Monday, March 12, 2012

PIHIKAN KA NGA BA?

PIHIKAN KA NGA BA?

Ni Rhea Hernandez

Pinoy poems






Mayroon akong nakilala di sya gaanong guapo

Pero isa siyang masasabing napaka simpatico

Mga kadalagahan sa kanya lahat nag kakagulo

Mga dalaga alang nais masungkit kanyang puso.



Isang kumpas ng kanyang kamay mga ito natuturilo

Walang hinahangad kundi makamtam ang puso nito

Kailan kaya niya ibibigay ang kanyang pag suyo

Sa mga dalagang sa kanya laging nag kakagulo



Kilala ninyo ba kung sino ito, maniniwala ba kayo,

Walang iba kundi si Jules Ragas pinuno ng grupo

Mga dalaga alang hinahangad kundi ang masolo

Ang lalaking ito na pihikan ang nasabing puso



Sadya bang bato na  ang puso niya sa pag suyo?

Isinarado naba niya dahil siya nasugatan dito?

Sinong dilag kaya ang makakapag bukas nito?

Sino kaya sa mga kagrupo makakapag paibig dito?



Maraming dalaga nag pahiwatig ng pag suyo.

Bakit ang kanyang puso sarado pa ang pinto

Kailan niya bubuksan para may makapasok dito

Sadya bang naging masakit ang kahapon nito.



Kaya takot siyang mag mahal na muli

Ang minsan pag kakamali di winawaksi

O sadya lang kanyang itong  itinitimpi

Talaga lang ang puso niya naging mapili



Ang puso niyang naging bato sa pag ibig

Kaya ngayon  kanyang itong tinitimbang

Ayaw isatinig pag suyo dapat ipagyayabang

Ang nagpapahiwating kanyang iginagalang



Kailan kaya sasapit ang bukang liwayway

Sa puso niyang laging nag iintay na tunay

Na pag suyo tataglayin niya habang buhay

Kumakaway kaway sa kanya  mga pasaway



Kailan kaya mapupuno ng tuwa at saya

Ang puso niyang pihikan sa pag sinta

Mga dalaga ng ldr baka kayo iniintay niya

Kaya kayo mag paramdam na sa kanya



Huwag kakalimutan pag ikakasal nakayo

Ako siyang tatayong ninang sa araw na ito

Pag hindi  malamang mag tatampo sa inyo

Maniwala kayo sa hindi bukal sa loob ko ito.

2/12/12 by Rhea Hernandez


No comments:

Post a Comment