Thursday, February 9, 2012

LOVE STORY "Blue Ivy" chapter 1

LOVE STORY “ Blue  Ivy” chapter 1
Ni Rhea Hernandez
Pinoy poems

              Ang kuwento ito base sa tunay na buhay sa isa sa mga malapit sa aking puso. Noong umpisa friends ko siya dito sa facebook. Pero noong lumaon naging malapit siya sa aking puso. Para kona siyang bunsong kapatid na babae. Dahil sabik ako sa kausap at kaibigan. At saka mis ko na talaga ang Pinas kaya sa mga kuwentuhan naming tungkol sa pag babago ng Pinas. Noong lumaon nauwi ang usapan sa kanyang buhay at pag ibig. At dito  niya ikinuwento ang buhay pag ibig niya sa kanyang asawa. Na mga karanasang masasaya at malulungkot  sa piling niya dito.                                                                                                     Dito ko sisimulan ang kuwento ng kanyang buhay noong siya katatapos palang ng  high school. Bago mag pasukan nag enroll siya sa isang university sa Maynila. Kasama ang kanyang dalawang mga kalog na pinsan.  Si Grace at Tracy mga pisan buo ni Blue Ivy. Bata palang sila mag kakasama na silang tatlo sa mga kalokohan. Pag may ginawa ang isa siguradong pag tatakpan ng dalawa. Sikat na sikat silang tatlo sa pag gawa ng kalokohan. Sa kanilang tatlo ang pinakamaganda ay si Blue Ivy.
              Siya din ang ligawin at laging nagugustuhan pag mayroon silang nakikilalang lalaki. Kaya naman malakas ang loob nilang makipag pustahan sa dalawa niyang pinsan. Pag dating sa kalokohan siya din  ang nangunguna. Pero siya din ang pinakamatalino sa kanilang tatlo. Kaya nga pag nag bibiruan sila siguro daw noong mag sabog nga gracia gising ang nanay niya noong pinagbubuntis siya. Kaya ang dami niyang biyaya natangap.
Pinag papasalamat naman niya ito.
              Hanggang mag college mag kakasama pa rin silang tatlo. Iisang room ang kanilang tinutuluyan. Isa sa mga lalaki kasama nila sa boarding house sa kabilang room naka stay halatang may gusto sa kanya. Cute siya at guapo halatang mayroon kursunada kay Blue Ivy pero mahiyain ito. Sabi nga ni Tracy ay masyadong torpe yan di mangangahas lapitan itong pinsan natin. Lalu lang matotorpe yan kay Blue Ivy. Sasabayan ng hagigikgikan nilang tatlo. Typical na teenager sabi nga ng marami silang tatlo parang triplet. Sa mga kalokohan at sa pag lalakwatcha. Si Blue Ivy mapag biro at maloko. Pag alam niyang may gusto sa kanya ang lalaki lalu pa niyang inaakit at pag nahulog na ang loob at mahal na mahal na siya nito saka niya ibabagsak. Lalu na kung talagang di niya kursunada ang lalaki.
              Dahil sa kabataan kaya naging mapag laro siya sa ngalan ng pag ibig.  Hindi siya naging serious kahit kailan sa kanyang mga manliligaw. Siguro dahil di pa dumadating ang tamang lalaki para sa kanya. Sa totoo lang di pa nakakaranas mag mahal si Blue Ivy. Iyon ang akala ng marami isa siyang mapag laro at walang paki sa mga nararamdaman ng iba. Pero hindi ito ang tunay na Blue Ivy. Isa siyang malambing mapag mahal na anak. At isang masunurin sa kanyang ama. Dala lang ng kabataan at ng barkada kaya kung minsan nagiging maharot at mapag laro siya . Sa kanilang tatlong siya yong pinakamasunurin sa magulang. Malaki ang takot niya sa kanyang ama.
              Para sa kanya lahat ng sabihin ng ama nito isang batas. Na di niya kayang salungatin. Kaya naman takot na takot siyang gumawa ng mga bagay na di niya magugustuhan. Naging isang masunuring anak. Kaya naman ang mga pag lalaro niya sa mga manliligaw ay kanyang ikinakaila. Ingat na ingat siyang makarating sa kanyang ama. Siguradong may sermon siyang tatangapin dito. Malaki ang takot niya sa kanyang ama. Masyadong mahigpit ito sa mga anak. Lalu na sa kanyang magandang si Blue Ivy.
              Noong mag enroll sila kasama nila ang kuya ni Blue Ivy. Kaya naman mayroon silang body guard. Madalas na pag laruan nila ang kuya ni Blue Ivy. Paano nag iisang lalake tatlo silang babae. Buti nga di napipikon sa kanila. Noong makatapos mag enroll dumaan sila sa boarding house. Muli nilang na meet ang cute guy na si Jhoey. Halatado naman kasi ito na may kursunada kay Blue Ivy. Pero mahiyain at mukhang torpe ito. Kayang kayang patupiin ni Blue Ivy.
              Sa ibang university ito nag aaral. Nag kataon lang na iisa ang kanilang boarding house. Sa unang kita pa lang sa kanya. Nag karoon na ng lihim na pag tatangi kayBlue Ivy. Na kaagad naman nahalata nila Tracy at Grace na laging nakatitig sa kanilang pinsan. Siguro kung di nila kasama ang kuya ni Blue Ivy siguro nakipag chikahan na ang dalawang pinsan niya. Kaso kounting pino sa pag kilos baka makarating sa papa ni Blue Ivy ang mga kalokohan nila. Kaya medyo ingat silang tatlo sa pakikipag salamuha sa ibang lalaki sa boarding house.
              Naging maayos naman ang lahat sa pag eenrol nila at ang bahay na kanilang tutuluyan. Kaya bumalik na uli sila sa kanilang probinsya. Babalik na lang sila uli sa pasukan. Habang daan nag bubulungan ang tatlong maria tungkol sa lalaking kanilang nakilala. Ang tinutukoy nila ay si Jhoey tinutukso nila si Blue Ivy. Pinipigil niya sila Tracy at Grace sa mga sinasabi at baka marinig ng kuya niya at isumbong sila sa papa niya. Kaya alang nagawa ang dalawa kundi ang tumahimik ayaw din naman nilang mapahamak ang kanilang pinsan.
              Dumating ang unang araw ng pasukan busy ang lahat sa pag aayos at pag hahanap kung saan ang mga room ng bawat subject nila. Salamat na lang at mag kakasama silang tatlo sa lahat ng kanilang subjects. Kahit mahirap ang mga unang araw sa pag adjust ng buhay probinsya sa buhay maynila. Dahil mag kakasama sila di gaanong nakaka homesick.  Hindi sila masyadong naiinip sa mga naiwan nilang mga mahal sa buhay. Dahil nga mga kabataan pa sila at gusto din nilang makatapos agad at di sumabit sa pag aaral kaya naging tutok din sila sa kanilang pag aaral.
              Sa pag tatagal nila doon sa boarding house. Paminsan minsan nag kakasalubong nila si Jhoey.  Naging kabatian na rin nila ito kahit masasabing di naman sila masyadong closed. Pero halatang may kursunada siya kay Blue Ivy.  Makikita mo sa kanyang mag kilos at sa pag tingin tingin. Likas yatang mahiyain at torpe itong si Jhoey. Kahit halata mong may gusto kay Blue Ivy di makapag salita. Kaya naman ang mga pinsan ni Blue Ivy na sila  Tracy at Grace lumaban ng pustahan sa kanya.
              Ang pustahan nila sa loob ng isang linggo kailangan maging BF niya si Jhoey. Dahil sa pustahan si Blue Ivy na ang gumawa ng hakban para mag tapat ng kanyang nasasaloob. Kailangan mapalabas niya na ligawan siya nito at maging BF niya sa loob ng 7 days lang. ginamit ni Blue Ivy ang kanyang karisma sa lalaki para mapansin siya nito at mag kalakas ng loob na ligawan siya. Hindi naman siya nahirapan  kasi nga may pag tingin din naman si Jhoey sa kanya.
              Binigyan lang niya ng lakas ng loob para lang mag tapat sa kanya ng pag ibig . hindi siya nahirapan na akitin si Jhoey.  Dahil nga may lihim na itong pag mamahal sa kanya. Isang mahiyain lang at torpe kaya di siya nililigawan. Dahil nga siya na ang gumawa ng paraan para mapalapit dito. Kaya naman lumakas ang loob na ligawan siya. Ok naman si Jhoey kasi mabait naman ito at maalalahanin. At mapag mahal naman. Kaya kahit noong una pustahan lang kaya niya sinagot si Jhoey. Unti unti na niya itong minahal. Napalapit na rin sa kanyang puso ang lalaki.
              Hindi ito pumapalya sa pag hatid at sundo sa kanya.ramdam na ramdam ni Blue Ivy ang pag mamahal ni Jhoey. Sadyang  pilya si Blue Ivy at mapag laro. Kaya mag ka minsan tinataguan niya si Jhoey kung sinusundo siya sa school. Pag nainip at di pa lumalabas si Blue Ivy uuwi na lang ito na parang langtang gulay. Sa pag pasok niya sa Boarding house nandoon na ang babaeng kanyang minamahal. Pag tinanong siya bakit umuwi na di siya inintay lagi sinasagot ni Blue Ivy di niya nakita na nandoon siya  akala ko di mo ako susunduin kaya umuwi na ako. Kasi wala ka doon sa lugar ng tag puan natin. Pero ang totoo tinaguan lang niya talaga si Jhoey..
              Talagang gagawin ang lahat ni Jhoey para lang tumagal ang kanilang pag mamahalan. Sabagay ramdam na ramdam ni Blue Ivy ang pag ibig na alay ni Jhoey. Yong nga lang dahil sa pagiging pilya ni Blue Ivy minsan di maiwasan na masaktan niya ang kanyang kasintahan. Pero ginagawa ang lahat ni jhoey na mapamahal siya kay Blue Ivy. Kaya noong lumaon nahuhulog na ng lubusan ang damdamin niya kay Jhoey.
              Sa pag uusap ng mag pipinsan ano Blue Ivy nahuhulog ka na ng husto kay Jhoey. Akala namin kaya mo lang pinaibig siya dahil sa pustahan  natin. Gusto mo lang manalo kaya ginawa mo na rin ang lahat ng paraan sa pag akit sa lalaki. Bakit ngayon parang hulog na hulog na ang loob mo sa kanya. Oo nga ehh, mapag mahal kasi at masyadong maalalahanin . kahit sino naming babae mahuhulog ang loob sa kanya. Isa pa di naman masama ang itchura niya bagkus ang guapo niya. Sabi nga nila makalaglag panty daw ang boyfriend ko.
              Sa mga pag uusap ng mag pinsan nalaman na nila Tracy at Grace na tunay ng napamahal si Jhoey sa kanilang pinsan na si Blue Ivy. Sino ba ang di mag mamahal sa lalaking iyon akala mo isang santo na di makabasag pinggan. Tapos napaka maalalahanin pa. Maasikaso anu pa ang aking hahanapin sa isang boyfriend. Saka  baka ala na akong makitang kasing bait niya at maalalahanin tulad niya.
              Tuloy tuloy na kaya ang kaligayahang  nadarama ni Blue Ivy?  Hangang kailan kaya ang pagiging mapag laro ni Blue Ivy? ABANGAN!!  Copyright by Rhea Hernandez  2/7/12
             

No comments:

Post a Comment