Tuesday, February 21, 2012

LOVE STORY "Blue Ivy" last chapter 6

LOVE STORY “Blue Ivy” chapter 6
Ni Rhea Hernandez
Pinoy poems

              Wala siyang magawa tungkol sa kanyang mga anak. Hindi rin niya maipilit sa kanyang mga biyanan niya na kunin ang kanyang mga anak. Hindi pa rin siya sigurado na kaya niyang buhayin ang mga ito. Sa kauna unahang pag kakataon natatakot siya para sa kanyang mga anak. Ano nga ba ang kaya niyang ibigay dito? Ni ang sarili niya di niya alam  kung paano niya pulutin ang mga pira pirasong niyang pag katao. Ni ang sarili niya di niya alam kung paano niya ito bubuhayin paano pa ang kanyang mga anak.
              Kailangan buuin muna niya ang kanyang sarili bago niya balikan ang kanyang mga anak. Kailangan makatayo muna siya sa kanyang sariling mga paa. Maging matatag siya sa kanyang kinatatayuan. Kailangan kaya niya itong buhayin sa sarili niyang pag sisikap. Siguro kung mayroon na siyang trabaho at sapat na ang kanyang kinikita puede na niyang bawiin ang kanyang mga anak sa poder ng kanyang asawa. Alam niya na di papabayaan ng kanyang mga biyanan ang kaniyang mga anak. Kahit noon pa nandoon siya nakita niya kung  paano mahalin ng kanyang biyanan ang kanyang mag apo.
              Sa ganitong isipan gumagaang ang kanyang kalooban. Kung naging pabaya man ang dati iyang asawa sa kanya at sa kanilang mga anak pero ang kanyang biyanan ang lagi niyang kaagapay. Yon nga  lang hindi  na siya gaanong nag aalala sa kanyang mga anak na mapapabayaan. Alam niya na aalagaan ng husto ng kanyang biyanan ang mga ito. Maaari kaya ayaw ibigay sa kanya ang mga anak niya kasi di pa niya kayang buhayin  ang mga ito.
                Hindi naman siya galit sa kanyang mga biyanan . siguro ginagawa nila ito para na rin sa mga bata.  Ni minsan hindi naman sila nag kagalit ng kanyang biyanan. Ang ipinag tatampo lang niya dito ang pag kunsinti sa kanyang asawa sa mga mali gawi. Sana  nga huwag punaris ang kanyang mga anak sa kanilang daddy.  Hindi rin niya masisi ang mga ito mahal lang talaga nila ang kanilang anak. Pero sapalagay niya maling pag papakita ng pag mamahal! Kasi dahil doon naging abusado ito.
              Mag susumikap si Blue Ivy na balang araw makukuha din niya ang kanyang mga anak. Dahil sa kanyang mag anak unti unti ng tumatayo sa sarili niyang mag paa. Lumuwas siya ng Maynila at nag hanap ng mapapasukan. Dito niya muling bubuuin ang kanyang pag katao. Pumisan sa kanyang kuya pang samantala para mayroon sa kanya gumabay habang ginagamot pa niya ang mga sugat sa kanyang puso.
              Hindi naman siya nahirapan mag hanap ng trabaho bilang isang sales lady sa isang sikat na mall dito sa maynila. Nag titiis tumayo mag hapon at ngumiti sa mga costumer kahit sa kalooban niya parang kay ilap ng tunay na ligaya. Kahit sa pakiramdam niya mas madali ang umiyak kesa ang ngumiti sa mga panahong ito. Pero ano ang kanyang magagawa kailangan na ka paste sa kanyang mukha na isang magandang ngiti. Ito ang kanyang naging trabaho.  Kung napakarami mo palang problema at iniisip napaka hirap ang ngumiti. Parang isang parusa sa iyong damdamin na mag hapon kang nakangiti pero talagang ang gusto mo ay umiyak.
              Para siyang robot sa mga nag daang mga araw. Sa mag hapon na paste sa kanyang mukha ang isang masayahin at mag hapon naka ngiti. At sa gabi nababasa ang kanyang mga unan sa patak ng kanyang mga luha. Lalu na pag naalala niya ang kanyang mga anghel. Napakabata pa nila para mawalay sa kanyang pag kakandili. Sino bang ina ang di madudurog ang puso. Sa mga panahong mawalay ka sa iyong mga supling. Tawag tawag lang siya at text sa kanyang mga biyanan  para lang kamustahin ang kanyang mga anghel. Pag sinasabing ok naman ang mga ito at di nag kakasakit. Saka palang nakakaramdam ng isang maluwag na pag hinga sa kanyang damdamin.
              Matuling lumipas ang mga araw at buwan na parang routine na lang ang takbo nito. Para naka program na lahat ang kanyang ginagawa. Bahay trabaho tawag sa kanyang mga anak. Hangang nabalitaan na niya na mayroon na muling baggong kinakasama ang kanyang asawa. Mismo ang kanyang biyanan ang nag kuwento sa kanya. Ayaw nila dito sa babae pero mapilit ang kanyang asawa na itira din sa kanyang mga biyanan.kung noon nakatiis siya ng anim na taon sa piling ng kanyang asawa kasi ang kanyang mga biyanan gustong gusto siya. Ang mga pag kukulang ng kanilang anak pilit nilang pinupunuan.
              Noong nabalitaan ni Blue Ivy na muling nag uwi ng babae sa kanilang bahay at ayaw dito ng kanyang biyanan. Naaawa siya dito kung di pa nag babago ang dati niyang asawa kawawang babae siya ang makakadanas ng kanyang inayawang klase ng buhay. Paano tatagal ang isang babae sa ganoong klaseng buhay. Tapos isang pang ikakabigat sa iyong damdamin na di mo kasundo ang iyong biyanan. Dahil nga ibang babae ang inakyat uli ni Jhoey sa pamamahay ng kanyang biyanan. Inayawan nila ito ang gusto nila ay si Blue Ivy ang ibalik para sa mga bata.
              Noong mag karoon ng pag kakataon si Blue Ivy . nag karoon siya ng ilang araw na bakasyon sa trabaho. Kaya naman wala siyang inaksayang panahon para makita ang mga anak. Ito ang kanyang unang ginawa sa ilang araw na kanyang pahinga. Sabik na sabik siya mayakap at mahalikan ang kanyang mga anak. Ok naman ang kanyang biyanan na dalawin niya ang kanyang mga anak. Noon mayakap at mahalikan niya ang mga ito para ayaw na niyang bitawan. Parang gusto na niyang dalhin kahit saan siya mag punta. Pero dipa rin siya handa para pasanin ang mga ito. Bakit ba ipinanganak siyang mahirap. Ni hindi niya kayang buhayin ang sarili niyang mga anak.
              Sa pag dalaw niyang ito dito niya na meet ang bagong asawa ng kanyang dating asawa. Sa kuwento ng kanyang biyanan di pa rin nag babago ang kanilang anak. Naawa siya sa babae kasi siya ngayon ang sumasalo ng mga sampal at suntok nito. Noong makita niya ito kasalukuyang buntis sa una nilang anak. Mababakas mo sa mukha ng babae ang sobrang hapis. Di niya alam kung hanggang kailan tatagal ang babae. Sa nakikita niya parang dina siya masaya sa piling ng kanyang asawa. At isa pa ang nag papahirap sa kanya di ito gusto ng biyanan niya. Di tulad noon na si Blue Ivy ang nakapisan dito na asikaso siya ng kanyang biyanan.
              Sa kanyang nakikita di ngiti ang binibigay ng kanyang biyanan dito kundi ismid at irap.di na tinanong pa ni Blue Ivy kung bakit ayaw nila dito sa bagong asawa ng kanilang anak. Noong makita ni Blue Ivy ang babae wala na siyang maramdaman kahit katiting na selos sa asawa niya. Hindi na nga siya nagalit kung bakit kay aga niya nakuhang palitan agad sa kanyang puso. Siguro wala na talaga ang dati niyang pag mamahal dito. Napalitan na ng takot at galit noong mga nag daang mga panahon.
              Ang kanilang mga anak na lang ang nag uugnay sa kanilang dalawa. Ewan ni Blue Ivy kung matuto pang muling mag mahal ang kanyang sugatan puso. Sana makalimot na ito at matutong mag mahal muli.o tama na sa kanya ang kanyang mga anghel. Ito na lang ang kanyang pag lalaanan ng panahon at pag mamahal. Pag susumikap siya para balang araw nakuha na niya ito at mag kasama sama na  muli silang mag iina. Sa ngayon wala pang nag yayari maganda sa buhay niya. Loveless  ang tawag ng iba sa kanya. Pero ok na ito tahimik ang buhay.
              Kung mayroon ka nga lovelife pero magulo naman dito na siya. Mayroon naman siyang mga anak na puedeng pag ukulan ng pag mamahal. At kailangan niyang pag handaan ang mga kinabukasan ng mga ito. Ilang taon na lang  papasok na sa school ang kanilang panganay. Ito na lang muna ang kanyang pag lalaanan ng panahon. Pag iipunan niya ang mga pangangailangan ng mga ito.
              Pang samantala dito ko muna tatapusin ang kuwento ng buhay ni Blue Ivy. Ang kanyang masalimuot na pag ibig sa kanyang asawa na naging pasang cruz niya sa loob ng anim na taon. Sana kinapulutan ninyo ng magandang aral ang kanyang storya.ang pag aasawa hindi dapat natin minamadali. Dapat nating kilalanin ng lubusan ang ating pakakasalan. Para hindi kayo maparis kay Blue Ivy. Malay ninyo puro pag babalat kayo lang ang pinapakita sa inyo.
              Siguraduhin din na tunay ang nadaraman pag mamahal. Minsan napag kakamalan natin na ang pag hanga at pag ibig ay iisa. Bago lumagay sa magulong ng buhay mag asawa siguraduhin handa na tumayo sa sariling mga paa. At kaya ng humarap sa malalaking pag subok ng buhay. Huwag susubo sa buhay pag aasawa kung ikaw ay napipilitan lang. walang matibay na pundasyon ng pag mamahalan. At kung mag aasawa siguraduhin nasa tamang edad matured na sa pag harap sa takbo ng buhay.
              Maraming salamat sa pag subaybay sa maikling kuwento ng buhay ni Blue Ivy na hindi niya tunay na pangalan at para pangalagaan ang kanyang sariling katauhan. Maari isa siya sa iyong friends…bago ko isinulat ang kanyang kuwento. Iginawa ko na siya ng tula noon pa. inilakip ko ang tula ng kanyang buhay dito sanay magustuhan ninyo…THE END…. Copyright by Rhea Hernandez 2/21/12   


No comments:

Post a Comment