Friday, March 9, 2012

LOVE STORY" ANA MARIE" chapter 4

LOVE STORY “ANA MARIE” chapter 4

Ni Rhea Hernandez

Pinoy poems




              Gusto sana ni Ana Marie na mag tagal ang kanyang bakasyon upang malaman nga niya ang katotohanan. Alam niyang mahal na mahal siya ng kanyang asawa. Kaya hindi kayang gawin ang ipag palit siya  sa iba. Pero ano itong kanyang nararamdaman. Bakit siya kinakabahan. Bakit mayroon siyang pag dududa ngayon sa kanyang puso. Nag seselos ba siya o nawawalan na siya ng tiwala sa kanyang asawa. Dahil sa kanyang mga naririnig at nararamdaman.

              Gustuhin man niyang mag tagal ang bakasyon. Kaso ang kanyang amo sa Kuwait panay na ang tawag sa kanya. Pinababalik na siya sa kanyang trabaho. At muli silang nag usap na mag asawa at napag kasunduan nila na babalik uli siya sa Kuwait. At parang gustong gusto na ni Ramil na umalis na siya agad. Parang nag iba na ang asawa niya. Noon halos ayaw siyang paalisin bakit ngayon parang bale wala lang ang pag alis niyang muli.

              Maliban sa mga chismis na kanyang nasasagap mayroon din siyang nararamdaman. Hindi na katulad ng dati si Ramil na sabik na sabik sa kanya pag siya umuuwi. Madalas ginagabi na ito sa pag uwi. Laging sinasabi nasasabit sa barkada at sa mga kaibigan. O kaya may pasaherong inihatid sa malayo. Mayroon nakasi siyang tricycle na pamasada. Ibinili ni Ana Marie para mayroon siyang mapag kakitaan. Para mag katulong silang kumikita at ng makaipon sila ng kaunti para mayroon maging puhunan sa pag nenegosyo.

              Gusto kasi ni Ana Marie na balang araw mag negosyo na lang siya at ayaw na niyang bumalik pa at mag paalila sa mga dayuhan. Pero ano ang kanyang magagawa. Wala pa silang naiipon para sa kinabukasan ng kanilang mga anak. At wala din matatag na pinag kakakitaan ang kanyang asawa. Ayaw man niyang mangibang bansa at iwanan ang kanyang mga mahal sa buhay  wala siyang magawa. Pag naiisip niya ang kinabukasan ng kanilang mga anak hindi niya magawang ipagwalang bahala ang pag kita ng pera kahit ang kapalit nito ay malayo sa kanila.

              Hindi matatahimik ang kanyang kalooban hanggang di sila nag uusap mag asawa tungkol sa nababalitaan niyang pangangaliwa nito na mayroon siyang kinahuhumalingan babae. Bakit daw maniniwala siya sa mga sabi sabi ng mga makakating dila. Dapat daw sa kanya maniwala sapagkat siya ang asawa at mahal na mahal siya nito. Nag bitaw ng isang salita si Ana Marie sa kanyang asawa. Isang bagay lang ang huwag na huwag mong gagawin ang pang babae. Pag iyan na ang naging bisyo mo kahit kailan man hinding hindi kita mapapatawad. Mawawa akong parang bula sa buhay mo. Pati na ang mga anak mo.

              Sa mga binitiwang salita ni Ana Marie. Isang pangako ang binitiwan ni Ramil na hinding hindi niya gagawin ang pang babae. Isinusumpa ko sa iyo. Wala akong maraming sasabihin ang sabi ni Ana Marie. Hindi ako naniniwala sa mga chismis na aking naririnig. Pero sa oras na napatunayan kong niloloko mo ako. Ihanda mo na ang iyong sarili na mawawala kami ng mga anak mo sa iyo. Kilala mo ako Ramil hindi ako marunong manakot pag sinabi ko ginagawa ko at pinaninindigan ko ang sabi ni Ana Marie na sa tono ng pananalita ay may kasamang pag babanta.

              Muling umalis si Ana Marie papuntang Kuwait. Bago siya umalis nag bukas siya ng isang ATM card para sa kanyang pag papadala ng pera. At ito iniwan niya kay Ramil. Dalawang taon nanaman ang kanyang bubunuin. Naging regular ang kanyang pag huhulog sa ATM. Ang buong akala niya natatangap ng kanyang asawa ang pera. Pero mayroong balitang nakakarating sa kanya na di daw siya nag papadala ng pera.

              At mayroon ding nakarating sa kanya ang kanilang lupa nasa kanilang pangalang dalawa. Ibinenta ni Ramil ang kalahating hektarya. Walang kaalam alam si Ana Marie sa pinag gagawa ng kanyang asawa. Kaya daw ibinenta ang dahilan niya di siya  nag papadala ng pera para sa kanilang mga anak at pang gastos. Inintay lang ni Ana Marie matapos ang kanyang kontrata. Gustong gusto na niyang makauwi  upang linawin ang mga kaganapan.

              Noong matapos niya ang dalawang taong pag papaalila sa Kuwait umuwi siya at kinompronta ang magaling niyang asawa. Tungkol sa pag bebenta ng kanilang ari arian. Paano daw di ibebenta ni Ramil ang kanilang lupa 3x lang siyang nag padala ng pera buhat noong umalis siya. Walang kibong tumalikod si Ana Marie at pumasok sa kanilang silid. Sa pag labas niya dala dala niyang lahat ang resibo ng kanyang pag huhulog ng perang padala niya sa kanyang asawa sa pamamagitan ng ATM. Laking gulat ng lahat halos lahat ng kanyang kinita sa loob ng dalawang taon ay pinadala niya sa kanyang asawa.

              Dahil sa pangyayari doon nalaman ni Ana Marie na ang ATM card na kanyang iniwan sa kanyang asawa ay di nito hawak. Hindi nakakakibo ang kanyang mga biyanan at mag hipag at bayaw. Ang buong akala nila kasi sinolo lahat ni Ana Marie ang kanyang kinikita. Ni hindi man lang nag papadala sa kanyang asawa at mga anak.  Laking gulat nila na hindi alam ng kanyang asawa na nag papadala siya ng pera. At  wala itong natatangap sa mga pinapadala nila.

              Ang kanyang iniwang ATM ang nag hahawak ang bunsong kapatid ni Ramil. Hindi sinasabi  kay Ramil na nag padala na  si Ana Marie. Kaya dali daling ipinakuha ni Ana Marie ang ATM card . at noong kanyang tignan wala na itong laman kundi 75 pesos na lang ang natitira. Bagsak ang kanyang balikat. Sa kanyang pinag hirapan ng dalawang taon nag lahong parang bula. Ang kanyang pinag hirapan iba ang nag pakasasa. Walang nagawa si Ana Marie kundi ang mapanangis sa pag iyak.

              Kaya daw niya pinahawak sa kanyang kapatid ang ATM hindi niya ito alam gamitin. At saka tiwala naman siya kasi kapatid niya ito. Talaga kahit kapatid sa pag dating sa pera hindi mo mapag kakatiwalaan. Anu pa ang magagawa nila naubos na ng kapatid ni Ramil ang pera. Kaya pala nag tataka ang marami kung bakit mayroon perang pinapautang ng 5 / 6 ang mga ito.

              Anu pa nga ba ang magagawa nila. Wala ang perang kanyang pinag paguran ng 2taon. Ang nag pakasarap at nag pasasa ang kanyang hipag. Kaya naman yong ibang may utang sa kanyang hipag noong malaman na nakaw ang ipinautang sa kanila. Mga nag tago at hindi na nag sipag bayad. Kaya nasambit lang ni Ana Marie mabilis lang ang karma. Ang perang hindi mo pinag paguran mabilis din itong mag lalaho. Ang perang di sa iyo hindi ito nag tatagal sa mga palad mo. Kaya huwag mo itong pag interesan at baka  mag tangay pa ng malaki. Madali din itong mawawala.

              Dahil sa samang loob  sa asawa nag kasakit si Ana Marie. Hindi niya akalain na walang halaga siya sa kanyang asawa. Masyado siyang nag damdam sa asawa. Hindi man lang pinabatid sa kanya na mga pinagpaguran niya ay pinag katiwala sa kapatid niya at ang kanilang conjugal property ibinenta na di man lang siya kinunsulta. Damang dama ni Ana Marie na wala siyang halaga sa kanyang asawa. Mas dinamdam niya ang isiping hindi siya pinahahalagahan ng kanyang asawa. Ang perang nawala maaari pang kitain at ang property ibinenta puede pa ring palitan.

               Pero ang pag titiwala at pag mamahal kay hirap ng ibalik. Dahil sa ganitong isipin kaya siya nag kasakit. Ang maramdaman na wala siyang halaga sa asawa niya. Labis labis ang kanyang pag mamahal dito. Pero ngayon nawawala na. unti unting nawawala ang pag mamahal niya sa kanyang asawa. Ang matibay niyang pag titiwala wala na siyang makapa sa kanyang damdamin. Sa binigay niyang pag mamahal at titiwala bakit ganito pa ang kanyang mapapala. Ang maramdaman niyang hindi man lang siya pinapahalagahan nito.

              Masakit mang isipin ito ang mas nag papahirap sa kanyang isipan at damdamin. Ang isiping ibinibigay mo ang 100% mo sa kanya  wala kang makuha kahit kaunting balik. Ang paniniwala niyang mahal na mahal siya ng kanyang asawa unti unting gumuguho. Ang kanyang paniniwala napapalitan ng mga agam agam at pag hihinanakit. Masisi ba niya ang kanyang sarili kung  bakit ganito ang kanyang nararamdaman.  Minsan naitatanong niya sa kanyang sarili kulang pa ba ang binibigay niya? Saan ba siya nag kulang?

              Muling nakarekober na ng lakas at determinasyon si Ana Marie. Nag apply na muli siyang mag trabaho sa ibang bansa. Sa Quatar na siya napadpad. Hindi pa siya nag tatagal. Dalawang buwan pa lang siya dito mayroon siyang natangap na masamang balita. Ang kanyang tatay ay pumanay. Hindi siya makauwi dahil kadarating pa lang niya. Wala siyang nagawa kundi ang mag padala na lang ng pera para sa makatulong sa gastusin.

              Noong tumawag siya sa kanila nalaman niya na di ibinigay ng kanyang asawa ang perang pinabibigay sa kanyang ina. Kalahati lang ang ibinigay nito sa halagang kanilang pinag usapan. Galit na galit siya sa kanyang asawa kung bakit hindi ibinigay yong usapan nila. Ang idinadahilan kay daming babayaran sa school ang kanilang  mga anak. Anu pa nga ba ang magagawa niya. Kundi tangapin ang paliwanag ng kanyang asawa.

              Mabilis ang paglipas ng mga araw. Habang nag lilinis ng bahay ng kanyang amo si Ana Marie mayroon siyang natangap na text galing sa kanyang asawa. Tuwang tuwa siya at naalala siyang padalhan ng text ni Ramil. Kadalasan kasi tamad itong mag text sa kanya. Pero laking disgrasya. Na wrong send ito. Ang text ay hindi para sa kanya. Kundi sa kanyang kalaguyo. Na nag sasaad na mag kikita sila. Total wala ang kanyang asawa.

              Paano na ngayon ? siya na mismo ang nakatuklas sa kalokohan ng kanyang asawa. Ano ang gagawin ni Ana Marie? Sa kanyang pag kakatuklas sa pambabae ni Ramil ano ang gagawin niya? Makayanan kaya niya ito? ABANGAN! Copyright by Rhea Hernandez 3/9/12

No comments:

Post a Comment