NI: RHEA HERNANDEZ
Pinoy poems
www.tulawento.blogspot.com
Ang lahat ng tao nakakaranas ng matinding pag subok. Mayroon nalalampasan at ang iba naman di nakakayanan. Ang mga pag subok sa kanilang buhay at sila ay bumibigay. Ang kuwento ko ngayon ay tungkol sa mag asawang sinubok ng isang pag kakataon.
Ang mag asawang Analyn masayang nagsasama kasama ang kanilang tatlong anak. Simple lang ang kanilang buhay kasama ang kanilang mga anak. Dahil si Analyn isang ambisyoso kaya nag sumikap siyang umangat ang kanilang buhay. Ayaw ni Analyn na makatulad ang kanyang mga anak sa kanilang mag kakapatid. Lumaki kasi si Analyn sa hirap. kaya itinanim niya sa kanyang isipan kahit ano ang mangyari hinding hindi mararanasan ng kanyang mga anak ang kanyang pinag daanan.
Kahit mahirap pinilit ni Analyn na sa private school mag aral ang tatlo nilang anak. Sa pag susumikap niya at sa kasipagan sa awa ng Poong Maykapal nakakayanan niya. Unti unting napapalago ni Analyn ang kanyang inumpisahang negosyo. Hindi lang yon nakakapag pundar na rin siya ng kanilang kagamitan sa bahay. Nakakabili na sila ng mga lupa na kahit hindi kalakihan. Kahit papaano nakakapagpundar siya ng mga gamit at pala isdaan at nakabili na rin ng isang brand new pick up. Malaking ang naging asenso ni Analyn sa kanyang pinasok na Negosyo.
Dahil dito napag kasunduan nilang mag asawa na mag bitiw na sa trabaho ang kanyang asawa.
Hindi akalain ni Analyn dumating sa kanilang buhay ang isang malaking pag subok. Sa hindi inaasaham dinapuan ng malubhang sakit ang kanyang asawa. Ang buong akala ni Analyn simpleng lagnat lang ang sakit nito.
Malaking tulong ang binigay na gamut ng doctor. Habang umiinom siya ng gamut at antibiotic nawala ang kanyang lagnat at ginaw na nararamdaman niya. Pero pag kalipas ng ilang araw balik na uli siya sa dati pero mas malala kesa dati. Laking pag tataka ng kanilang doctor kung ano ang tunay na sakit ng asawa niya. Kaya naman napilitan silang lumuwas ng
Kaya kailangan na niyang ipasok sa hospital ang kanyang asawa. Kinakailangan na lagyan ng butas sa kanyang tagiliran para makatulo ang fluid sa kanyang baga. Ang sabi ng kanyang doctor halos nakalutang na ang lungs sa fluid ng kanyang asawa. Nag tagal sila sa hospital. Ang buong akala nila ok na ang lahat pero di nag tagal ganoon pa rin ang asawa niya. Hindi ito bumubuti kundi lalu pang naging malala pa kaysa dati. Nag pabalik balik sila sa hospital at sa doctor. Kung anu anong klaseng gamut ang kanyang iniinom. At higit sa lahat ang malalakas na antibiotic na napakamahal ang sabi ng doctor ipag patuloy lang ang pag inom ng mga gamut at unti unting mawawala ang tubig sa kanyag baga.
Samantala si Analyn siya na ang lahat ang umiintindi sa mga bagay bagay. Sa kanilang negosyo sa kanilang mga anak at pag aalaga pa rin sa asawang may sakit. Halos dina niya makuhang mag pahinga. Kailangan niyang dobleheng ang pag kita ng pera. Sapagkat napakamahal ng gamut ng kanyang asawa. Kahit nahihirapan siya hindi siya makadaing at di siya puedeng tumigil sa pag kayod. Alam niya nahihirapan din ang kanyang asawa sa nararamdamang karamdaman kaya naman ayaw niyang dagdagan pa ang nararamdaman nito. Kahit ganoon pa man kahit sandamukal ang mga iniinom nitong gamut walang pag babago sa kalagayan nito.
Ang karamdaman ng kanyang asawa ay lalung lumalala kaysa dati. Habang tumatagal nahihirapan na itong huminga. Ang matataas na lagnat at pag giginaw ay pabalik balik pa rin. Ang ipinag tataka nila regular ang pag inom ng gamut at pag kunsulta sa doctor bakit walang makitang pag babago sa kanyang kalagaan. Hindi na malaman pa ni Analyn kung ano ang kanyang gagawin sa kanyang asawa. Halos naikot na nilang lahat ang mga doctor at hospital hindi magawan ng paraan ang pag dami ng fluid sa kanyang lungs. Halos ang lahat ng kanilang ipon naubos na ni Analyn sa pag papagamot ng kanyang asawa. Kahit gaano mang kadami ng kanyang ipon ay nasaid na rin sa tagal ng pag kakasakit ng asawa niya . at sa pag labas masok nito sa hospital.
Dahil sa pag kakasakit ng kanyang asawa nahihirapan na siyang pag sabay sabayin ang mga tungkulin niya at pag aasikaso sa kanyang negosyo. Kahit di niya gusto at di niya napapansin nawawalan na siya ng oras sa pag aasikaso dito. Nauubos ng kanyan asawa ang mga oras niya sa pag parit parito sa hospital na laging siya ang kasama. Panay dasal ni Analyn na
Lagi niyang hinihiling sa Panginoon na bigyan siya ng lakas para kayain ang mga pasanin kanyang pinag daraanan. Pag nakatalikkod ang kanyang asawa hindi niya maiwasan at di niya mapigilang tumulo ang kanyang mga luha. Ang pag agos ng mga luha mauuwi sa impit na pag iyak.
Isang araw mayroon isang kaibigan ng kaibigan nila na may kilalang isang magaling na doctor sa ganoong sakit. Ang doctor na asst. derector ng lungs center hospital. Ang doctor na ito siyang specialista sa ganitong karamdaman. Hanggang ma meet nila ang doctor na ito. Hindi biro ang singil ng doctor na ito. Halos di humihinga si Analyn noong makipag usap siya sa doctor. Noong sabihin ang doctors fee ibig niyang himatayin sa laki ng halaga. Kailangan daw operahin ito at buksan ang kanyang baga para makita kung bakit ayaw tumigil sa pag produce ng fluid ang kanyang lungs. Kung hindi daw ooperahin hindi titigil ang pag dami ng fluid sa kanyang baga. Subalit hindi birong halaga ang kakailanganin. Sa phil. heart center hospital siya napasok.
Noong umpisa ayaw pa opera ang asawa ni Analyn. Saan nga naman kamay kukunin ang ilang daang libong piso para lang sa operasyon niya. Wala silang ganoong kalaking halaga. Alam niya na halos said na ang kanilang saving. Tapos ngayon inaalala niya ang daan daang libong piso gagastusin sa operasyon. Kinausap ng masinsinan ni Analyn ang kanyang asawa na siya ang bahala sa perang gagastusin niya sa operasyon . huwag siyang mag alala kasi mayroon naman siyang perang naiipon. Iyon na lang ang gagamitin niya sa pambayad sa hospital at operasyon niya. Pero lingid sa kaalaman nito wala na siyang pera sa kanilang saving at ubos na ang natitira na lang ang kanyang capital sa negosyo. Makakabayad sila sa lahat ng gastusin pero babalik sila sa dati nilang buhay ang walang wala.
Pero mahirap maging pera pa ngayon ang kanyang capital nakapasok nga ito sa negosyo niya take time para malikom niya ang malaking halaga kakailanganin ng kanyang asawa sa pag papaopera. Alam naman ngayon sa mga hospital di ka iintintihin kung di ka mag deposit ng kahit kalahati man lang sa total ng cost ng operation at doctor fee. Laking papasalamat niya sa kanyang mga kapatid at tinulungan siyang likumin ang malaking halagang kakailanganin sa pag papaopera nito. Noong makompleto na ang perang gagamitin sa pag papaopera binigyan na sila ng schedule kung kailan ooperahin ito. Halos lahat ng mga kalapit kuarto nila halos pareho ng sakit ng kanyang asawa. At lahat ay inopera yon nga lang iba ang kanilang doctor.
Natapos ang operasyon sa wakas ang sabi ng doctor matagumpay at alang aberya maliban nahirapan lang sila kasi masyado ng marami ang nakabalot sa lungs ng kanyang asawa. Kailangan maalis lahat para hindi na umulit pang muli ang pag produce ng fluid sa kanyang baga. Laking papasalamat ni Analyn sa panginoon at nakaraos ang kanyang asawa sa maselang operasyong ginawa sa kanya. Unti unting lumakas ang kanyang asawa at pinayagan na silang makauwi sa bahay. Kailangan lang ang bumalik sila sa hospital para sa regular check up. Tuluyan ng gumaling ang asawa ni Analyn. Nabawasan na ng isang problema si Analyn pero nahaharap pa rin siya sa mabibigat na problema.
Kailangan nanaman niyang mag hanap ng pera para mabayaran ang mga perang ginamit nila sa hospital. Paano na ang buhay nila ngayon naubos lahat ang kanyang saving pati capital niya sa pag nenegosyo. Paano na ang pag aaral ng kanyang mga anak. Saan niya kukunin ang kanilang pang araw araw na gastusin at mga gastusin ng kanyang tatlong mga anak. Na puro nasa private school. Saan siya kukuha sa pag tustos dito.
Hinihiling niya sa Diyos na bigyan pa siya ng kaunting lakas ng loob para makayanan niyang muling ibangon ang kanilang kabuhayan. Kaunting lakas pa para makayanan na niyang lahat ang mga pag subok na kanyang pinagdadaanan niya sa kasalukuyan. Unti unti na nahahalata ng kanyang asawa ang kanyang malalim na pag iisip. Na kung minsan napapatulala siya sa kanyang mga hinaharap na problema.saka pa lang niya sinabi sa asawa niya na wala na. ubos na ubos na sila. Sinabi niya na di lang daang libo ang naubos nila sa pag papagamot nito kundi inabot ng million. Kaya wala na silang negosyo pa. at katunayan lubog pa sila sa utang kasi ang ibang puhunan niya utang lang ito sa banko.
Hindi na siya makaikot sa negosyo at ang katunayan baon pa sila sa utang ang masaklap pa nito panay dating pa ang mga bills na dapat bayaran. At kailangan pa ring continue ang pag inom niya ng gamut na ubod ng mahal. Pakiramdam pa rin ni Analyn na pasan pa rin niya ang daigdig. Habang tumatagal lalung bumibigat ang pasan niya sa kanyang balikat. Hindi niya malaman kung paano niya ito malulusutan . ilang buwan na lang mahahalata ng buong bayan na isa n siyang bangkarote. Kahit papaano ayaw ipahalata ni Analyn sa kanilang mga kamag anakan na walang wala na sila. Gusto pa rin niyang ingatan ang kanyang image .
Nag pasya si Analyn na mag migrate na lang sila sa
Noong una ayaw pang umalis ng asawa ni Analyn. Paano na daw ang kanilang negosyo at ang pag aaral ng mga bata. Saka palang ipinag tapat ang lahat lahat ni Analyn sa kanyang asawa na ang buong katotohanan . wala na ang kanilang negosyo at baka sa sususnod na taon dina nila kayanin na pag aralin pa ang mga anak nila sa private school. Kailangan na nating umalis ng bansa at don na lang uli tayo mag umpisa malayo sa mga mata ng mapang husga. Walang manglalait sa atin kung sa ibang bansa tayo mag hihirap. Hindi ko kayang harapin ang mga taong manlalait sa akin na bigla tayong nag hirap.
Paano na ito matutupad ngayon walang wala na sila.
Ang akala ni Analyn madali ang mag umpisa ng bagong buhay sa
Dito ko muna tatapusin ang kuwento ang buhay ni Analyn . di pa kumpleto ang kanyang pag sasalaysay sa akin .THE END copyright by Rhea Hernandez 3/27/12
No comments:
Post a Comment