Sunday, March 25, 2012

LOVE STORY "RHEA" (MUNTING ALA ALA NG BUHAY SA BUKID)

LOVE STORY”RHEA”( munting ala ala ng buhay sa bukid)

Ni Rhea Hernandez

Pinoy poems   


              Kanina habang ako’y nag lalakad sa aking nakasanayang tuwing umaga. Ang  pag lalakad  naging habit ko na kasi ito. Habang akoy nag lalakad  napahinto ako sa tapat ng isang park. Maingay pero para isa siyang musica sa aking pandinig. Kasalukuyang nag cut ng damo sa paligid. Ang amoy ng simoy ng hangin ngayon ay kakaiba. Humalalo sa halimuyak ng mga damong bagong putol. Na siyang nag dudulot ng munting kaligayahan sa aking puso. Sa mga gumita kay sarap balikan. Ang buhay sa bukid sa Bulacan. Noong bata pa ako.

              Biglang bumalik sa aking gunita ang kahapon. Noong ako’y bata pa mga alala na nag sibalikan sa aking isipan.  Mga kahapon na kay sarap balikan. Habang ang halimuyak ng mga pinutol na damo na siyang nag sibling taga pag paalala ng kahapon. Kung ano ang buhay ko noong ako’y bata pa. noong nasa kabukiran pa ang aking mundo. Kay sayang balikan ang buhay sa kabukiran.  Mga alaala noong kasama ko pa si ama.  Ang mga alala  na kasama ang kalabaw ni ama. Aking pang natatandaan na gustong gusto ko na sasakay sa likod ni dumalaga. Kasama si ama na pinapastulan  ito sa damuhan. Hahayaan manginain ng mga sariwang damo sa kabukiran. Pag busog na ito saka palang kami uuwi na nakasakay parin sa likod ni dumalaga. Ewan ko ba noong bata pa ako enjoy na enjoy ako sa pag sakay sa likod ng kalabaw. Akala tuloy ng marami ako’y isang tomboy.

              Sa tuwing umaga naman pasan na ni ama ang kanyang punta para ipanakati ng damo ang kanyang alagang kalabaw. Nanakati si ama ng mga damo para sa mag hapong pag kain ni dumalaga. Pag katapos nito ang pag gatas sa naman ang haharapin niya. Dahil malusog si dumalaga  kay dami niyang gatas na ibinibigay sa amin. Nakakatuwa habang ginagatasan ito ako pa nga ang taga hawak ng sisiglan ng gatas. Kay sarap ng gatas ng kalabaw lalu na sariwang sariwa pa ito. Kaya lumaki akong malusog dahil sa tuwing umaga sagana ako sa sariwang gatas ni dumalaga. Kadalasan hindi nauubos ang gatas na ibinbigay nito kaya mayroon kaming kesong puti. Ito ang ginagawa ni ina tuwing maraming gatas na hindi naubos sa almusal. Kay sarap ipalaman sa hot pandesal ang kesong puti na galing sa sariwang gatas ni dumalaga.

              Kung panahon ng tag ulan aking naaalala ang madalas naming paliligo sa ulan. Kay sarap mag tampisaw sa ulanan. Naghahabulan kami sa ilalim ng malakas na ulan. Kay sarap maligo sa ulanan. Kahit madalas hinahabol kami ng pamalo ng aming ina. Hindi daw maganda ang mag pa ulan at baka mag kasakit kami. Dahil noong mga kabataan kami  matigas ang ulo namin . Madalas tumatakas  kami para lang makapaligo sa ilalim ng ulanan. Pag ganitong tag ulan ito ang panahon ng sakahan sa kabukiran. Pag tag ulan nasasabak si dumalaga sa mag hapon trabaho sa bukid. Kasama niya si ama sa pag aararo ng kabukiran. Dito nag kakaroon ng ilog ilogan sa gitna ng pinitak. Sa mumunting ilog ilogan naiipon ang mga tubig. Ang tubig sa pinitak kay sarap mag tampisaw. Na kay linaw ng tubig na puede kang manalamin. Pero pag kami nag laro dito nag kukulay kape ang tubig. Napapaglabo naming ang kulay ng tubig.

              Ang isa pang maganda tuwing tag ulan  ay ang pag lalaro naming ng pag huli ng mga butete ng palaka. Ang mga maliliit na kiti kiti na nakakatuwang pag laruan  at nag paparamihan kaming hinuhuli. Ang aming aalagaan sa isang maliit na balon na ginawa naming para doon ipunin ang mga nahuling kitikiti ng palaka. Nag papaligsahan kami kung kanino ang unang makakalabas at makakaahon sa kanilang balon. At kung minsan naman mamumulot kami ng mga suso na kung siya  aming pinag kakarera. Nag papaligsahan kami kung sino ang unang makakagapag ng malayo. Sa ganitong nag kakatuwaan kaming mag kakapatid at ng mga kaibigan. Ang masaklap lang kung mahuhuli kami ni ina. Makakagalitan nanaman kami sa pag babasa sa ulanan at sa pag lalaro sa  tubig sa pinitak.

              Pag ganitong tag ulan ang palukso ni ama kay daming nahuhuling isda. Aking pang natatandaan kay ganda ng palukso ni ama. Mayroon siyang maliit na kubo sa itaas ng palukso. Na kahit anong taas ng tubig di kaaabutin  nito sa maliit na kubo na puede kang mahiga habang nag iintay ka sa mahuhuling isda ng palukso. Kay sarap panoorin at pag masdan ang pag lundag ng mga isda na huli ng palukso ni ama. Kung minsan naman pag sinusuwerte ang araw mo sa pag babantay sa palukso hindi ka mag kandadala sa daming isdang huli. At kung minsan naman kaunti lang ang huli nito sakto lang para sa mag hapon pang ulam naming. Pag maraming huli ang palukso ni ama. Siguradong sagana nanaman kami sa ulam.amng gustong gusto ko noon aking pang naalala ang piniritong bulig na maliliit. Prituhin ng malutong na maluton  at saka ko isasawsaw sa sukang may bawan at kasabay sa bagong inin na kanin pag ganito na ang ulam hindi ko na maigilan ang lantakan ng husto ang pag kain. Pag ganito ang gana gana kong kumain. Hindi ako kayang pigilan ni inang kumain. Dahil bata ba galawgaw ako kaya di kong makuhang tumaba kahit kay sarap kumain.

              Kapag kabilugan naman ng buwan kaming mag kakapatid nag lalaro ng taguan o patintero sa ilalim ng liwanag ng buwan. At mag kaminsan naman ay nag upo sa ilalim ng malaking punong mangga at mag kukuwentuhan ng kung anu ano. Pero ang paborito naming pag kuwentuhan ay ang mga nakakatakot. Tulad ng mga multo o ng mga lamang lupa. Nakakatuwa lang pinag kukuwentuhan naming ang mga ito pero mga takot na takot naman sila dito. Lalu na sa multo. Lamang ako sa kanila kasi di ako naniniwala sa multo at sa mga lamang lupa. Bata pa lang ako di ako naniniwala dito. Ang alam ko kasi puro likha isip lang ng mga taong malalakas ang kanilang imahinasyon.  Pag ganito na ang usapan laging lamang ako sa kanila kasi silang lahat takot sa multo sa mga lamang lupa at anu ano pa.samantala ako hindi takot sa mga kakatakuang kuwento. Kay sarap lang balikan ang mga kalokohan  noong bata pa ako.

              Pag tag araw naman ito ang panahon ng anihan. Matatanaw mo ang kabukiran na akala mo kay daming gintong nakakalat dito. Nag kikislapan ang mga uhay ng palay pag tinatamaan ng sikat ng araw na kay sarap pag masdan  na para kang kinakawayan ng mga uhay ng palay. Ang galaw ng nito sumasayaw sa ihip ng hangin. Kung iyong masasamyo ang amoy ng bulaklak ng palay at ng uhay nito dito parang amoy ng hininga ng isang dalaga sabi nga ng mga matatanda amoy pinipig. Kung panahon na ng anihan. Kaming mag kakapatid namumulot ng mga laglag na uhay ng palay. Nag paparamihan kami ng mga pinupulot. At ito aming ibinebenta para maging pera at mayroon na kaming pambili ng ice candy o ng ice drop. Na may nag lalako. Pag narinig mo ang kanilang bell at sigaw ng ice candy kayo dyan o kaya icedrop kayo dyan. Nag uunahan na kaming bumili.

              Pag katapos ng anihan ng palay si ama ay nag tatanim ng pakwan sa bukirin. At siempre katukatulong kaming mag kakapatid sa pag tatanim. Sa pag aalaga ng pakwan may kanya kanya kaming puno na ginagawa naming pet. Nag papaligsahan kaming mag kakapatid kung alin ang pinakamalago at maraming ibubunga. At higit sa lahat nag papalakihan kami ng mga bunga. Masaya ang pagdating ng anihan. Ang bagong pitas na husto na sa gulang ito ay sobra ang tatamis nito. Sa bandang huli mayroon pang nahuhuling bunga na maliliit pa. at kung minsan ginagawa naming itong bola at nag babalibagan kami ng maliliit na pakwan. Pag nahuli kami ni ina o ni ama mag uunahan na kami sa pag takbo kasi baka kami abutin ng pamalo ni ina.

              Aking pang naalala noong elementary pa ako lumalaki na ang babuyan ni ina. Pinalaki kaming dapat tulong tulong sa pag aalaga ng kanyang babuyan. Hindi kami puedeng pumasok sa school hanggang hindi pa tapos ang pag lilinis ng babuyan. Kailangan malinis na lahat ang mga ito at nakakain na . kaya naman mag kaminsan nakaligo ka na amoy babuy ka pa rin . para madali ang pag aasikaso ng babuyan ni ina tulong tulong kami sa pag lilinis at pag papakain. Noong mga panahong iyon ala pang katulong ni ina . kaya kaming mag kakapatid ang siyang nag tutulong tulog sa munting kabuhayan ni ina. Kaya kasama kami sa pag papalago ng kanyang babuyan. Dito naming kinukuha ang malaking part eng pangastos sa aming pamilya.

              Kung panahon naman ng taniman ng palay. Pag si ama nasa bukid dadalhan ko siya ng mieryenda. Pag katapos mag lalaro ako sa pinitak . Mang huhuli ako ng tipaklong at mga butete.  Tapos mag lalakad sa makikitid na pilapil na kung mag kaminsan nahuhulog ako. O huwag ka minsan sadyang  mag papahulog para may dahilan sa aking ina kung bakit puro putik ang aking damit. Hindi niya alam kaya puro putik ay nang huli lang ng tipaklong at butete sa pinitak. Kay sarap balikan ang kahapon . Pag taniman na ng palay nakikitanim ako ng palay. Ako na nga ang nag eefort na tumulong sa pag tatanin nakakagalitan pa.  kasi daw nakakasira lang daw ako at hindi nakakatulong sa kanila. Ang  mag tanim ng palay huwag kong pangarapin at napakahirap na trabaho. Ang mga tanim  ko daw di lalaki at di mabubuhay . kasi ba naman baluktot daw ang puno kaya di mabubuhay. Sayang lang daw ang pagod ko at ang mga punla.

             Dito ko narinig ang sinabi ng aking ama. Na huwag ko daw pangaraping maging isang mag sasaka. Ang mag trabaho sa bukid ay hindi biro. Kaya daw iginagapang nila ang  aming pag aaral ay para hindi kami maparis sa kanya na maging isang mag sasaka. Ang isang mag bubukid ay hindi biro ang sabi niya. Kaya nag susumikap kami ng iyong ina na pag aralin kayo. Para di kayo maparis sa amin kung hindi mag patulo ng pawis hindi kikita ng kakarampot na pera. Huwag kayong pumaris sa amin ng iyong ina na walang tinapos kaya nag babaraso para kumita ng salapi. Mga paalala ng aking ama noon at tumimo sa aking murang isipan. At hinding hindi ko malilimutan. Hanggang ngayon ang mga paalala niya nakatimo sa aking puso’t isipan. Kaya naman nag sumikap kaming mag akkapatid na makatapos ng pag aaral.

              Ang buhay sa bukid masayang mahirap. Bumabalik sa aking alaala ang mga pinag daanan ko. Ang daming alagang manok si ina. Halos araw araw ako ay namumulot ng itlog sa pugaran. Nag tataka ako kay ina noon kung bakit niya alam niya kung aling manok ang may ari ng itlog. At alam din niya kung aling manok ang hindi nag bigay ng itlog ng araw na iyon. At alam din niya kung aling manok ang hindi humapon sa kulunga . Sa murang kong isipan kung ano ang ibig sabihin noon. Ang manok daw at parang tao. May kanya kanyang klaseng ng itlog, shape, and color  nag tataka man ako sa mga tinuran ng aking ina. Sa aking murang isipan noon. Sa aking pananaw parepareho ang shape ng itlog. Iisa ang tingin ko sa itlog. Kaya naman kumuha ng itlog sa basket si ina. At ipinakita sa akin ang pag kakaiba ng bawat itlog. Sinabi niya ang kaibahan ng bawat itlog at itinuro niya sa akin saka ko pa lang ito napansin  na di nga sila mag kakamukha. At sabi pa niya sa akin tulad ng tao pag anak ni Pedro di mo siya sasabihin na anak siya  ni Juan. Kasi ang anak ni Juan di kamukha ng anak ni Pedro. Ang mga tao may kanya kanyang katangian at pag kakaiba. Hindi ko siya nakuha noon kung ano ang kanyang ibig sabihin. Dahil bata pa ako noon nahirapan akong intindihin pero ngayon alam ko na kung ano yon….

              Si ama mahilig siyang mag tatanim ng mga gulay iba’t ibang klase. Kaya naman kay laki natitipid nila. Hindi kailangan ang pera para makakain ng masustansya at masarap. Aking pang natatandaan bihirang pumunta ng bayan si ina para mamili ng mga gamit sa bahay. Kahit mahirap lang kami pero sagana sa pag kain. Sa gulay , isda at manok.  Halos araw araw sa gulayan namimitas si ina n gaming pang ulam. At mag ka minsan may sunong pa kami ng bilao at itinitinda naming ang sobrang tanim na gulay ni  ama. Pag nag sasama na kami sa gulay ang mga alagang manok ni ina ang aming hinuhuli. Pero huwag ka ayaw ni ina na babaeng manok ang huhulihin naming para lutuin. Kasi daw mag bibigay daw ito ng itlog sa araw araw. Basket basket na itlog ana ibinebenta niya. Minsan di alam ni ina kumukuha kami ng itlog sa pugad at ipinamamalit naming ng candy sa tindahan. Kaya mag kaminsan napupuna ni ina sa hapon pag oras na pulutan ng itlog nasasabi niya na di nangitlog ang ilan niyang manok hindi niya alam ipinag palit naming ng candy sa tindahan.

              Pag panahon ng mangga kay dami naming kalokohan mag kakapatid. Lagi kaming nawawala nag tatago sa itaas ng puno na may baon kaming asin sa bulsa. Pag baba naming bundat na kami sa mangga. May bitbit pa sa pag uwi. Ang paborito naming akyating puno yong sa aming tiyuhin na naknakan ng damot. Kasi ba naman sa lahat ng puno ang mangga niya ang pinakamatamis ang bunga. Para ka lang kumakain ng sinigwelas. Kaya manginginain na kami mag bibitbit pa kami pauwi . Ang masaklap pag nahuli kami ng tiyuhin naming na saksakan ng damot at sungit tinutugis kami ng kayang pamalong tungkod. Habang nag uunahan kami sa pag takbo habang tumatakbo nag tatawanan kami  sa aming mga kalokohan.

              Ang paliligo sa sapa o patubig na madalas na kami mahuli ng aking ina. Lagi kaming nakakagalitan kasi natatakot siyang malunod kami sa lakas ng agos ng tubig. Dahil bata matitigas ang ulo. Palaging tumatakas para lang makapag tampisaw sa malinaw na tubig ng ilog. Ang gusto ko sa pag uwi naming ang dami kong uwing clam o tulya. May pag ulam na kami. At marami din kaming nakuhang suso at kuhol. Mag kaminsan kasi nakakasawa  na ang puro gulay. Kaya  mahilig kaming manhuli ng mga puedeng pang ulam sa kabukiran. Ang isa pang nakakalibang ang pamimingwit ng palakang bukid. Noong bata pa ako ang galing kong mamingwit ng palaka.

              Kay dami ko pang mga alaala kalokohan noong bata pa ako. Mga pinag gagawa namin noong kami ay mga bata pa. kay sarap balik balikan ang kahapon. Pag ito ang sumasagi sa aking isipan akong napapangiti. Marami pa akong kalokohan at mga alaala kaya lang baka masyado na kayong mabagot basahin ang aking mga kuwentong bata. Sabi ninyo siguro kakaiba ito sa mga naisulat ko na. makikita ninyo kung sino ako noong kabataan ko. Hindi naiiba sa karaniwang kabataan. Isang pilya bata na gustong subukan ang lahat.  Di ko muna puputulin ang kuwento ng buhay ko noong bata pa ako baka kasi hindi na ninyo basahin  sa sobrang haba na ala naman storya. THE END…copyright by Rhea Hernandez 3/25/12

No comments:

Post a Comment