LOVE STORY “SHINE” chapter 6
Ni Rhea Hernandez
Pinoy poems
Noon nangako na sa kanyang sarili si Shine na dina muli siyang iibig pero anu ang kanyang magagawa. Muli mayroon isang lalaki kumatok sa kanyang puso noong nasa huling semester na siya sa kanyang kurso. Ito kapatid ng boyfriend ng kanyang bestfriend na si Pamela. Minsan kasi isinama ni Pamela si Shine sa date niya. Nag kataon naman kasama nito ang bunsong kapatid ng boyfriend niya na si Efren. Unang pag kikita palang nila nag pakita na nangpagkagusto ito kay Shine.
Kahit anong iwas ang gawin niya naging makulit ito sa panliligaw. Napatunayan niya na mabait naman ito at ipinapakita niya na mahal na mahal niya si Shine. Isang government staff si Efren sa kanilang barangay. Ipinakilala siya sa mga kapatid nito at sa mga magulang. Nasabi tuloy ni Shine na ito naba ang tamang lalaki sa kanya? Sana si Efren na ang maging huli at makatuluyan niya. Kahit nag karoon ng boyfriend si Shine di pa rin niya pinapabayaan ang kanyang pag aaral at pag hahanap buhay.
Pag sasahod na si Efren lagi niyang sinasama si Shine. Ang lahat ng kanyang sueldo binibigay na niya kay Shine. Para daw dina siya gaanong mag hirap sa pag hahanap ng extra money. Alam ni Efren kasi na higit siyang nangangailanga kesa sa kanya. Total mas nakakaluwag naman sila kesa sa kanya. Kaya feel ni Shine na para na siyang asawa nito na nag iintrega ng sueldo. Noong umpisa ayaw niyang tangapin ang mga tulong na ibinibigay nito.
Pero dahil nga sa laki ng kanyang pangangailangan napipilitan si Shine na tangapin na niya ang mga inaalok na tulong ni Efren. Para sa kanya kasi napakalaking tulong ang ibinibigay nito. Dahil malapit na ang kanyang graduation ang daming kailangan at pag kakagastusan. Laki ang kanyang pasasalamat at tinutulungan siya ng kanyang boyfriend. Sa pinapakitang kabaitan ni Efren lalu itong napapalapit sa kanyang puso. Ngayon parang dina kumpleto ang buhay niya kung mawawala pa ito sa kanya. Kung gaano siya kamahal nito ganoon na rin siya dito.
Bago siya maka graduate kailangan niyang tapusin ang kanyang OJT. Sa isang maternity hospital siya napadistino. Hindi niya akalain isa sa kanyang magiging pasyente ang asawa ng dati niyang naging boyfriend na lumoko sa kanya. Ito ay si Rod ang lalaking pinaibig siya , iyon pala may asawa na. halos di makatingin ng deretcho sa kanyang mga mata si Rod. Siguro nahihiya siya sa kanyang ginawa kay Shine noon. Siguro hanggnag ngayon ramdam pa niya ang mag asawang sampal na binigay niya dito.
Ilang araw na lang sasapit na ang kanyang graduation. Doble ang kanyang nararamdamang kaligayahan. Isipin mo sa araw mismo ng kanyang graduation darating ang kanya ate na nag tiis sa pag mamalupit ng kanyang amo para lang makatapos siya ng kanyang pag aaral. Laki ang kanyang utang na loob dito . kung di siya nag pakasakit baka hindi rin siya nakatapos ng kanya midwifery.
Pero sa di inaasahang bagay biglang mayroon nag yari na muntik na niya ikamatay.isang gabi papauwi siya nakasakay sa isang motor. Nag kataong kay lakas ng ulan at ang kalsada ubod ng dulas. Sa di inaasahan biglang mayroong isang aso na biglang tumawid iniwasan ng driver ang aso pero sila naman ang umikot. Akala ni Shine iyon na ang kanyang katapusan. Buti mabait pa rin ang Diyos sa kanya. Mga galos lang ang kanyang natamo at mga bukol. Nag pagaling ng mga galos at bukol si Shine para sa graduation niya di halatang nag pagulong gulong siya sa kalsada kaya nag kagayon ang kanyang katawan.
Dumating ang araw ng kanyang graduation . lahat ay masaya sa wakas nakatapos na rin siya sa pag aaral. Ganoon din ang kanyang ina proud na proud sa kanya sa wakas kahit pagapang nakaraaos na rin siya sa kanyang pag aaral. Sa laki ng kanilang pinag daanan sa pag papa aral sa kanya. Daig pa nila ang tumama sa lotto ng 1st prize. Ang buong pamilya ay masaya sa kanyang pag tatapos at sa napipintuhong pag dating ng kanyang ate. Bago mag umpisa ang graduation tumawag ang kanyang ate. Na dina siya matutuloy umuwi kasi nga di siya pinayagan ng kanyang amo.
Delay ng 6mos ang uwi ng kanyang ate. Wala silang nagawa kundi ienjoy na lang nila ang kanyang pag graduate sa araw na iyon. Ok din ang naging graduation niya kasama ang kanyang ina at ang kanyang uncle sol at siempre pa ang kanyang kasintahan na si Efren at ang kasama nitong kaibigan niya. Si Efren ang naging kangyang opisyal na photographer. Siempre pa dahil mahal na mahal niya si Shine halos bawat galaw nito may kuhang picture. Pag katapos noon panay tawa ni Shine kasi puro stolen shot ang kuha niya.
Lumipas ang mga araw at dumating narin ang kanyang ate anong ligaya niya. Mabubuo na ang kanilang pamilya. Pero sandali lang pala ang kanyang kaligayahan. Parang bagyo ang kanyang ate sa buhay niya. Lahat ay pinakikialaman. Nasabi niyang parang bagyo ito kasi habang siya nag bo volunteer sa red cross panay text sa kanya at siya ay pinauuwi na. akala niya ngayon dumating ang ate niya mayroon siyang magiging kakampi. Hindi pala naging kabaligtaran ang naganap.
Dahil dito napilitan siyang mag apply ng trabaho sa Dubai . Bilang isang babysitter. Agad naman siyang natangap . kaso si Efren di sang ayon sa kanyang pag alis. Ayaw siyang payagan umalis paano na raw ang kanilang relasyon. Ang sabi ni Shine kung talaga para tayo sa isa’t isa maiintay mo matapos ang kanyang kontrata. Halos dina siya kinakausap pa ni Efren noong umalis siya .Masamang masama ang loob nito sa kanya. Bakit daw kailangan pa niyang umalis puede naman daw na doon na lang siya mag hanap na mapapasukan.
Pero hindi nag papigil si Shine sa kanyang boyfriend.gusto niyang patunayan sa kanyang ate na mali ang kanyang hinala. Para malaman niya na di sayang ang perang kanyang ginastos sa pag paparal sa kanya. Kahit di siya pinayagan ng kanyang boyfriend tumuloy pa rin siya sa Dubai . Gusto rin ni Shine na maiahon sa kahirapanang kanyang mga magulang. At mapag tapos din sa pag aaral ang lima pa niyang kapatid . na sumunod sa kanya. Gusto rin niya na matulad sa kanya na may pinag aralan. Ito lang ang kanyang kayamanan sa ngayon.
Tumuloy siya sa Dubai at isang malusog na baby ang kanyang alaga. Sa isang mag asawa na masyadong busy sa kanilang mga negosyo. Hindi naman mahirap alagaan ang baby katunayan sanay siyang mag alaga ng bata. Halos siya na ang nag palaki sa kanyang mga kapatid. Ini isip na lang niya na bunsong kapatid ang kanyang inaalagaan. Okey ang amo niyang babae sobra ang bait pero ang lalaki palaging nakasigaw. Laging galit kahit ala kang ginagawang kasalanan. Laging mataas ang tono kung mag salita.
Laging ang asawa nito ang humihingin ng despensa sa ugali ng kanyang asawa. Ganoon lang daw ito. Kasi masyadong pagod sa trabaho. Kasi isa itong presidente sa isang construction campany. Nasanay daw na laging nakasigaw sa mga tauhang ayaw sumunod sa kanilang trabaho. Dami daw kasing mga nag bubulakbol sa kanilang trabahador. Kaya laging mainit ang ulo. Dala dala kahit sa pag uwi sa bahay ang problema sa company niya.
Madalas pag gising pa lang sa umaga at narinig na umiiyak ang baby niya . akala mo kung inaano na niya ang kanyang anak. Mag sesermon na ito at sisigawan na siya. Puede bang di umiyak ang anak niya. Mayroon bang baby na di umiiyak? Di na lang kumikibo si Shine . tahimik lang siyang nakikinig sa malasermon na tinatanggap niya sa umaga at sa pag dating nito sa bahay. Ito na yata ang regular niyang routine ang makinig ng sermon galing sa boss niyang lalaki. Laki na lang pasasalamat niya na pag talikod ng lalaki yong babae ay hihingin ng despensa na pag papasensyahan na lang daw ni Shine. Kung anu man ang ugali ng kanyang asawa.
Dahil bago lang si Shine dito sa Dubai . At 1st time niya nawalay sa kanyang mga mahal sa buhay. Napakahirap para sa kanya. At isa pa batang bata pa siya . sa totoo lang kahit nakatapos na siya sa midwifery di siya nakakuha ng board exam at nag apply na nga siya sa pagiging babysitter. Kahit pakiramdam niya api apihan siya dito sa amo niya ok naman at malaki ang sueldo niya. Tuwing naalala niya noong nasa pinas pa siya api apihan din sila doon . para nga busabos ang turing sa kanila noon.
Mabuti pa nga ngayon kahit lagi siyang sinisigawan ng kanyang amo binabayaran siya ng malaki. Maiaahon na niya sa kahirapan ang kanilang mga magulang. Saan ba naman niya kikitain sa pinas ang malaking niyang sinasahod ngayon. Pag ito ang kanyang iniisip nawawala ang kanyang pag kahabag sa sarili. Lahat ng sueldo niya pinadala niyang buo sa kanyang mga magulang. Kaya unti unti gumiginhawa ang kanilang pamumuhay. Naibalik ang dating puhunan ng kanyang ama sa pag nenegosyo. Pero dina siya nag bibiyahe kundi kumuha na lang siya ng puesto sa palengke.
At ang kanyang lima pang kapatid nag papatuloy sa pag aaral. Di na tulad niya noon na halos pumapasok sa school na alang baon.ngayon dina dinadanas ng mga kapatid niya ang kanyang pinag daanan. Kaya lang mag kakabaon kung mag dadala siya ng paninda sa school nila. Di nag tagal umalis uli ang ate niya at sa ibang amo naman namasukan. Sa awa ng Poong maykapal mabait na ang kanyang amo sa kasalukuyan. Kaya naman dalawa na silang kumikita at tumutulong sa kanilang mga magulang. Ngayon dina mararanasan ng kanilang mga magulang na mag makaawa sa mga tao para sila pautangin.
Akala ni Shine ok na ang lahat. Kasi maganda na ang kalagayan ng kanyang pamilya. Akala niya magiging masaya na siya. Pero di pa siya nag tatagal sa Dubai nabalitaan niyang nag asawa na ang kanyang kasintahang si Efren. Noong dumating ang balita sa kanya para siyang pinag sakluban ng langit at lupa. Naitatanong niya bakit ang malas yata niya sa lahat ng kanyang mga minamahal. Bakit lahat ng kanyang minahal ay nawawala sa kanya. Sadya bang malas siya o di palang dumadating ang tamang lalaki sa buhay niya.
Ngayon pag nakakausap ang kanyang mga magulang marami na daw ang naiingit sa kanila kasi lahat ng kanyang mga anak ay nag aaral. At samantala mas maraming mas mayaman sa kanila alang nakatapos na mga anak. Ngayon yong dalawa niyang kapatid malapit na ring mag graduate sa pag aaral . iyong isa sa police academy nag aral gusto daw niyang mag police. At yong isa sa matatapos na rin. At yong tatlo pa niyang kapatid nasa high school na.
Marami ang nag tatanong bakit lumabas silang mag kakapatid na puro responsible at masisipag sa pag aaral samantala ang kanilang ama wala namang itinurong maganda sa kanila. Natutuwa si Shine sa sagot ng kanyang ama dito. Ang mga anak ko ang nag turo sa akin ng kagandahan asal. At sila din ang nag turo sa akin na mag sumikap kasi sila mismo nag susumikap sa kanilang sarili. Si Shine ang nag bigay halimbawa sa kanyang mga kapatid na kahit anong hirap. Kailangan igapang ang pag aaral. Kahit ano ang mag yari kailangan makatapos ng pag aaral. Kaya naman yong mga kapatid niyang nakakabata sa kanyang mga yapak sumusunod.
Nakikita kasi nila na di biro ang ginagawang sakripisyo nila ng kanyang ate. Nag papaalila sa mga dayuhan para lang kumita ng malaki laking halaga para umangat ang kanilang pamumuhay. At makapag aral lahat ng kanilang mga kapatid. Pasalamat lang si Shine walang siyang kapatid na pasaway. Lahat sila tutok sa pag aaral para sa kanilang magandang kinabukasan.
Ang kuya ni Shine kahit di nakapag aral. Nakapag asawa na rin. Tinulungan ni Shine na mag karoon ng sarili niyang palaisdaan para di danasin ng kanyang magiging anak ang dinanas nilang mag kakapatid. At ang kanilang bahay na tumutulo kung umuulan naipagawa na rin at mas malaki kesa dati. Ngayon sa kanilang pag tutulungan naiaahon na nila ang kanilang pamumuhay sa kahirapang kanilang kinasadlakan noon.
Ngayon katulong na ang kanilang ama sa pag susumikap na umasenso ang buhay. Iba kasi kung ang ama ng tahanan siyang tumutulong sa pag asenso ng pamumuhay. Akala ni Shine dina mag babago pa ang kanyang ama. Pero laking ang kanyang pasasalamat at namulat din ang kanyang mga mata at kaisipan na di maganda sa isang pamilya kung ang ama ay walang ginagawa para sa kaniyang mga anak. Mag 3yrs na siya sa amo niya walang uwian. Every year tuwing matatapos ang kanyang kontrata pinipigilan siyang umuwi. Kasi napamahal na sa kanya ang bata. Sanay na sanay na ito sa kanya. Every year din para di siya umuwi itinataas ang kanyang sueldo.
Noong bago palang siya sa Dubai mayroon siyang nakilala isang pinay. Naging mabait siya kay Shine kinaibigan siya. Dahil nga baguhan siya at bata pa. wala pa siyang kamuwang muwang sa takbo ng buhay sa Dubai . Minsan isinama siya na ipapakilala daw sa kanyang boyfriend. Dahil tiwala siya dito kaya sumama siya. Hindi niya akalain na isa pala itong bugaw. Sa isang Pakistan ang sabi nito kapatid ng boyfriend niya kaya kailangan isama siya para daw di mag mukhang tanga. Dahil tiwala siya sa kaibigan niya sumama siya. Nag tataka siya bakit bigla siyang hinalikan nito. Nagalit siya at sinampal niya. Nag tatakbo siyang lumabas sa restaurant na kinakainan nila.
Ano na ang mag yayari kay Shine sa pag kakataong ito? Saan siya pupulutin pag nag kataon? Paano niya matatakasan ang Pakistan na nag bayad para siya maikama? Mapapahamak kaya si Shine? ABANGAN!! Copyright by Rhea Hernandez 2/28/12
No comments:
Post a Comment