Monday, February 20, 2012

LOVE STORY " SHINE" chapter 2

LOVE STORY “SHINE” chapter 2
Ni Rhea Hernandez
Pinoy poems

              Sabay nakatapos ng elememtarya si Shine at ang ate  niya. Sa kanilang sariling pag sisikap kaya sila nakapag patuloy sa pag aaral. Nag titiis silang sa hirap ng buhay. Pag alang pasok sa school pinipilit nilang kumita ng kahit sa anong paraan. Kahit mag lako ng mga gulay o kaya ng isda ginagawa nila para lang mayroon silang baunin sa eskuwela. Hindi sila nahihiya kahit makita pa sila ng kanilang mga ka eskuwela na may sunong silang bilao. Pinalaki sila ng kanilang  ina na basta malinis na paraan huwag nilang ikahiya.
              Mahiya sila kung ang ginagawa nila labag sa kagandahang asal. Hanggang malinis ang kanilang trabaho dapat huwag silang mahiya. Kaya naman kahit nasa loob sila ng school may dala dala parin siyang mga paninta. Tulad ng candy at kung anu ano pang puedeng itinda sa kanyang mga kaeskuwela. Nag hihinayang siya sa kanyang kikitain. Kahit papaano nakukuha niya ang pang baon niya sa araw araw. Sa kakatiyaga niyang sa pag pag titinda nakakaraos sila sa pag aaral at baon. Katukatulong niya ang kanyang ate.
              Dahil mas may edad sa kanya ito at mas matalino sa kanya. Laging nakakasama sa mga konpetisyon at madalas ilaban ng school dito. Madalas nanalo sa mga competition ang ate niya. Sabi nga ng marami maganda na marunong pa. Iyong nga lang kung di pa sila mag lako ng gulay pag alang pasok di sila makakapasok sa school. Alang pambaon at pambayad sa tuition fee.  Naging routine na rin nilang ang gumising ng maaga para kahit papaano makapag hanap buhay. At sa pag uwi galing sa school di puedeng mag laro tulad ng ibang bata. Kailangan nilang kumayod para may baunin kinabukasan.
              Laging ganoon ang naging routine nila sa araw araw. Noong lumaon nakasanayan na rin nila ang laging may sunong na bilao. At naging regular na ang kanilang mga suki. Kaya dina sila gaano  nahihirapan  sa  pag titinda. Parang nirarasyunan na lang nila ang mga regular na mga suki. Kaya naman para nalang silang nag lalaro habang nagtitinda ng kanyang ate. Kung di man nila naranasan mag laro ng tulad ng ibang bata. Nililibang na lang nila ang kanilang mga sarili.
              Tulad ng ibang bata na dumaan din sila sa buhay teenager. Nag kakaroon ng crush. Isa sa kanyang kaeskuwela mayroon kapatid na guapo. Sabi nga ng iba ito daw ay makalaglag panty. Tuwing makikita  ang kapatid ng classmate niya di niya maiwasang kiligin. Hinahangaan niya ito. Ewan ba bakit gusto niya ito. Kaya naman naging tampulan siya ng kanyang kaibigan. Di magiging hipag pala kita pag dating ng araw. Dahil sa kaniyang pag amin  naging tampulan siya ng tukso nito.
              Isang araw nag babatuhan sila ng mga massage tungkol sa kanyang kapatid. Sa di inaasahang pangyayari nahuli sila ng kanilang teacher. Sa mga papel na binabato nakasulat doon ang tinatago niyang pag tatangi kay Rico. Dahil doon kumalat sa boung campus ang pag kakagusto ni Shine. Sa kapatid ng kanyang kaibigan. Sa di sinasadya umabot na ito sa kaalaman ni Rico. Para siyang binuhusan ng isang balding tubig sa pan lalamig ng buo niyang katawan.
              Paano daw ba mag kakagusto kay Shine si Rico ay batang bata pa ito. At isa pa kay pangit na bata naman niya. Kay itim at di yata marunong maligo. Laging parang laging amoy araw. Sino ba ang mag kakagusto sa kanya. Sa mga binitiwang salita ni Rico. Parang siyang napako sa kinatatayuan niya at  napahiya sa mga ka klase. Buhat noon tumatak sa kanyang isipan na humanda ka sa pag dating ng araw. Gaganda din ako at tutulo ang laway mo sa aking kaseksihan. Darating ang araw ikaw naman ang iiyak. Darating ang araw na hahabulin mo ang aking kagandahan.
              Dahil mga bata pa kaya kung anu ano lang ang lumalabas sa bibig ni Shine. Dahil sa murang isipan nasaktan sa mga sinabi ng isang lalaking kanyang crush. Kaya naman nakapag bitiw din siya ng isang salita na di niya pinag isipan kung ano ibig sabihin nito. Kaya naman buhat noon kinalimutan na ni Shine ang kanyang pag ibig. Siguro nga masyado pa siyang bata para dito. Hindi na siya mag papantasya  pa na balang araw magiging boyfriend din niya ito. Buhat sa mga sandaling iyon kakalimutan na niya ang kanyang pag kakagusto sa Ricong iyon.
              Pag sapit ng ate niya sa edad desisiete nag pasya itong mag apply na mag trabaho sa ibang  bansa. Para makaahon sila sa kahirapan. Hindi na nga niya tinapos pa ang high school nasa 3rd yr palang sila noon. Hindi na raw niya kaya ang kanilang kahirapan. Naaawa na siya sa aming ina na nag kakandakuba na sa pag hahanap buhay. Pero di pa rin umaangat ang kanilang pamumuhay. Baka ito na ang mag ayon sa kanilang kahirapan. Ayaw pumayag ang kanilang ina sa binabalak ng kanyang ate.
              Pero dirin ito nag papigil tumuloy pa rin sa pag aapply sa pag punta sa lupaing banyaga. Noong lumuwas na ito pa maynila ayaw na talaga siyang papigil sa nanay ko. Alang nagawa kundi ang umiyak ng umiyak. Parang nadudurog ang puso ng kanilang ina. Dahil sa murang edad mapapalaot na sa pakikipag sapalaran sa ibang bansa. Na alang kasigaraduhan ang mapapasukang trabaho. Pikit matang tumalikod ang ate niya sa kanyang ina. Ayaw niyang ipakita dito na natatakot din siya sa kanyang pupuntahan.
              Pero kailangan niyang lakasan ang kanyang loob para sa kanilang kinabukasan. Ni sulyap di siya tumingin sa kanilang ama. Sobra sobra ang nadarama niyang galit sa kanyang ama sa mga sandaling iyon. Kung naging ama lang siya sa kanilang mag kakapatid baka di maisipan ng kanyang ate ang mamasukan sa malayong lupain ng Saudi. Kahit kay bata bata pa niya mapapalaot na siya sa isang bansang alang kasigaraduhan kung anong kapalaran ang nag hihintay sa kanya.
              Pag lisan sa lugar naming aandap andap ang kalooban ni ate. Pero buo ang kanyang loob na lumisan at mag hanap buhay. Isang linggo lang siya sa Maynila ay naka alis agad siya papuntang Saudi. Namasukan bilang isang katulong sa isang pamilya na wala yatang puso. Naging malas siya sa kanyang amo. Sobra ang higpit hindi siya pinapayagan tumawag sa aming kanyang kapamilya. Tiniis ng ate ni Shine ang kalupitan ng kanyang amo. Para lang sa kakarampot na halagang kanyang sasahurin.
              Tuwing naiisip niya na mabibigyan niya ng kaginhawahan ang kanyang pamilya. Nag kakaroon siya ng lakas para matagalan ang mga pag hihirap na kanyang dinadanas dito. Ang katwiran niya di naman bumubukol sa katawan ang hirap. Itulog mo lang at ipahinga mawawala na rin ito. Ang akala niya lahat ng nag aabroad masarap. Maganda hindi pala sa kanyang nararanasan ngayon di niya makakalimutan.
              Samantala ipinag patuloy ni Shine ang kanyang pag aaral. Nasa 3rd yr  na siya ngayon. Wala na ang kanyang ate na katu katulong niyang mag tinda. Sa araw araw. Na miss na niya ang kanyang ate pero ano ag kanyang magagawa. Kailangan nilang mag hiwalay para sa kanilang magandang kinabukasan. Kaya naman pinag buti na rin niya ang pag aaral at pag tulong sa kanilang ina sa pag hahanap buhay. Ngayon sumasama na siya sa pag titinda sa palengke. Kasa kasama niya ang kanyang lola sa pag titinda. samantala ang kanyang ina siya ang naghuhuli sa mag panindang isda at shell. O kahit anong puedeng itinda sa palengke.
              Pag marami nahuli ang kanyang ina at kuya niya ay siya naman ang nag dedeliver sa palengke o ilalako niya. Pag nakaubos na siya sa mga paninda niya bibili na siya ng bigas, asukal , kape,at ect etc.. at kung anu anung gamit sa bahay. Kung minsan tiis tiis na lang sila sa mga tanim nilang gulay. Sabi nga  ni Shine maganda sa katawan ng tao ang mga pagkain ng gulay. Isipin na lang na mga masasarap na ulam ang nakahain sa hapag kainan. Saka sabay sabay silang mag tatawanan na mag kakapatid.
              Lumalaking maganda at kaakit akit si Shine di niya napapansin dalaga na pala siya. Di lang dalaga na kundi isang napakagandang dalaga. Marami ng mga kabinataan ang nakakapansin sa angking niyang ganda. Isa na dito ang crush ng kanyang kaibigan na si Ike. Pero ang gusto ni Ike ay si Shine. Kahit saan siya pumunta di niya alam na sinusundan siya nito. Pero di niya ito pinapansin kasi nga may gusto dito ang kanyang kaibigan. Ayaw niyang masabihan ng kanyang kaibigan na isa siyang ahas. Kaya panay iwas niya sa binata. Ang sabi niya mag sasawa din ito sa kakabuntot sa kanya.
              Nag tataka sila kung bakit hindi man lang nag papadala kahit text ang kaniyang  ate. Kaya naman alalang alala na ang kanilang ina. Halos dina mapakali ito sa kaiisip sa kanyang isang anak nasa malayong lugar na Saudi Arabia. Ang minsan niyang pag tawag noon dina ito nasundan pa. buti mayroon siyang nakilala doon at naging kaibigan isang Pilipino din na taga Laguna. Ito ang pinakikiusapan ng kanyang ate na mag send ng text para sa kanila. Kaya kahit papaano nag karoon sila ng komunikasyon ng kanyang kapatid. Lahat ng mga gustong iparating sa kanila ng kanyang kapatid is Weng ang nag send ng text sa kanila
              Sa kaibigan ng kanilang ate nalaman nila na mahigpit ang naging amo nito. Pag may tumatawag sa kanya di ibinibigay ang telephono sa kanya. Alang tigil sa kakaiyak ang kanilang ina noong malaman na di maganda ang kinasadlakan ng kanyang anak sa Saudi. Pero wala naman silang magawa kundi ang manalangin  sa Panginoon. Na sana lagi siyang ligtas sa anu pa mang kapamahakan. Sa murang edad napasabak sa mabibigat na trabaho sa bahay ang kanyang mahalna ate. Dahil sa kagustuhan niton kahit papaano gumanda ang kanilang buhay.
              Pero kaya naman daw tiisin ang kalupitan nito. Tatapusin din daw ng  ate ni Shine  ang kanyang kontrata bago umuwi. Gusto niya bago umuwi marami na siyang ipon. Para mayroon na muli silang kaunting puhunan sa pangangalakal. Para bumalik na uli nag kanilang buha noong maganda pa ang mga negosyo ng kanilang mga magulang . noon gang kanilang ama ay isa pang ulirang ama para sa kanila. Hindi ngayon na isa na lasengo ay sugarol pa. hindi lang yon ang pinakmasakit… Ang pananakit niya sa kanilang ina ang di nila masikmura.
              Makayanan nga kaya ng ate ni Shine ang hirap na kanyang dinadanas? Hanggang saan kakayanin ng kanilang pamilya ang pag hihirap? Mayroon nga bang magandang kinabukasang nag hihintay sa kanilang family? ABANGAN!! Copyright by Rhea Hernandez  2/20/12
              .

No comments:

Post a Comment