LOVE STORY “ANGELINE” chapter 4
Ni Rhea Hernandez
Pinoy poems
Dahil sa bago niyang trabaho naging malaki ang kanyang kita. Nakapag aral siya at kumuha siya ng business management para mapasok siya sa main company. Dilang bilang isang sales representative. Mas mataas ang kanyang pinapangarap sa hinaharap. Pero sa kasalukuyan ok na muna siya basta matapos muna niya ang kanyang degree. Kahit nahihirapan siya sinisikap niyang umasenso. Makaahon sa kanyang dating buhay.
Kahit hirap siya sa pag kita ng pera sinisikap pa rin niyang manguna sa kanyang pag aaral. Ito ang kanyang magiging tuntungan para matupad ang kanyang pinapangarap. Hindi niya pinapansin ang lahat na makaka istorbo sa kanyang pangarap. Tama na minsan siyang nag mahal at inayawan ng mga magulang dahil sa kanyang pinagmulan.
Ngayon sa kanyang ginagalawang mundo walang nakakakilala sa kanya . walang nakakaalam sa kanyang pinag mulan . pilit niyang itinatago ito sa mga bago niyang kakilala. Hindi na mauulit ang mga panlalait sa kanyang pag katao.
Pati ang kanyang ina ay kanyang ikinakaila. Sinasabi niyang nasa ibang bansa ito. Alam niya hindi totoo pero kailangan niyang mag karoon ng bagong katauhan . Para di siya muling libakin ng mga kakilala niya . Ayaw na niyang balikan ang kahapon na lagi siyang pinag uusapan na isa siyang putok sa buho.Ito lang ang naisip niyang paraan para itago ang kanyang magulong kahapon. Bubuo siya na isang magandang pamilya sa bago niyang katauhan.katauhang mukhang kagalang galang hindi mukhang bastusin . Kaya naman pati ang kanyang pananamit ay kanyang binago.Ginawa niyang simple lang ayaw niyang ipakita ang kanyang kaka ibang kagandahan.
Nagpahaba siya ng buhok inaayos niya ito na parang isang manang. At mga damit na halos na ballot na ballot siya. Saka siya lumipat nag matitirhan para walang mag tanong kung bakit siya nag bago ng anyo. Ayaw niyang ilabas ang tunay niyang ganda kasi nga istorbo sa kanyang pangarap ang mga lalaki. Nakakagulo sa kanyang sistema ang daming umaaligid at nakakasira sa kanyang mga pangarap lang ang mga ito. Ayos na ayos naman kasi matatapos na rin ang semester na ito. Sa susunod na pasukan ibang classmate na di na nila mapapansin ang kanyang pag babagong anyo. Para mga umaaligid na mga lalaki sa kanya ay mga mawala. Hanapin nila ang Angeline na maganda at sexy di na nila ito makikita.
Nakakita na siya ng bagong tirahan na mas maganda kesa sa dati pero ganoon parin mumurahin nag hihinayang siya sa pera ibabayad niya. Kailangan makaipon siya kahit nag aaral siya. Di niya tiyak kung tuloy tuloy ang kanyang pag kita ng maganda . kailangan niyang mag handa sa kinabukasan mag ipon ng malaking pera para makuha na rin niya ang kanyang ina. Nag suot na rin siya ng salamin na alang grado para lang sa kanyang pag babagong anyo. Natatawa siya sa mga lalaking nag kakagulo noon sa kanya ngayon di siya nakilala sa kanyang bagong anyo akala siguro nila bagong classmate nila. Kasarapan sa college di tulad sa HS na black section buti dito kada isang subject iba ang classmate mo. Pag ganoon ang kanyang gayak di na siya papansinin ng mga lalaki na kagandahan ang unang tinitignan.
Lumilipas ang mga araw at buwan at taon sa wakas matatapos na niya ang kanyang kurso. Umuwi siya sa kanilang probinsya para sunduin ang kanyang ina para siya ang mag sabit sa kanya medalya. Natapos niya ang kanyang pag aaral na may karangalan at sunduin na rin ito na sa kanya na ito tumira para mapalayo na ito sa kanilang lugar na alang siyang maalala na maganda. Ayaw na niyang balikan ang kanyang kahapon. Ayaw na rin niyang maging isang putok sa buho sa paningin ng mga tao. Ok na siya naitago na niya ito ng mahabang panahon sa mga bago niyang kakilala.
Kaya sa pag kakataon na ito makakasama na niya muli ang kanyang ina. Kaya na niyang buhayin ang kanyang ina. Tapos na siya sa pag aaral kaya ala na siyang gaanong pag kakagastusan ng malaki. Ang kanyang kinikita sapat na sa kanila mag ina. Mailalayo na niya ang kanyang ina sa lugar na alang ginawa kundi laitin siya at tawaging kalapating mababa ang lipad. Sa maynila wala nakakakilala sa kanila kaya alang nakakaalam ng kanilang kahapon. Mag sisimula sila ng bagong buhay kasama ang kanyang ina. Kaya naman inayos ng lahat ng kanyang ina ang mga dapat ayusin at ibenenta ang mangilan ngilang gamit ng kanilang bahay. At pati ang bahay nila ang ibenenta na rin.
Talagang ala na silang balak pang bumalik sa lugar na ito na di naging maganda ang mga alaala. Sa pag uwi niya bumalik sa kanyang gunita ang pag mamahalan nila ni Ruffy. Anu na kaya ang buhay niya ngayon. Kahit pala mahabang panahon na ang nakakalipas sa muli niyang pag balik sa lugar na ito. Hindi niya akalain na mag babalik lahat ang mga alaala ng kanilang pag mamahalan. Sayang lang ang kanyang pag mamahal at di niya pinahalagahan. Ilang taon na nga ba ang nakakalipas kulang kulang na limang taon na pala iyon.. nakatapos na siya ng kanyang pag aaral. Pero di pa niya masasabing matagumpay na siya. Ala pa siyang gaanong napapatunayan sa kanyang sarili
Sana sa pag babalik niya dito sa lugar na ito di na nila maalala ang aking kahapon kundi ang kung ano ako sa kasalukuyan. Ito na lang ang isa pa sa mga pangarap niya. Ang kilalanin siya na isang tao na iginagalang di yong nililibak ang pagka tao. Ito ang dasal niya na sana mag katotoo. Dumating ang araw na makikilala siya dilang isang anak ng isang babaeng bayaran kunti isang babaeng kagalang galang sa lipunan.
Nakabalik na sila ng kanyang ina sa manila. At sa wakas dumating na pinaka aasam niya ang graduation niya at muli siyang sinabitan ng kanyang ina sa natatangin studyante ng taon. Tuwang tuwa ang kanyang ina na di siya nabigo sa pakikipag sapalaran dito sa manila. Sapagkay di kaila na maraming ang nasisira ang kanilang buhay sa pag luwas ng manila sa pakikipag sapalaran dito.. Nag papasalamat siya at di siya nabilang sa mga taong nanga bigo sa pag luwas sa maynila.
Unang araw palang ang nakakalilipas after ng kanyang graduation nag apply na siya sa ng trabaho. Talagang wala siyang sinasayang na panahon pag dating sa kanyang pag asenso. Sa main office lang siya nag apply kung ano productong kanyang ibenebenta. Hindi siya nahirapan pumasok kasi maganda ang kanyang performance sa sales. Seimpre umpisa muna siya sa mababang posisyon. Alang problema sa kanya iyon alam naman niya may kakayahan siyang umangat agad sa kanyang posisyon. Alam niya kung gugustuhin niya madali niya makukuha ito. Pag ang isang bagay na pag susumikapan mo makuha alang paraan na di mo ito makakamtam. Mag tiyaga ka lang at mag intay ng tamang panahon. Ito ang natutunan niya sa pakikibaka sa buhay buhat noong lumisan siya at nanirahan dito sa kamaynilaan.
Alang problema sa opisina nila kung hawak pa rin niya ang dati niyang pinagkakatitaan ang sale. Di naman nakakastorbo sa kanyang posisyon sa kasalukuyan sa opisina. At ito di lingid sa kanilang boss. Paano kahit nag oopisina siya nag top parin sa sale ang kanyang mga tauhan sa pag bebenta. Pag katapos kasi ng kanyang office hour ito ang kanyang tinututukan. Di lang tulad ng dati dumadami na rin ang hawak niyang tao sa pag bebenta. Kung tutuusin nga mas malaki ang kanyang kinikita dito kaysa opisina. Pero mayroon siyang ambisyon na mapasok ang isa sa pinakamataas na posisyon doon kaya siya nagtitiis na mag opisina.
Sa lakas niyang kumita nakalipat na sila ng kanyang ina sa isang desenteng tirahan. Sabi nga niya ilang panahon na lang kaya na niyang ibili ng sariling bahay ang kanyang ina. Ito naman ang kanyang pinapangarap. Subalit isang araw kinausap siya ng kanyang ina. Bakit daw itinatago niya ang kanyang kagandahan sa kanyang mga kasuutan. Hindi lang siya kumibo paano ka mag kaka asawa niya at paano ako mag kakaapo. Di kana bumabata nasa hustong edad kana para mag asawa. Wala kang inisip kung paano kumita ng pera. Huwag mong sabihin sa akin na ala kang balak mag asawa. Ngiti lang ang tinugon ni Angeline sa kanyang ina. Sa totoo lang bakit nga ba alang limiligaw sa kanya pag ganito ang ayos niya . talaga bang ang mga lalaki sa pan labas na anyo lang tumitingin di ba nila nakikita ang nakatago kong ganda . Sa isiping iyon nangiti lang si Angeline.
Kahit sa kanilang opisina alang pumapansin sa kanya. Sadya bang alang pang akit sa mag lalaki ang ganitong ayos. Siguro di lang dumadating ang tamang lalaki sa buhay niya. Sa bagay totoo naman kasi siya ang umiiwas sa mga lalaki noon pa buhat noong mabigo siya sa pag ibig naging ilag na siya sa mga lalaki. At isa pa nga dahilan ang kanyang pag aayos niya para bang kamukha na niya si miss Tapia sa biglang tingin. Ahh! Basta di niya babaguhin ang kanyang ayos kung may mag mamahal sa kanya kahit ano ang kanyang itchura mamahalin siya nito at makikita ang likas niyang ganda sa kanyang paningin . Si miss Tapia nga nag ka asawa siya pa kaya di lang dumadating ito sa kanyang buhay. Saka di naman siya nag mamadali sa bagay na ito marami pa siyang ibig maabot sa buhay niya.
Kumuha na rin siya ng isang maliit na parang opisina niya para sa kanyang mga hawak na tao na siyang nag bebenta ng kanilang producto. Para malibang ang kanyang ina siya niyang naging tao dito pag nasa opisina siya ikinuha lang niya na isang makakasama na parang secretarya niya na siyang nag rereport sa kanya pag punta niya doon. Ito ang kanyang pinapangarap ang mag karoon ng sariling opisina. Gusto niya mapalaki pa ito. Pag may pa seminar ang kanilang opisina lahat ay kanyang dinadaluhan. Dito niya na meet ang mga matataasa na posisyon ng kanilang opisina. Nag bibigay ng mga seminar. Minsan nag karoon ng isang seminar para sa mga field distribution isa na ang kanyang opisina ang pinakamalakas sa nag bebenta ng kanilang producto. Sa totoo lang ang dami na rin niyang mga sales representative kung tuttuusin di na niya kailangan mag opisina pa.
Unti unti na siya nakikilala sa kanilang opisina na di siya ordinaryong empleayado doon kundi isang sa top field distribution. Sa pag kakataon ito pinatawag na siya ng kanilang big boss. Tinanong siya bakit siya nag titiyaga sa mababang posisyon kung isa na siya sa kinikilala ng kanilang opisina na isa sa pinakamalakas mag benta ng kanilang product. Isang ngiti lang ang kanyang sinagot. Alam ni Angeline alam ng kanilang boss kung ano ang kanyang gusto ang ma promote siya at magamit niya ang kanyang talino sa company ito. Hawak nito ang kanyang mga inpormation tungkol sa kanya. A siya ay pinag mamasdan mula ulo hanggang paa. Sa pinapakita mong kakayahan bibigyan kita ng isang department na ikaw ang hahawak sa umpisa di pa ito gaanong malaki nasa iyo na ito kung paano mo ito papalakihin ibibigay ko sa iyo ang buong suporta para ito mapaunlad mo.
Isang malaking challenge ang kanyang bagong posisyon. Production sale ng lahat ng kanilang producto. Puede niyang ikonekta sa kanyang maliit na opisina. Puede niyang pag sanibin ang kanyang posisyon at at kanyang mga sales representative. Ok itong naisip ng kanilang boss. Ngayon puede na niyang maharap ito ng full time base sa kanyang bagong posisyon. Mapapalaki na niya ang kanyang opisina sa tulong ng kanilang main office. Parang nanaginip lang siya sa malaking pag kakataon binigay sa kanya ng kanilang boss. Laki ng ibinigay na pag titiwala sa kanya. Pipilitin niyang di ito mabigo. Sisikapin niyang lumawak ito dilang sa kamaynilaan kundi sa buong bansa. Tamang pag haha
wak lang ng mga tao at dedikasyon ang kailangan dito.
Wala na siya hahanapin pa kinakasihan siya ng pag kakataon at suerte sa pag kabuhayan nila ng kanyang ina. Nag bubunga na ang lahat ng kanyang pag susumikap. Talagang kung nangangarap ka at pag susumikapan mo itong mararating alang dahilan para di mo ito makamtam. Kaunting tiis at pag titiyaga ang kailangan. Mag bubunga din ng maganda ang pag susumikap mo. Ito ang napatunayan ni Angeline sa kanyang pakikipag sapalaran sa buhay. Huwag mawalang ng pag asa kahit mahirap basta lagi mong kasama sa pag darasal na kasihan ka ng magandang suerte. At huwag makakalimot mag pasalamat sa mga biyayang natatangap mo sa araw araw. Alam niya lagi siyang ginagabayan ng Panginoong Diyos kung anupaman ang kanyang ninanais sa buhay. Kaya naman malakas ang loob niya di siya pababayaan ng Diyos.
Ngayong matagumpay na si Angeline sa kanyang pinasok na larangan. Anu pa ang kanyang mahihiling sa kanyang buhay. Parang kuntento na siya kung ano ang nagaganap sa kanyang buhay. Wala na nga kaya siyang balak mag asawa pa? makatagpo na kaya siya ng tamang lalaki na mag mamahal sa kanya ng lubusan . yong matatangap siya yong alang kailangan kundi ang mahalin niya. At mahalin siya. ABANGAN!
Copyright by Rhea Hernandez 1/12,12
No comments:
Post a Comment