Wednesday, March 21, 2012

LOVE STORY "BETTY"

LOVE STORY “ BETTY”
NI RHEA HERNANDEZ
Pinoy poems

              Ang aking kuwento ay tungkol sa isang kaibigan aking nakilala dito na sa America. Pero ang ikukuwento ko ang kanyang kahapon. Noong isa pa lang siyang dalaga. Ang kuwento niya kung paano sila nag mahalan ng kanyang mahal na asawa. Ay ang kanyang buhay noong bago pa sila mag kakilala nito. Sana magustuhan ninyo ang kanyang kasaysayan.

              Siya si Betty ipinanganak sa isang bayan ng Bulacan. Di masasabing mayamang mayaman ang kanyang pamilya. Pero nakakaluwag sila sa buhay. Ang kanyang mga kapatid ay may mga sariling negosyo sa Maynila.  Mayroon silang sariling tindahan ng bigas. Habang siya lumalaki at nag dadalaga lumalabas ang kanyang angking kagandahan. Maraming mga kabinataan sa kanya nahuhumaling. Marami sa kanilang lugar ang nag kakagusto sa kanya. Pero di pansin ni Betty ang mga ito.para sa kanya masyado pa siyang bata para isipin niya ang tungkol sa love.

              Noong makatapos  na siya sa kanyang pag aaral pinili niyang huwag ng mamasukan sa anumang company. Tumulong na lang siya sa kanyang mga kapatid sa mga negosyo nito. Sabi niya kesa mag silbi siya sa ibang tao di sa sarili na lang nilang negosyo ang kanyang palaguin. Kaya naman ipinag katiwala sa kanya ang isa nilang tindahan ng bigas. Kaya naman sinikap niyang palaguin ang kanilang tindahan. Ayaw niyang mapahiya siya sa kanyang mga kapatid . gusto niyang patunayan na hindi sila nag kamali na ipag katiwala ang pamamahala ng tindahan ng bigas. Nasa kamay na niya ang buong responsibilidad nito.

              At dito niya nakilala ang kanyang unang pag ibig. Sinuyo siya nito hanggang mapalambot ang kanyang puso at kanyang sinagot. Sobrang bait ni Bryan kaya naman madaling nahulog ang kanyang damdamin dito. Halos araw araw sinusundo siya at inihahatid sa kanyang tindahan. Hindi siya nakakalimot tumawag kung siya nakakain na . dahil  madalas busy siya  sa mga costumer kaya minsan nakakalimutan niyang kumain. Si Bryan ang nag sisilbing taga pag alala niya na oras na para kumain na siya ng kanyang tanghalian. Sobrang maalalahanin itong si Bryan.

              Mahilig din itong mag bigay ng bulaklak sa kanya. Kahit kung minsan nga piñatas lang niya sa tanim ng kanyang mga magulang ang rose na ibinibigay sa kanya.  Hindi naman mahalaga kay Betty  kung binili niya ang bulaklak o piñatas lang niya sa kanilang halaman. Ang mahalaga sa kanya ay ang pag ka sweet niya. Na lagi siyang naaalala nito kahit sa mumunting bagay. Ang akala  ni Betty na sila na ang mag kakatuluyan habang buhay. Basta ang alam niya mahal na mahal siya nito at ganoon din siya. Kay daling natutunan mahalin ni Betty si Bryan  dahil sa kanyang mga katangian.

              Pati ang mga magulang ni Bryan ay mahal na mahal nila si Betty.Ewan niya bakit ang mga magulang ni Bryan ay gustong gusto siya maging manugang  para sa kanilang anak. Sa totoo lang sa kanilang lugar isa sa pinakamayaman ang pamilya ni Bryan. At ramdam na ramdam ni Betty na mahal na mahal siya nito. Laging ipinaparamdan sa kanya ang kanyang kahalagahan. Pag kasama niya si Bryan para bang lagi siyang nag lalakad sa ulap ng kaligayahan. Wala silang dull moment ni Bryan. Lalu na pag namamasyal sila hawak ni Bryan ang kanyang mga kamay. Ang pakiramdam nila  parang wala ng katapusan at ayaw na nilang matapos ang mga sandaling na mag kasama sila. Kung maari nga lang  na huwag na silang mag kahiwalay ng habang buhay. Ganoon nila kamahal ang isa’t isa. Ito ang kanilang nararamdaman ng mga sandaling iyon.

              Dumating ang sandali na gusto na ni Bryan na mag pakasal na sila. Hndi na niya kayang mag intay pa ng mahabang panahon para lang makapiling na niya si Betty. Gusto na niya itong makasalo sa bawat sandali ng kanyang buhay. Gusto niya na sa pag gising niya sa umaga ito na ang kanyang mabungaran. At sa pag tulog niya kayakap niya mag damag. Sa bawat meal ay mag kasalo. Magsama sa hirap at ginhawa. Sa bawat sandali makasalo niya sa kaligayahan ang babaeng kanyang pinakamamahal.

              Dahil walang namang problema sa kanilang mga magulang. At si Betty ay gustong gusto siya ng kanyang magiging  biyanan. Kaya naman nag pasabi na ito na gusto na nilang mamanhikan. Pero si Betty sa mga sandaling iyon hindi pa siya handa para mag asawa. Ayaw pang mag asawa at masyado pa siyang bata para lumagay sa magulong buhay. Ang mga dahilan ni Betty ay hindi maintindihan ng kanyang kasintahan si Bryan. Dahil sa hindi pag payag ni Betty na mamanhikan na sila Bryan. Dito nag umpisa ang mga kalbayo nila sa pag mamahalan. Hindi ito maintindihan ni Bryan kung bakit ayaw mang pakasal si Betty sa kanya.

              Dahil sa pangyayari nag katampuhan sila at hindi nag kaunawan. Ilang araw  hindi sila nag kikibuan. Kahit silip hindi siya sinisilip ng lalaking kanyang minamahal. Nag aalala na nga si Betty kung bakit siya natitiis ni Bryan. Walang magawa si Betty kundi  intindihin ang lalaking kanyang mahal. Subalit sa kaiintay ni Betty kay Bryan. Siya ay  naiinip. Inisip ni Betty na sobra naman ang pag tatampo sa kanya nito.  Naitatanong niya sa kanyang sarili napakalaki ba ang kanyang nagawa at natitikis siya ni Bryan ng di silipin man lang. Ang buong akala ni Betty na mahal na mahal siya nito. Dahil sa laki ng pag mamahal ang inakala niya maiintindihan siya nito kung mag intay pa sila ng ilang taon pa bago mag pakasal.

              Dumating ang araw na pinakakaiintay ng marami ang masayang kapistahan sa kanilang lugar. Para malibang man lang siya sa pag tatampo ng kanyang boyfriend nag pasya si Betty na umuwi muna para makisaya sa mga kababayan. Pang samantala para makalimutan ang sakit na kanyang nararamdaman sa pag wawalang bahala ng kanyang boyfriend. Ilang linggo na nga ba siya tinitikis nito na hindi kausapin? Tinatapos naba ni Bryan ang kanilang ugnayan? Ito naba ang katapusan ng kanilang pag mamahalan? Ito lang ba ang sisira sa kanilang  pag susuyuan ng mga nag daan mga buwan? Dito ba matatapos ang kanilang pag mamahalan?

              Umuwi nga si Betty sa kanilang bayan para maki fiesta sa kanyang mga kamag anakan at kaibigan. Magiging masaya ang darating na kapistahan. Balita nga mayroon daw na darating na mga artista sa araw ng kapistahan. Maraming mga kadalagahan at kabinataang ang nag sipag uwian . marami ang gustong matunghayan ang pinag mamalaki ng bayan nila. Ang kakaiba nilang fiesta taong taon.  Maraming mga turistang ang dumadayo para makiisa sa kanilang kapistahan. At isa na nga dito si Betty.

              Disperas ng kapistahan kaya naman punong abala ang lahat sa bahay nila Betty. Kaya naman naisipan ni Betty na tulungan mag luto sa likod bahay ang kanilang kusinera. Habang nag luluto ng kanilang ihahanda sa kafistahan . hindi alam ni Betty na may dalawang mata na di maalis alis ang pag kakatitig sa kanyang kagandahan. Parang nabatubalani sa kanyang kariktan. Ang binatang si Pete na unang sulyap pa lang niya sa binibini kanyang nakita ayaw na niyang alisin ang kanyang mga mata dito. Si Pete nakatira sa kabilang bayan. Isa siyang dayuhan sa kanilang lugar. Tulad ng iba makikipiesta din ito at makikigulo sa mga nahahangad na masilayan ang masayang kapistahan. Nag tataka si Pete kung bakit ngayon lang niya nakita ang napakagandang dilag na bumihag sa kanya. Sa kauna unang pag kakataon umusal ng isang mahinang dalangin na kanyang nasambit ng mga oras na yon. Na kahit anong mang yari ang magandang binibini ay magiging kanya.

              Sobra ang naging pag hanga at kakaibang damdamin ang naramdaman ni Pete kay Betty. Unang tama palang ng kanyang paningin umibig na siya dito. Sa unang tingin naramdaman na niya ang napakalakas ng pag tibok ng kanyang puso. Di niya akalain na mag mamahal siya sa unang pag kakataon. Lalung laluna noong mapadako ang kanyang mga paningin sa mapuputing hita ni Betty. Daig pa ang labanos sa kaputiana. Ang mga legs na kay kinis at kay puti. Hindi tumigil sa pag gawa ng paraan kung paano niya makikilala ang magandang babae na umakit sa kanyang damdamin.

              Kaya naman noong mag karoon ng pag kakataon lumapit siya at nakipag kilala. Hindi niya hinayaang lumipas ang araw na yon na di niya nakukuha ang pangalan ng babaeng nag patibok ng puso niya na parang nag reregodong kabayo. Hindi akalain ni Pete na magigising ang kanyang mala batong puso. Kay daming mga kadalagahan ang nag nais na mabihag ang pihikan nitong puso. Iyon  pala sa makinis na legs ni Betty siya mahuhulog. Mahabang panahon din siyang nag hahanap kung sino ang makakagising sa kanyang natutulog na damdamin. Isang magandang dalaga lang pala ang makakabihag sa kanya.

              Ang hindi alam ni Pete ang kanyang napupusuang dalaga ay isa ding pilya. Alam niya na mahabang oras na siyang ginigirian lapitan ng lalaking si Pete. Lingid din sa kanyang kaalaman ipinagtanong na rin siya ni Betty kung sinong binata ang panay titig sa kanyang magaganda mga hita. Sino ba naman ang hindi makakagusto sa dalagang ito . na ang suot ay napaka igsing short. Dahil lagi sa manila kaya may pagka modernong gumayak si Betty. Kakaiba siya sa mga dalaga sa barrio. Si Betty larawan ng isang modernang kadalagahan pero may kilos na makaluma.

              Dahil alam ni Betty na sa kanyang mga hitang mapuputi ito nakatitig lagi kaya naman lalu niyang inakit ng husto si Pete. Kunwari mayroon siyang aabutin sa ibaba kaya tutuwad siya ng kaunti lalong lilitaw ang mga maputi niyang hita sa suot niyang short. At kung minsan naman itataas niya ang kanyang isang paa sa isang upuan na para siyang na ngangawit sa pag tayo. Sa mumunti niyang pag kilos  di alam ni Pete inaakit na siya ni Betty. Hindi niya akalain gumagana napala ang kanyang pag kapilya sa lalaki. Sabi nga ng mga matatanda hayaan mong tumulo ang laway sa kakatingin niya. Kaya naman lalu niyang tinutukso sa kanyang mumunting pag kilos

              Sa mga  kilos ni Pete alam agad ni Betty na masama ang tama nito sa kanya. Dahil matagal na silang walang communication ni Bryan. Ang inisip niya na tapos na ang lahat sa kanila. Ang pag kakaintindi ni Betty ngayon dina nag papakita o nag paparamdam sa kanya  ay tapos na ang kanilang ugnayan. Mahigit ng isang buwan na di siya nag paparamdam kahit na ni ha o ni ho  sa kanya. Sabi nga ni Betty hindi siya isang manghuhula sa isang  relasyon na puro pakiramdaman na lang.

              Kaya naman noong mag karoon ng pag kakataon si Pete na makasingit na makalapit  sa babaeng  mapuputing hita. Walang iba kundi  si Betty hindi na niya nilubayan  ito. Ang bulong ni Pete sa kanyang sarili. Pag kakataon na niyang  makilala ang may ari ng mapuputing hita na pumukaw sa kanyang pag kalalaki . Kaya naman hindi niya itong papalampasin. Nag karoon na ng pag kakataon si Pete na makilala ang kanyang pinapangarap na babae.

              Lumipas ang mga araw naging malapit sila sa isa’t isa. Hindi na nag aksaya ng panahon si Pete. Niligawan niya agad si Betty natatakot siyang mawala pa  ito sa kanya at maunahan siya ng mga kabinataan sa lugar nila. Dahil kay Bryan hindi niya pinapansin si Pete. Pero masigasig sa panliligaw si Pete. Nag kataon nalaman ni Pete na sa mga panahong iyon  kakalabuan sina Betty at Bryan. Ito ang sinamantala ni Pete na araw arawin ang pag liligaw kay Betty. Isang masugid na manliligaw ni Betty si Pete. Halos araw araw nag dadala ng chocolate at bulaklak. At kung anu anu pa.Hindi tumigil si Pete sa panunuyo sa magandang dalaga. Ang matigas na puso ni Betty ay di nag laon napalambot din ng mga matatamis na dila ni Pete. Napasagot din ni Pete si Betty nabaling sa kanya ang pag mamahal nito. Unti unti na niyang nakalimutan ang dating kanyang minahal. Na sa mahabang panahon binale wala siya at dina pinag aksayahang nakipag break sa kanya..

              Ang number one na tumututol sa kanilang relasyon ang mga magulang ni Betty. Ayaw nila kay Pete kasi anak mahirap lang ito at simple lang ang buhay. Mas gusto nila ang dating kasintahan ni Betty. Kaya naman gumawa ng paraan ang mga kapatid at magulang ni Betty para bumalik ang dati niyang kasintahan sa kanya. Paano pa ito makakabalik kung napalitan na ni Pete ang dating sa kanyan nakalaan. Mas mahal na niya si Pete kaysa Byan. Ewan ba niya kung nawala na parang bula ang nadarama niya para kay Bryan. Si Betty din ay nag tataka kung bakit mawala ang dati niyang pag mamahal sa lalaking ito. Ang lahat ng kanyang pag mamahal nabaling lahat kay Pete.

              Dahil sa paraan ng kanyang mga magulang at mga kapatid na kontak nila si Bryan. At muling bumabalik  ito sa kanya. At gustong ituloy nilang muli ang naudlot nilang pag mamahalan. At ang sabi nito di siya mabubuhay kung wala si Betty sa kanya. Isang malutong na halakhak lang ang itinugon ni Betty. Hindi ka mabubuhay na wala ako? Ilang buwan nga ako’y iyong natiis na hindi makita iyan ba ang sasabihin mong  hindi ka mabubuhay na wala ako sa buhay mo. Ang lakas loob na pag sagot ni Betty. Tapos sasabihin mo na ako ang iyong buhay at kaligayahan. Samantala na tiis mo nga akong hindi  nakikita ng mahabang panahon at hindi mo man lang ako pinigyan ng tamang panahon para mag paliwanag kung bakit ayaw ko pang pakasal ng mga panahon yaon.

              Ang sabi ni Bryan alang kuwenta ang buhay ko kung di ikaw ang makakasama ko. Sinabi din ni Bryan walang kuwenta ang buhay niya kung hindi din lang si Betty ang kanyang mapapangasawa.  Subalit sa mga panahong ito iba na ang itinitibok ng kanyang puso. Si Pete na ang isinisigaw nito. At sa pag lipas ng mga araw at buwan nakalimutan na niya si Bryan. Pero ang magagawa ni Betty ayaw ng kanyang mga kamag anak si Pete. Dumating sa sandaling ng pag kalito ng kanyang isipan. Akala niya ang mag mahal at mahalin ka isang paraiso. Pero ano itong kanyang nararamdaman ngayon. Ang kanyang puso at isipan punong puno ng pag kalito. Akala niya pag siya nag mahal puro kaligayahan ang kanyang mararanasan.

              Bakit masyadong masalimuot ang buhay pag ibig. Bakit dapat masaya ka at maligaya dahil umiibig ka at iniibig  ka naman ng taong iyong minamahal. Pero bakit ganito? Hindi masumpungan ni Betty ang tunay na kaligayahan kanyang pinapangarap. Bakit kailangan ito kanyang maramdaman ngayon? Bakit hindi siya maintindihan ng kanyang mga mahal sa buhay. Hanggang kailan kaya mag titiis ng kalungkutan  si Betty. Wala naman siya hinangad kundi isang simple at tahimik na buhay sa piling ng lalaking kanyang minamahal.

              Pag umaakyat ng ligaw si Pete sa bahay nila Betty ipinag kakaila na nandoon ito. Kesyo lumuwas na ng maynila o kaya nasa kapatid niya si Betty. Pero lingid sa kaalaman ng mga kamag anak ni Betty alam ni Pete na nandoon sa loob ng bahay si Betty. Bakit alam ni Pete na nasa loob ng bahay si Betty  kasi ba naman sabay silang umuwi siya ang nag hatid kay Betty sa kanilang bahay di lang nag pakita sa kanilang mga magulang sa kanto lang sila nag hiwalay. Kaya naman ang sama sama ng loob ni Betty sa kanyang ina. Pero ano ang kanyang magagawa kung talagang ayaw ng kanyang mga magulang kay Pete. Wala daw magandang kinabukasang maibibigay sa kanya ito. Gaano lang daw ang kinikita nito bilang isang empleyado sa isang banko.

              Di daw tulad ni Bryan na may magandang siyang kinabukasan at may kaya ang mga magulang nito. Noong malaman ni Pete ang binabalak ng mga magulang ni Betty na ipapakasal kay Bryan para mag karoon ng magandang kinabukasan siya. Bago muling mamanhikan sila Bryan inunahan na ni Pete ito. Inaya niyang mag tanan si Betty. Pero ayaw ni Betty  sumama sa pag tatanan kasi gusto niya  kung ikakasal siya sa simbahan. At gusto niya na ihahatid siya ng kanyang mga magulang sa altar kung saan nakatayo ang kanyang mapapangasawa. Pero pilit silang pinag hihiwalay ng kanyang mga magulang at kapatid. At madalas ipinag kakaila siya ng mga ito. Kaya nag pasya si Pete na itanan na talaga niya si Betty.

              Dahil talagang mahal na ni Betty si Pete sumama na siyang mag tanan dito. Kahit alam niyang isusumpa siya ng kanyang mga magulang wala siyang magawa. Mahal na mahal na niya si Pete at di niya kakayanin kung ito ay mawawala pa sa kanyan. At alam na alam naman niya na mahal na mahal siya ni Pete. Noon kahit  hindi mayaman si Pete ramdam na ramdam ni Betty na mahal na mahal siya nito. Halos ilagay na siya sa pedestral ni Pete. Masyadong mapag mahal at maalaga si Pete. Kahit salat sila sa mga material na bagay pero busog naman siya sa pag mamahal nito. Sobra sobrang pag mamahal ang ibinibigay ni Pete sa kanya. Siya ang klase ng lalaki na mapag mahal at maasikaso sa asawa. Halos ituring siya reyna ni Pete sa loob ng kanilang tahanan. Kahit hindi sila mayaman pero busog naman siya sa pag mamahal at pag aaruga.

              Masipag naman sa buhay si Pete. Mayroon siyang pirmihang trabaho kaya naman ok naman ang kanilang buhay. Kahit ang pangarap niyang makasal sa simbahan na inihahatid ng kanyang mga magulang di nag karoon ng kaganapan ok na sa kanya. Kasi kahit kailan di siya nakaramdam ng kahit kaunting pag sisi kung bakit si Pete ang kanyang pinili. Sapagkat sa pakiramdam niya habang buhay ang pag mamahal na iniuukol ni Pete sa kanya. Alagang alaga siya at halos ayaw siyang padapuan sa langaw. Marunong a buhay si Pete kaya unti unti umaasenso ang kanilang pamumuhay. Masipag at matiyaga si pete. Kaya naman unti unti umasenso ang buhay nila.

              Sa pag sunod ni Betty sa  kung ano ang itinitibok ng kanyang puso wala siyang pinag sisihan . kasi ba naman hanggang ngayon dalawa na ang kanilang anak at mga dalaga at binata na ito, hindi pa rin nag babago si Pete sa kanyang pag mamahal kay Betty. Kung ano si Pete noon  hanggang ngayon ganoon parin ito. Mapag mahal maalaga maalalahanin at hindi siya nag papabaya sa pag kalinga sa kanyang mahal na asawa. Laking papasalamat ni Betty na ang kanyang sinunod ang kanyang puso at hindi ng kanyang mga magulan. Ang lahat na pinangarap ng kanyang magulang na mag karoon siya ng maalwang pamumuhay naibigay itong lahat ni Pete. Sa pag titiyaga at sipag. Sa determinasyong mabigyan ng magandang buhay ang mahal niyang asawa at mga anak.

              Ang buhay mag asawa basta mayroong pag ibig at pag mamahalan na namamagita sa dalawang  puso walang hindi kakayanin. Lahat ay kayang pag tagumpayan kung dalawa kayong mag katuwang sa pag harap sa mga pag subok ng buhay. Hindi ikinakaila ni Betty na ni minsan di sila nga tatalo sa isang bagay. Sa totoo nga madaals silang mag talo pero madali rin nila napag kaaksunduan . sa pamamagitan ng pag uusap. Ni minsan hindi sinalubong ni Pete ang galit ni Betty. At sinisigurado din ni Pete na kahit siya o si Betty ang may kasalanan sa kanilang pag tatalo sinisigurado niyang siya ang unang manunuyo kay Betty. Lagi niya ipinaparamdan dito na napakahalaga niya.

              Ni minsan sa kanilang pag sasama di pa sila natulog na mag kaaway o mag kagalit. Sinisigurado ni Pete na ayos na ang lahat bago sila mahiga at matulog sa araw na di sila nag kasundo. Kaya naman ang kanilang pag sasama bilang mag asawa naging masagana at matiwasay. Wala nang mahihiling pa si Betty sa kanyang buhay pag aasawa. Kuntento na siya sa kanyang buhay.

              Maraming salamat sa inyong matiyagang pag babasa ng kuwento ng buhay pag ibig ni Betty.THE END… copyright by Rhea Hernandez 3/21/12                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                      

             

No comments:

Post a Comment