Ni Rhea Hernandez
Pinoy poems
www.tulawento.blogspot.com
Ang kuwento ay tungkol sa isang dalaga na umibig sa isang lalaki na akala niya isang kaibigan lang ang pag tingin sa kanya. Si Nessa isa sa apat na mag kakapatid. Nag iisa siyang babae at siya pa ang bunso sa kanila. Kaya naman kung ituring siya ng mga ito parang isang prinsesa. Dahil nag iisang mutya sa pamilya. Bantay sarado siya sa mga kuya’s niya. Ang tatlong kapatid na lalaki siya niyang bantay sa kanyang mga mangliligaw. Kaya naman alang makaporma sa kanya. Hindi pa nga bumubuka ang bibig supalpal na agad sa tatlo.
Masyadong mahigpit ang mga ito sa kanya sa pag dating sa lalaking mag tatangkang lumigaw sa kanya. Kahit sobra ang mga higpit nito kay Nessa sunod naman ang kanyang luho sa mga ito. Wala siyang hinilig na hindi ibinigay. Kahit ano ang mag yari ginagawan ng mga ito ang kahilingan ng kanilang prinsesa. Isa nga lang ang di makalusot ang mga lalaking nag kakagusto sa kanya. Sabagay wala pa sa isip niya na mag paligaw kaya ala siyang problema dito. Ni hindi pa nga siya nakakaranas umibig at mag ka crush sa isang lalaki.
Maganda si Nessa kahit medyo may kaliitan siya. Pero kung pag mamasdan mo ang kanyang mukha napaka cute niya. Isa lang ang kanyang kakulangan ang kanyang taas. Di pa nga yata siya umabot sa 5feet ehh. Kaya sa pag dating sa kanyang taas nadidismaya siya pag napag uusapan ito. Laluna ang tatlo niyang kuya lagi siyang inaasar tungkol dito. Sabi nga ayaw mo noon lagi kang baby para sa amin di ka kasi lumalaki. Alam ng mga ito madali siyang mapikon pag ang kanyang taas ang pinag uusapan.
Pero kahit kulang siya sa taas binigyan naman siya ng isang magandang katawan.at isang mala anghel na pag mumukha. Pero ang kanyang kaseksihan hindi mo mahahalata kasi nga kung umasta siya parang isang lalaki. Sabi nga ng isa niyang kuya mas lalaki pa siyang kumilos kesa kanila. Dahil nga puro lalaki ang kapatid niya kaya purong larong lalaki ang kanyang natutunan. Kahit kulang sa taas magaling siyang mag basketball. Sa pag shoot ng bola talo niya ang tatlo niyang kapatid. Madalas mapag kamalan siyang tomboy dahil sa kanyang pananamit at pag kilos.
Ang isa niyang kuya mahilig sa pag babasketball kaya natutu siya nito at ang isa naman sa martial arts mahilig kaya marunong din siya ng karate. At ang isa niyang kuya ang hilig ay boxing kaya marunong din siyang makipag boxing. Kaya kahit sino sa kuya niya nakakasama siya kahit sa mga recreation ng mga ito. Kahit ang mga kapatid niya akala isa siyang tomboy. Hindi niya itinama ang mga hinala ng mga ito para sa kanya. Nag eenjoy siya sa pag samasama sa mga ito.
Kaya naman pati kursong kinuha niya mas pang lalaki. Tulad ng kanyang mga kuya ang kinuha niya ay engineering. Ayaw niyang naiiba ang kurso niya sa mga kapatid niya. Noong mag umpisa ang klase hindi siya nag tataka kung iilan lang silang babae sa loob ng classroom. Pero hindi iyon ang pumukaw sa kanyang attention. Kanina pa niya tinatanaw ang isang studyante na ito. Isang lalaki na nag iisa sa isang sulok ng classroom. Ang lalaking ito tahimik lang siya na nag babasa ng kanyang book.
Hindi nakikisali sa mga kaguluhan ng karaniwang studyante sa loob ng classroom. Patuloy lang siya sa kanyang binabasa . kahit nag kakaingay na ang kanilang mga classmate. Kung titigan mo siya ang guapo niya at cute. Pero sa biglang tingin mo sa kanya kakaiba siya sa mga kalalakihan sa loob ng classroom. Sa totoo lang sa unang tingin lang ni Nessa napansinna niya ang lakas ng hatak sa kanya. Kakaiba ang appeal nito para kay Nessa.
Lumipas ang mga araw totoo ang hinala ni Nessa. Laging nangunguna sa klase ito. Laging siya ang top sa lahat ng kanilang exam. Kaya sabi ni Nessa wow! Wala yatang ginagawa ito kundi ang mag aral ng mag aral. Hindi tulad ni Nessa ang dami niyang pinag kakaabalahan. Lagi kasi siyang kasama ng tatlo niyang kapatid na lalaki. Sa pag lalaro ng basketball, sa pag punta sa gym mag practice ng karate at boxing. Kaya naman lagi siyang napag kakamalang tomboy. Halos ginagaya niya ang mga kilos at pananamit ng kanyang mga kapatid.
Pati ang kanyang mga kapatid ang akala ng mga ito tomboy talaga siya kaya naman hindi nangingiming isama siya sa kanilang mga gimik. Ni minsan alang sa kanyang mga kapatid na nag tanong sa kanya kung tomboy nga ba siyang talaga. Ni minsan walang nangahas na tanungin siya kung talagang pusong lalaki siya. Siguro iginagalang ng mga ito ang kanyang pag katao. Pero hindi nila alam na babaeng babae siya sa puso at isipan.
Nakasanayan lang talaga niya na mag sasama sa kanyang mga kapatid. At nag eenjoy siya sa pag sama sama niya dito. At likas talaga kay Nessa na mahilig sa sport. Kaya ala siyang paki kung ito ang paniniwala sa kanyang pag katao. Sino ba ang maniniwala na hindi siya pusong lalaki. Sa kilos at pananamit daig pa niya ang lalaki. Mag 20 na nga siya hindi pa niya nararanasang ligawan. Sabagay hindi pa niya naranasan kiligin sa isang lalaki. Ang isa pa alang mangahas manligaw sa kanya dahil din sa tatlo niyang kapatid na bantay sarado sa kanya.
Sino namang lalaki ang mangangahas ligawan siya sa porma palang talo na niya. Sino namang lalaki ang makakita sa kanya sa porma palang niya nawawalan na ng gana na ligawan siya. Pero para kay Nessa sa puso at isipan niya wala siyang duda na isa siyang tunay na babae. Hindi niya itinatama ang mga hinala ng nakakarami sa kanya. Okey lang sa kanya na isipin nila na tomboy siya.
Isang araw nakita na lang niya na binubully ng mga kapwa nila studyante ang lalaki si Jomer. Sa awa niya dito kanyang ipinagtangol sa mga studyante. Hindi naman sila uubra sa kanya kasi sanay siya sa karate at boxing . kahit maliit lang siya lakas ang dating niya. At kilala siya ng mga ito na di siya umiiwas sa gulo. Kasi malakas loob niya siguradong ipag tatangol siya at igaganti ng tatlo niyang kapatid na kasama din niya sa nasabing school. Alam din nila na di nila puedeng I bully si Nessa kasi mas palaban pa ito sa kanila. Hinding hindi sila uurungan nito.
Dahil sa pang yayari naging close sila ni Jomer dito niya nalaman na hindi pala ito boring na kasama kahit mukha siyang nerd. Dito niya nalaman maganda pala ang sense of humor nito. Ni minsan wala silang dull moment tuwing mag kasama. Buhat noon naging close silang dalawa. Lagi mo na silang makikitang mag kasama. Nag tutulungan sa pag gawa ng homework na madalas si Jomer ang gumagawa ng kanyang mga assignment. Buhat noon naging mag kabarkada na sila.
Buhat noong maging mag kabarkada sila nagulat ang kanyang mga magulang. Bakit naman hindi magugulat ang mga ito ang tataas ng kanyang mga grade. Lahat ng kanyang subject nag taasan ang grade niya at wala siyang ibinagsak ngayon. Naging masipag kasi siya sa pag aaral nahahawa na siya sa kasipagan ni Jomer. Iyon nga lang hindi na siya nakakasama sa kanyang mga kapatid sa gimikan ng mga ito.
Madalas sa bahay nila Nessa sila nag aaral. Si Jomer ang kanyang taga gawa ng mga assignment. Noong lumaon naging kaibigan na rin ni Jomer ang mga kuya’s ni Nessa. Pati ang kanyang mga magulang naging malapit na rin dito. Ang pagiging close nila ni Jomer naging hatid sundo siya nito sa araw araw. Kaya naman sa pag pasok sa school dina niya problema ang makipag siksikan sa jeep. Sa pag dating ng uwian sabay parin sila. Kasi sa bahay nila Nessa sila gumagawa ng kanilang assignment .
Sabay silang nag aaral ng kanilang lesson. Madalas si Jomer ang taga pag turo niya. Mani lang kay Jomer ang kanilang lesson. Samantala para kay Nessa sumasakit ang kanyang ulo sa pag intindi sa iba. Naging libreng tutor niya si Jomer sa lahat ng kanilang aralin. Kapalit ang libreng hapunan. Hindi kasi pumapayag ang kanyang ina na uuwi si Jomer ng hindi pa nakakapag hapunan. Alam kasi nila na solo na lang sa kanyang buhay ito. Ang katulong lang ang lagi niyang kasama.
Sabay kasing binawian ng buhay ang kanyang mga magulang sa isang aksidente. Bata pa siya noong iwanan siya ng kanyang mga magulang. Kaya lumaki siya sa pangangalaga ng kanyang yaya at mamuhay na mag isa. Wala ng problema si Jomer sa ikabubuhay niya. Nakahanda na ang kanyang kinabukasan bago namatay ang kanyang mga magulang. Halos dina niya kayang ubusin ito kahit hindi na siya mag hanap buhay pa. dating isang sikat na negosyante ang kanyang mga magulang . sayang nga lang at maagang binawian ng buhay.
Sa pagiging close nila ni Jomer halos wala na silang lihiman sa isa’t isa. Kaya naikuwento ng lahat yata ang kanyang buhay kay Nessa. Kung tutuusin puede na niyang huwag intindihin ang kanyang kinabukasan. Puede na siyang huwag na mag hanapbuhay at mabubuhay pa rin siyang mariwasa. Hindi siya magugutom kahit tumunganga siya habang buhay niya. Pero hindi siya ganoon gusto pa rin niyang mag aral na mabuti para makatayo siya sa sarili niyang mga paa. Ang gusto niya kahit wala ang kanyang mga minana mabubuhay pa rin siyang mag isa. Ayaw niya doon lang umasa sa ikakabuhay niya.
Gusto ni Jomer na maging isa ding sikat na negosyante tulad ng kanyang namayapang mga magulang. Gusto niya kahit ano ang mag yari kaya niyang mabuhay na di umaasa sa kanyang mga minana sa kanyang mga magulang. Dahil sa kanyang katangian lalung itong hinahangaan ni Nessa. Dahil sa kanyang magandang pananaw lalung nahuhulog ang loob ni Nessa dito. Sa kanyang sariling paninindigan. Sa mga pangarap niya napapahanga si Nessa kay Jomer. Hindi namamalayan ni Nessa unti unti na siya nahuhulog kay Jomer.
Hindi akalain ni Nessa isang araw nagising siya na mahal napala niya si Jomer. Pero ang pakiramdam niya kay Jomer isang kaibigan lang nag turing nito sa kanya. Wala siyang makitang palatandaan na nahuhulog na rin ang kalooban nito sa kanya. Kaya naman naging maingat si Nessa sa pag tatago ng kanyang nararamdam. Ayaw niyang malaman at makahalata si Jomer sa kanyang nadaramang pag ibig para dito.ayaw niyang layuan siya nito. Pag nalaman hindi lang isang kaibigan ang turing niya dito. Kaya kinimkim na lang niya kung anuman ang kanyang nararamdaman para dito.
Kahit nahihirapan siya sa pag tatago ng kanyang nararamdaman sinikap niyang huwag makahalata si Jomer. Itinago niya ng mahabang panahon habang sila nag aaral at habang mag kasama sila pilit ikinukubli ni Nessa ang kanyang nadarama para sa kanyang kaibigan. Ayaw niyang mawala ito sa tabi niya. Ok na siya na sikilin ang nararamdaman niya. Huwag lang iwasan siya nito pag nalamang may pag tingin siya . Natatakot kasi siya na pag nalaman ni Jomer na di lang kaibigan ang kanyang nadarama ay layuan siya nito kasi bilang kaibigan lang ang turing niya sa kanya.
Dumating na ang araw na kanilang pinakakaiintay ang kanilang pag tatapos. Pero para kay Nessa magkahalo ang kanyang nararamdaman. Masaya siya at sa wakas nakatapos na siya sa kanyang piniling kurso. Malungkot siya kasi ito na ang oras na mag kakahiwalay na sila ni Jomer. Wala ng dahilan para mag kita pa sila araw araw. Tapos na ang schooling nila. Ibig sabihin mapuputol na ang kanyang maliligayang araw na madalas na nakakasama niya si Jomer.
Paano na ang mag yayari hindi na niya mag kakasama madalas ni Jomer. Ma miss niya ang mga araw na lagi silang mag kasama.ang kanilang mga pinasaluhang masasayang panahon habang nag aaral at gumawa ng mga project. Anu na magiging dahilan niya para mag kasama uli sila tulad ng dati. Anu ang idadahilan niya para mag stay ng matagal si Jomer sa kanilang bahay. Tuwing maiisip niya ito hindi niya mapigilan ang pag tulo ng kanyang mga luha. Maisip lang niya na din a sila mag kikita ng madalas bumabahid sa kanyang mukha ang kalungkutan. Parang kinukurot ang kanyang puso. Ngayon lang niya naramdaman ang ganitong damdamin. Ito na nga ba ang tunay na pag ibig?
Lagi niya tinatanong sa kanyang sarili bakit ganoon di puedeng ang babae ang mag tapat ng kanyang pag mamahal sa isang lalaki. Bakit hindi puedeng ang babae na lang ang siyang manligaw at ipag tapat kung ano ang kanyang nararamdaman. Sana lalaki na lang siya para masabi niya ang nadarama niyang pag ibig sa kanyang puso. Kung lalaki ka masasabi mo kung ano ang saloobin ang kung ano ang nilalaman ng iyong puso. Makakapamili ka kung sino ang gusto mong ligawan. Di tulad ng isang babae na mag intay ka sa lalaki na mag tapat sa iyo ng pag mamamhal at pag ibig.
Ang araw ng kanyang graduation na dapat sana na isa sa pinakamasaya niyang araw. Bakit ganoon ang kanyang nararamdaman parang may nakadagan sa kanyang dibdib. Hindi niya makuhang maging masaya. Kahit kay tagal niyang inihanda ang kanyang sarili sa araw na ito. Bakit hindi niya maiwasang masaktan. Tuwing iisipin niya na hindi na sila mag kikita ni Jomer hindi niya mapigilang pumatak ang kanyang mga luha.
Matagal niyang pinag handaan ang araw na ito. Na pag dating ng kanilang graduation hindi na niya makakasama si Jomer. Pero bakit ganoon kahit lagi niyang sinasabi sa kanyang sarili okey lang . kaya niya ito bakit lalu lang lumalalim ang sakit na kanyang nararamdaman. Akala niya makakayanan niyang na hindi makita si Jomer na di tutulo ang kanyang mga luha. Pero hindi niya ito mapigilan. Kusang uma agos ang mga luha sa kanyang mga mata. Ngayon lang siya nag mahal bakit wala pang katugon.
Ang inaasahan niyang after graduation na hindi na sila mag kikita ni Jomer isang pag kakamali. Maling
Hanggang kailangan na niyang mag review sa darating nilang board exam. Kailangan niyang tumutok sa pag aaral na muli. Kailangan makapasa siya dito. Para mag karoon na siya ng lisensya sa kurso niyang engineering. Alam ni Nessa na mamaniin lang ni Jomer ang kanilang board exam. Pero siya alam niya na mahihirapan siya. Para makasiguro siya ay papasa tinulungan siya ni Jomer sa kanyang pag rereview. Hindi niya akalain na siya mismo ang mag presinta na ma review silang sabay para maturuan siya nito.
Dumating ang araw ng exam. Tiwala si Nessa na papasa silang pareho sa board exam nila. Habang hinihintay nila ang resulta ng kanilang board exam. Sa bahay lang si Nessa. At tulad ng dati balik siya sa nakalakihan niyang pag barkada sa mga kapatid niya. Isinasama siya ng mga ito sa mga lakaring na para lang sa lalaki. Hindi nila alam na babaeng babae ang kanilang bunso. Hindi ito pusong lalaki. Kung alam lang nila na umiibig na ang kanilang bunso.
Tuwing maiisip ni Nessa na palagay ng kanyang mga kapatid na pusong lalaki siya napapangiti siya. Minsan naitatanong niya sa kanyang sarili bakit inisip nila na tomboy siya. Minsan naitatanong niya bakit kaya iniisip ng marami na tomboy siya dahil ba sa pananamit niya na tulad ng kanyang mga kuya’s. at sa mga nakahiligan niyang sport. Sabagay lumaki talaga siyang alang kalarong babae kaya lahat ng larong lalaki lang ang alam niya. Natatawa lang siya sa mga isipin ganito.
Dumating ang kanilang pinakakaiintay na araw ang pag labas ng kanilang exam. Tulad ng kanyang inaasahan isa sa nag top sa exam si Jomer.. Sa laki ng kanyang tuwa hindi niya napigilan na mapayakap siya kay Jomer. Laki gulat nito kasi ngayon lang niya ito ginawa ang yakapin si jomer. Para di siya napahiya sinabi na lang niya nadala lang siya ng kanyang kagalakan kaya siya napayakap sa kanya sobrang katuwaan lang . natawa lang si Jomer. At ang sabi tuwang tuwa ka na diyan di mo pa alam kung pumasa kana. Saka pa lang nila hinanap ang kanyang pangalan At siya ay pumasa din kahit wala siya sa mga nag top. Ang mahalaga pumasa siya. Salamat sa Diyos at pumasa din siya.
Ngayon alam na natin na pareho na tayong pasado sa board exam. Puede ko ng sabihin sa iyo ang
Nag kasundo sila sa kanilang itinayong company. Noong umpisa maliit lang ito. Habang tumatagal nagiging kilala na ito sa kanilang lugar. Naging matagumpay sila bilang partner sa negosyo. Masyado nalibang sila sa pag papalago ng kanilang company. Hindi niya namamalayan nag kakaidad napala siya. Sa susunod niyang birthday mag 28 na siya. At ganoon din si Jomer ala siyang nakikitang nililigawan nito. At wala din siyang nababalitaan bakit kaya hindi nanliligaw si Jomer.
Siguro naiinip na ang kanyang ina sa kanyang pag aasawa kaya kinausap na siya nito. Nessa hindi ka na bumabata bakit hindi mo harapin ang iyong pag aasawa. Ang tatlo mong kapatid ay may kanya kanya ng pamilya. Wala ka bang balak mag asawa. Wala ba kayong balak mag pakasal ni Jomer. Nagulat si Nessa sa tanong ng kanyang ina. Paano po kami mag papakasal ni Jomer ehh mag kaibigan lang kami. Ni hindi nga niya ako nililigawan ang sagot ni Nessa. Natawa ang kanyang ina at ang sabi ipapaputol ko ang aking mga kamay kung hindi mo siya mahal at ganoon din siya sa iyo. Hindi ninyo maikakaila sa mga kilos ninyo na mahal ninyo ang isa’t isa. Nag mamahalan kayo noon pa.
Sa mga tinuran ng kanyang ina napangiti si Nessa. At kanyang inusal sa kanyang dalangin
Isang araw dumating si Jomer sa opisina dinatnan niya itong nakayukayok sa kanyang mesa at nakatulog siya sa pagod sa dami ng kanyang trabaho. Nag oovertime si nessa sa mga habol na papeles na kailanga nila sa bagong project. Hindi alam ni Jomer nagising na si Nessa sa kanyang pag pasok. Nag kukunwari na lang siyang tulog kasi naramdaman niyang pinag mamasdan siya nito. Hindi niya akalain na marinig niya ang mga salitang sinasambit nito. Kahit pabulong ang pag kakasabi ni Jomer para itong nakakabingi sa kanyang pag dinig.
Sa kanyang mga labi nag mula ang katagang Nessa kailan ko kaya masasabi sa iyo na mahal na mahal kita. Ikaw lang ang babae sa buhay ko . pinakamamahal kita. Ayaw kong ipag tapat sa iyo baka ito ang maging daan ng pag kawala mo sa aking buhay. Ayaw kong iwan mo ako pag nalaman mong mahal na mahal kita. Natatakot akong iwanan mo ako pag nalaman mong di lang bilang kaibigan ang turing ko sa iyo. Sabay haplos sa buhok ni Nessa at
Sa pag kabigla ni Jomer di niya malaman ang kanyang gagawin. Parang natuklaw siya ng ahas hindi makagalaw. Hindi yata mahal din siya ni Jomer. Na kay tagal niyang iningatan ang pag mamahal sa kanyang puso tulad niya. Doon nag umpisa ang kanilang pag amin sa isa’t isa. Kung ano ang kanilang nararamdaman. Hindi sila makapaniwala na mag katugon ang kanilang damdamin. Tama ang kanyang ina. Hindi nila alam na matagal na nag kakaintindihan ang kanilang mga puso hindi pa nila alam. Dahil masyado silang abala sa pag iisip kung paano ito itatago sa isa’t isa. Kay tagal niyang iningatan ang kanyang nararamdaman iyon pala mahal din siya ni Jomer.
Dahi matagal na silang nag mamahalan ng di nila alam. At nasa hustong gulang na rin sila. Kaya hindi nag laon nag pakasal na sila at nag samang maligaya. Sa ngayon mayroon na silang dalawang anak na naging bunga ng pag mamahalan isang babe at lalaki. Ang akala ni Nessa hindi na siya liligaya sa piling ng kanyang minamahal. Sa ngayon kuntento na siya sa piling nag iisang lalaking kanyang minahal. Kahit mahabang panahon ang kanyang tiniis sulit naman ramdam na ramdan niya ang pag mamahal sa kanya ni Jomer….. THE END…..
Copyright by Rhea Hernandez 3/13/12
No comments:
Post a Comment