Thursday, January 26, 2012

LOVE STORY "ANGELINE" last chapter 12

LOVE STORY “ANGELINE” last  chapter 12
Ni Rhea Hernandez
Pinoy poems

              Ang pamamasyal nila Angeline nauwi sa kanilang pag kakaintindihan. Naging sila na ang mag kasintahan. Kay bilis ng pag yayari hindi akalain ni Angeline na  sa  pag uwi niya galing sa pamamasyal mayroon na siyang kasintahan . Mayroon na rin siyang suot na singsing bilang tanda ng kanilang pag mamahalan. Sa pag uwi ni Angeline saka siya nag isip wala na kaya magiging hadlang sa kanilang pag mamahalan ni Eric. Hindi kaya mauwi din ito sa pag hihiwalay tulad ng kanilang relasyon ni Teddy.
              Sana sa pag kakataong ito dina maging sagabal sa aking kaligayahan ang aking pagiging isang putok sa buho.Sana matanggap ng lubusan ni Eric ang aking katayuan sa buhay. Sana tuluyang matangap ng kanyang ina na isang katulad ko ang papakasalan ng kanyang  anak. Sabagay noong mag kita kami ok naman siya sa akin.type niya ako para sa kayang anak. Pero iba yong nililigawan palang kesa doon sa talagang papakasalan at makakasama habang buhay.  Sana nga ito na ang katuparan sa aking mga pangarap na mag karoon ng isang buong pamilya. Ito ang mahabang bulong sa kanyang sarili ni Angeline .Ito ang mga alalahanin gumugulo sa isipan ni Angeline. Kaya di niya masagot si Eric.
              Nakatulugan ni Angeline ang mga gumugulo sa kanyang isipan. Samantala nag iisip din si Eric. Bakit naging bantulot si Angeline noong bangitin niya ang kasal. Hindi pa rin kaya niya nakakalimutan ng tuluyan ang dati niyang kasintahan. Ito kaya ang pumipigil sa kanya sa pag sang ayon sa iniluluhog kong pag ibig na walang hanggang. Isang masaya at magandang kinabukasan ang kaya kong ibigay sa kanya. Handa ko siyang paligayahin. Hinding hindi siya mag sisi pag pumayag siyang pakasalan ako. Ngayon lang ako nag mahal ng ganito sa isang babae. Kaya  gagawin ko ang lahat pumayag lang siyang pakasalan ako. Ito ang pangako ni Eric sa kanyang sarili.
              Kinabukasan pag gising ni Eric tumawag sya kay Angeline. Tinanong niya kung may gagawin at nag babasakali siyang makasama ito sa kanyang pag sisimba. Sa wakas ok lang kay Angeline na mag simba sila total mag sisimba din naman siya. Kaya alang masama kung mag kasabay na lang silang mag simba . sa kauna unahang pag kakataon mag kakasama sila sa pag darasal at pag lapit sa Poong  Maykapal. Balak ni Eric sa harap ng altar doon siya mangako at ihayag ang tunay niyang pag mamahal sa dalaga. Gusto niyang kaharap siya sa pag bibigay ng pangako sa Panginoong Diyos na siya lang ang kanyang mamahalin habang siya nabubuhay.
              Sa ginawa ni Eric nabagbag ang  kalooban ni Angeline . hindi niya namalayan nag uunahang tumulo ang kanyang mga luha. Hindi nya akalain na ganoon siya kamahal ni Eric. Para sa kahilingan at pangako ni Eric sa Panginoon tinigon ni Angeline ang kanyang mga dalangin. Humarap siya kay Eric at sinabi niya na tinatanggap na niya ang inaalok nitong kasal.  Pero ang gusto niya malaman muna kung ano ang reakyon ng kanyang ina. Ayaw niya na maulit muli ang nakaraan niyang pag kakamali. Baka kung kailan ok na ang lahat saka siya ayawan ng kanyang magiging in laws.
              Sa pag kakataong ito na ngiti si Eric. Ipinapangako ko hindi magiging hadlang si mama sa ating pag mamahalan. Kung sino ang gusto ko siguradong gugustuhin din niya. Pag katapos ng misa nag usap sila kung paano isasagawa nag kanilang kasal. Hiniling ni Angeline na simpleng kasalan lang ang ganapin kahit ito sa simbahan. Piling pili lang ang gusto niyang imbitado sa kasal nila. Mas simple mas solem ang gusto niya. Pero sabi ni Eric kaya ko naman ibigay sa iyo ang engrandeng kasalan.
              Kung gusto mong matuloy ang kasalan simple lang at walang gaanong makakaalam  sa kasal natin. Umiiwas lang ako sa mga sasabihin ng mga tao . ayaw ko na habang ikinakasal tayo nag bubulungan sila na ang napili mong pakasalan ay isang putok sa buho. Isang ngiti lang ang itinugon ni Eric dito. Wala akong paki kung ano ang sabihin nila laban sa iyo basta ang alam ko busilak ang iyong puso mo. Sayang di ito nakikita ng ibang tao. Hinuhusgahan ka nila sa iyong kahapon. Wala akong pakialam  kung ano mayroon ka sa iyong kahapon ang mahalaga sa akin ay ikaw sa ngayon.
              Para mawala ang agam  agam sa kalooban ni Angeline. Muli niyang dadalhin  sa kanilang bahay at para sila na mismo ang mag hayag sa kanyang ina na pumayag na ito na pakasal kay Eric. Isang phone call ang isinagawa ni Eric sa kanyang ina. At sinabing doon sila tutuloy ngayon pag katapos mag simba. Laking gulat ng kanyang ina. Bakit ngayon mo lang sinabi hindi ako nakapag handa. Isang mahinang tawa lang ang itinugon ni Eric sa kanyang ina. Hindi na kailanga yon . kung ano lang ang available dyan tama na. mga anong oras kayo darating ang balik ng kanyang ina. Ok para may time kang mag bihis at maligo isang oras nandiyan na kami.
              Kahit kailan lagi mo akong iniipit sa isang sitwasyon ganito. Isang impit na tawa lang ang tugon ni Eric sa kanyang ina. Pagkababa pag kababa ng phone ni Eric. Muling nag dial sa phone niya . tumawag sa isang sikat na restaurant at omorder ng mga pag kain pero sa isang kondisyon bago mag isang oras kailangan nasa bahay na niya ang mga food na inorder niya. At kailangan nakaayos na sa kanyang table ang mga ito Kahit mag bayad siya ng extra basta nasa tamang oras lang ang delivery nito at pag aayos sa kanyang table. Talagang malaki ang nagagawa ng pera.
              Bago dumating ang dalawa sa bahay naayos ng lahat ang table at nakabihis na rin ito. Alam niya ang sasabihin ng kanyang anak ay ang pag payag ni Angeline sa iniluluhog niyang kasal dito. Kung hindi ito bakit ang saya saya ng kanyang anak. Halata sa boses nito ang kanyang kaligayahan. Kilala niya si Eric kung kailan ito malungkot o masaya kahit sa boses lang sa telephone.hindi siya maaaring mag kamali sa kanyang hinala . kaya naman kailangan pag handaan niya ang mga oras na ito para sa kaisa isa niyang anak. Talaga ang kutob ng isang ina di sumasala basta tungkol sa anak. Ramdam ng isang ina ang kaligayahan ng kanyang anak.
              Dumating sila Eric at Angeline  sa bahay nila.tuwang tuwa ang kanyang ina. Ayos na ayos ang dating ninyo. Nakahanda na ang table tara kain muna tayo at doon na lang tayo mag kuwenruhan habang kumakain. Laking gulat noong dalawa nang makita ang ayos ng table. Paano mo nagawa ito ha. Eric parang di mo kilala ang iyong ina. Basta sa kaligayahan ng unico iho ko walang imposible lahat possible. Dahil doon nag katawanan sila. Habang kumakain naging masigla sila ang dami nilang napag kuwentuhan . kung saan saan nagagawi ang usapan.kaya naman naging at home na at home si Angeline  sa ina ni Eric.
              Sa pagiging at home ni Angeline saka binuksan ni Eric ang usapan sa kanilang balak na pag papakasal. Hindi na nagulat ang kanyang ina . tumayo ito at hinalikan at niyakap niya si Angeline. Sabay pasasalamat at di niya gaanong pinahirapan ang kanyang nag iisang anak. Alam mo ngayon ko lang talaga siya nakitang na in love sa isang babae. Lagi kong pinag tutulakan mag asawa na. Ayaw daw niya mag asawa kung dilang ang papakasalan niya ay mahal na mahal niya. Kaya ngayon narinig ko mag papakasal kayo sigurado akong mahal na mahal ka ng anak ko. Huwag mo na akong ibuild up ok na baka lalu lang mag bago pa ang isip niya.
              Kailan naman ang balak ninyong pakasal? Sa lalung madaling panahon. Kaya lang gusto niya simple lang tayo tayo lang kahit ito sa simbahan gaganapin. Mga piling piling malalapit na kamag anak at kaibigan lang siguro. Mas simple mas solem ang kasalan. Alang gaanong pressure sa bawat isa.  Okey lang sa kin basta ba ok kay Angeline? Siya nga ang may gusto na simple lang ang ganapin . kung ako ang masusunod isang magarbong kasal ang gusto kong ialay sa kanya.  Ako din minsan lang ikakasal ang isang tao bakit dina  lang natin ibuhos lahat. Umiling lang si Angeline ok, sa lahat ng babae ikaw ang umaayaw sa magarbong kasal.
              Nag kasundo na sila na isang simpleng kasalan lang ang magaganap. Inilibot ni Eric si Angeline sa buong kabahayan. Ang huling ipinakita niya ang kanyang room. Doon nag karoon ng pag kakataong mag ka solo sila. Sapag pasok na pag pasok nila sa room . kinawit ni Eric si Angeline sa kanyang bewang at sabay ang pag siil ng halik. Sa pag kakataon hindi makatangi si Angeline. Sapagkat gusto rin niya kung ano ang ginagawa ni Eric. Damang dama niya ang marubdob na pag mamahal na iniukol nito sa kanya. Ang halik na marahan naging isang napaka alab na halik na  nanunuot sa buong katawan ni Angeline. Hindi niya maipaliwanag kung ano ito.
              Tumagal ang nag babagang mga halik ni Eric. Pero alam ni Angeline hirap siyang pigiling ang sariling nararamdamn . pero ang sabi nito igagalang kita hanggang sa araw ng ating kasal. Nag kasya na lang sa yakap at halik si Eric sa mga oras na iyon. Natutuwa si Angeline kahit nandoon na sila at handa na rin siya na ipag kaloob niya ang  lahat namamayani pa rin ang pag respeto sa kanya . dito niya hinahangaan si Eric may isang salita. At may paninindigan. Alam niya na mahalaga sa akin na iharap niya ako sa harap ng Panginoon na isa paring malinis at di pa nababasag ang crystal. Kahit kay Eric hindi mahalaga kung siya ang makakauna o mayroon ng iba. Ang mahalaga sa kanya kung ano siya ngayon. Basta ang alam niya mahal na mahal niya ito.
              Gusto ni Eric na idaos kaagad ang kanilang kasal. Sa loob ng isang buwan pag aayos ng mga dapat ayusin siguro sapat na ang time na iyon? Nangigiti lang si Angeline sa nakikita niya sa pananabik nito na makasal na sila. Kung maaari lang batakin niya ang mga araw para dumating na ang araw ng kanilang kasal. Muling naging abala si Angeline sa pag aayos ng kasal nila ni Eric. Napapa iling si Angeline noong nakaraang dalawang buwan nag aayos din siya ng kanyang kasal. Bakit mag kaiba ang kanyang nararamdaman. Noon sila ni Teddy halos ayaw niyang dumating ang araw ng kanilang kasal. Pero ngayon ani na lang hilahin  niya ang mga araw para bumilis ito.
              Dumating ang araw ng kanilang kasal.walang pag siglan ang kasiyahan nararamdaman ni Eric. Kay sarap sa pakiramdam kung ikakasal na pala. Kailangan mauna siya sa simbahan . hindi dapat mauna pa ang bride kaysa groom. Samantala si Angeline totoo naba ito nakadamit pang kasal na ba ako. Totoo na ito hindi ba ako nanaginip. Ito na ang araw ng aking kasal. Hindi kaya tumutol ang kanyang ina sa araw mismo ng aming kasal. Di kaya tulad ito ng ina ni Teddy. Isang linggo bago ang kasal ay kanyang kinancel. Pero ngayon eto mismo araw ng kasal na niya di pa rin tumututol. Hindi kaya sa simbahan ito sumigaw na tutol siya sa akin. Bakit ba ako masyadong  paranoid.
              Di ba dapat masaya ako ngayon ? ito ang araw ng aking kasal dapat kalimutan ko muna ang mga alalahanin ko… ang bulong ni Angeline sa kanyang sarili. Kailangan maging ito ang pinakamasayang araw sa buhay ko. Ang pasasanib at pag iisang dibdib naming ni Eric. Sa pag iisip na ganito kasamang lumipad sa kanyang isipan ang lahat ng mga gumugulo sa kanyang isipan. Siyang pag pasok ng kanyang ina .. anu pa ba ang ginagawa mo? Mahuhuli ka na niyan  sa oras ng kasal mo. Hala ka pag late ka baka di ka maintay ni Eric. Sa sinabi ng kanyang ina natawa na lang siya alam naman niya na nag bibiro lang ito.
              Lumabas  na siya ng kuarto niya at nakahanda na siya sa kanyang kasal. Nasa simbahan na si Eric iniintay na niya si Angeline di siya mapalagay bakit wala pa si Angeline. Baka nag bago ang isip niya. Nakakatuwang isipin na pareho ang kanilang iniisip. Baka sa huling sandali mag bago pa ang mga isip nila. Pero ang totoo sabik na sabik na silang pareho na makasal. Hindi nag tagal dumating na si Angeline. Nag lalakad na siya sa papunta sa altar. Halos tumulo ang luha ni Eric noong makita si Angeline . napakaganda talaga ng aking magiging asawa.
              Dito sa harap ng altar ipinangako nilang dalawa na mag sasama habang buhay. Mamahalin nila ang isa’t isa sa hirap at ginhawa, sa lungkot at ligaya. Pinangako nila sa isa’t isa bubuo sila ng isang tahimik at masayang pamilya. Sa wakas ang matagal na niyang pinapangarap na mag karoon ng isang tunay na pamilya ay natupad na dahil sa pag mamahal na inukol ni Eric sa kanya.
              Sa kanilang honeymoon bumalik sila sa kung saan una silang nag sama bilang mag asawa. The same room  same place.  Nagulat pa si Angeline bakit ito ang kinuha ni Eric. Dahil dito daw niya natuklasan na ang babaeng kanyang mamahalin habang buhay. Ang unang araw na halos nakita ko ang iyong katawan dito. Buhat noon dina ako pinatahimik ng iyong kariktan. Akala mo lang na bale wala sa akin noong makita kita sa suot mong pantulog. Akala ko mababaliw sa pag nanasa na maangkin kita ng lubusan.
              Ngayon ala kanang ligtas sa akin. Sino may sabi sa iyong ala akong ligtas ngayon. May ibinulong si Angeline kay Eric at sabay sapo sa kanyang ulo. Bakit ngayon pa yang dumating bakit di siya nakisama sa ating kasal. Isang malutong na halakhak lang ang tinugon ni Angeline. Dahil kay Eric ang mag pangarap ni Angeline na imposible naging possible.
              Kahit ipinanganak ka sa isang putikan at kung tawagin ka isang putok sa buho. Hindi ito hadlang o dahilan para mawalan ka ng pag asa sa iyong buhay. Tulad ni Angeline lahat ng tao may pag kakataong makaahon kung anuman ang kinasadlakan mo. Basta mag sumikap ka lang at mangarap walang di matutupad. Basta huwag ka lang susuko sa buhay. Laging may bagong umaga. Intayin mo lang na dumating ito sa iyong buhay huwag kang mawawalan ng pag asa tulad  ni Angeline . maging matapang ka lang sa pag harap sa katotohanan at pakikibaka sa buhay. Ngayon si Angeline di niya tunay na pangalan isa na siyang masaya at maligaya kasama ang kanyang asawa at mga anak…
              Sana kinapulutan ninyo ng aral  ang kuwento ng buhay at pag ibig ni Angeline at Eric na di tunay na nilang pangalan. Lahat ng tao may pag asa basta mag sumikap ka lang at huwag sumuko sa mga pag subok na darating sa iyong buhay. Dito ko tinatapos  ang mga pakikibaka at mga masalimot na pinag daanan ni Angeline noong kanyang kabataan hanggang siya mag asawa . THE END  copyright by Rhea Hernandez 1/26/12
             

1 comment:

  1. Ang Bilis naman!! sana hinabaan mo pa ng konti.. Anyways.. nice one!

    ReplyDelete