Friday, March 2, 2012

LOVE ATORY "ANA MARIE" chapter 1

LOVE STORY”ANA MARIE”  chapter 1

Ni Rhea Hernandez

Pinoy poems




              Ang ikukuwento ko ngayon sa inyo ang buhay at pag ibig ng isang OFW. Lagi niyang sinusubaybayan ang aking mga sinusulat. Kaya naman nainganya siyang ibahagi ang kanyang kasaysayan sa akin. Kung maaari daw bang isulat ko ito. Sabi ko nga sa kanya isang karangalan para sa akin na ipag katiwala niya ang kanyang karanasan. Isa siya sa mga friends ko sa facebook. Pero itatago natin siya sa pangalang Ana Marie. Siya ang pumili ng pangalan na ito ewan ko kung ano ang kaugnayan niya sa pangalan na ito.

              Si Ana Marie ay isang simpleng babae. May taas na 5’5”, maputi,mahinhin at napakabait. Lumaki siya sa Mindanao. Simple lang ang kanyang pangarap sa buhay ang mag karoon siya ng sariling negosyo. At isang masayang pamilya. Na mag karoon ng isang asawang mapag mahal at maaruga sa anak. Isang lalaking may sariling paninindigan. Isang lalaki na mamahalin siya kahit ano ang magyari. Hindi siya iiwan at maging ulirang asawa. Maging tapat sa kanilang pag mamahalan.

              Si Ana Marie lumaki siya na busog sa pag mamahal ng kanyang mga magulang. Hindi naman sila mayaman at hindi rin nag hihirap. Sabi nga ng iba katamtaman lang. kahit sampu silang mag kakapatid. Si Ana Marie ay pang walo sa kanila. Maganda ang pinag kakakitan ng kanyang mga magulang. Mayroon silang sariling lupain at itong isang gulayan. Ang kilala rin ang kanilang pamilya sa pag aalaga ng mga itik. Na naging malaking tulong sa kanilang pamilya. Isa ang pamilya nila ang nag susuply ng mga itlog sa palengke at mall sa kanilang bayan.

              Kaya naman di mahirap para sa kaniyang pamilya na pag aralin siya sa kolehiyo. Kahit nga kay dami nilang mag kakapatid naitaguyod ng kanyang mga magulang ang kanilang mga pag aaral. Sa sampung mag kakapatid siya ang paborito ng kanyang ama. Alagang alaga siya ng kanyang pamilya at siya ang madalas mapag kamalang bunso. Kasi ba naman masyado siyang sakitin. Sabi nga ng kanyang ina umihip lang ang hangin sinisipon na siya o nag kakasakit agad siya. Dahil dito sa kanyang pagiging masasakitin laging nakatuon ang pansin sa kanya ng kanyang mga magulang at mga kapatid.

              Kahit isa siyang sakitin lumaki siya at nag dalaga na isang maganda at mahihing dalaga. Kay daming kabinataan ang nahuhumaling sa kanya. Isa na dito ang anak ng kanilang mayor. Pero dahil nga sa kagustuhan niyang makatapos ng pag aaral iniiwasan niya ang mga ito. At isa pa masyado pa siyang bata para ligawan sa mga panahong iyon. Pansinin nga lang ang angkin niyang kagandahan kaya siya ay ligawin. Marami ang nag sasabi na matabang isda ang anak ng mayor. Pero di niya ito pinansin.

              Sabi nga ni Ana Marie bakit niya sasagutin kahit ba anak siya ng hari ehh. Sa wala siyang nararamdaman sa lalaking iyon. Pero lingid sa kanyang kalaman mayroon isang umiibig din sa kanya. Ang classmate niyang si Ramil. Ito ay guapo maraming mga kadalagahan ang humahanga dito. Katunayan ang mga babae na nga ang nanliligaw sa kanya. Mayroong nagpapadala ng mga sulat. Pero nawawalan ng gana si Ramil sa babae na siya pa ang nag paparamdam sa isang lalaki. Kaya ganoon nalang ang pag iwas nito sa mga kadalagahang ito. Sa katunayan mayroon ng napupusuan si Ramil.

              Ang tipo ni Ramil yong siya ang mang liligaw sa babae. Siya ang manunuyo dito. Walang iba kundi si Ana Marie ang babaeng kanyang napupusuan. Pero takot ligawan ni Ramil si Ana Marie kasi balitang ayaw nitong mag paligaw kahit kanino. Isipin mo nga naman anak ng mayor na basted siya pa kaya. Kaya ang ginawa ni  Ramil kinaibigan mula niya si Ana Marie. Hanggang maging closed na sila dalawa. Pero hindi pa siya nililigawan dito kasi natatakot siyang mabasted. Dahil alam ni Ramil ayaw niyang tumangap ng mangliligaw. At marami sa kanilang kabarkada na nag sasabi na manheater daw siya. Kaya naman laki ang takot ni Ramil na mag tapat ng kanyang pag ibig  kay Ana Marie.

              Noong malapit na ang kanilang graduation sa high school. Nag lakas loob na mag tapat si Ramil ng kanyang pag mamahal kay Ana Marie. Pero di alam ni Ramil na may lihim din pag tingin si Ana Marie sa kanya. Hindi nila alam na kapwa na sila nag mamahalan sa isa’t isa. Ang buong akala ni Ana Marie hindi siya magugustuhan ni Ramil. Kasi nga simple lang siya at kay daming babae nag hahabol sa kanya na dehamak na mas maganda  sa kanya. Pero lingid din sa kaalaman ni Ana Marie patay na patay sa kanya si Ramil . Ang nagustuhan sa kanya nito ang kanyang kasimplehan at pagiging mahihin niya at higit sa lahat ang kabaitan niya.

              Habang inaamin ni Ramil ang kanyang nararamdaman kay Ana Marie. Tumatagaktak ang pawis nito. Hindi niya alan kung mababasted siya o mag tatagumpay sa kanyang iniluluhog na pag ibig  kay Ana Marie.  Di malaman ni Ramil kung aatras pa ba siya sa pag tatapat ng kanyang sinasaloob. Ipag papatuloy na  lang niya ang kanyang naumpisahan na. pero nandoon na sila ni Ana Marie sa park sa tabing dagat. Doon niya balak mag tapat ng pag ibig. Sa pag tatapat ng pag ibig ni Ramil hindi niya akalain na sa oras din iyon sasagutin siya ni Ana Marie. Hindi niya akalain na uuwi siya napakaligaya. Nakamit niya ang matamis na oo ni Ana Marie.

              Anong ligaya ni Ramil ng mga sandaling yaon. Hindi niya akalain na may katugunan ang kanyang pag ibig kay Ana Marie. Pakiramdan ni Ramil napakagaang ng kanyang pakiramdam. Akala mo siya naglalakad sa alapaap ng mga sandaling yaon. Noon lang naramdaman ni Ramil ang ganoong damdamin. Anong ligaya niya ng mga sandaling iyon. Hindi niya mailarawan kung ano ang kanyang nadarama. Ganoon din si Ana Marie. Anong ligaya niya  noong malaman niya na mahal din pala siya ni Ramil.

              Ilang araw na lang ang kanilang graduation sa high school. Noong sagutin ni Ana Marie si Ramil. Nag sumpaan sila na hinding hindi mag mamaliw ang kanilang pag mamahalan mag pakailan man. Marami silang pangarap na gusto nilang tuparin bago lumagay sa tahimik. Plano pa nilang mag tapos ng kanilang pag aaral. At pag dating ng araw bubuo sila ng isang malaki at masayang pamilya. Kanilang aalagaan ang kanilang damdamin. Naging makulay ang kanilang bakasyon dalawa.

              Dumating ang pasukan si Ana Marie sa kabisera ng kanilang bayan siya nga enroll. At si Ramil naman lumuwas ng Manila at duon niya ipinagpatuloy ang kanyang pag aaral. Pangarap ni Ana Marie na maging isang nurse. Kaso lahat ng subject sa kurso ng nursing ay closed ng lahat.. kaya sabi ng kanyang tatay midwifery  na lang ang kanyang kunin total naman ang mga subject nito credited naman sa nurse. Kaysa huminto siya ng isang semester. Sa pag aaral  niya. Kaya midwifery ang kanyang naging kurso.

              Lumipas ang mga araw. Linggo, buwan walang Ramil na nag pakita sa kanya. Walang sulat at tawag man lamang siyang natatangap sa kanyang nobyo. Kay daling nakalimot ni Ramil sa kanilang pag mamahalan. Nasaan na ang kanilang sumpaan na mag mamahalan habang buhay. Bakit ganoon hindi na siya naalala ng kanyang boyfriend. Kay dali niyang nalimot ang kanilang pag iibigan. Ni pasabi o pahatid na balita wala siyang natatangap sa kanyang. Kaya naman punong puno ng pag aalala ang kanyang damdamin. Sa haba ng panahon kanilang pag kakahiwalay baka nakalimutan na siya ni Ramil.

              Sa tagal na di nila pag kikita siguro nakakita na siya ng ibang kasistahan. Hindi malayong makakita siya na ibang babae na mag mamahal sa kanya. Madali lang para sa kanya ang makakita. Kasi  ang gandang lalaki yata ni Ramil. Matuling lumipas ang 3taon . walang Ramil na nag pakita kay Ana Marie. Nawawalan na siya ng pag asa na babalikan pa siya ni Ramil. Tangap na niya na wala na sila. Talagang ganoon siguro ito ang kanyang kapalaran sa pag ibig. Unang pag ibig alang dinulot kundi pighati. At kalungkutan.

              Bakit ganoon kung kailan ka umibig at nag mahal. Nawawala  na lang at di pinapahalagahan ng iyong pinag uukulan, bakit kay haba ng panahon di ka man lang maalala sulatan. Gaanon ba siya kabisi sa kanyang pag aaral at sa loob ng 3taon di siya nag paramdam man lang. Bakit itong tangang puso niya ay siya pa rin ang itinitibok. Ang hinaing ni Ana Marie sa kanyang sariling puso. Siguro sapat na ang tatlong taong pag hihintay. Kailagan na niyang mag move on. Kaya naman tanggap na ni Ana Marie na wala na talaga ang lalaking kanyang pinag laanan ng kanyang pag ibig.

              Hanggang isang araw sa di niya inaasahan dumating si Ramil. Nag bakasyon siya after 3yrs niyang pag aaral sa Maynila. Hindi alam ni Ana Marie kung bakit ito bumalik sa kanilang bayan. 3rd year college na sila noon. Sabi ng kanyang mga kaibigan mayroon isang guapong lalaki na nag hahanap sa kanya. Hindi pinapansin ni Ana Marie ang kanyang mga kaibigan. Kasi ba naman ala siyang inaasayang guapong lalaki na mag hahanap sa kanya. At saka wala siyang iniintay na bibisita sa kanya sa mga panahong iyon. Sa kanyang tinutuluyang dorm hindi siya tunatanggap ng bisita doon. At wala siyang alam na bibisita sa kanya sa mga oras iyon.

              Pero mapilit ang kanyang mga kaibigan na silipin man lang kung sino ang lalaking nag hahanap sa kanya. Sa kakapilit nila sinilip na rin ni Ana Marie kung sino ang nag hahanap sa kanya. Laking gulat niya noong makita niyang si Ramil ang kanyang kasintahan ang nasa ibaba. Ang mga kaibigan niya kinikilig sa kaguapuhan ng lalaking nag hahanap sa kanya. Sa wakas daw mayroon isang lalaki na nag kalakas loob na bisitahin siya. Kasi nga mga ilag ang kabinataan sa kanya. Natatakot na makatikim sila ng basted kay Ana Marie.

             Laking gulat ni Ana Marie noong makita niyang si Ramil nga ang nag hahanap sa kanya. Kinusot pa niya ng bahagya ang kanyang mga mata at baka nag kakamali lang siya ng tingin. Pero kahit anong gawin niya si Ramil talaga ang nag hihintay sa kanya. Kaya agad agad siyang bumaba at kinausap niya ito. Parang walang nag yari sa loob ng tatlong taon. Nandoon parin ang kislap ng kanilang mga nadarama sa isat isa. Ang pag mamahalan nila kahit di nag kikita sa loob ng tatlong taon ganuon pa rin. Walang nabago wala silang pinag usapan kung bakit naputol ang kanilang ugnayan. Parang kahapon lang ang mga nag daan.

              Sa pag uusap nila sinabi ni Ana Marie na mayroon silang party sa gabing iyon. At wala siyang makakasama escort. Tinanong ni Ana Marie  kung puedeng si Ramil na lang ang kanyang makasama sa acquaintance party.  Kaya sa buong magdamag si Ramil ang kanyang kasama. Anong ligaya ni Ana Marie at muli niyang nakasama ang lalaking nag patibok ng kanyang puso. Hindi akalain ni Ana Marie na muling magigising ang kanyang damdamin para kay Ramil. Ang buo niyang akala nakalimot na ang kanyang puso. Pero ganoon yata ang tunay na pag ibig. Hindi namamatay. Kahit ilang taon na ang lumipas nandoon pa rin.

              Ano ang mag yayari sa pag iibigan nila Ana Marie at Ramil?  Talaga bang ganoon ang tunay na pag ibig? Kahit ilang taoon nag kahiwalay alang nababago?  Sana naman maging maligaya na sila sa darating na mga araw… ABANGAN!! Copyright by Rhea Hernandez 3/1/1

No comments:

Post a Comment