Monday, March 5, 2012

PANGAKO KO SA IYO!!

PANGAKO KO SA IYO!!

Ni Rhea Hernandez

Pinoy poems




Aking sinta ako’y sa iyo pangako

Ang pag suyo mababasa sa mata ko

Pati tibok ng aking puso para sa iyo

Ang pag mamahal at pagsuyo itago



Kahit aking mga mata ipikit

Mukha mo syang nakadikit

Pangalan laging sinasambit

Puso’t isipan siyang nakaukit



Pag suyong nararamdaman

Bibigyan natin nagkatuparan

Iyo itong mapanghahawakan

Dadalhin hanggang kamatayan



Kahit anong oras malalapitan

Matatag kung iyong kakapitan

Ang pag mamahal maaasahan

Hanggang sa huling hantungan



Iyan isang pangako bibitawan

Sa mga pusong nag mamahalan

Panghahawakan ang sumpaan

Salitang mapagkakatiwalaan



Iyan ang pagsuyong iaalay

Maaasahan habang buhay

Sa iyo handang dumamay

Bawat sandali syo nakaalalay



Pag suyo maaasahan ang tibay

Kahit saan dako ikaw mag lakbay

Ang pagsusuyuan lalong titibay

Pangako pag ibig koy mag iintay



Pangsamantala ikaw lalayo

Huwag mag alala sa pag suyo

Hindi lilimutin ang pangako

Pag ibig at pagsuyo nasa puso



Walang puwang ang pag kabigo

Pag ibig sa puso  laging nakatago

Magdaan ang bagyo di mag babago

Pagmamahal na handog makukuntento

3/5/12 by rhea hernandez

No comments:

Post a Comment