Friday, January 6, 2012

LOVE STORY "ANGELINE" chapter 1

LOVE STORY “ ANGELINE” chapter 1
Ni Rhea Hernandez
Pinoy poems

              Ipinanganak si Angeline na isang alang kinikilala ama. Lumaki siya na laging tinutukso na putok sa buho. Ang kanyang ina ay isang babaeng mababa ang lipad kung tawagin ng kanilang mga kapit bahay. Ipinanganak  siya na akala mo isang anghel sa ganda. Kasi ba naman ang kanyang ama ay isang Americano na napadpad sa Subic. Naging costumer ng kanyang ina sa isang club na kanyang pinapasukan. Sa di sinasadya nag karoon ng bunga ang kanilang naging relasyon. Kahit ang kanyang ina ay isang kalapating mababa ang lipad takot siyang ipalaglag noon si Angeline.
              Lumaki siya na tampulan nag kanilang mga kapitbahay at lagi siyang tinutukso ng putok sa buho. Pero noon ala siyang pakialam kung ano ang itawag sa kanya kasi ba naman di naman niya alam ang ibig sabihin ng mga ito. Pero kinagigiliwan siya ng mga tao. Dahil sa kanyang angking ganda.kakaiba siya sa mga bata sa kapaligiran. Di lang isa siyang maganda kundi napakabibo pang bata. Kaya naman marami ang nalulugod sa kanya. Lumaki siya na kahit ang kanyang mga kalaro. Pag nagkakagalit sila tinatawag siyang putok sa buho. Kaya minsan tinatanong niya ito sa kanyang ina. Pero ayaw siya bigyan ng magandang kasagutan.
              Laging sinasabi na naiingit lang sila sa kanya kasi siya ay maputi at maganda kesa sa kanyang mga kalaro. Sabagay totoo ang sinasabi ng kanyang ina. Namumukod tangi ang kanyang kagandahan sa kanyang mga kalaro. Hanggang dumating siya sa edad na 6 kailangan na niyang pumasok sa school. Dito na niya lubusan naintindihan ang ibig sabihin ng putok sa buho. Noon niya nalaman ang ibig sabihin nito. Noong nag tatanong na tungkol sa kanilang ama. Ipinanganak siyang walang kinikilalang ama.
              Habang tumatagal lumalabas ang natural na talino ni Angeline. Lagi siyang nangunguna sa kanilang klase. Walang makatalo sa kanya sa mga aralin. Kahit nga minsan di siya nakapag aaral basta nakikinig siya sa kanyang guro nakukuha na niya agad. Ipinanganak siya na may angking talino na kanyang unti unting natutuklasan ngayon siya nag aaral. Sabi nga ng iba noong mag sabog daw ng grasya ang Panginoon nasagap lahat ni Angeline. Isa kasi siyang mabait na bata masunurin sa kanyang ina. Maganda na at ubod pa ng talino. Napakasuwerte ng kanyang ina. Sabi nga ng iba sana daw si Angeline na lang ang kanilang anak. Kung nag kataon daw napakasuerte nila.
              Anu pa ang hahanapin ng kanya ina sa kanya. Nag tapos siya ng elementarya na siya ang nangunguna sa klase. Noong araw ng graduation ilang beses bang umakyat ang kanyang ina para sabitan siya ng medalya.kay daming mga magulang ang naiingit sa kanyang ina. Sa ibinigay niyang karangalan dito. Pero di maiiwasan na makarinig siya ng di maganda. Marami parin ang nag bubulungan sa kanyang likuran . alang sinasabi kundi isa siyang putok sa buho.
              Kung noon di niya ito pinapansin ngayon sumasakit ang kanyang kalooban. Pag naririnig niya na tinatawag siyang putok sa buho. Kahit ipinapakita niya na di siya karaniwang bata. Sinisikap niyang manguna sa lahat para makalimutan ng mga tao ang kanyang katauhan bilang isang anak sa pag kakasala ng kanyang ina. Gusto niya na makilala siya bilang siya di bilang anak sa pag kakasala ng kanyang ina. Kung puede lang pumili ng ina siguro di niya pipiliin ang kanyang ina na isang kalapating mababa ang lipad.
              Mahal na mahal naman niya ang kanyang ina kaya lang ang klase ng kanyang trabaho ang di niya gusto. Ilang beses naba  niya kinausap ang kanyang ina na mag iba ng trabaho. Pero ayaw nitong makinig sa kanya. Laging sagot ito lang ang alam niyang trabaho buhat noong hanggang ngayon. Nag sawa na siya sa pakikiusap dito na mag bago na pero ayaw talagang makinig sa kanya.
              Dumating ang araw na kailangan  na niyang pumasok sa high school. Kahit ala siyang babayaran sa tuition fee. Malaki pa rin ang gastos niya sa pag aaral. Kaya naman napilitan siyang mag student assistance para pang dagdag sa kanyang mga gastusin. Nag rereklamo na rin ang kanyang ina  na  mahina  na ang kitaan buhat alisin ang mga sundalo sa  Subic Bay. Buhat noong alisin na ang mga sundalo dito humina na ang pinapasukan ng kanyang ina. Laki nga ang kanyang pagpasalamat at lumisan na ang mga taong alang ginawang kundi mag iwan  ng mga anak sa mga babaeng bayaran.
              Ngayon high school na siya isa na siyang munting dalagita na. Di lang munting dalagita. Mukha na siyang ganap na dalagang tignan. Malaking bulas siya sa karaniwang ka edad niya. Di lang iyon mamumukod tangi din ang kanyang kagandahan. Kaya naman lagi siya lumalaban bilang representative ng kanilang school sa ngalang ng kagandahan. Di naman nakakahiya kasi beauty and brain kasi siya.
              Malaking bulas siya akala mo tunay na dalaga na kaya kay daming kalalakihan ang nag kakagusto sa kanya. Pero ang mga ito di niya pinapansin kasi gusto niyang makatapos sa pag aaral. Para pag dating ng araw maiahon niya ang kanyang ina sa kinasasadlakan nitong buhay. Pangarap niya na iahon ang kanyang ina sa putikan balang araw. Ayaw niya na habang araw nandoon ang kanyang ina na magbigay ng aliw sa mga lalaking hayok sa laman.
              Kahit anong pakiusap niya sa kanyang ina na umalis na sa bahay aliwan  di ito makaalis. Kasi daw ito lang daw ang alam niyang trabaho. Ni hindi siya nakapag aral at ano daw ang kanyang papasukan ang mag labandera sa mga kapitbahay nila. Di kaya ng katawan ng kanyang ina ang sobrang hirap  sa pag lalabada.Laging sagot nito sa kanya kung mayroon lang siyang mapag pipilian di siya mag bibigay ng aliw sa mga lalaki na alang gusto kundi ang kanyang katawan. Matagal na rin niyang gustong umalis dito pero papaano. Paano sila mabubuhay na mag ina  saan sila kukuha ng pangastos sa araw araw. Wala naman siyang alam na ibang pag kakakitaan.
              Kaya naman sa mura niyang isipan natanim na kailangan mag aral siyang mabuti para maiahon niya ang kanyang ina sa putikang kanyang kinasasadlakan. Kaya naging mailap siya sa mga lalaking nag kakagusto sa kanya sa school . Kahit anong iwas niya talagang lapitin siya. Paano naman nasa kanya na yata lahat ang katangian ng isang babae. Maganda, matalino , mabait at mahinhin. Subalit sa kabila nito marami ang naiingit sa kanya at pilit binubuklat ang kanyang kahapon. Ang pagiging isang putok sa buho. Lumaki siyang alang ama na tinatawag.
              Ayaw na niyang pansinin ang mga naririnig niya pero kahit ano gawin niyang pag babalewala dito bawat kataga tumitimo sa kayang murang isipan at sa maramdamin niyang puso. Kaya itinanim niya sa kanyang isipan pag tanda niya at mag kakaanak siya hinding hindi mararanasan ng kanyang anak ang nararanasan niya ngayon. Bubuo siya ng isang perpektong pamilya. Mayroong ama , ina at masasayang anak. Yong buo di tulad niya na di niya nakilala kung sino ang kanyang ama. Kung ano ang pangalan nito at ano ang mukha niya. Ni isang litrato ala mapakita ang nanay niya.
              Darating ang araw di na siya makikilala na  isang  putok sa buho kung hindi isang kagalang galang at ka respe respeto. Makakalimutan din ng mga tao ang kanyang pinag mulan kung isa na siyang matagumpay sa buhay at nasa mataas na lipunan.  Yong di siya  laging nililibak sa kanyang pagiging anak ng isang babaeng mababa ang lipad. Darating ang araw maaalis din ito sa kanyang pangalan di tulad ngayon laging naka kabit sa kanya pag katao.
              Kahit anong iwas niya sa mga lalaki mayroong isang di niya maiwas iwasan ito ay si Ruffy. Isang varsity player sa kanilang school. Hinahabol ng mga babae. Isang crush ng bayan ika nga. Pero di nito pansin ang mga humahabol dito na mga babae sa school. Ang sinusuyo niya ay si Angeline na panay iwas naman sa kanya. Kung ang ibang babae nag kakandarapa para lang pansinin niya. Si Angeline siya ang nagkakandarapa sa pag suyo dito. Pero wala siyang makitang ni katiting na pag asa sa dalaga. Iisa lang ang nasa isipan at damdamin ni Angeline ang lumayo sa lugar na ito. At mag bagong buhay sila ng kanyang mahal na ina.
              Pero disidido si Ruffy na suyuin siya at ipadama ang kanyang pag mamahal. Minsan pa lang siya nag kagusto sa isang babae at ito nga si Angeline. Gagawin  niya ang lahat para lang magustuhan siya nito. Kahit sabihin pa ng ibang tao si Angeline ay isang anak ng babaeng mababa ang lipad. At si Angeline ay isang putok sa buho walang kinikilalang ama. Wala siyang pakialam basta ang alam niya mahal niya si Angeline. At handa siyang ipag laban ito. Kahit pa sa kanyang mga magulang. Basta ang alam niya si Angeline lang ang makakapag paligaya sa kanya. Siya lang ang itinitibok ng kanyang puso. Kaya  kahit ano ang mag yari ito kanyang ipag lalaban basta mahalin din siya nito.
              Matutuhan kayang mahalin ni Angeline si Ruffy? Tugunin kaya niya ang dalisay na pag ibig na inaalay nito sa kanya? Hindi kaya maging hadlang ang mga magulang ni Ruffy sa kanyang pag mamahal  kay Angeline. ABANGAN!
Copyright by: Rhea Hernandez 1/6/12

No comments:

Post a Comment