Thursday, February 9, 2012

LOVE STORY "Blue Ivy" chapter 2

c LOVE STORY “Blue Ivy” chapter 2
Ni Rhea Hernandez
Pinoy poems

              Ang pag iibigan nila Blue Ivy at Jhoey.  kung noong una para kay Blue Ivy ay isang pustahan lang. Pero dahil sa ipinapakita ni Jhoey  unti unti natutunan na rin niya itong mahalin. Naramdaman kasi niya na tapat at wagas ang pag mamahal na inuukol nito sa kanya. Sa araw araw ipinapakita at pinapadama sa kanya ang kanyang pag mamahal. Kaya naman  kahit noong umpisa parang isang laro lang ito kay Blue Ivy. Pero noong lumaon napapamahal na sa kanya si Jhoey.
              Kahit mag kahiwalay ang kanilang pinapasukan nakagagawa ng paraan ni Jhoey na magampanan ang kanyang papel bilang isang boyfriend. Kahit minsan lumalabas ang pag ka pilya ni Blue Ivy. Kahit isinisingit sa kanyang pag aaral sinusundo siya nito. Pero dahil nga may pag ka pilya siya. Tinataguan niya ito at pinag mamasdan sa malayo habang ito naiinip sa pag aantay sa kanya sa labas ng gate. Pag nakita na niyang bagot na bagot na ito saka lang siya lilitaw sa kanyang pinagtataguan. At saka sasabihin late na silang pinalabas sa kanilang klase.
              Madalas pag uuwi na sila sa probinsya gustong gusto ni Jhoey na ihatid siya. Kahit anong pilit  di siya pumapayag. Alam kasi ni Blue Ivy ang ugali ng kanyang ama. Ayaw pa kasi nito na mag boyfriend siya. Natatakot siyang pahintuin sa pag aaral. Kaya naman ang relasyon nila ni Jhoey ang pinakakalihim lihim niya sa kanyang mga magulang. Kahit anong pilit ni Jhoey hindi siya mapapayag nito. Kaya naman kung araw ng kanyang uwi ay di niya sinasabi kay Jhoey. At patakas o patago siya kung uuwi na siya sa kanila.
              Sa katunayan kilala na si Blue Ivy ng mga magulang ni Jhoey. Halos tuwing uuwi siya sa kanila. Ikinukuwento na ni Jhoey sa kanyang mga magulang ang kanilang relasyon. Palagi niya ipinag mamalaki at sinasabi kung gaano niya kamahal ito. Siya namang kabaligtaran ni Blue Ivy. Ni minsan di niya nabangit sa kanyang mga kamag anak na may kasintahan na siya. Sa laki ng takot niya sa kanyang papa. Kaya naman ganoon na lang ang pag hahangad nito na makilala ang mga magulang ni Blue Ivy.
              Kaya naman gustong gusto na siya ng mga magulang ni Jhoey. Kasi nga siya ang  minahal ng kanilang anak. Kaya habang tumatagal wala silang inaasam kundi ang makatuluyan ng kanilang anak. Noong malaman ito ni Blue Ivy kinabahan na siya. Baka  nga mag usap ang dalawang matatanda ay bigla siyang mag kaasawa. Sa ngayon hindi pasiya handa para dito. Masyado pa siyang bata sa pag aasawa. Kahit kinukulit na ni Jhoey si Blue Ivy na sumama sa kanya sa bahay nila ayaw niya. Lantaran na kasi ang pag kakagusto ng mga ito kay Blue Ivy.
              Patuloy ang kanilang relasyon na walang nagiging problema. Sabay silang nangangarap sa darating na bukas. Nangangarap sila na balang araw na mag kakatuluyan. Bubuo ng isang tahanan na  masaya at puno ng pag mamahalan. Pero di pa sa kasalukuyan. Kailangan mag tapos muna sila ng kanilang pag aaral. Para sa magiging kanilang anak. Para pag dating ng araw isang masagana at di dahop sa  pangangailangan. Ayaw nilang maparis sa iba na hikahos sa lahat ng bagay.
              Kaya naman tutok din sa kanyang pag aaral si Blue Ivy at si Jhoey. Gusto nilang makatapos agad sa pag aaral. Para makaipon para sa kanilang pag iisang dibdib. Gusto ni Jhoey mabigyan ng isang marangyang kasal ang babaeng kanyang nililiyag. Hindi niya ito magagawa kung di sila makakatapos ng pag aaral. Anong kinabukasan ang maibibigay niya kung saka sakali. Kaya  doble ang kanilang pag susumikap sa pag aaral.
              Kay ganda nang kanilang mga pangarap sa buhay. Ngayon palang bumubuo na sila ng magandang kinabukasan. Si Tracy at Grace di nila akalain na lubusang mahuhulog ang loob ng kanilang pinsan sa lalaking sa umpisa di niya mahal. Dahil maganda ang ipinapakita sa kanya kaya unti unting napapamahal sa kanya si Jhoey. Halos walang maipipintas si Blue Ivy dito. Sabi nga ng kanyang mga kaibigan na pinsan jackpot siya dito.Anu pa ang hahanapin mo sa isang lalaki. Nasa kanya na nga yatang lahat ang isang perpecktong boyfriend.
              Pero kinakabahan pa rin si Blue Ivy. Bakit masyadong itong si Jhoey na perpekto BF. Hindi kaya puro pakitang gilas lang ito sa kanya. Paano kung kasal na sila doon ilabas ang mga pangit niyang pag uugali. Sadya bang mabait ang lalaking ito. Wala kayang itinatagong kalokohan sa katawan. Pero kahit ano gawin ni Blue Ivy sa pag iisip  wala siyang makita kapintasan nito. Wala kasing ipinapakitang masamang ugali sa kanya. Puro pag mamahal at pag aasikaso. Kaya nga ang sabi niya itong si Jhoey ay isang perpektong lalaki.
              Minsan habang nag uusap sila ng kanyang mga pinsan na kabarkada. Itinatanong ni Blue Ivy kung mayroon silang alam na kakaibang ugali ni Jhoey. Ang sagot ni Tracey bakit ka ba ganyan? Sa imbes na matuwa ka na sobrang bait ng BF mo. bakit ka nag iisip ng mga negatibo. Ewan ko ba bakit ako nakakaramdam ng ganito para sa kanya. Hindi ko maipaliwanag  bakit ako nag kakaganito. Siguro dahil  siya ang aking 1st boyfriend. Alam naman ninyo na pilya ako pero sa pag dating sa pag mamahal konserbatibo ako.
Sa sinabi ni Blue Ivy isang tango lang ang isinagot ng dalawa sa mga sinabi nito.
              Talagang di maiwaglit sa isipan ni Blue Ivy ang mag isip ng ganito. Ewan  di niya maipaliwanag kung bakit. Siguro di lang siya sanay na mayroon nag hahatid at  sumusundo sa pag pasok sa school. At mayroong laging nakaalalay kahit saan. Mayroon siyang nararamdaman na di pa niya masabi. Na mangyayari sa hinaharap na di niya magugustuhan. Ngayon palang nag papahiwatig na ito sa kanyang nararamdaman. Sana wala lang ito. Sana mali ang kanyang mga kutob.nagiging paranoid lang siya sa kanyang pag iisip. Pero natatakot siya kasi mag kaminsan pag ganito ang kanyang pakiramdam mayroon di maganda darating sa buhay niya.
              Binaliwala ni Blue Ivy ang kanyang nararamdaman. Sa tulong ng dalawa niyang pinsan na sila  Tracey at Grace nag patuloy ang masasayang at makulay nilang mga araw. Kay bilis lumipas ang mga araw at buwan di nila namalayan naka isang taon na pala sila. Isang taong singkad sa pag aaral at ang kanilang relasyon ni Jhoey. Na di nag kakaroon nag malaking pag babago. Pero  ang mga agam agam sa puso ni Blue Ivy ay di nawawala. Hindi niya malaman kung bakit. Samantalang ang kanilang relasyon ni Jhoey ay ok naman.  Sa galing niyang mag tago sa kanilang relasyon di pa rin nakakarating sa kanyang mga magulang.
              Minsan sa kanyang pag uwi di niya nabatid na kinausap ni Jhoey ang kanyang mga pinsan. Gusto kasi nito na ma meet na ang kanyang mga magulang. Pero di pa handa si Blue Ivy na mag sabi sa kanyang mga magulang. Gusto pa rin niyang makatapos ng pag aaral natatakot siyang pag nalamang mayroon na siyang boyfriend ay patigilin siya sa pag aaral. Hindi ito maintindihan ni Jhoey kaya ang dalawa niyang pinsan ang kinasabwat nito para makasabay sa kanya sa pag uwi.laking gulat ni Blue  Ivy nasa likuran na niya ang kanyang kasintahan.
              Galit na galit siya sa kanyang dalawang pinsan kung bakit siya ipinag kalulo sa kanyang boyfriend. Anu pa ang kanyang magagawa nandito na siya. Di naman niya puedeng ipag tabuyan ito. Anu ang kanyang idadahilan kung bakit di siya puedeng ihatid sa kanyang pag uwi. Kahit alam nito na ala pang alam ang kanyang mga magulang sa kanilang relasyon. Sabi ni Jhoey sa kanya huwag mag alala siya ang bahala. Siya ang mag papaliwanag sa mga ito. Wala siyang dapat ipag alala. Siguro naman maiintindihan sila ng mga ito. Sa lakas ng loob ni Jhoey humanga si Blue Ivy. Sana nga wala magiging problema. Sana di siya mapatay ng papa niya sa pag lilihim nya na mayroon na siyang boyfriend.
              Habang daan di mapakali si Blue Ivy. Hindi niya maintindihan ang kanyang nararamdaman. Ito na yata ang mga bagay na ipinapahiwatig sa kanyang mga nararamdaman noon. Ito na yata ang kinatatakutan niyang mangyayari di maganda sa buhay niya. Sana naman hindi totoo ang kanyang mga pakiramdam noon. Sana walang maging problema sa pag dating sa kanila. Halos ayaw tumigil ang pag kabog ng kanyang dibdib. Nahalata ito ni Jhoey hinawakan ang kanyang dalawang kamay. Saka ikinulong sa dalawa nitong palad. At saka ibinulong na huwag siyang mag alala. Walang mag yayari na di maganda sa pagsama nito sa kanya sa kanilang tahanan.
              Anu kaya ang mangyayari sa pag dating nila Blue Ivy at Jhoey sa tahanan nila? Matangap kaya si Jhoey ng papa ni Blue Ivy?  Saan hahantong ang kapangahasan ni Jhoey na harapin ang mga magulang ni Blue Ivy? ABANGAN!!!
Copyright by Rhea Hernandez  2/9/12

No comments:

Post a Comment