Wednesday, February 29, 2012

TANGING IKAW!!

TANGING IKAW!!
Ni Rhea Hernandez
Pinoy poems

Mga kaisipan inimulat sa kawalan
Nag bigay ng pag asa kanino man
Mumunting karunungan nasumpungan
Sumibol ang munting pangarap sa isipan

Sa oras ng kagipitan lagi nandiyan
Handang dumamay kahit kanino man
Sambitin lang  ang iyong pangalan
Hindi mo kayang silang hindian

Sino ba ang nakakaalam ng kasagutan
Siya lang  Poongmaykapal sa kaitaasan
Ang makakapagsabi paano,saan at kailan
Wala sa atin makakasagot sa katanungan

Kay daming tanong di alam ang kasagutan
Sa mga oras ng kagipitan laging nandiyan
Kahit kay daming kakulangan pupunuan
Basta sa lahat ng oras di kanya iiwanan

Hanggang saan nga ba ang kasukdulan
Itong ating kaalaman at karunungan
Katawang hanggang saan ang kapaguran
Sino ang nakakaalam ng hangganan

Mga binhi ng butil kailan uusbungan
Kailan ka kikilalanin ng sanglibutan
Kailang pa ba ipakita ang kakayahan
Sa puso’t isipan nakatatak ang pangalan

Isa kang tunay na maaasahan kaibigan
Magagandang halimbawa sankatauhan
Mga itinuro mo’y  kaalaman  natutunan
Dito sa puso’t isipan tatatak sa katauhan
2/29/12 by Rhea Hernandez

No comments:

Post a Comment