Wednesday, February 29, 2012

LOVE STORY "SHINE" last chapter 7

LOVE STORY “SHINE”  last chapter 7
Ni Rhea Hernandez
Pinoy poems

              Hindi niya akalain na itinuring niyang kaibigan ay siyang mag bibigay sa kanya ng kasawian. Di alam ni Shine mayroong masamang binabalak sa kanya ang kanyang itinuring na kaibigan. Isinasama siya kung saan saan hangang ipakilala siya sa isang Pakistan guy. Ang sabi kapatid daw  ito ng kanyang boyfriend. Pero iba pala ang kanyang sinabi sa kanyang ka date. Humingi siya dito ng 500 dirham para sa kabayaran sa pag hahanap ng kanyang GF. Tinalikuran niya ang Pakistan at umuwi  sa bahay ng kanyang amo. Pero hanggang doon sinusundan siya nito. At gustong bawiin ang 500 na binigay niya sa kanyang itinuring na kaibigan.
              Hindi pa siya nag tatagal sa trabaho baka malaman ng kanyang amo ang pangyayari baka pauwiin siya ng wala sa panahon. Sa takot niya sa amo niya at baka pati ang pinay na nag bugaw sa kanya ay mapahamak at siya pa ang sisihin kung mapauwi o makulong ito. Kaya nakuha niyang makipag deal sa pakitan guy na manahimik na lang siya ok lang na maging sila.
              Naging kasintahan niya ang Pakistan guy pero sa isang kondisyon walang sex na mamagitan sa kanila. Salamat at pumayag ang Pakistan guy sa deal na binigay niya. Pero hindi nag tagal nalaman ng kanyang amo ang pangyayari. Kaya hindi siya pinalabas ng bahay sa loob ng dalawang buwan. Sa loob lang ng bakuran at bahay lang puede siya lumabas. Ang susi ng bahay at kanyang cellphone kinuha ng kanyang amo.
              Lingid sa kanyang kaalaman pinuntahan ng kanyang amo ang pinay na sinasabi niyang nag bugaw sa kanya. Pero tulad ng kanyang inaasahan ikinaila niya na kakilala siya nito. Hindi niya akalain na sa pag mamalasakit niya dito nakuha pa siyang di kilalanin nito. Masamang masama ang loob niya sa kanyang kaibigan. Kaya napilitan na siyang sabihin ang lahat sa kanyang amo. Ang lalaki niyang amo ay hindi naniniwala sa kanyan na nagsasabi siya ng totoo. kasi ikinaila siya ng pinay na kaibigan niya.
              Laking pasasalamat niya na naniwala ang babae niyang amo sa kanya. Kaya di siya pinauwi sa pilipinas. Kasi  mabait ito sa kanya at nagugustuhan niya ang pag aalaga ni Shine sa kanilang anak. Dahil sa pag yayari halos para siyang mababaliw sa kaiisip. Na baka makulong siya o pauwiin ng kanyang amo. Noong malaman niya na dina siya paauwin. Yon dalawang buwang alang day off ang naging parusa niya. Ni hindi siya puedeng lumabas ng bakuran ng bahay ng amo niya.
              Malaki na rin ang papasalamat niya buhat noon dina niya nakita si Pakistan guy.  Nakawala siya sa relasyon di niya gusto. Di na rin nag pumilit na makita siya natakot sa kanyang amo na ipakulong siya. Ang isa pa niyang ipinag pasalamat mabait naman yong guy na pakistan. Noong nakilala na niya ng lubusan mabait naman ito. Inirespeto siya bilang isang babae. Hindi siya tulad ng iba na may pagka maniac sa mga babae.
              Ang pinay na nag bugaw sa kanya ang huli niyang balita ito nasa kulungan  sa ngayon. Nahuli ng kanyang amo na may kasamang lalaki sa kanyang room. At nalaman pa noong ipa pregnancy test siya kasalukuyang buntis at nalaman din na twice na siyang nag pa abbort. Minsan ang karma kay daling dumating sa buhay ng isang tao. Tulad nagyari kay Josie. Sa kounting halaga nakuha niya ibugaw ang sarili niyang kaibigan. Dahil din sa pagkahayok niya sa laman. Di niya mapigilan ang kanyang sarili. Kaya ayon ngayon nag durusa siya sa bilanguan.
              Ang masaklap pa dito mayroon siyang asawa at mga anak sa Pilipinas. Hindi malaman ni Shine bakit niya nagagawa ang mga ito sa kanyang asawa. Naaawa man siya kay Josie di niya mapigilan masambit na ito na ang karma niya sa ginawa sa kanya. Hindi alam ni Shine kung gaano siya katagal makukulong sa ginawa niyang kasalanan. Dalangin na lang niya na sana makalaya  siya kaagad. Kawawa naman siya at ang kanyang mga kamag anakan  sa Pilipinas.
              Matatapos na ang kontrata ni Shine sa darating na April. Hindi pa niya alam kung pipirma uli siya ng kontrata o uuwi muna sa Pinas. Kahit papaano ok na ang buhay nila. Mayroon ng pinagkakakitaan ang kanyang mga magulang. At ang kuya niya stable na rin ang buhay sa pamamagitan ng sarili niyang palaisadaan. At sa wakas sa darating na graduation mag tatapos na yong dalawa niyang kapatid. Kaya tatlo na lang sa mga kapatid niya ang papag aralin .
              Sa ngayon masasabi ni Shine kay bait ng panginoon. Kahit nagdaan sila sa napakalaking pag subok. Ito kanilang napag tagumpayan at nalusutan. Minsan nag kausap sila ng kanyang ama. Sa kauna unahang pag kakataon inamin ng  kanyang ama na, saludo siya sa kanyang lakas ng loob. At naging tapang niya sa pag pupursigi niyang makapag aral noon. Dahil sa kanya kaya nagising ito sa  kanyang mag kamalian. Nakita ng kanyang ama kung paano niya ipinaglaban at karapatan niyang makapag aral. Sa kanilang walong mag kakapatid walang nakakagaya  ng katulad sa kanyang determinasyon  noon.
              Ang kanyang ate sumuko sa hirap na kanilang dinadanas kaya di tinapos kahit ang kanyang highschool. Samantala siya kahit mag bitbit ng alimango sa school ginawa niya. Kumukuha siya ng order sa mga nurse at doctor ng hospital. Kahit oras ng klase may dala dala siyang paninda. Sa kanyang mga kapatid alang nakagawa ng ganoon. At noong mga panahon naliligaw pa rin ng landas ang kanyang ama.
              Ngayon napag uusapan na nila ng kanyang ama ang mga ginawa nito  kahit man lang sa telephone. Minsan nga sabi ng kanyang ama nahihiya siya sa kanya. Dahil siya ang dahilan kaya siya nakuhang mag bago. Napapahiya siya pag kanyang naalala. Pero noon wala siyang magawa para matulungan siya sa kanyang pag hihirap . Bagkus siya pa ang nag bibigay at nag dadagdag sa mga problema. Laging sagot ni Shine kalimutan na ang kahapon  ang mahalaga  ang ngayon.
              Basta ipangako ninyo na dina ninyo sasaktang muli si nanay. At dina kayo babalik sa masama ninyong bisyo ang pag inom at pag susugal. Ito ang malaking factor sa pag papahirap ng buhay natin noon. Halos maiyak ang kanyang ama sa pangako na hinding hindi na mauulit pa ang mga pag yayari noong araw.  Tapos na ito at ibaon na natin sa limot ang sambit ng kanyang ama. At ito ang pangako ng isang ama sa isang anak. Na alang inisip kundi ang kapakanan ng kanyang mga kapatid at magulang.
              Tuwing maalala ni Shine ang kanyang mga pinag daanan noon at ang buhay niya ngayon. Naibubulong niya sa kanyang sarili na ganoon ba siya katatag noon at ang mga ito nakayanan niya. At kung minsan kung kanya binabalikan napapaiyak  siya at kusang tumutulo ang kanyang mga luha. Kahit na nga nasa ibang bansa siya inuulan pa rin siya ng pag subok. Nag papasalamat na lang siya at ito kanyang nakakayanan. Siguro ipinanganak siya para pag daanan ang lahat ng ito.
              Ngayon mayroon siyang bagong pag ibig.  Sana siya na ang makatuluyan niya sa pag dating ng panahon na handa na siyang lumagay sa tahimik. Sa ngayon kasi ala pa siyang balak mag asawa. Gusto pa niyang makaipon para sa kanyang kinabukasan. Sa tatlong taon niyang pag titiis sa malayo sa kanyang mga mahal sa buhay ay wala siyang naipon. Lahat ng kanyang kinikita ipinapadala niyang lahat sa kanyang pamilya. Pati na nga pag day off niya kung may trabahong siyang makikita sinusungaban niya para sa extra income.
              Gusto ni Shine na ok na ang lahat ng kanyang mga kapatid bago siya mag asawa. Sa susunod na buwan uuwi na siya ng Pilipinas para sa kanyang exit . Mag stay lang siya ng ilang linggo at lilipad uli siya papuntang Abudabi. Lilipat siya ng mas maganda at mas mataas ang sueldo. Sana dasal niya mababait ang kanyang maging mga amo sa bagong niyang papasukan. Pang samantala dito ko muna tatapusin ang makulay na buhay ni Shine. Sanay kinapulutan ninyo ng magandang aral ang kanyang kuwento ng buhay.
              Sa wakas pumayag na ang kanyang amo na umalis siya at bibigyan na siya ng exit visa. Makaka wala na siya sa madalas na paninigaw  ng kanyang amo sa kanya. Nahihirapan na kasi siyang tumangap ng sermon everyday. Sa umaga at hapon niya naririnig ang pag sigaw ng kanyang among lalaki. Dito ko na lang muna tatapusin ang pag kukuwento ng buhay ni Shine. Kung anu man  mang yayari pa sa kanyang buhay sanay masubaybayan pa rin natin.  Sana sa pag dating ng araw maisulat ko pa rin ang natitira pa niyang kasaysayan . at magiging kasaysayan pa.
              Sana ang mga pag sisikap si Shine sa buhay at ang kanyang mga pinag daanan sana maging isang magandang halimbawa sa iba nating kababayan. Na ang kahirapan di hadlang sa pag tupad ng mga pangarap. Tulad ng kanyang ama , kung gugustuhin mag bago at gumanda ang buhay nasa iyong pag susumikap. Habang may buhay may pag asa. Kahit lugmuk na lugmok kana. Kung gugustuhin mo pang bumangon, may pag asa ka pang mag bago. Kailangan mo lang lakas ng loob at determinasyon mag bago. Alang alang sa iyong mga mahal sa buhay. Ito’y napatunayan ng kanyang ama. Di pa huli ang lahat basta handa kang mag bago. At laging mag papasalamat sa mga biyayang natatangap. Ang Diyos di natutulog nakikita niya lahat ang pag susumikap at pag nanais nating gumanda ang kinabukasan.
              Maraming maraming salamat sa mga sumubaybay sa maganda at makulay ng kuwento ng buhay ni Shine.(di tunay na panaglan) sana’y nag enjoy kayo sa kuwento ng buhay niya….THE END…. Copyright  by Rhea Hernandez 2/29/1                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                       
                

No comments:

Post a Comment