PAG IINTAY SA KAWALAN!
Ni Rhea Hernandez
Pinoy poems
Kailan magigising sa aking pagkakahimbing,
Hanggang kailan hanap hanapin pag lalambing
Kailan pa itong puso makakalimot at gagaling
Sana’y at aking dalangin isang araw magising.
Sa gabing malamig ikaw ang hanap hanap
Kailan kaya ito’y puso kong matatanggap
Ikaw ay isa na lang bang pinapangarap
Ang kaligayahang hinahangad di magaganap
Mga yakap mong mahigpit sa panaginip
Dito na lang kita kayang abutin di matangap
Bakit ang kaligayahan sadyang mapakailap
Ako ba’y isang gising na nangangarap
Mga hinaing sa hanging na lang pinatatangay
Kailan ang katotohanan at pangarap mag hihiwalay
Itong aking puso’t isipan bakit laging nag aaway
Tigilan na pag iintay sa kawalan sa habang buhay
Ang mga luhang umaagos di ko mapigil
Ang iyong mga halik at yakap ang makakapigil
Ang mga daloy ng gunita at iyong pag mamahal
Dito sa puso ko hanggang kailan mag tatagal
Ang kalungkutang nadarama walang kaparis
Puso’t kaluluwa nararamdaman pag hihinagpis
Bakit di mawaglit sa isipan di ka naman si Adonis
Pero dito sa puso ko’y siya mong kawangis
Pag iintay sa kawalan paano ko gagamutin?
Sana’y itong puso’t isipan ko huwag patagalin
Ang nararamdamang lungkot di alam supilin
Ito ngayon ang siya kong malaking alalahanin
Itong aking damdamin nag hihimutok
Ano magagawa sa malaking pag subok
Dito sa puso’t isipan ikaw ang nakalilok
Loob ng damdamin inipon di kaya pumutok
Paano kaya maiibsan ang pananabik sa iyo?
Pag iintay sa kawalan paano mag lalaho?
Bakit mo ginugulo ang buong pag katao?
Sa aking nararamdaman gusto ko ng tumakbo.
Ni rhea Hernandez 1/25/12
No comments:
Post a Comment