang anak. Saan kamay ng Diyos nila kukunin ang pag papaaral ng kanilang mga anak. Hindi pa naman puedeng sumabak sa mabibigat na trabaho si Ramil. Kagagaling pa lang niya sa pag kakasakit.
Kaya sa ayaw at sa gusto niya kailangan umalis si Ana Marie at mag pa alila sa ibang bansa. Hindi na rin ito nag papigil sa asawa. Kailangan niyang mag sakripisyo para sa kanilang mga anak. Gusto niyang mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga ito. Gusto niyang lumaki ang mga anak na may pinag aralan. Makatapos sa pag aaral. Baka kung di siya aalis ng bansa baka di makapag aral ang kanilang mga anak.
Dalawang taon siyang nag paalila sa ibang bansa. Lahat ng kanyang kinikita pinapadala niya sa kanyang asawa at mga anak. Walang natitira sa kanya. Kaya noong umuwi siya akala niya kahit papaano nakakaipon si Ramil sa mga pinapadala niyang pero wala din.
Laking pag kadismaya niya. Akala niya puedeng huwag na siyang bumalik para mag paalila. Kaya naman muli siyang bumalik sa Kuwait para mamasukan bilang katulong.
Doon laging pag tumatawag siya sa asawa alang bukang bibig ito kundi kung kailan uli siya mag papadala ng pera. Kailangan dawn g mga bata. Kesyo may bbayaran ng ganito at ganoon. Pero lingid sa kanyang kaalaman mayroon na palang kinahuhumalingan na ibang babae si Ramil. Isang dalaga na studyante sa kolehiyo. Wala siyang kaalam alam na ang kanyang pinag paguran sa ibang babae ginagasta ng kanyang asawa.
Sa dalagang kanyang nililigawan doon niya inuubos ang mga pinapadalang pera ni Ana Marie. Alang kaalam alam siya na niloloko napala siya ni Ramil. Buong buo ang kanyang paniniwala na mahal na mahal siya ni Ramil. Hindi nito kayang lokohin siya. Muling natapos ang kanyang kontrata at bumalik sa piling ng anak at asawa.
Dahil halos naipadala niyang lahat ang mga kinita niya kakaunti lang ang uwi niyang pera. Ni ala nga siyang naipundar para sa kanyang sarili. Wala siyang inisip kundi ang kapakanan ng kanyang mag aama. Sa pag uwi niyang ito ang dami niyang nababalitaan tungkol sa kanyang asawa. Hindi niya pinapansin kasi malaki ang tiwala niya dito. Alam niya hindi siya lolokohin nito kasi nga mahal na mahal siya nito.
Dahil kadarating lang niya nag karoon ng kaunting salo salo sa bahay ng kanyang magulang. Dumating ang kanyang hipag at bayaw at ilang kamag anak at kaibigan. Lahat ay nag kakatuwaan. Si Ramil doon nakapuwesto sa labas ng bahay at nakikipag inuman. At si Ana Marie nakikipag kuwentuhan sa ilang kamag anak nila.
Lumabas siya para maykukuhanin pero natigilan siya sa kanyang nadinig sa pag uusap ng kanyang asawa at isang kaibigan. Itinatanong nito ang tungkol sa kanyang babae. Tinatanong kamusta na ang kayang “college student” natin pare. Nakita niya noong matanaw siya ng kanyang asawa bigla itong namula. Nag kunwari siyang walang narinig. Gusto niya na siya mismo ang makahuli ng dalawa niyang mata.
Gusto niyang mag tagal ngayon sa kanyang bakasyon. Gusto niyang mapatunayang tama ang kanyang kutob at naririnig na chismis. Kahit malaki ang pag titiwala niya sa asawa niya ewan ba niya kung bakit siya kinukutuban. Kaya gusto niyang malaman ang katotohanan. Pero paano niya ito malalaman? Ano ang kanyang gagawin para matuklasan niya ang lahat? ABANGAN!! Copyright by Rhea Hernandez 3/8/12
No comments:
Post a Comment