Monday, January 23, 2012

BUHAY AT PAG IBIG SA DISYIERTO!

BUHAY AT PAG IBIG SA DISYIERTO
Ni Rhea Hernandez
Pinoy poems

Lumisan sa bansang kanyang sinilangan
Para sa kanilang pamilya at  kinabukasan
Walang hinangad makalayo sa kahirapan
Mahal sa buhay gustong bigyan kasaganaan

Kanyang tiniis init at lamig  sa disyierto
Mapag aral ang mga anak kaya lumayo
Sa mga hirap na dinadanas hindi sumusuko
Pag susumikap sa buhay hindi humihinto

Pangungulila sa mga mahal na iniwan
Walang pinaghahawakan ang pag mamahalan
Iniisip lang kaligayahan at panga ngailangan
Pag sariling kapighatian di niya mapigilan

Homesick nararamdaman di mapigilan
Dumating sandali hindi niya naiwasan
Natukso habang malayo kinasasabikan
Sandaling kaligayahan kanyang naranasan

Dahil nangungulila pansandaling ligaya pinatulan
Pangsariling kaligayahan kanyang kinasasabikan
Dahil dito sa pamilya siya nagkasala ng tuluyan
Sa pag lisan sa pamilya naging isang makasalanan

Pang sandaling kaligayahan pamilya nakalimutan
Nalunod sa makasalanan kaligayahan naramdaman
Homesick kanyang nakalimutan pati kinabukasan
Paano na ngayon ang mga mahal sa buhay na iniwan

Tukso ng maling pag ibig sadyang mapanghalina
Kung hindi matibay ang pinaghahawakan mag hihina
Ang pangangaliwa ginawa hindi niya ina akala
Kaya minsan siya napapa isip at siya napapatulala

Bakit siya naging makasalanan ng di inaasahan
Dahil sa pangungulila ito’y kanyang naranasan
Ayaw man niya maging marupok ng tuluyan
Isipin mga anak at kanilang kinabukasan

Maling pag ibig  sa maling pag kakataon
Sinusubok ang tatag ng loob sa maling relasyon
Dumarating ang pag ibig sa maling panahon
Ayaw mang sa kasalanan siya mabaon
Ni Rhea Hernandez 1/23/12

No comments:

Post a Comment