Monday, March 12, 2012

LOVE STORY "ANA MARIE" last chapter 5

LOVE STORY “ANA MARIE” last chapter 5

Ni Rhea Hernandez

Pinoy poems




              Noong makatangap siya ng text galing sa kanyang asawa anong saya niya. Pero para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa kanyang nabasa. Ang laman ng msg. ay di para sa kanya kundi para sa kanyang kalaguyo. Inaaya niyang mag date sila kasi daw umalis na ang kanyang asawa. Kaya Malaya na silang muling mag kita. Sa mga sandaling iyon para siyang pinag bagsakan ng langit at lupa. Hindi niya malaman kung mag papalahaw siya ng panangis.

              Parang gusto niyang pumatay ng tao sa mga oras na iyon. Siguro kung nasa harapan lang niya ang kanyang asawa baka mapatay niya. Hindi pa ba sapat ang kanyang pag sasakripisyo para sa kanilang pamilya. Halos inako na niyang lahat ang responsibilidad sa pag buhay at sa kabuhayan ng kanilang pamilya. Ito pa ba ang kanyang igaganti sa mga hirap na kanyang dinanas. Ito ba ang kanyang mapapala. Ang kanya lang namang hiling na kapalit sa kanyang pag sasakripisyo ay ang maging matapat lang siyang asawa sa kanya.

              Nasaan na ang kanyang mga pangako. Ang kanyang panunumpa noon na hinding hindi siya manbabae na si Ana Marie lang ang babae sa buhay niya. Nasaan na ang mga pangako ni Ramil na si Ana Marie lang ang mamahalin niya habang nabubuhay. Bakit naging marupok siya sa kanilang pag mamahalan.  Hindi maintindihan ni Ana Marie kung bakit siya niloko ng kanyang asawa. Ngayon halos lahat ginawa niya para gumanda ang kanilang pamumuhay.

              Halos sumabog ang kanyang ulo sa pag iisip ng mga dahilan  kung bakit nagawa ng kanyang  asawa ang mga bagay na ito. Ang pakiramdam ni Ana Marie para siyang nauupos na kandila di niya malaman. Para siyang tinakasan ng lakas ng mga sandaling yaon. Di niya malubos maisip na pag taksilan siya ni Ramil. Ngayon niya napag tanto kung bakit malamig na sa kanya si Ramil nitong huli niyang uwi. 

              Kulang pa ba ang kanyang pag sasakripisyo para sa kanyang pamilya. Nag titiis siyang mag paalila sa mga ibang lahi para kumita ng kakarampot na pera. Para lang makapag aral ang mga anak. At mabigyan sila ng maalwang pamumuhay. Tinitiis niya ang homesick pag naiinip siya halos masiraan siya ng bait. Sa pananabik sa kanilang mga mahal sa buhay. Kulang pa ba ito kanyang pag sasakripisyo. Ito pa ba ang kanyang makukuhang gantimpala buhat sa asawa niya na dapat na siya ang gumagawa. Inako na nga niya ang kanyang responsibilidad bilang bread winner.  Ito pa ang kanyan mahihita ang pag taksilan. Pag talikod niya nakikipag tagpo naman ang inaatupag niya. Bakit mayroon siyang  kalaguyo ngayon?

              Hindi malaman ni Ana Marie ang kanyang gagawin. Uuwi ba siya para harapin ang kanyang asawa? O manatili na lang siya at tapusin ang kanyang kontrata? Hanggang mahimasmasan si Ana Marie naisip niya na ang kanyang pinag hirapan sa pag kukuskos ng kubeta ng kanyang amo ay sa kerida lang niya iniubos. Ginigisa siya sa kanyang sariling mantika ng kanyang asawa. Sobra sobra ang naramdaman galit ni Ana Marie sa kanyang asawa.

              Ang dati niyang pag mamahal dito napalitan ng pag kapoot. Buhat ngayon hindi na niya papayagan na ang kanyang pinag hirapan ay gastusin lang sa kanyang babae. Kaya naman hindi na nag padala pa uli ng pera si Ana Marie sa kanyang asawa. Ipinagbukas niya ng account ang kanyang mga anak at dito na niya pinapadala ang kanyang kinikita. Dahil sa pangyayari nag tatanong si Ramil bakit dina sa kanya pinapadala ang pang gastos ng kanilang mga anak.

              Kahit ano tanong ni Ana Marie hindi at ayaw umamin ni Ramil. Walang araw na di siya umiiyak. Halos matuyo na ang kanyang luha sa pag tangis. Pero di niya matangap na iyon ang igaganti sa kanya ni Ramil pag katapos na akuin niya ang responsibilidad na dapat na  si Ramil ang pumapasan. Siguro talagang ganoon. Napapagod din ang puso sa pag iyak. Halos wala na siyang iluha pa. Naging pag kamuhi ang dating pag mamahal. Tama ang iba gahibla lang ang pagitan ng pag mamahal at galit.

              Parang gusto na niyang mamatay. Pero tuwing maaalala niya ang kanyang mga anak lumalakas siyang harapin ang kasalukuyan. Dahil dito sa pag kakatuklas ni Ana Marie naging lantaran na ang pang babae ni Ramil. Hindi na nito itinatago ang relasyon niya sa kanyang kabit. Kahit saan dako na sa lugar nila makikita na mag kasama ang dalawa. Isang araw mismo kapatid na ni Ana Marie ang nakakita sa dalawa. Ang kulasisi ng kanyang asawa malaki na ang tiyan. Buntis na ang kinakasama nito.

              Lumipas ang mga araw at buwan natapos ang kanyang kontrata. Muli siyang umuwi.  Doon niya nakita na mayroon na itong anak sa kanyang kerida. Hindi makaharap sa kanya si Ramil.  Wala ng nararamdaman sa pag ibig si Ana Marie kay Ramil. Natutunan na niyang kalimutan ito. Kahit humingi pa ito ng tawad hindi na niya pinatawad. Tinapos na niya ang lahat ng kanilang ugnayan. Hindi na matangap pa ni Ana Marie makisama pang muli sa lalaking nag taksil  sa kanya.

              Tuluyan ng nakipag hiwalay si Ana Marie sa kanyang asawa.  Dahil mayroon pa siyang mga anak na pinag aaral muli siyang bumalik sa ibang bansa. Muli niyang iniwanan ang kanyang mga anak para mabigyan ang mga ito ng magandang  kinabukasan. Sa pag lipas ng panahon natangap na ni Ana Marie na wala ng pag asa pa ang kanilang pag sasama. Hindi niya kayang tanggapin na ipinagpalit siya sa ibang babae. Kahit mahirap kinaya niya.

              Ngayon Malaya na siya sa poder ng kanyang asawa. Dahil likas na maganda si Ana Marie. Maraming bubuyog ang umaaligid sa kanya. Pero sarado na ang kanyang puso para dito. Ngayon mayroon dalawang lalaki na nanunuyo sa kanya.  Isang dayuhan at isang Pilipino. Mga kapwa binata. Wala silang paki kung mayroon siyang mga anak at dating may asawa. Iniisip niya dapat pa ba siyang mag mahal muli. Hindi kaya masaktan uli siya kung matuto nanaman siyang mag mahal?

              Ang binatang pinoy naging masigasig sa pag liligaw. Ok lang sa kanya kung nag karoon na si Ana Marie ng asawa at mga anak. Tangap niya ang nakaraan ni Ana Marie. Pero nandoon pa rin ang agam agam niya sa muling pag aasawa. Wala siyang inililihim sa kanyang mga anak. Para maintindihan nila ang katayuan ng kanilang ina.

              Wala siyang isinekreto sa kanilang mga anak. Total nasa tamang edad na ang mga ito. Malalaki na sila at nauunawaan nila ang kanilang ina na mayroon din itong karapatang lumigaya. Total ang kanilang ama mayroon ng bagong pamilya matagal na. Minsan naiisip ni Ana Marie kung hindi siya umalis at nag hanap buhay sa ibang bansa buo pa kaya ang pamilya niya. Makukuha pa rin kaya mang babae  ni Ramil? 

              Minsan ang sinisisi din niya ang kanyang sarili. Sana’y hindi na lang siya nakipag sapalaran sa ibang bansa. Di sin sana buo pa ang kanyang pamilya. Sana hindi nag hanap ng iba si Ramil? Umalis siya at hindi , ito rin ba ang kahihinatnan ng buhay nila. Dahil ba lagi siyang wala sa tabi nito kaya nag hanap ng ibang kandungan. Dapat nga ba sisihin din niya ang kanyang sarili. Tuwing maiisip niya ang kanyang pag mamahal dito para siyang nauupos na kandila.

              Para tuluyan niyang makalimutan ang mga ginawa ng kanyang asawa. Gusto niyang ibaling  ang kanyang atensyon sa lalaking mangingibig niya. Isa itong Pilipino matangdang binata ang pangalan niya ay Manuel . At si Rony na isang Bangladish. Ramdam ni Ana Marie na mahal siya ng mga ito. Pero naguguluhan siya kung sino sa dalawa  ang kanyang pipiliin. Walang inilihim si Ana Marie sa mga ito kung ano ang kanyang katayuan sa buhay. Ang pag kakaroon niya dating asawa at ang kanyang mga anak.

              Tangap noong dalawa na mayroon siyang anak. Ok lang sa kanya at ituturing din daw nila na sariling anak ang mga ito. Dahil dito hiningi niya ang opinion ng kanyang kaibigan. Tinanong niya sino ba ang karapat dapat na pag ukulan niya ng pag mamahal. Ang Pilipino na si Manuel na binata na matagal ng nag aabroad malaki laki na rin ang naiipon nito kaya nakahanda na siyang mag asawa. Wala siyang paki kung dating may asawa pa siya noon at may anak pa ang mahalaga daw mahal siya nito at mahal na din niya.

              O ang Bangladish na handa din siyang mahalin kahit sino pa man siya. Handa din siyang pakasalan kahit anong oras niyang gustuhin. Sa kasalukuyan nahihiyapan siyang mag desisyon. Kasi ba naman natatakot na siyang mag mahal uli . Ayaw na niyang masaktan . Kung noong araw siguradong sigurado siya sa pag mamahal niya kay Ramil pero eto siya ngayon. Nakuha nitong sugatan ang kanyang puso. At ngayon tumatangis ang kanyang kalooban sa pighating kanyang nararanasan.

              Hindi niya alam kung  hindi na siya masasaktan pang muli. Kung nakakasiguradong lang siya na hindi na muling iiyak sa ngalan ng pag ibig. Muli siyang makikipag sapalaran sa ngalan ng pag ibig.

Pero sa pag lipas ng mga araw at buwan  matiyaga pa rin nanliligaw si Manuel. Ipinapadama niya kay Ana Marie na mahalaga ito sa kanya. Dahil dito natutunan na ni Ana Marie na mahalin ito.

              Kaya ngayon nag babalak na silang umuwi sa Pinas sa darating na June. Para ayusin nila ang pag papa annul ng kasal ni Ana Marie para sila ni Manuel ay magpakasal na. pero kung hindi man maayos ang kanyang annulment  balak pa rin nilang mag sama na bilang mag asawa. At bumuo ng sariling pamilya.

              Total mayroon ng sariling pamilya ngayon si Ramil at mayroon na rin anak sa kanyang kinakasama. Kaya iniisip niya na wala ng magiging hadlang kung mag aasawa na rin siyang muli. At hanapin ang sariling kaligayahan.

              Masisi ba ninyo si Ana Marie na matutong mag mahal muli. Sabi nga tao lang din siya na marunong masaktan at mag mahal. Kasalanan ba niya na mag hanap din siya ng isang lalaki na mag papahalaga sa kanya. Bilang isang babae. Sana maintindihan din natin siya sa kanyang kalagayan. Kung natuto man siyang mag mahal muli. At iwanan niya ng tuluyan ang dati niyang asawa hindi niya kasalanan.

              Ginawa niya ang lahat para I save ang kanilang relasyon. Nag sumikap siya para sa kanilang pamilya. Si Ramil ang hindi nag pahalaga sa kanyang pag sasakripisyo. Pero may puso at damdamin din siya na nasasaktan at natutong mag mahal. Salamat sa inyong pag babasa ng kuwento ng buhay ni Ana Marie. Sanay inyong kinapulutan ng aral.  Lalu na sa mga mag asawa na nag kakahiwalay dala ng kahirapan. Sana pahalagahan natin ang kanilang pag sasakripisyo para sa kinabukasan ng inyong mga anak at para maiahon sa kahirapan ang pamumuhay.

              Sana maging tapat kayo sa inyong mga asawa na nag papakahirap kumita ng salapi sa ibang bansa. Nag titiis ng homesick at mawalay ng matagal sa mga mahal sa buhay para sa kaunting kinikita sa pag papaalipin sa mga ibang lahi.  Salamat na lang kung ang amo mong mapapasukan ay mabait at marunong umintindi sa mga namamasukan sa kanila. Kung mayroon nga lang na magandang mapag kakakitaan sa ating bansa hindi sana naiisipan mangibang bansa ang mga Pinoy. At para hindi na sila nag kakawalay ng mga mahal sa buhay.

              Maraming salamat sa pag subaybay sa kuwento ng buhay at pag ibig ni Ana Marie…. Maraming salamat po sa pag subaybay sa kuwentong niya.. THE END  3/12/12 copyright by rhea ernandez

             

No comments:

Post a Comment