KASUYO
Ni Rhea Hernandez
Pinoy poems
Sa pag sapit ng bukang liwayway
Mag kasama natin itong hinihintay
Habang haring araw sa atin nakatunghay
Mag kahawak kamay tayo’y nag lalakbay
Pero ngayon ayoko umaga sumapit
Pag dilat ng mata mukhang kaakit akit
Sa puso at isipan ikaw ang sinasambit
Kailan darating muli na ikaw makakamit
Walang ina asam kundi muling makapiling
Aking laging hinahanap yapos at lambing
Mahal kailan muling babalik sa aking piling
Sana’y dingin mo ang puso kong dumadaing
Ang buhay nawalan ng sigla noong lumisan
Kailan kaya muli sisigla at mararamdaman
Ako’y maghihitay sa magandang kinabukasan
Saan ako mag hihintay sa silangan o kanluran
Sa aking mga gunita lagi kang dumadalaw
Mga halakhak mo’y sa akin umaalingawngaw
Itong puso sa pag mamahal mo’y nauuhaw
Kailan mararamdaman puso ko natitighaw
Hindi ko maipaliwanag aking nararamdaman
Ayoko ng ganitong sobra ang katahimikan
Pag gising sa umaga hanap kaligayahan
Sa araw tayo’y magkaulayaw kinasasabikan
Kay sarap gunitain ang pag mamahalan
Laging na aalala ang ating nakaraan
Pag gising sa umaga kaw pinagsisilbihan
Noon lubos lubos ang ating kaligayahan
Ito masasayang araw na nagdaan
Di na maibabalik kahapon kailan man
Sa iyo mahal ako wala ng karapatan
Kaya Poong Maykapal siyang daingan.
Hindi ko na hinahangad magkabalikan
Tama na minsang ikaw pinag ukulan
Dapat ng harapin ang karuwagan
Kalimutan ka harapin ang kinabukasan
Ni Rhea Hernandez 1/23/12
No comments:
Post a Comment