LOVE STORY “CHIT” chapter 12
Ni Rhea Hernandez
Pinoy poems
Naging mailap na si Chit sa mga lalaki buhat ng sunod sunod na pag kabigo sa pag ibig . Isipin mo nga naman sa loob ng apat na taon tatlong beses iyang umibig at nabigo. Kahit sino naman siguro ganito din ang kanyang mararamdaman. Madadala kanang mag mahal pag muli. Matatakot kanang umibig sa mga lalaking alang ginawa kundi saktan ang kanyang puso at damdamin.
Kaya naman nahihirapan malapitan ni Cris ang kanyang nilalangit na dalaga.
Buhat noong una niyang makita ito halos di pa niya nakakausap ng masinsinan. Puro ang ate ni Chit ang nakakausap ni Cris. Naging mas magkalapit sila ng ate nito. Ito ang kanyang naging tulay para makausap niya si Chit. Ang ate nito rin ang nag kuwento kung bakit ganoon si Chit sa kanya. Bakit mailap ito sa mga lalaki. Sa nalaman ni Cris naunawaan niya kung bakit di siya gaanong pinapansin ni Chit.
Naging matiyaga si Cris sa panliligaw kay Chit kaya naman naging malapit na rin siya dito. Kasi ba naman ang unang pinakisamahan niya ang kanyang mga kapatid at mga magulang. Habang tumatagal lumalabas ang maraming katangian ni Cris na siyang nagustuhan ni Chit. Ang pag kilala pala sa isang tao di sa panlabas na anyo. Kung noon laking hanga ni Chit sa mga matitikas at magagandang manamit at magagandang lalaki , ngayon iba na siya tumanaw sa isang tao hindi na sa kanyang kaanyuan nito. O sa kanyang panlabas . Ito sa kanyang natatagong angking kaguwapuhan tulad ng kanyang pag uugali at kanyang karacter. Kung paano siya makisama sa mga taong nakapaligid sa kanya. Dito niya hinangaan si Cris. Down to earth ika nga. Sabi ng nanay ni Chit alang masamang tinapay dyan sa manliligaw mo ahh!
Buhat noong makilala niya ng lubusan si Cris naging malapit na rin si Chit dito. Dito niya napatunayan ang pag kagusto mo sa isang tao at sa pag ayaw mo ay napaka liit lang ng pagitan. Ga hibla lang ang pagitan ng pag ayaw at pag ka gusto. Ito ang napatunayan ni Chit sa kanila ni Cris. Kung noong una talagang ayaw na ayaw niya kay Cris. Sabi nga niya ni isang katangiaan nagugustuhan niya sa isang lalaki ay wala dito. Hindi niya akalain na lahat ng kanyang sinabi ay kanyang lulunukin. Paano kamo. Sa pag lipas ng mga buwan sa panunuyo ni Cris naging sila.
Ni sa hinagap di inisip ni Chit na mamahalin din niya ang lalaking kanyang kinaiinisan at inaayawan noon. Pero ngayon eto siya mahal na mahal na rin niya ito. Salamat sa pinakitang pag mamahal ni Cris at nabago ang kanyang paniniwala. Ipinakita at pinadama sa kanya ni Cris kahit na nakadanas siya ng tatlong beses na pag kabigo hindi ito hadlang para muli siyang umibig at maging maligaya sa ngalan nito. Pinatunayan ni Cris sa kanya na ang mga karanasan niya sa mga nag daang mga taon at parteng kanyang pagiging isang matatag at maging isang matibay sa pag harap sa malalaki pang pag subok sa buhay.
Dito hinahangaan ni Chit si Cris. Sa malawak na pananaw sa buhay. Sabagay totoo ang kanyang sinasabi dahil sa mga kanyang naranasan naging isa siyang matatag at hindi natatakot humarap sa malalaking problemang dumadating sa kanyang buhay. Naging matapang siya na humarap sa mga kabiguan at mga pag subok sa buhay. Kailangan palang makatikim ka ng kasawian para lalu mong malasap ang tunay na kaligayahan sa buhay. Dito mo malalaman ano nga ba ang tunay na kaligayahan at sa kasawian. Natututo kang harapin ang kinabukasan na isa kang matatag at di basta basta sumusuko sa maliliit na pag subok. Kung nga naman nalusutan mo ang mga malalaking kabiguan ang maliit na problema di mo na gaanong iindahin.
Ang pagiging isang matatag na tao ay iyong nabugbog na sa mga pag subok at kasawian. Kung ang mga pag subok sa buhay ay iyong nalusutan masasabi mong isa kang matatag at subok na ng panahon. Ang pag harap sa katotohanan ng buhay ay siyang mag bibigay sa atin ng magandang kinabukasan. Kung marunong kang tumangap ng kabiguan. Ang kaligayahan ay iyong malalasap ng alang alalahanin. Malalasap mo ito ng lubusan kung ala kanang dinadala sa iyong puso . at wala ka ng hinanakit sa iyong kahapon. Kung ang lahat ng iyong kasawian at kabiguan ay iyo ng natangap at lahat ng ito ay napagtagumpayan ni Chit. Naharap niya ang lahat ng pag subok na dumaan sa kanyang buhay.
Kaya naman sa piling ni Cris naging maligaya siya sa kanilang pag iibigan. Pag katapos ng mahabang panunuyo ni Cris. Ayaw na niyan mag intay pa ng mahabang panahon. Kaya di pa sila nag tatagal na mag nobyo ay nag aya na itong mag pakasal sila ni Chit. Noong una ayaw pa ni Chit dahil bata pa siya. Marami pa siyang gustong patunayan sa kanyang sarili. Gusto pa niyang mag tagumpay sa pag nenegosyo. Pero nangako si Cris na kahit mag asawa na sila puede pa rin niya ipag patuloy ang pangarap niyang maging isang negosyante.
Kaya naman napag kasunduan na rin nilang mag pakasal. Sa wakas sabi ni Chit natag puan na rin niya ang lalaking mag haharap sa kanya sa dambana. Ngayon siya na ang ikakasal sa lalaking kanyang minamahal. Namanhikan na sila Cris at mga magulang nito at itinakda ang kanilang pag iisa. Hindi akalain ni Chit ang mag pakasal ay kay daming dapat ayusin at ihanda. Dumadating kay Chit na parang ayaw na niyang ituloy pa ang kasalan. Kasi ba naman parehong silang mayroon malaking pamilya. Kay daming nakikialam. Kay dami kang maririnig na di mo gusto.
Sabi nga ni Cris bakit sila ang iintindihin mo di naman sila ang papakasalan ko. Hayaan mo sila ang mahalaga tayo ang nag kaka inindihan. Di lahat ng kamag anak mo kayang mong I please sa kasalang ito tama si Cris. Naihanda na ang lahat dapat kailanganin sa kasal. Dapat enjoy na lang natin ang ating kasal. Tama ang sinabi niya . ang intindihin na lang ang aming nalalapit na kasalan at hindi yong mga sasabihin ng mga tao nakapaligid sa kanila.
Dumating nag araw ng kanilang kasal hindi maipaliwanag ni Chit kung ano ang kanyang nararamdaman. Para siyang nakalutang sa alapaap kay ligaya niya. Ganito ba ang pakiramdam ng ikakasal. Wala siyang mapag lagyan ng kanyang kagalakan. Hindi niya malaman kung maiyak siya sa kaligayahan kanyang nararamdaman . Sa wakas mag kakasama na sila ni Cris habang buhay. Hindi hindi na ito mawawala pa sa kanya. Bubuo sila ng masaya at maligayang pamilya kapiling ng kanilang magiging mga anak.
Noong nag lalakad na siya papunta sa altar ang natanaw niya si Cris na nag iintay sa kanya ibig pumatak ang kanyang mga luha sa kaligayahan.kay sarap pala ng pakiramdam na ang iyong papakasalan ay iyong pinakamamahal. Halos ang pakiramdam niya para siyang hihimatayin sa kasiyahan sa mga sandaling yaon. Hindi niya malubos maisip eto na siya ngayon sa loob ng simbahan naglalakad at haharap na sila sa altar para manumpa na mag sasama habang buhay.
Sa harap ng Diyos isinumpa ni Cris at Chit na mag sasama sila sa hirap at ginhawa. Na tanging ang kamatayan lang ang mag kapag hihiwalay sa kanila. Na walang anuman na bagay ang makakasira sa kanilang pag mamahalan. Mag sasama sila at paglilingkuran nila ang isa’t isa. Wala problema na di nila kayang harapin basta mag kasama sila. Anong ligaya nila sa wakas ngayon sila ay mag asawa na .
Bubuo sila ng isang pamilya na masaya at puno ng pag mamahalan. Ipinapangako ni Cris na hinding hindi mag sisi si Chit sa pag pili sa kanya bilang kabiyak ng kanyang puso. Mag sasama sila ng tigib na pag mamahalan at pag susuyuan. Nakaraaos ang araw ng kanilang kasal na alang naging problema. Lahat sila naging masaya para sa bagong kasal.
Hindi akalain ni Chit pag katapos nga mga kabiguan nag iintay pala ang araw na ito na ubod ng ligaya at kasiyahan at matatagpuan niya ang lalaking mag papasaya ng kanyang buhay. Nangangarap siya ngayon na huwag mag bago ang pag mamahal ni Cris sa kanya habang buhay. Sa mga sandaling ito hindi niya mailarawan kung gaano siyang kaligaya.
Kaya kung kayo nakakaranas ng kabiguan ngayon , huwag kayong mawalang ng pag asa. Baka ang naging kapalaran ni Chit ay maging kapalaran ninyo din. Tulad ni Chit halos gusto na niyang sumuko ng mga sandali ng kabiguan, pero naging matatag siya sa pag harap dito. Napatunayan lang ni Chit na hindi habang buhay puro kabiguan ang iyong matitikman. Darating din ang kaligayahan sa buhay mo . matuto ka lang mag intay sa tamang panahon at oras para sa iyong kaligayahan.
Kahit matadtad ka man ng kasawian sa umpisa . huwag na huwag kang susuko, sigurado ako may magandang bukas na nag iintay sa iyo. Dito ko tatapusin ang kasaysayan ni Chit. Salamat sa inyong pag subaybay sa kanyang pakikipag sapalaran sa kanyang limang taon ng buhay dalaga. At di kayo nag sawa subaybayan ang kanyang buhay at kabiguan sa ngalan ng pag ibig. Ang buhay may asawa panibagong pakiki pagsapalaran kaya ibang kasaysayan naman ito. THE END
Copyright by Rhea Hernandez 1/4/12
No comments:
Post a Comment