LOVE STORY “ANA MARIE” chapter 2
Ni Rhea Hernandez
Pinoy poems
katunayan maraming mga kabinataang nangahas umakyat ng ligaw kay Ana Marie. Pero sadyang ang kanyang puso ay sarado na. Naihandog na niya ito sa isang lalaki. Ewan nga ba niya bakit hindi nito makalimutan ang kanyang unang pag ibig. Madalas kung may lakas ng loob ang isang lalaki aakyat ng ligaw sa kanya ala din napapala kasi, kung di niya pag taguan ay nag sasakit sakitan siya. Para lang di niya pakiharapan ang mga ito. Siya man nag tataka kung bakit siya ganito. Hindi naman niya ginustong si Ramil lang ang mahalin nito.
Maraming lalaki na higit ang katangian kay Ramil. May isa siyang manliligaw na ubod ng bait. Laging bukang bibig nito kung didaw siya magugustuhan ni Ana Marie mas mabuti pa mag papari na lang siya. Ang buong akala ni Ana Marie nag bibiro lang ito. Hindi seryoso sa kayang sinasabi. Noong kanyang binasted ang lalaki tinotoo nito ang mga binitiwang salita. Pumasok talaga sa pag papari. Anu naman ang magagawa ni Ana Marie iisa lang ang kanyang puso. At ang itinitibok nito ay walang iba kundi si Ramil lang.
Naging maligaya si Ana Marie ngayong bakasyon. Muli nanaman sumigla ang pag iibigan nila ni Ramil. Parang walang nag yari sa loob ng tatlong taon. Hindi na nag tanong si Ana Marie kung bakit di siya naalala ni Ramil sa loob ng mahabang 3taon ang mahalaga sa kanya nandito na muli si Ramil sa piling niya. Ewan niya bakit ganito ang kanyang nararamdaman sa lalaking ito. Pakiramdam at alam naman ni AnaMarie na habang mag kalayo sila mayroon ibang babae sa buhay ni Ramil. Hindi niya alam kung bakit siya nag bubulag bulagan sa katotohanan.
Magandang lalaki si Ramil at habulin ng mga babae. Alam niya pag nasa Maynila ito nakakalimutan siya. Kasi ang daming mas magagandang nakapalibot sa kanya. Hindi ito lingid sa kaalaman ni Ana Marie. Alam niya na marami siyang kahati sa pag mamahal ng kanyang lalaking iniibig. Pero di niya mapigilan ang kanyang puso na mahalin pa rin ito. Kahit batid niya na kaya lang siya maalala nito kung wala ito sa Maynila. At malayo sa mga nag gagandahang kadalagahan sa Maynila. Anu ba ang magagawa niya ang gandang lalaki ang natutunan niyang mahalin at habulin pa ng mga babae.
Muling natapos ang bakasyon. Tapos na ang mga maliligaya niyang mga araw na kasama niya si Ramil. Hindi nanaman alam ni Ana Marie kung maalala pa siya muli ni Ramil habang nasa Maynila siya. Malamang balik nanaman si Ana Marie sa dating gawi. Ang mag intay sa kawalan. Intayin ang lalaking di niya alam kung talagang mahal siya. Sana mahal din siya tulad ng kanyang pag mamahal dito. Kay hirap mag mahal sa isang magandang lalaki. Ang sabi ni Ramil sa kanya siya lang ang minamahal nito. Iisa lang ang babae na nag papatibok ng kanyang puso. Dapat ba itong paniwalaan ni Ana Marie?
Samantala matuling lumipas ang mga araw. Si Ana Marie nakatapos ng kanyang kursong Midwifery. Habang nag aaral siya di niya napapansin na balik sa dating gawi si Ramil. Na halos dina nga niya maramdaman na may boyfriend pala siya. Talaga yatang ganoon si Ramil nakakalimot pag mag kalayo sila. Pero alam at nararamdaman naman ni Ana Marie na mahal din siya nito. Ang di lang niya maipaliwanag bakit pag mag kalayo na sila di man lang maalala nitong mag paramdam. Masyado kaya siya nalilibang sa kanyang pag aaral o nalilibang sa ibang kadalagahan. Mga magagandang dalaga na nakapaligid sa kanya. Habang malayo si Ana Marie sa piling niya.
Nakatapos na ng midwifery si Ana Marie. Ngayon pinaghahandaan na niya ang kanyang board exam. Inalis muna niya sa kanyang puso’t isipan ang mga nag uugnay sa kanila ni Ramil. Kailangan niyang mag concentrate sa kanyang pag aaral. Dito nakataya ang kanyang kinabukasan. Kaya subsob ang kanyang ulo sa pag aaral. Ginawa naman niya ang lahat para mag aral na mabuti. Pero sa kasamaang palad di siya nakapasa sa kanyang board exam. Masamang masama ang loob niya. Nag sumikap naman siya at ginawa niya ang lahat para makapas. Pero talagang ganoon di para sa kanya.
Sa kanyang pag lulumo at di siya pumasa sa board exam niya. Naisipan niyang lumuwas ng Maynila. Isipin mo ilang puntos na lang pasado na siya. Nakakapang hinayang talaga. Kaya para makalimot sa sama ng loob nag paalam siya na mag hahanap ng trabaho sa Maynila. Noong una ayaw siyang payagan ng kanyang mga magulang. Kasi alam nila na baka mapariwara ang kanilang anak. Alam naman nila na busog sa pangaral ang kanilang anak. Alam nila na si Ana Marie di gagawa ng kanyang ikakasira at alam niya kung ano ang ikakabuti niya. Sabi ng kanyang mga magulang iba ang Maynila. Masyado itong magulo at maraming mga loko.
Nangako si Ana Marie na mag iingat siyang mabuti. Huwag mag alala kaya niyang alagaan ang kanyang sarili. Hindi siya basta basta maloloko ng mga tao sa Maynila. Kaya naman dali dali siyang nag empake ng kanyang mga gamit para sa dadalhin niya sa pag luwas sa Maynila. Ayaw niyang tumunganga nalang sa bahay na alang ginagawa. Masyadong nakakabagot ang mga araw na nag dadaan na alang ginagawa. Saka pag ala siyang magawa sa bahay nakukua niyang mag isip tingkol sa kanilang dalawa ni Ramil. Pag ito na ang sumasagi sa isipan niya. Lalu lang siyang nalulungkot.
Sa SM Mega Mall sa Quezon City siya nag apply. Hindi niya akalain sa unang apply niya matangap agad siya. Napaka suerte niya sa daming nag apply sa SM kaagad natanggap siya. Kaya naman noong mabalitaan ni Ramil na lumuwas siya sa Maynila agad siyang pinuntahan nito. Nabatid ni Ramil na mayroon na itong trabaho sa SM mall. Alang inaksayang oras si Ramil at kanyang pinuntahan. kaya naman halos araw araw sinusundo na siya nito at inihahatid. Ngayong mag kalapit na sila ngayon naramdaman ni Ana Marie ang pag ibig ni Ramil. Ngayon lang niya pinapadama kay Ana Marie ang pagiging boyfriend niya dito.
Tuwing sinusundo siya sa kanyang trabaho at nakikita niyang nag iintay sa kanya si Ramil anong ligaya niya. Sa tagal na nilang mag kasintahan parang ngayon lang niya nararamdaman ang kahulugan nito. Tuwing hahawakan ni Ramil ang kanyang mga kamay parang gusto na niyang kiligin. Ang init ng kanyang mga palad tumatagos hanggang kanyang puso ang haplos. Ang haplos ng kanyang pag mamahal ay kanyang nararamdaman hanggang kaibuturan ng kanyang puso. Kay sarap palang pakiramdam ng isang umiibig.
Ang pag ibig ni Ramil ang siyang nag papakumpleto ng kanyang buhay. Halos di mabura sa kanyang mukha ang kanyang mga ngiti. Ganito pala ang umiibig at binibigyan ng panahon ng iyong iniibig. Likas na malambing si Ramil. At kung kasama niya pakiramdam niya isang siyang prinsesa kung ingatan at pahalagahan. Maalalahanin at maaruga sa maliliit na bagay. Kaya naman lalu napapalapit sa kanyang puso ito. Para sa kanya si Ramil na ang una’t huli niyang mamahalin. Siya lang ang tanging lalaki kanyang idadambana sa kanyang puso.
Lumipas ang mga araw ganoon ang kanilang naging routine ni Ramil. Halos hindi na nga nila namamalayan ang mga araw na nag dadaraan. Sa wakas malapit nang makatapos sa kanyang pag aaral si Ramil. Graduating na siya ng taong iyon. Ng isang araw mayroon natanggap na sulat si Ana Marie galing sa kanyang kapatid. Emergency daw at pinauuwi na siya sa kanilang probinsya. di niya alam kung bakit siya pinauuwi ng kanyang mga magulang. Wala naman nakalagay sa sulat kung bakit siya pinauuwi sa kanila. Dala ng kanyang pag aalala kaya nag paalam siya sa kanyang trabaho at dali dali siyang umuwi sa kanila.
Hindi niya akalain sa pag uwi niya malaking sopresa ang nag iintay sa kanya. Ang buong akala niya mayroong nag yari sa kanyang tatay kaya siya pinapauwi. Pero hindi pala isang malaking sopresa na siyang mag papabago ng kanyang buhay. Iyon pala si Ramil ang dahilan. Hinihingi na niya ang kanyang kamay sa kanyang mga magulang. Laking gulat niya hindi pa nila napag uusapan ni Ramil ang kanilang pag papakasal. At ang isa pa di pa siya nakakatapos ng kanyang pag aaral. Hindi malaman ni Ana Marie kung ano ang kanyang sasabihin ng mga sandaling iyon.
Masyado pa silang bata si Ana Marie ay 20 palang at si Ramil at 22. parang ayaw pa niyang mag pakasal. Natatakot siya na baka di niya kayanin ang buhay may asawa. Alam niyang hindi biro ang kanilang papasukin. Pero si Ramil talagang desidido ng mag pakasal sila. Anu naman ang magagawa ni Ana Marie mahal naman talaga niya si Ramil. Pero masyado pa lang silang bata para sa pag papakasal. Talagang nag dadalawang isip si Ana Marie. Naguguluhan siya. Alam niya pag tumangi siya lalayo si Ramil sa kanya. Kaya sa ayaw at sa gusto niya sumagot na siya ng oo. Sa takot niyang mawala sa kanya ang lalaking kanyang iniibig.
Naging isang enggranding kasalan ang idinaos ng mga panahong iyon. Sabagay mayroon kaya ang mga magulang ni Ramil. Kahit itong si Ana Marie mayroong agam agam sa kanyang puso sa pag papakasal kay Ramil ng mga panahong iyon wala siyang ginawa. Ang nakakatuwa pa rito disperas ng kanilang kasal nakuha pang mag talo ang dalawa. Kasi ba naman nag dadalawang isip si Ana Marie sa kasal nila. Parang gusto niyang iurong ang kasal. Sinasabi niya kay Ramil na hindi pa siya handa sa pag aasawa. Natatakot siyang baka di niya magampanan ang buhay may asawa.
Sa kanilang pag tatalo naabutan sila ng kapatid ni Ana Marie. At ang sabi nga pag ganyan di pa kayo kasal nag tatalo na kayo paano na kung mag asawa na kayo. Pag ganyan di magandang simula sa buhay mag asawa. Baka hindi mag tagal ang inyong pag sasama. Hindi pa nga kayo kasal nag aaway na kayo paano pa kung kasal na kayo. Alalahanin ninyo hanggang may panahon pa mag desisyon na kayo kung itutuloy pa ninyo ang inyong kasal. pag nakasal na kayo ala ng urungan pa. pag bubuklurin na kayo bilang isa.
Sa sinabi ng kapatid ni Ana Marie parang natauhan sila. Bakit nga ba sila nag aaway? Mahal naman nila ang isa’t isa. Pag ibig ang nag uugnay sa kanilang dalawa. Kaya nga hiningi ni Ramil ang kanyang kamay sa kanyang mga magulang. Mahal na mahal din naman niya si Ramil. Nag iisang lalaki niyang minahal sa tanang buhay niya. At ganoon din si Ramil bakit nga ba niya sinisira ang araw na ito. Di ba mahal na mahal niya si Ana Marie kaya hiniling niya ang kamay nito. Natatakot siyang mawala pa ito sa buhay niya.
Isang halik ang ikinintal ni Ramil kay Ana Marie at ikinulong niya ang mga kamay nito sa kanyang mga palad. Saka ibinulong ang salitang I LOVE YOU!! Sapat na iyon para mawala ang mga agam agam sa kanyang puso’t damdamin at isipan. Natigil ang pag tatalo ng dalawang pusong nag mamahalan. Halos tapos ng lahat na kakailanganin sa kasal nila at nakahanda na. Pati ang mga handa napakarami. Talagang ginastusan ng husto ang kanilang kasal. Kay dami ang mga kumbidado para saksihan ang kanilang pag iisang dibdib.
Dumating ang araw ng kanilang kasal. Isang engrandeng kasalan ang handog sa kanya ni Ramil. Lahat ay masaya sa araw na iyon maliban kay Ana Marie. Hindi niya malaman kung bakit ganoon ang kanyang nararamdaman. Hindi malubos ang kanyang kaligayahan sa araw ng kanyang kasal. Hindi ba ang dapat wala siyang mapag siglan ng kagalakan? Kasi ito ang pinaka importanteng araw sa kanyang buhay! Ang mapakasal sa lalaking kanyang minamahal. Bakit ang daming gumugulo sa kanyang isipan? Natural ba ito sa isang babaeng ikakasal?
Mga tanong na di niya mabura sa kanyang isipan. Mga agam agam na nag lalaro sa kanyang balintataw. Sa oras ng ceremonya ng kanyang kasal. Ang pinakamahalaga sa oras na iyon. Habang ang pari nag bibigay ng sermon at mga paalala sa dalawang ikakasal. Di malaman kung bakit bilang nawalan ng malay si Ana Marie. Bigla na lang siyang hinimatay sa kalagitnaan ng kanyang kasal. Kagulo ang mga tao. Hindi malaman ni Ramil kung ano ang gagawin niya sa kanyang minamahal.
Marami ang nag bulong bulungan na baka kaya daw hinimatay si Ana Marie ay nag dadalang tao na ito? Kaya minadali ang kanilang kasal kasi buntis na siya? Pero ang totoo hindi siya buntis kung hindi kay dami lang talaga ang kanyang iniisip.takot lang siya sa kanyang haharaping buhay. Takot siya na baka di niya makayanan ang maging isang mabuting asawa. Tanong nga niya ganito ba talaga ang ikinakasal?
Ano ang kahahantungan ni Ana Marie sa buhay may asawa? Sa araw mismo ng kasal niya natatakot na siya sa kanyang kakaharaping bukas? Maging matagumpay nga kaya siya sa pagiging may bahay? Magampanan kaya niya ang papel ng isang mabuting asawa para kay Ramil? ABANGAN!! Copyright by Rhea Hernandez 3/5/12
sana magustuhan ninyo ang chapter 2 ng LOVE STORY "ANA MARIE"
ReplyDelete