LOVE STORY “ SALLY”
Ni Rhea Hernandez
Pinoy poems
Si Sally lumaki sa hirap kaya naman siya nakakapag aral sa college dahil naging scolar siya. Mahilig kasi siya sa sport kaya naman ito’y kanyang pinakinabangan ng husto. Ito ang kanyang naging daan para siya makatapos sa kanyang pag aaral. Kahit ano sport magaling siya. Pero ang mas gusto niya ang valleyball. Kaya naging varsity player siya habang siya’y nag aaral sa kolehiyo. Kahit isa siyang scolar matalino din siya. Di tulad ng ibang player na kaya nakakapasa dahil kailangan sila ng school. Pero si Sally kakaiba siya sa mga varsity player. Talagang nag aaral siya ng husto kasi alam niya ito ang mag aahon sa kanilang kahirapan.
Maganda at sexy si Sally pero di mo ito mapapansin kasi para siyang lalaki kung umasta. Mahilig siyang mag susuot ng mga denim jeans at maluluwag na polo shirt. Dahil siguro sa pagiging isang player niya kaya siya ganoon mas comportable siya ganoon ang suot niyang damit. Sa pagiging isang varsity player naka graduate siya ng kanyang kurso. Kung kasi aasa siya sa income ng pamilya baka di siya makapag tapos ng pag aaral niya. Minsan pa nga kinakapos pa sila sa pang araw araw na gastusin.
Sa wakas nakatapos siya ng kanyang pag aaral. Kaya panahon na para mag hanap ng trabaho. Pag ka graduate niya kinailangan niyang mag hanap agad ng mapapasukan trabaho. Pero kailangan niyang mag damit pambabae. Kaya napilitan siyang mag suot ng bestida. Alam kasi niya na alang company na tatangap sa kanya kung para siyang lalaking kumilos at manamit. Kaya naman napilitan siyang mamili ng desenteng damit para sa kanyang pag aaply ng trabaho. Ilang pirasong damit lang ang kanyang binili para magamit niya. Para naman di siya mapahiya sa mga company kanyang aaplayan.
Noong isuot na niya nag damit na kanyang binili hindi siya makapaniwala sa kanyang nakikita. Bigla niyang naitanong sa kanyang sarili ako ba ito? Hindi niya akalain na malaki ang magiging transformation niya. Samantala sa company niyang inaaplayan nandoon ang tunay na lalaking mag papabago sa kanya ng tuluyan. Sa kanyang pananamit at pananalita at sa kanyang pag kilos. Dito niya ma meet ang lalaking mag papatibok ng kanyang puso na ni minsan di pa nakaranas mag mahal. Ni minsan sa kanyang guniguni di niya inisip na mag mamahal siya sa isang lalaki sa unang pag kakakita pa lang niya.
Ito ay si Rodel anak mayaman pero pihikan sa mga babaeng nakakasalamuha niya. Sa madaling salita suplado siya sa mga babae alang ginawa kundi mag papansin sa kanya. Masungit siya sa mga empleyado niya laluna sa alang ginawa kundi mag pa cute sa kanya. Lalung lalu na sa mga madalas mag pa charming sa kanya sa loob ng company. Inis na inis si Rodel sa babaeng di mag intay na pansinin sila ng mga lalaki. Kasi ba naman may pagkapihikan at pagkasuplado itong si Rodel.
Nakalusot na sa lahat ng interview si Sally pero mayroon pa daw na isa pang final interview at ito ay sa kanyang magiging boss. Ang kanya daw magiging direct boss ay ang anak ng may ari ng company. Kaya daw gusto siyang interviewhin nito. Gusto daw anak ng may ari na siya mismo ang pipili ng kanyang magiging secretary. Kaya kailanga uling bumalik si Sally kinabukasan. Para sa huli niyang interview. Malaki ang tiwala ni Sally sa kanyang sarili na makukuha niya ang posisyong iyon.
Ang anak daw ng may ari ang mismong mag interview sa kanya.kaya naman pinag handaan ng husto ni Sally ang araw na iyon. Isinuot niya ang kanyang pinaka sexy niyang damit at kumpletong make up pa siya. Siguradong siyang mahilig sa mga sexy at modernang babae ang anak ng may ari ng company. Isang easy go lucky kasi nga anak mayaman at alang ginawa kundi gumasta ng kanilang kayamanan. Ito ang mga katangian nag lalaro sa isipan ni Sally sa personality ng anak ng kanilang boss.
Dumating ang araw ng kanyang interview. Napaka sexy tignan ni Sally. Pero desenteng tignan. Sa awa naman ng poong maykapal. Pumasa naman siya sa kanyang final interview. Pinag uumpisa na siya sa darating na linggo. Ang pinag tataka ni Sally parang wala siyang dating sa kanyang magiging boss. Kaya naman pinag buti na lang niya ang kanyang trabaho. Kahit man lang doon mapansin siya ng kanyang boss. Sa totoo lang unang kita palang ni Sally sa kanyang boss na inlove na siya dito . kahit noong una di niya alam na ito ang kanyang magiging boss.
Kahit hirap siya sa mga damit at make up na makakapal tinitiis niya para lang mag papansin kay Rodel. Pero kahit ano ang gawin ni Sally walang epekto. Gusto na yata niyang mag give up. Pero talagang malakas ang tama niya sa kanyang boss. Pero lingid sa kaalaman ni Sally madalas siyang pag usapan ng boss niya at ng matalik nitong kaibigan na si Mhar. Ang sabi ni Rodel kay Mhar maganda sana ang secretaty ko at cute siya. Kaya lang alam mo naman ala akong hilig sa mga babaeng pa social. Walang alam kundi mag pahid ng make up sa kanilang mukha.
Ang gusto kong babae ang sabi ni Rodel yong kaya akong sabayan sa aking mga hilig.yong makakasabay sa akin mga kinahuhumalingan sport. Alam mo naman Mhar ang hilig hilig ko sa sport. Napahalakhak si Mhar sa mga binitiwang salita ni Rodel. Mukha pare nag kakagusto ka sa iyong secretary ahh! Mukhang masama ang tama mo sa kanya. Napailing lang si Rodel sa kanyang kaibigan. Paano naman ako mag kakagusto sa secretary ko. Wala naman yatang alam yon kundi mag lagay ng kanyang make up sa kanyang mukha. Kita mo naman sa ginawa ng Diyos buhat noong pumasok dito yan di ko pa nakitang alang make up sa mukha niya.
Siguro ang ganda niya pag ala siyang make up ano? Sa sinambit ni Rodel lalung napahagikgik si Mhar. Di ako makapaniwala sa aking naririnig pare ko. Iniimagin mo si Sally. Talagang masama ang tama mo sa iyong secretary. Sa totoo lang malakas ang dating sa akin ni Sally kaso tuwing makikita ko siya nawawalan ako ng gana. Ala siyang pag kakaiba sa ibang babae na alang alam kundi mag pa sexy. At lalu siyang maganda pag simple lang ang suot niya. Pare Rodel kahit naman na may make up siya ang ganda niya at di naman siya masyadong sosyal ahh. Compare mo sa iba diyan simple pa rin si Sally ahh. Sabagay tama ka dyan bagay naman sa kanya ang make up niya at mga damit na sinusuot niya di naman masyadong daring pero sexy.
Lumipas ang mga araw at buwan ganoon pa rin palaging nag papasexy si Sally para mapansin man lang siya ni Rodel. Pero walang epekto kay Rodel ang pag papasexy nito.Talagang binabalewa lang siya ni Rodel. Mabait naman ito sa kanya. Yon nga lang di siya nililigawan. At hindi man lang nag papakita ng pag kagusto sa kanya. Bilang isang boss mabait ito sa kanya. Maliban doon wala na siyang maaninag na kahit kaunting pag asa na matutunan siyang mahalin ng kanyang boss. Hindi alam ni Sally kaya di siya nililigawan ni Rodel dahil sa kanyang pag ka fake na pag kasosyal.
Nawawalan na ng pag asa si Sally. Na magugustuhan pa siya ni Rodel. Kaya nag babalak na siyang bumalik sa tunay na siya. Total nahihirapan na siya sa kanyang pag kukunwari. Saka hindi na niya magawa ang mga dati niyang ginagawa. Na baka mabisto siya na hindi siya tunay na social. Sa katunayan nga pag dating niya sa bahay ala siyang inuuna kundi ang alisin ang make up sa kanyang mukha. Laking ginhawa pag nakapag hilamos na siya at alisin ang kanyang sapatos na ubod ng taas. Iniisip niya minsan anu kaya isang araw pumasok siyang na naka rubber shoes at naka demins pants anu kaya sasabihin ng boss niya. Sa ganito pag iisip napapangiti si Sally sa mga kalokohan niya.
Dumating ang taunang paligsahan sa kanilang company. Ito ay itinatag buhat noong umupong vise president ng companya si Rodel. Ang sport contest of the month ay idinadaos minsan isang taon. Tuwang tuwa ang mga empleyado kasi libre lahat at isang linggo silang bakasyon with pay. Naka relax kana may bayad ka pa. kaya naman lahat sumasama. Ang lahat ng empleyado ng companya hinati sa limang grupo. Bawat grupo kailangan mayroong representative sa lahat ng sport. Basket ball, valleyball.chess.at mayroon ding ballroom dancing. At track and field.
May freedom ang bawat isa kung anong sport ang iyong pipiliin. Para pa demure pinili ni Sally ang larong di ginagamitan ng lakas. Na siyang hate na hate. Gusto sana niya track and field at valleyball kasi dito siya nag excel. Pero dahil nga pasocial siya at ayaw pa niyang mabisto ni Rodel. Paano siya mag papasexy kumilos kung track and field ang sasalihan niya. Kaya sa chess na lang siya sat ballroom dancing. Tiningnan ni Rodel kung anong games ang sinalihan ni Sally. Noong makita niya na chess at ballroom sumama ang hilatcha ng mukha niya. At napailing ito na talagang alang pag asa magustuhan niya ang babaeng ito.
Kahit alam na ni Rodel na mahal na niya si Sally. Pero pinipigilan niya ang kanyang sarili kasi wala dito ang mga katangian ng isang babaeng kanyang hinahanap na maging kabiyak ng kanyang puso. Samantala si Sally sa mga sport na alang kakuwenta wenta para sa kanya. Pero ala siyang magawa pa demure kasi ang papel niya sa company nila. Sa team ni Sally ang player ng vallleyball kulang ng isang player kaya napilitan siyang sumali dito. Pero ang sabi niya ay di siya ang main palyer pang sub lang siya.
Ayaw niyang ipakita ang galing niya sa pag lalaro ng valleyball.alam niya pag nasa court na siya di niya mapipigilan ang kanyang sarili bumigay. Kusa na itong lilitaw ang kanyang pag ka varsity player sa valleyball. Subalit di niya maiiwasang di pumasok sa court.Sa di inaasahang pang yayari noong nasa semi final na ang team nila. Kung matatalo sila ang 2nd at pag nanalo sila ang 1st.Ang aksidente nagyari di inaasahan. Ang kanilang captain ball ay napilayan sa paa. Kaya hindi na ito puedeng mag laro. Ngayon kabado ng lahat ang buong team. Siguradong matatalo na sila. Nawala ang pinakamahusay nilang player.
Dahil sa aksidente ang atensyon ng mga tao natuon lahat sa kanila. Kaya si Rodel napalipat sa lugar nila. Kasi kanina nasa truck and field ito. Dahil sa aksidente dito na sa valleyball siya manonood . Kahit wala ang kanilang captain ball kailangan din nilang ituloy ang laro. Kaya napilitan pumasok si Sally. Noong makita ni Rodel na mag lalaro si Sally humanap na siya ng puesto at siya manonood. Hindi alam ni Sally na nandoon si Rodel at pinapanood siya. Ang alam niya kanina nasa truck and field ito . kaya hindi siya nangiming ibigay ang kanyang galing sa pag lalaro. Laking gulat ng mga ka team nila sa ipinapakitang galing ni Sally sa pag lalaro. Parang professional kung kumilos ito at tumira sa bola.
Halos siya na lang ang nag dadala ng game. Akala ng kabilang team panalo na sila kasi nawalaang pinakamagaling sa team ng kalaban. Nag hindi nila alam ang pumalet ay higit pang doble ang galing. Nag taka ang kanyang mga ka team bakit siya magaling sa valleyball. Kaya napilitan siyang umamin na isa siyang varsity player noong college siya. 4yrs siyang naging player ng kanilang school dahil dito naging scholar siya at at katapos sa pag aaral. Tuwang tuwa ang team nila kasi sila ang nag champion sa valleyball. Hindi makapaniwala si Rodel sa kanyang nakita. Di yata si Sally napakagaling sa valleyball. Para siyang namamalikmata sa kanyang nakikita.
Kinabukasan babalik na uli sila sa Maynila. Pero ang kanilang huling gabi ang pinakamasaya sa kanilang tournament ang bigayan ng award at ballroom. Ito ang pinakakaintay ng lahat. Sayawan kainan at bigayan ng award ang huling gabi nila sa resort na ito. Lahat ay nag kakasayahan balak ng ipag tapat ni Sally kay Rodel ang kanyang secreto. Na hindi talaga siya isang pa social na babae. Siya ay nag kukuwari lang. handa na sanang siyang ipagtapat na sya ay nag kukunwari lang bilang isang social. At ang totoo na siya mahilig sa sport at simple lang siya. Na ginawa lang niya iyon na itago ang katotohanan dahil sa kanya.
Noong malapit na siya sa room ni Rodel napahinto siya sa pag lapit kitang kita niya sa bintana na nakikipag halikan si Rodel sa isang babae. Hindi siya makapaniwala na mayroon napala itong kasintahan kaya pala hindi siya pinapansin nito. Ang lalaking kanyang itinatangi mayroon ng ibang minamahal. Isang magandang babae at di lang mukahang pasosyal kundi mukhang talagang sosyal. Anu nga ba ang panama niya dito. Isa lang siyang secretaria ni Rodel. Paano nga naman siya mapapansin nito. Napakatanga talaga niya. Nangarap siyang puede siyang mahalin nito.
Sa isipan ni Sally umpisa bukas hindi na ako mag papasexy pa sa damuhong iyon. Ang buong akala ko single alang sabit iyon pala may kasintahan na sayang lang ang ilang buwan kong inaksaya sa pag papacharming sa kanya. Kaya sa pag babalik nila sa Maynila balik na sa dati niyang katauhan si Sally. Kaya naman sa kanyang pag pasok kinabukasan isang simpleng Sally na lang ang pumasok. Ibinalik na niya ang dating Sally na walang make up at manipis na lipstick lang at fresh powder ang inilagay niya sa kanyang mukha. Nag tataka man si Rodel di siya kumibo sapagkat ito ang gusto niya sa isang babae simple lang at makakasama niya sa kanyang mga hilig.
Kung kailan naman handa na si Rodel na siya ay ligawan saka naman si Sally ay umiiwas sa kanya. Dumistansya si Sally dina siya nag kikibo tulad ng dati kaya lang siya mag salita pag tungkol sa kanyang trabaho bukod doon ala na. sinabi niya sa kanyang sarili lilimutin na niya kung anomang kahibangan mayroon siya. Kung ano man ang kayang nararamdaman para sa kanyang boss kakalimutan na niya. Kailangan niyang patayin kung anu mayroon sa kanyang damdamin. Masasaktan lang siya pag dating ng panahon. Ayaw niyang maging isang tanga habang buhay.
Pero sa isang banda si Rodel naman ang hindi makapali di niya malaman kung paano siya mag tatapat ng kanyang nararamdaman ngayon na iniiwasan na siya ni Sally. Kaya naman nag isip ng paraan si Rodel para mag kausap sila ng masinsinan . kaya sinabihan niya ito na mag overtime silang dalawa at mayroon silang hahabuling trabaho. Nag tataka si Sally sa kanyang pag kakaalam wala silang pending na trabaho. Kasi nga sinisikap niyang laging on time ang mga papeles na dapat ayusin. Nag tataka man siya ala siyang magagawa utos ng kanyang boss.
Noong wala na ang lahat ng mga ka officemate nila sila na lang dalawa ang nasa opisina at iyon ang iniintay na pag kakataon ni Rodel. Para kausapin niya si Sally. Sa kanilang pag uusap napaiyak ng di inaasahan si Sally bakit mo sinasabi yan ngayon mayroon ka nga kasintahan ayoko na ako ang makasira sa inyong relasyon. Kaya ngayon ako lumalayo at pilit kong kinakalimutan kung ano mang mayroon sa puso ko. Napangiti si Rodel di niya akalain na may pag tingin din pala sa kanya si Sally. May taugon pala ang kanyang nararadaman para dito.
Sabay yakap at halik at saka niya ibinulong na mahal na mahal kita alam mo ba yon? Kay tagal kong kinimkim ang aking nadarama para sa iyo kasi masyado kang pa social di naman bagay sa iyo. Sabay ngiti ni Rodel. Sa totoo lang ayaw na ayaw ko sa isang babae ang ganoon. Sabay kurot ni Sally sa tagiliran ni Rodel at ang sabi alam mo rin ba kaya ako nag papasexy para mapansin mo. Iyon pala mas gusto mo na ganito ako. At yong totoong ako. Nag katawanan sila di yata may gusto ka rin sa akin noon pa? tango lang ang isinagot ni Sally at doon na nag lapat ang kanilang mga labi. Saka naalala ni Sally ang babaeng kahalikan ni Rodel noong isang araw.
Sabay tulak kay Rodel nag tatakang nag tatanong si Rodel kung bakit? Sabay sabi di ko kayang saktan ang kapwa ko babae di ko kayang ako ang maging daan ng inyong pag kakasira ng relasyon ng iyong kasintahan. Anong karelasyon ang sinasabi mo? Kitang kita ko kayo ng nobya mo nag hahahalikan noon. Natawa si Rodel kaya ba iniiwasan mo ako dahil doon? Sabay tango ni Sally. Lalung napahalakhak si Rodel kaya pala? Bestfriends ko yon tagal naming hindi nag kikita kaya ganoon. Saka di kami nag hahalikan. Ganoon lang talaga kami pag nag kikita halik at yakap pero wala yon halik kapatid lang yon at saka may asawa na rin yong bestfriend ko na yon. Ano ka gusto mong mapatay ako noong asawa niya kaibigan ko rin. Dito na nag simula ang mga maliligayang araw sa buhay nilang dalawa.
Dahil nasa hustong gulang na sila nag pakasal na sila at nag sama ng masaya at maligaya. Natupad lahat ang pangarap ni Rodel na ang makasama niya sa habang buhay ay katulad ni Sally. Kaya lagi silang mag kasama sa kanilang mga hilig. At madalas nag papaligsahan silang dalawa siempre pa laging panalo si Sally kasi laging nag papatalo si Rodel. Ang mahalaga sa kanila ang kanilang bonding sa isa’t isa. Naging masaya sila sa isa’t isa kasama ang kanilang mga anak… THE END….. copyright by Rhea Hernandez 3/15/12
No comments:
Post a Comment