LOVE STORY “ANGELINE” chapter 3
Ni Rhea Hernandez
Pinoy poems
Dumating ang bakasyon ang inaasahan ni Angeline ay mag kakausap sila ni Ruffy. Subalit iba ang kanyang nabalitaan mayroon ng bagong kasintahan ang kanyang mahal. Tuwang tuwa ang mommy ni Ruffy sa pag papakilala ng bagong niyang GF. Halos ipag sigawan nito na may iba ng minamahal ang kanyang anak. Noon pa kasi tutol na siya sa pag kakagusto nito kay Angeline. Ipinag mamalaki ng kanyang mommy na ang bagong kasintahan ng kanyang anak ay anak ng kilalang politico sa kanilang lugar. Di katulad niya ikinahihiya siya ng mga magulang ni Ruffy noon. Ayaw na ayaw sa kanya ang mga ito.
Kahit nababalitaan na ni Angeline na may iba na si Ruffy gusto pa rin niya itong makausap. Gusto niya malinaw ang kanilang pag hihiwalay. Gusto niya malaman kung ano ang dahilan. Bakit bigla na lang siya nag bago sa kanilang sumpaan. Kung titignan mo si Angelina na bata pa sa kanyang murang edad. Pero kung mag isip siya akala mo isang matanda na. Gusto niya tapusin na rin ang kanilang ugnayan ni Ruffy sa malinaw na usapan. Klaro na talagang wala na sila. Ayaw niya na nakabitin sa alanganin ang kanilang relasyon. Baka pag dating ng araw naging sakit niya ng ulo ito.
Sinikap niyang na bago matapos ang mahabang bakasyon makausap niya si Ruffy. Gusto niya sa kanya mismo marinig ang pag hihiwalay nila. Di doon lang sa mga balitang ikinakalat ng kanyang ina. Na may iba na itong kasintahan. At hindi na nito mahal ang babae anak ng isang makasalanang babae. Mas nasasakitan si Angelin sa mga naririnig niyang pan lalait sa pag katao ng kanyang ina kesa sa pag hihiwalay nila ni Ruffy. Talaga yatang hindi sila para sa isa’t isa kaya ang pag kakataon na ang gumawa ng paraan para mag kahiwalay sila.
Noong mag kausap sila ni Ruffy halos hindi ito makatingin sa kanya ng deretcho. Alam nito na siya ang may pag kakamali. Siya ang nag kulang sa kanilang relasyon. Siya ang naging marupok noong sila ay nag kalayo. Inamin ni Ruffy na mahal pa rin niya si Angeline. Sa katunayan mahal na mahal pa rin niya ito. Pero ayaw sa kanya ng kanyang mga magulang. Ang gusto nila ang bago niyang kasintahan ngayon. Naging matatag si Angeline sa pag sagot kay Ruffy pinili mo yan pangatawanan mo. Buhat sa mga oras na ito tinatapos ko na ang ating ugnayan.
Walang magawa si Ruffy sa sinabi ni Angeline. Kahit ayaw niya mawala ito sa kanya ala siyang magagawa ayaw na rin ni Angeline na habang may iba siyang kasintahan. Patuloy pa rin ang kanilang ugnayan. Kilala ni Ruffy si Angeline ma prinsipyo ito. Matatag mag desisyon kahit bata pa ito. Ang pagiging matatag ni Angeline ang una niyang hinangaan noon. Lalu na sa mga mabibigat na problema hinaharap. Katunayan nga mag matatag pa siya kaysa kay Ruffy. Ang ibig sana ni Ruffy maging sila pa rin kahit may iba siyang kasintahan. Katunayan mas mahal niya si Angeline. Tumawa ng malakas si Angeline pero alang buhay sa pag karinig sa mga sinabi ni Ruffy.
Sa pag tatapos ng relasyon nila alam na ni Angeline na di lang siya ang nahihirapan sa kanilang pag hihiwalay. Kahit mayroon ng ibang kasintahan si Ruffy siya pa rin ang nasa puso nito. Akala niya siya lang ang nag durusa sa pag wawakas ng kanilang relasyon ng wala sa panahon. Bakit kasi ang kanyang mga magulang ay pina pakialaman ang damdamin ng kanilang anak. Bakit di hayaan kung saan ito masaya at kung sino ang tunay na mahal nito. Bakit pinapakialaman ang kaligayahan ng kanilang anak. Dahil isa siyang putok sa buho kaya ayaw sa kanya ng mga ito. Pag ganito na ang sumasagi sa isipan ni Angeline lalu nagiging matatag siya sa pag harap sa kanyang kinabukasan.
Naging masakit kay Angeline ang pag hihiwalay nila ng kauna unahan niyang minahal. Pero anu ang kanyang magagawa ayaw naman niya na may kasalo siya sa pag ammahal ni Ruffy. Matapos halos mag damag niyang iniyakan ang kanyang kasawian. Tapos sabi niya sa kanyang sarili tama na ang pag luha. Kailangan na niyang harapin ang kinabukasan nila ng kanyang ina. Hindi dapat maging dahilan ang kanyang pag kabigo sa pag ibig para kalimutan niya ang kanyang mga pangarap para sa kanila ng kanyang ina. Tutuparin niya ang kanyang pangako na iaahon niya sa putikan ang kanyang mahal na ina.
Kaya naman kinausap niya ito na lumuwas sila ng maynila para doon makipag sapalaran. Ayaw pumayag ang kanyang ina. Masyadong magulo at mabilis ang takbo ng buhay sa kamaynilaan. Saka wala silang malaking ipon at wala silang kamag anak na tutuluyan doon. Mahirap makipag sapalaran sa isang lugar na isa kang stranghera. Ang mahabang paliwanag ng kanyang ina. Pero buo na ang balak niya na mag pa maynila. Kung dito sa lugar na kanyang kina lakhan ala siyang natatanaw na kinabukasan. Kung dito lang siya mag alalgi ala siyang akkapuntahan kung di mag asawa ng maaga at maparin sa ibang mga kadalagahan dito na nag asawa ng maaga .
Kaya bumuo ng isang mapangahas na desisyon si Angeline. Kahit mag isa siya aalis siya sa lugar na ito. Kung matagumpay na siya saka niya babalikan ang kanyang ina. Lihim niyang inihanda ang kanyang mga gamit at pera para sa pag luwas ng maynila. Hindi siya papapigil sa kanyang ina. Kailangan gumawa siya ng paraan kung paano niya matutupad ang kanyang mga pangarap sa buhay. Sa maynila niya makikita ang magandang kinabukasan kanyang pinapangarap. Ito ang kanyang paniniwala kaya kahit ano mangyari luluwas siya.
Kaya alang paalam lumisan siya sa lugar na kanyang kinalakihan. Ibinulong niya babalik lang siya dito kung isa na siyang matagumpay at puede na niyang hanguin sa putikan ang kanyang mahal na ina. Buo ang kanyang paniniwala nasa maynila ang kasagutan ng kanyang mga pangarap. Pero di niya alam ibayong hirap ang nag iintay sa kanya dito. Hindi niya alam na hindi madali ang makipag sapalaran dito.
Pagdating niya sa manila ibang iba sa kanyang iniisip ang daratnan niya.yong baon niyang pera kung hindi niya I budget ng husto di siya tatagal ng isang linggo mauubos agad. Kaya naman hanggang kaya niyang tipirin titipirin niya. Isipin mo ultimo tubig binibili mo sa maynila. Nag hanap siya ng matitirhan kahit bed spacer lang. humanap siya na iyong pinakamura. Kailangan mag hanap agad siya ng trabaho kung hindi matutuyuan siya ng balon ng kukuhanan ng pang gastos niya. At kanya rin nalaman na hindi madaling humanap ng tarabaho dito. Kaya hindi na siya namimili ng mapapasukan.
Kahit isang katulong sa isang maliit na kainan pinasok niya sa may tondo. Maliit lang ang sahod na ibibigay sa kanya. Ok lang basta may pag kakakitaan siya pang samantala. Saka na lang uli siya mag hahanap ng mas desenteng trabaho. Kahit HS lang ang tinapos niya may likas siyang talino. Kaya di siya mahihirapang mag adjust kung saka sakaling mapasok siya sa isang companya. Dahil maganda siya naging pansinin siya sa maliit na karinderya. Halos lahat yata ng gustong kumain doon siya ang gustong mag serbisyo. Ang kainaman doon kahit maliit may nag iiwan ng tip na pang dagdag sa kakarampot niyang kinikita. Pero ang ayaw niya dito ang tingin ng mga kalalakihan ay di maganda. Para siyang hinuhubaran kung siya ay titigan ng mga ito.
Kung minsan napapaaway siya sa mga kostumer. Kasi ba naman bigla nalang may hahawak sa kanyang kamay ng alang sabi sabi. Pag dumadating ang ganitong pag kakataon siya pa ang nasesermunan ng kanilang amo. Huwag daw masyadong suplada sa kostumer at baka daw walang kumain sa kanila pag ganoon sila kasuplada sa mga ito.pasalamat daw siya at maganda siya kaya siya natangap doon kahit wala siyang expirensya sa pagiging isang serbidora. Lagi niyang sinasabi sa kanyang sarili tiis tiis lang makaka alis ka rin dito. Makakakita ka rin ng mas magandang trabaho. Hindi siya nawawalan ng pag asa. Kailangan niyang umasenso para makuha niya ang kanyang ina.
Kahit hirap siya at pagod sa maliit na karenderia kanyang pinapasukan di pa rin siya tumitigil sa pag aaply sa iba’t ibang company. Gusto niyang umalis dito. Gusto niya mas desenteng trabaho. Iyong di siya babastusin ng mga kalalakihan. Sa wakas may isang tawag sa kanya para sa interview. Tuwang tuwa siya sa wakas makakaalis na siya sa karinderyang kanyang pinapasukan. Ang interview niya bilang isang salelady sa SM. Ok na rin kesa sa pinapasukan niya. Madali lang siyang natangap sa kadahilanan maganda siya at husto sa tindig. Di lang yon magaling din siyang sumagot sa mga tanong
Di naman kahirapan ang tanong sisiw lang sa kanya ang mga iyon sa talino ba naman niya. Kaya noong matanggap siya doon ura uradang nag resign siya sa karinderya. Siempre pa nagalit ang may ari pero di niya pinansin ang galit nito. Kailangan mag move on siya. Sa pag asenso kanyang pinapanagrap.
Sa pagiging sale lady nangarap siyang makapag aral sa susunod na pasukan. Kahit pakonti konti subject mag eenrol siya. Pangarap niyang makatapos ng pag aaral. Mahirap pero kakayanin niya. Kaya naman doble ang kanyang pag titipid para makaipon sa kanyang pag aaral. Minsan isa sa mga kasamahan niya nag aalok ng mga beauty product sideline na income. Dito siya nag karoon ng idea na mas malakas pala ang kitaan dito kaysa bilang sale lady.kinausap niya ang kasamahan niya na ipasok siya sa company ng beauty product na ito.
Dahil kakilala niya ang nag rekomenda sa pinaka maneger nila. Kaya tanggap agad siya. Doble kayod siya ngayon noong makita niya na malaki ang potensyal niya dito at mas malakas ang magiging kita niya kung mag fulltime siya dito. Kaya naman nag resign siya sa pagiging sale lady. Nag tinda na lang siya ng beauty product. Dito niya ibinuhos lahat ng kanyang oras. Sinikap niyang makaipon ng malaking halaga para sa kanyang pag aaral. Hindi siya nabigo sa kanyang inaasahan. Dahil sa kanyang kagandahan at katalinuhan naging matagumpay siya sa larangan nito.
Kahit mag full student siya puede na. Kasi may mga suki na siya na puedeng kuhanan ng regular na income. Sa pag sisikap niya naging malakas ang sale niya. Dahil dito tumaas din ang kanyang posisyon. Ngayon may mga tao na siyang hawak na siyang nag bebenta ng producto. Kagandahan dito kahit di ka nakapag aral puede kang mag benta hanggang may bumibili sa iyo. Dahil sa kanyang dedikasyon sa pag kita ng malaki. At sa kagustuhan niyang umasenso. Ito nag nag tutulak sa kanya para sa madali niyang pag angat. Kailangan lang mangarap ka at gawan mo ng paraan makuha mo ang iyong pinapanagrap. Ito ang naging niyang panuntunan sa buhay. Basta ginusto mo at pinag sikapan mong marating matutupad kung di ka mawawalan ng tiwala sa iyong sarili.
Dahil sa kanyang mga pangarap natutunan niyang lumaban sa buhay. Mag sumikap mag trabaho kahit araw at gabi. Pipilitin niya maabot ang tugatog ng tagumpay. Kanya nang naaninag na malapit na niyang makuha ang kanyang mahal na ina. Ilang panahon na lang at mag kakatotoo na ang kanyang minimithi. Tuloy tuloy na kaya ang pag tatagumpay ni Angeline sa buhay? Makukuha na nga kaya niya ang kanyang ina? Makatagpo na kaya siya ng mag mamahal sa kanya kahit isa siyang putok sa buho? Makatapos kaya siya sa kanyang pag aaral? ABANGAN
Copyright by Rhea Hernandez 1/10/12
No comments:
Post a Comment