LOVE STORY “ANGELINE” chapter 9
Ni Rhea Hernandez
Pinoy poems
Bumalik na sila sa Maynila at nag hihinayang si Angeline kung bakit di niya nakuha man lang ang kontak number ni Eric. Nag tataka din siya kung bakit di kinuha ni Eric ang kanyang phone number. Kung talaga interesado siya sa akin sana man lang kinuha niya ang cell number ko. Ang bulong ni Angeline na para bang ang sama ng kanyang loob. Kay bigat ng kanyang pakiramdam. Kasi sa kanyang nakikita parang bale wala siya kay Eric di man lang nag ka interest itanong kung paano kami mag kikitang muli . Ang pag mamaktol na wika ni Angeline sa kanyang sarili. Bakit nga kaya di nag aksayang kunin ni Eric ang kanyang cell number o kahit address niya. Sabagay baka talagang ala na siyang balak na dugtungan pa ang kanilang pag kikilala sa Boracay.
Bakit ba niya inaabala ang kanyang isip sa isang bagay na dina puedeng dugtungan pa. kay laki ng Maynila para hanapin ko pa siya. Pero kabaligtaran sa kanyang sinasabi sa kanyang nadarama. Di pa nag tatagal silang nag kakahiwalay na mi mis na niya agad si Eric. Anu ba ang gayuma mayroon ang Eric na iyon at ginugulo niya ang isipan ko. Ang bulong ni Angeline. Bakit kasi naging magulo ang isipan ko ngayon kesa noong ikansela ang aming kasal ni Teddy. Ibig bang sabihin sa maikling panahon nahulog ang aking kalooban sa lalaking iyon. Hindi maaari kailangan kong pigilin kung anu man ang aking nararamdaman. Ang sabi ni Angeline sa kanyang sarili.
Ang isang buwan niyang bakasyon di na niya tatapusin at papasok na lang uli siya. Para isang linggo lang ang nagamit niya sa bakasyon sa boracay at isang linggo sa Maynila. Ok na yon sa Monday pasok na siya sa kanyang office.Pero namahinga lang siya sandali at siya ay nag paalam na sa kanyang ina na may pupuntahan lang. Sa mall siya nag punta. Namili siya ng mga bagong damit sapatos at mga gamit niya sa make up.at kung anu anu pa na gamit ng isang dalaga. Halos hindi siya mag kandadala sa kanyang mga pinamili.
Noong dumating siya sa bahay nila nagulat ang kanyang ina kung bakit siya namili ng ubod ng dami. Ang sabi nga ng kanyang ina galit ka ba sa pera at halos inuwi mo na ang buong department store sa mga pinamili mo. Isang ngiti lang ang ibinigay niya sa kanyang ina. Nag patulong na lang siya sa kanyang ina na ayusin lahat ang kanyang mag pinamili. At nag patulong na rin siyang ikahon lahat ang kanyang mga damit na nag tatago sa kanyang angking kagandahan. Puro modernong damit ang kanyang pinamili.
Di lang moderno mga damit kundi mga daring pa at ang sesexy tignan. Pero di naman mukhang bastusin kahit sexy siyang tignan. Ehh! Para paring isang kagalang galang na babae. Dahil sa nature ng kanyang trabaho alam niya ang mga bagay bagay kung paano mag paganda ang isang babae. Yong nga lang dati di niya ma iapply sa kanya noon. Pero ngayon ala ng makakapigil sa kanya ilabas ang kanyang angking kagandahan
Noong pumasok siya sa office niya ang kanyang secretarya di siya nakilala. Kasi ba naman deretcho siya sa kanyang opisina. Hinarang siya nito na di siya puedeng pumasasok at wala ang kanyang boss. Sabihin na lang daw sa kanya ang kailangan at siya na lang ang mag sasabi nito sa kanyang boss. Anu ka ba ako ang boss mo sino pa ba ang boss mong iniintay na darating . Napamulagat ang dalawa mata nito. Di yata ikaw ba yan mam Angeline! Malaki ba ang ipinag bago ko sa bago kong pag aayos ay di mo ako nakilala. Nakangiting bangit ni Angeline sa kanyang secretaria.
Totoo po mam! para kayong mutya ng pilipinas sa ganda ninyo. Akala ko nga kanina kung sino ang pumapasok. Anu po ang nagyari sa dating Angeline mam? Kalimutan mo na siya pinaanod ko na siya sa dagat sa Boracay. Mam, buti po pala di natuloy ang inyong kasal at lalu kayong naging blooming. Pag ganyan ang nasasawi sa pag ibig gusto ko na ring masawi sa pag ibig para gumanda ko tulad ninyo mam. Isang ngiti lang ang isinagot ni Angeline sa kanya. Alam niya isang tambak ang trabahong kanyang bubunuin sa araw na ito. Kasi ba naman 2weeks na siyang di pumapasok.
Naging busy siya sa buong mag hapon halos dina nga siya tumatayo sa kanyang table sa daming niyang hinahabol na trabaho. Kaya di niya namalayan ang oras uwian na pala mag stay na lang muna siya ng ilang oras pa total ma traffic din lang sa mga oras na ito. Mag papalipas na lang siya ng rush hour saka na lang siya uuwi. Kay dami pa kasing trabaho ang kanyang aasikasuhin. Tumawag na lang siya sa kanyang mahal na ina na ma late siya sa pag uwi. Subsob ang kanyang ulo sa kanyang ginagawa ng may narinig siyang pamilyar na boses. Ipinilig niya ang kanyang ulo kahit ba naman busy siya sumasagi sa kanyang gunita at naririnig niya ang boses ni Eric. Ganoon naba niya ito ka miss? Kahit sa busy niyang time maririnig niya ang boses ng lalaking hinahanap hanap niya.
Muli niyang narinig ang boses niya ang sabi talaga bang ganyan ka mag trabaho? Subsob at di namamahinga? Muling pinilig ni Angeline ang kanyang ulo. Bakit niya naririnig at kinakausap siya ng boses ni Eric ngayon. Nang biglang lumabas si Eric sa kanyang pinag kukublihan. Muntik na siyang mapatakbo sa pag lapit kay Eric para yakapin ito sa kasabikan niya sa lalaki. Buti napigil niya ang kanyang sarili. Baka isipin ni Eric na masyado niyang namiss ang mokong na ito. Iniabot ni Eric ang isang punpon na bulaklak sa kanya. Kanina pa kita pinag mamasdan tutok na tutok ka sa iyong ginagawa. Halos di mo napansin ang aking pag pasok. Kanina pa ako dito noong labasan pa lang. kaso di ka lumalabas kaya naisipan kong umakyat baka nag kamali lang ako ng akala na papasok ka ngayon.
Bakit alam mong dito ako nag work? Ang tanong ni Angeline . Diba sinabi mo sa akin na dito ka nag work noong nag kukuwentuhan tayo? Saka palang naalala ni Angeline nabangit pala niya ang name ng companing kanyang pinapasukan. Ibang Eric ang nakaharap sa kanya ngayon. Para siyang isang CEO ng isang company. Ibang iba siya noong mag kasama pa sila na parang isang ordinaring lalaki lang pero ngayon para isang kagalang galang na lalaki. Pasensya kana sa suot ko galing kasi ako sa meeting ng mag investor ng company kaya ganito ang suot ko kinakati na nga ako. Nahalata siguro ni Eric kung ano ang iniisip ni Angeline.
Natutuwa ako at di mo na binalik ang katauhan ni Miss Tapia! Ang sabi ni Eric sa kanya. Bagay sa iyo ang totoo mong katauhan. Lalung lumalabas ang lakas ng iyong personalidad sa kanyang ka ayusan. Di ka pa ba uuwi aayain sana kitang mag dinner kung ok lang sa iyo. Mayroon akong ipapakilala sa iyo isang napaka importanteng babae sa buhay ko. Ibig madismaya si Angeline sa sinabi ni Eric di yata mayroon na pala siyang minamahal. At gusto pa siyang ipakilala dito. Tatangi ba siya o sasama? Kung tatangi siya baka isipin niya na nasasaktan ako at nag seselos samantala ano ba naman niya si Eric. Ala naman silang relasyon. Kung sasama siya di kaya lalamutakin lang niya ang sugat at sakit na kanyang nararamdaman ngayon. Na mayroon ng babae mahal ang lalaking natutunan niyang mahalin.
Pero doon pa rin siya sa pag sama sa lalaking mahal niya ok na titiisin na lang niya ang sakit. Gusto din niya makita kung ano ang itchura ng babaeng kanyang minamahal. Di tayo sa isang restaurant kakain ng dinner sa bahay ng babaeng ipapakilala ko saiyo. Kilala ka na niya naikuwento ko na sa kanya kung saan tayo nag kakilala. At siya ang may gusto na ipakilala kita sa kanya. Kaya ang sabi ko susubukan kong anyayahan ka . Baka kasi di ka sumama sa akin ngayon. Pero sabi niya natitiyak niya na sasama ka. Siya ag bigay sa akin ng lakas ng loob na anyayahan kita sa dinner na ito. Kasi baka tangihan mo ako. Sa mahabang paliwanag ni Eric. Sa kanya ko kasi sinasabi lahat lahat ehh! Naguguluhan man si Angeline sa mga sinasabi ni Eric dina lang siya kumibo.
Noong dumating sila sa bahay laking gulat ni Angeline mala palasyo ang bahay. Isang katulong ang nag bukas ng pintuan. Nasaan siya ang tanong ni Eric. Nasa kusina po inaayos niya ang hapag kainan. Gusto po niya na siya mismo ang mag ayos nito at siya din po mag isa ang nag luto ngayong dinner. Napaka special daw ang raw na ito kaya special ang ihahanda niya puro paborito ninyo sir ang niluto niya. Isang ngiti lang ang isinagot ni Eric sa kasambahay nila. Pinaupo niya si Angeline at nag paalam ito a pupuntahan lang niya ang babae mahal na mahal niya. Isang tango lang ang isinagot ni Angeline kay Eric.
Nauulinigan niya ang pag uusap nong dalawa sa kusina. Salamat sa iyong pag aabala sa pag luluto. Tama ka kahit kailan di ka nag kamali sa iyong paalala sa akin. Nandoon na siya sa living room . Tara ipapakilala kita sa kanya. Nagulat pa si Angeline ang kasama ni Eric ay isang matandang babae ito siguro ang kanyang mama. Luisa ipinakikilala ko sa iyo si Angeline ang babae binabangit ko sa iyo na aking nakilala sa Boracay noong huli kong pasyal doon. Iniabot nito ang kanyang kamay kay Angeline. Nakipag kamay naman si Angeline dito. Sige upo ka uli mamaya maya kakain na tayo ng dinner.
Maiwan ko muna kayong dalawa dito. Mag bibihis lang ako nangangati na ako sa suot ko kanina pa. Ang paalam ni Eric sa kanila. Luisa dahan dahan lang baka ma shock si Angeline ha! Kilala kita masyado kang mag interview hehehe. Isang ngiti lang ang sinagot ni Angeline kay Eric. At sabi ni Luisa puede iwanan mo na kami at mag bihis kana ako na ang bahala sa bisita natin. Pasensyahan mo na ang anak kong iyan ha! Ganyan lang kami mag usap parang mag kaibigan lang. Nakahinga ng maluwag si Angeline sa nalamang mag ina ang dalawa.
Alam mo ba di maubos ubos ang kuwento ni Eric sa iyo. Ngayon lang na in love ang anak ko sa isang babae. Kasi ngayon lang siya nag kuwento sa akin ng ganito kaya pinilit ko siyang ipakilala ka niya sa akin. Huwag kang mahiya sa akin alam ko na ang nakaraan mo. Saka huwag mo itong ikahiya at ang iyong ina kasi di ka nag iisa sa ganyang pag kakataon. Alam mo ba isa din akong nabibilang dati sa tinatawag nilang kalapating mababa ang lipad. Nakilala ko ang ama ni Eric inilayo niya ako sa putikan aking kinasadlakan. Hindi lahat ang nandoon gusto nila. Minsan kaya sila nandoroon kasi hinihingi ng pag kakataon. Minsan kahit hindi natin gusto nagagawa natin para tayo mabuhay. Ang mahalaga nag susumikap tayo na makaahon sa ating kinabagsakan.
Hindi makapaniwala si Angeline ang ina din ni Eric ay tulad ng kanyang ina. Kaya pala di siya hinusgahan nong nag kukuwento siya. Kaya pala naintindihan niya ang aking nararamdaman. Kaya pala ganoon na lang ang pag sasabi nito na huwag kong ikahiya kung ano ang aking katauhan at kung ano ang aking kahapon. Ang pag kakaiba lang naming may ama siyang nakalakihan. Hindi siya iniwan ng kanyang ama at di siya inabanduna na tulad niya at di siya kinilala nito bagkus pinakasalan pa ang kanyang ina.
Mahirap din ang akin pinag daan noon. Halos itakwil ng pamilya niya ang asawa ko. Pero ipinaglaban niya ako. Kasi alam niya di ko kagustuhan ang maging isang hostes noon. Alam ng asawa ko di siya nag kamali na ako’y kanyang mahalin. Naging isa akong ulirang asawa at ina sa aking anak. Kaya nga lang maaga kaming iniwan ng kanyang ama. Noong iwanan kami ng asawa ko nakita ni Eric ang aking pag hihirap sa pag tataguyod sa kanya at kasabay nito ang palaguin ang negosyong iniwan nito sa amin. Pero buhat noong makatapos ng pag aaral si Eric siya na ang nag patuloy nito. At pinag pahinga na niya ako dito sa bahay.
Mabait na anak yang si Eric maipag mamalaki mo kahit kanino. Nangingiti lang si Angeline halatang inililigaw nito ang anak sa kanya. Alam mo kung sino ang mahal ng anak ko tatangapin ko. Kaya huwag kang mag alala di ako magiging hadlang sa inyong pag mamahalan ni Eric. Ibig humalakhak sa tuwa si Angeline kasi paano di naman nanliligaw sa kanya si Eric. Hindi naman po nanliligaw sa akin ang anak ninyo. Mag kaibigan lang po kami saka kailan lang din kami nag kakilala. Ang maigsing paliwanag ni Angeline sa mama ni Eric. Huwag kang mag alala darating din doon yon na liligawan ka niya. Pag dumating ang oras na iyon huwag mo ng pahirapan ang anak ko ha? Kasi nasa tamang edad na siya para mag asawa noon ko pa siya pinagtutulakan .
Naging masaya sila sa pag kain. Habang kumakain panay kuwentuhan nila. Parang kay tagal na niyang kakilala ang ina ni Eric kung sila mag usap. Kay dali niyang naging at home dito. Ibang iba siya sa mga magulang ni Teddy. Noon para siyang nakatungtong sa numero. Kailanga ingat na ingat siya sa mga kinikilos niya. Pero sa ina ni Eric ok lang ilabas niya ang kanyang natural na siya. Kaya ramdam niya na dina niya kailangan mag kunwari kung ano siya. Naging masaya siya sa pag sama niya kay Eric sa pag hahapunan kasama ang kanyang ina.
Pag katapos ng hapunan kuwentuha uli sila at tapos inihatid na siya ni Eric sa bahay niya. Bago siya bumaba ng kotse ni Eric ginagap nito ang kamay niya at sinabing Angeline alam mo I LOVE YOU!! Nabig la si Angeline sa sinabi nito. Di niya akalain na sasabihin niya ito sa kanya. Akala niya di siya mahal ni Eric. Na balewala siya dito. Pero ngayon nag papahayag na siya ng pag mamahal sa kanya. Tuwang tuwa ang puso ni Angeline sa tinuran ni Eric. Pero di muna niya tinugon ang pag ibig nito. Sabi niya pag iisipan muna niya ang kanyang iniluluhog na pagmamahal.
Tulad ng nakagawian ni Eric sa nag goodbye kiss ito sa kanya. Hindi naman siya tumangi sa ikinintal na halik sa kanyang pisngi. Bakit ang saya saya ng gabi ko ngayon ang bulong ni ANgeline sa kanyang sarili. Pero di pa panahon para sagutin niya si Eric . mag iintay pa siya ng tamang panahon para dito. Sana nga siya na ang lalaki para sa akin. Sana kami na nga ang mag katuluyan ang piping dalangin ni Angeline.
Anu ang palagay ninyo sila na nga ba ni Eric ang mag kakatuluyan sa darating na panahon. Di kaya umapila si Teddy ngayon maganda na si Angeline. Di kaya mag sising alipin si Teddy sa pag tangi niyang ituloy ang kasal nila ni Angeline? ABANGAN!! Copyright by Rhea Hernandez 1/19/12
No comments:
Post a Comment