LOVE STORY “Blue Ivy” chapter 4
Ni Rhea Hernandez
Pinoy poem
Sa pag uusap nila Blue Ivy at Jhoey ala din nagawa. Hindi rin pigilan ang nalalapit nilang kasal. Kaya inihanda na lang ni Blue Ivy ang sarili na maging isang mabuting may bahay. Hinarap na lang niya ang nalalpit niyang kasal. Wala na naman siyang mapapala kung mag mumukmok siya sa isang sulok at iyakan ito. Bakit di na lang niya enjoy, total mahal naman niya talaga si Jhoey. Siguro kahit bata pa siya magiging maganda ang kanyang buhay sa piling nito. Sa pinapakita ni Jhoey sa kanya kung gaano siya kamahal nito. Kahit bata pa sila makakabuo din sila ng isang masaya at tahimik na tahanan. Tulad ng kanilang mga pinapangarap. Yong ngalang, di pa sila handa sa ngayon. Pero ang pag mamahal ay nandoon naman.
Lumipas ang mga araw dumating ang kasal nila sa huwes. Ok naman at madaling nairaaos. Ang dalawang pamilya lang ang dumalo at mga ninong at ninang. Saka na daw ang ibang kamag anak sa gaganaping kasal sa simbahan. Doon na lang siya mag susuot ng wedding gown. At kumbidahin ang mga malalapit na kamag anak at mga kaibigan. Ok lang ito kay Blue Ivy para di makita ng maraming tao na di siya gaanong masaya sa kanyang kasal. Nakaraos ang kasalan sa huwes at inuwi na ni Jhoey si Blue Ivy sa kanila.
Sa murang edad natuto makisama si Blue Ivy sa kanyang mga biyanan at sa iba pa nitong mga kamag anak. Dahil gusto naman siya ng mga magulang ni Jhoey kaya di siya nahirapan mag adjust sa buhay may asawa. Yong nga lang natigil na siya sa kanyang pag aaral at naging isang butihing may bahay na lang. nalayo na siya sa dalawa niyang kabarkadang pinsan na silaTracey at Grace. Kahit naiingit siya sa dalawa niyang pinsan, na patuloy sa pag aaral wala siyang magawa. Kailangan niyang gampanan ang buhay may asawa kay Jhoey.
Naging masaya naman ang kanilang pag sasama. Dahil mapag mahal si Jhoey at maalalahanin. Dahil may asawa na rin ito di na rin ipinag patuloy ang pag aaral. Sa mga unang mga buwan ng kanilang pag sasama anong ligaya nila. Akala mo mga love birds na kay tamis ng kanilang pag mamahalan. Kahit walang trabaho si Jhoey nakakaraos din sila kasi nga nakapisan sila sa mga magulang nito. Sunod ang luho ni Jhoey kahit sa mga tita niya nasa ibang bansa. Regular ang pag papadala dito ng kung anu ano. At kung minsan tulad pa rin ng dati noong binata pa siya pag humingi ito ng pera nag bibigay.
Minsan isang araw tinanong ni Blue Ivy si Jhoey kung ano ang plano nito sa buhay nila. Isang kibit balikat lang ang tinugon nito sa kanya. Hanggang ipag dalantao niya ang kanilang unang supling.nakita niya na kay saya ni Jhoey na magiging tatay na siya. Pero para kay Blue Ivy di siya gaano natutuwa. Kasi ba naman hanggang ngayon ala pang trabaho ang asawa niya. Umaasa pa rin sila sa kanyang mga biyanan. Wala namang problema sa kanila na pumisan kami at alang trabaho ang kanilang anak. Dito nakikita ni Blue Ivy na sunod sunuran lang ang mga magulang nito sa kung ano ang gusto ng kanilang anak.
Dumating ang araw ng kanyang panganganak. Wala parin trabaho si Jhoey. Ang lahat ng gastusin sa panganagnak niya sinagot ng kanyang mga biyanan . at mga tiyahin niya nag padala din ng malaking tulong na financial. Kuntento na sa ganito si Jhoey. Hinahanap ni Blue Ivy ang Jhoey kanyang minahal noon na isang mataas ang mga pangarap para sa kanyang pamilya. Ang bubuo ng isang masaya at masagana sa lahat ng bagay. Na galing sa kanyang pag susumikap. Bakit ibang Jhoey ngayon ang kanyang asawa. Ang Jhoey kanyang nakilala at naging kasintahan noon sila’y nag aaral pa.
Ang Jhoey kanyang minahal noon ay punong puno ng pangarap at ambisyon sa buhay. Bakit naging ganito ang asawa niya.nakukuntento na sa kung ano ang ibinibigay ng kanyang mga kamag anakan. Ito ba ang tunay na Jhoey ang nakilala niya sa maynila ay isang mapag panggap na tao lang.hindi siya ang totoong Jhoey na asawa niya ngayon.Ang totoong Jhoey isang batugan nakasandal lagi sa magulang at walang ambisyon.
Bakit unti unting nababago ang Jhoey natutunan niyang mahalin noon. Nababago ba ng panahon ang kanyang pag uugali? O sadya lang talagang ganito? Marami ang nag sasabi napakasuerte ko daw at ikaw ang aking pinakasalan! Pero di nila alam kung gaano kabigat na cruz ang dinadala ko. Wala silang alam kung anu ano ang nagagnap sa loob ng ating tahanan. Tahanan nga bang itong matatawag? Ni isang palto di natin pag aari! Lahat nandito sa iyong mga magulang.
Ngayon mayroon na tayong anak kailan ka mag susumikap pa ra sa amin? Ang madalas na tanong ni Blue Ivy sa kanyang asawa. Hindi alam ni Blue Ivy kung paano siya nakakapag tiis sa pag uugali ng asawa niya. Buhat noong ikasal sila ni minsan di pa nag hanap buhay ito. Ang kanyang mga magulang ang nag papalamon sa aming mag iina. Ang laki na lang papasalamat niya na mabait ang kanyang mga biyanan. Kung ito tulad ng ibang biyanan anu na kaya ang kasasapitan nilang mag iina.
Pati ang pagiging sweet at malambing ni Jhoey noon ay unti unti na ring nawawala. Anu pa ba ang natitira sa Jhoey kanyang minahal. Parang gustong gusto na ni Blue Ivy na mag sisi kung bakit pumayag siyang pakasal sa lalaking ito. Sanay di nalang siya naging mabait na anak. Sana sumalungat nalang siya sa kagustuhan ng kanyang ama. Ito ba ang mag pangaba niya noon ?unti unti ng nag kakaroon ng linaw ang mga pangitain niya noong dalaga pa siya. Ito ba ang kalinawan sa mga gumugulo sa kanya isipan noon? Kung bakit siya kinakabahan sa pagiging isang perpektong boyfriend ni Jhoey noon? Ang kanyang mag pag dududa noon ito na nga ba ang kasagutan?
Lumalaki na ang anak nila . lumilipas ang panahon at kaybilis nito. Pero para kay Blue Ivy parang pagong ang pag usad nito. Kahit isang magandang pag yayari sa buhay niya wala. Nag eenjoy si Jhoey sa buhay niya. Na para bang isa pa rin siyang binata. Di iniisip kung ano ang kakainin ng kanyang mag iina. Wala siyang pakialam kung ano na ang kalagayan ng mga ito.unti unti natututo ng bumarkada uli si Jhoey sa mga tambay sa kanilang lugar. Sadyang napaka bait ng kanyang biyanan.ang pang barkada ni Jhoey sa kanyang mga magulang pa hinihingi.
Hindi niya malaman kung mabait ang biyanan niya o sadya lang napakahusay mang uto ang kanyang asawa. Kung bakit bigay toto ang mga ito sa pag suporta sa kanilang anak na batugan. O dapat ba siyang magalit dito dahil hinahayaan nila ang kanilang anak na maging pala asa sa kanila. Kaya siguro di nag pupursige mag hanap buhay mayroong inaasahang mag bibigay sa kanya. At mayroong mag papakain sa aming ng kanyang anak. Pag kinakausap ang asawa kung di siya angilan ay mag kibit ng balikat ang ginagawa.
Hanggang kailan kay makakayanan ni Blue Ivy ang pagiging tamad ng kanyang asawa? Sadya kayang batugan ito noon pa? ikinubli lang niya ito noong mag kasintahan pa lang sila? Anong kapalaran ang nag hihintay sa buhay may asawa ni Blue Ivy. ABANGAN !! copyright by Rhea Hernandez 2/13/12
No comments:
Post a Comment