Tuesday, January 24, 2012

LOVE STORY "ANGELINE" chapter 11

LOVE STORY “ANGELINE” chapter 11
Ni Rhea Hernandez
Pinoy poems

              Dahil sa mga sinabi ni Angeline nagising sa katotohanan si Teddy. Sa kanyang kay tagal na pag kakahimbing. Kaya naman inumpisahan  na niyang baguhin ang takbo ng kanyang buhay para sa kanyang kinabukasan. Salamat kay Angeline siya ang nag bukas ng isipan. Kung di pa sila  nag kalayo di pa siya magigising sa mga maling ginagawa ng kanyang ina sa kanyang buhay.
              Samantala sa di pag papakita ni Eric kay Angeline ay lalu lang niya ito na mis. Iba na ang kanyang nararamdaman para kay Eric. Ito na yata ang tinatawag nilang tunay na pag ibig. Hindi pa niya nararamdaman ang ganitong feeling. Kahit na kay Ruffy di niya ito naramdaman. Pero patuloy pa rin ang pag papadala ni Eric ng kung anu ano sa kanya. May kasamang kay tatamis na notes ng pag ibig at mga pag alala sa kanyan. Halos paulit ulit niyang binabasa ang mag love notes na pinapadala sa kanya.
              Laging sinasabi niya mag intay intay lang siya at may mahalaga lang siyang dapat ayusin. Hindi niya  puedeng pabayaan. Kaya pala kahit silip di siya makuhang silipin nito wala ito sa bansa. Ang kanyang secretaria lang ang nag papadala ng mga bulaklak sa kanyang utos. Siempre ang mga notes galing sa kanya dikta niya para ito isulat sa card. Bakit kaya di siya nag paalam bago umalis ng bansa. Oo nga pala anu ba siya nito para pag paalaman. Siguro tama nga lang ang kanyang ginawa. Ano nga naman ang kanyang idadahilan kung mag papaalam ito sa kanya.
              Kung maaari nga lang gusto na ni Eric na batakin ang mga araw para makauwi na siya ng Pinas. Sabik na sabik na siya sa babaeng kanyang minamahal Pero ang  kanyang magagawa kailangan niyang tapusin para ito sa kinabukasan ng kanyang  company. Babawi na lang siya sa kanyang pag uwi. Isang buong linggo siyang mawawala. Bakit kasi di pa nila tinapos ang usapan doon sa Boracay. Gusto pa nila dito sa Hongkong  ganapin ang pirmahan ng kontrata.
              Isang linggo mawawala at di niya makikita si Eric. Kaya naman subsob sa kanyang ulo sa trabaho. Nag babawi pa lang siya sa mga naiwan niyang trabaho noong mag bakasyon  siya. Sa dami ng kanyang tarbaho halos di niya napansin na tapos na ang isang linggong pag alis ni Eric. Halos sa araw araw lagi siyang nag oovertime. Late na siya umuuwi. Sadyang masipag sa kanyang trabaho si Angeline. Baka isang araw bigla na lang siya ma promote hindi ito nakakapag taka. Marami ang humahanga sa kanyang kasipagan at sa kanyang kakayahan.
              Sa pag dating na pag dating ni Eric di pa siya nakakauwi sa bahay niya kay Angeline siya dumeretcho. Mis na mis na niya ito one week din niya di ito nasilayan. Alam niya nasa kanyang opisina pa ito. Hindi siya nag kamali nandito pa siya at subsob ang ulo sa kanyang ginagawa. Kay tagal na niyang pinag mamasdan ang kanyang sinisinta. Hindi pa rin siya napapansin nito. Noong mag taas ng mukha niya saka pa lang siya nakita nito. Pero parang napako sa kanyang kinauupuan nong makita niya si Eric. Hindi niya akalain makikita niya si Eric na katayo na ito sa kanyang harapan.
              Lumapit si Eric sa kanya at yumuko sa may harapan niya halos mag dikit na ang kanilang mukha. Di pa rin kumikilos si Angeline sa kanyang kinauupuan. Kinintalan ng halik ni Eric si Angilene sa kanyang  chicks  saka palang ito kumilos paharap kay Eric. Walang paring siyang kibo. Ang kanyang dibdib ayaw tumigil sa  mabilis na pag tibok. Hindi niya mapigil ang malakas na pag sikdo nito. Ang unang halik sa pisngi niya nasundan ito sa kanyang mga labi. Bahagya niyang ibinuka ang kanyang mga labi para papasukin ang strangherong gustong pumasok dito.
              Nag lapat ang kanilang mga labi sa umpisa mga dampi lang  di nag tagal naging isang maalab na halik ang ikinintal ni Eric sa kanya. Pakiramdam niya lumulutang siya sa alapaap sa mga sandaling iyon. May kakaibang hatid na sensasyon sa kanya ang mag dampi ng halik ni Eric na di niya ito maipaliwanag. Hinayaan niyang halikan siya ni Eric ng ubod ng tamis. Ngayon lang niya naramdaman ito ang kanyang kauna unahang karanasan sa pakikipag halikan. Siguro ramdam ni Eric na di siya marunong humalik. Na ngangatal ang buo niyang katawan . Naging maingat naman si Eric alam niyang di niya dapat biglain si Angeline. Sa kanyang edad sa ngayon di niya akalain na virgin pa ito sa kamunduhan.
              Kung titignan mo si Angeline akala mo alam na niya ang lahat. Isang talento babae na di mo maloloko pero isa palang inosente sa ngalan ng pag ibig. Ramdam na ramdam ni Eric na di sanay humalik si Angeline. Kahit ito nag paubayang halikan niya. Ramdam niya di pa ito nakikipag halikan. Pero ang sarap ng kanyang mga halik may kasamang pag mamahal mararamdaman mo ito sa kanyang pag ganti sa mga halik na ikinintal niya sa mga labi ni Angeline. Ngayon di siya nag kakamali mahal na siya ng babaeng kanyang minamahal. Kahit di sabihin ni Angeline na mahal siya nito ramdam niya na mahal din siya nito. Hindi nag kakamali si Eric sa kanyang inaakala. Sapagkat napasok na ni Eric ang pusong sugatan ni Angeline. Pinag hilom ito ng kanyang pag ibig.
              Nag balitaan sila sa mga nagyari sa buhay nila sa loob ng isang linggo. Nag ayang  ng dinner si Eric alam niya di pa ito kumakain. Hindi naman tumangi si Angeline sa paanyaya ni Eric. Total sabik na rin siyang makasama muli ito. Hindi maubos ubos ang kanilang pinag uusapan. Nakakapag taka di sila na bored sa mga oras na mag kasama. Mag hahating gabi na sila nag hiwalay. Inihatid ni Eric si Angeline sa kanila. Sa pangalawang pag kakataon nag lapat na muli ang kanilang mga labi. Sa pag lalapat muli ng kanilang mga labi akala mo inililipad kung saan ang kanilang diwa.  Halos mapugto ang kanilang hininga ng matapos ang maalab nilang pag hahalikan.
              Total sabado bukas puede ba kitang anyayahang mamasyal ang sabi ni Eric. Saan naman tayo pupunta ang tanong ni Angeline. Bahala na kung saan natin maisipan bukas. Pag nakasakay na tayo sa car saka natin isipin kung saan magandang mamasyal. Siguro habang nag drive ako makakakita tayo ng isang magandang pasyalan. Basta daan kita bukas bahala na ang mahalaga mag kasama tayo. Kahit anong lugar magiging makulay basta kasama kita. Kahit ito pa ang pinaka pangit sigurado ako ito’y gaganda dahil ikaw ang kasama ko. Nagiging romantiko tuloy ako pag ikaw ang kausap ko sinabayan ng halakhakan nilang dalawa.
              Nakahiga na si Angeline di pa rin siya makatulog. Dinadama niya ang kanyang mga labi. Parang kanya pang nararamdaman ang mag labi ni Eric na nakalapat sa kanyang mga labi. Ganoon pala ang feeling ng unang halik. Ito ang kanyang kauna unahang halik na maalab. Tumatagos sa kaibuturan. Ramdam ng kanyang puso ang pag mamahal na ipinapamalas ni Eric. Sa maikli nilang pag kikilala napasok na nito ang kanyang puso’t kaluluwa. Handa niyang buksang muli ang kanyang puso para kay Eric. Alam niya sa pag kakataong ito hindi na siya mag kakamali. Puso’t isipan na ang kanyang gagamitin sa muli niyang pag pasok sa isang relasyon. Alam niya si Eric ang itinitibok  ng kanyang puso.
              Nakatulugan ni Angeline ang pag iisip kay Eric. Nagising lang siya sa pag ring ng kanyang cell phone. Noong kanyang sagutin ay si Eric ang nasa kabilang linya. Bakit alam ni Eric ang kanyang number hindi niya natatandaan na ibinigay niya ito. Muling pinahahanga siya ni Eric kahit sa maliliit na bagay. Talaga yatang ganito ang umiibig. Pinukaw siya ng mga pag hellow ni Eric sa kanilang linya. Angeline nandiyan ka ba? Bakit di ka sumasagot. Saka palang naalala ni Angeline na sa kabilang linya si Eric. Kagigising mo lang ba? Ang tanong nito sa kanya. Oo nagising ako sa ring ng aking cell. Sorry kung naistorbo ko ang tulog mo. Ok lang tanghali nanaman  ehh.. kailangan  ko na ring bumangon.
              Ganoon ba ok puedeng pick up kita after ng isang oras. Para sa lakad natin today. Saka palang naalala ni Angeline may usapan pala sila ni Eric na mamasyal. Hindi alam ni Angeline nasa labas na si Eric at nag iintay sa kanya. Dahil sa pag iisip noong nakaraang gabi di agad nakatulog kaya eto  tanghali na tulog pa siya. Nakakahiya naman nakalimutan niya ang lakad nila ni Eric. Kaya dali dali siyang bumangon at naligo pumili siya ng damit na maganda medyo daring pero di bastusin tignan. Napakaganda at bagay na bagay sa kanya ang damit na kanyang napili. Kahit sino ang makakakita nito mapapa inlove sa kanya. Litaw na litaw ang kanyang kaseksihan sa kanyang kasuutan.  Ang kaputian niya bagay na bagay ang kulay pula lalu lumututang ang kanyang kagandahan.
              Habang hinihintay ni Eric si Angeline di niya maiwasan isipin ang  dalaga. Balak  niyang dalhin si Angeline sa lupang kanyang binili noon pa. balak niyang patayuan ito ng isang bahay bakasyunan.  Noong makita niya ang lupang ito na inlove na agad siya. Pag nasa tuktok ka ng burol tanaw mo ang kalawakan ng tagaytay. Ito ang balak niyang ipakita kay Angeline. Sana magustuhan niya ito. Kung sakali siya ang mag mamay ari ng bahay bakasyunan kanyang ipapagawa dito. Buo na ang kanyang loob na si Angeline ang babaeng gusto niyang makasama sa buong buhay niya. Kung sasagutin siya ni Angeline kaagad aayain ko siyang pakasalan. Nasa ganitong  pag iisip si Eric ng lumabasa ng gate si Angeline.
              Nagulat pa si Eric noong makita niya si Angeline na papalapit na sa kanyang car. Kitang kita niya ang kaseksihan nito habang nag lalakad papunta sa kotse. Talagang napakaganda ng kanyang minamahal. Para itong isang diyosa na bumaba sa kalangitan. Bumaba si Eric sa kotse para pagbuksan ng pintuan ang dalaga. Bago sumakay sa car si Angeline kinintalan ng isang halik ni Eric si Angeline. Pag sakay tinanong niya si Eric kung saan sila pupunta ngayon.isang ngiti ang itinugon ni Eric  sa kanya. Mayroon akong ipapakita sa iyo. Sana magustuhan mo.
              Binabaybay nila ang daan papalabas ng kamaynilaan. Saka muling nag tanong si Angeline kung saan nga sila pupunta. Papalabasa na ito ng metro manila. Malapit lang ang pupuntahan natin. Sa tagaytay ang punta natin. Ipapakita ko sa iyo ang isang magandang tanawin doon. Sabagay di naman kalayuan ang tagaytay sa maynila. Hindi nag tagal inihinto ni Eric ang kanang sasakyan. Inilibot ni Angeline ang kanyang pananaw. Nakaharap sila sa isang burol hindi naman kataasan ito. Pero ang ganda ng kapaligiran. Mukhang unti unti na ito denedevelop. May mag puno na nakatanim at nasa tamang lugar ang mga puno. Parang sinadyang itanin doon. Maayos na ang kapaligiran malinis. Kulang na lang dito ay isang bahay bakasyunan ang sabi ni Angeline kay Eric. Tama ka balak kong patayuan ng isang bahay bakasyunan ito. Para kung mag asawa ako mayroon na.
              Itinuro ni Eric ang tuktok ng burol tara akyat tayo doon. Hindi makakibo si Angeline kasi ba naman na suot niyang sapatos.pansin ni Eric na parang atubili si Angeline na umakyat sa tuktok ng burol. Pero di alam ni Angeline nakahanda sa ganoon si Eric. Umikot ito sa likuran ng kanyang car at may kinuha. Isang pares na sandal na puedeng puede niyang isuot paakyat sa burol. Habang papaakyat sila sa burol nag haharutan silang dalawa. Hanggang sa mag habulan sila. Nag pahabol si Angeline kay  Eric. Ano ang premyo ko pa inabutan kita? Isang matamis na ngiti lang ang isinagot ni Angeline.
              Noong abutan siya ni Eric niyakap siya at sinabayan ng buhat. Inikot siya sa ere na parang sa mga pilikula lang nakikita ni Angeline. Ngayon siya ang babae buhat buhat ng lalaki at umiikot sa ere. Kay sarap pala ng pakiramdam. Sa pag baba kinintalan siya ng halik ni Eric sa kanyang mga labi. Sa una marahang halik at habang tumatagal nagiging maalab ang mga halik ni Eric. Na siyang tumutupok sa kanyang katauhan. Noong mag hiwalay ang kanilang mga labi halos mapugto na ang kanilang mga hininga. Pag katapos ng kanilang pag hahalikan saka ibinulong ni Eric ang salitang kanyang iniintay sabihin ang I LOVE YOU Angeline. Handa kitang pakasalan kahit anong oras at araw mo gustuhin.
              Sabay dukot sa kanyang bulsa binili pa niya ito noong nasa Hong kong pa siya. Isang kahita na nag lalaman ng isang singsing. Sa pag kakataon ito nag papahayag na  nang pag ibig si Eric at the same time nag aaya ng kasal. Hindi makapaniwala si Angeline sa bilis ng pang yayari sa buhay niya. Kung di mo pa kayang ibigay sa akin ang kasagutan ok lang . handa akong mag intay kung kailan ka nakahandang akong pakasalan. Pero itong sing sing tanggapin mo kung mahal mo ako. Na katunayang tinatanggap mo ang aking pag ibig. Inabot ni Eric ang kamay ni Angeline at isinuot niya ang ring sa daliri nito. Hindi tumangi si Angeline.
              Sa pag tahimik ni Angeline tinatanggap niya ang pag ibig ni Eric. Pag kasuot ng ring niyakap muli ni Eric si Angeline at muli nag lapat ang kanilang mga labi. Sa pag kakataong ito nawalan ng balance si Angeline at nabuwal siya sa damuhan. Kasama niyang nabuwal si Eric na di siya binibitawan sa pag kakayakap sa kanya. Hanggang nag pagulong gulong sila sa damuhan na mag kayakap. Nang huminto sila sa pag gulong mag kalapat parin ang kanilang mga labi.
              Ito na pinakamaligayang araw  sa buhay ni Angeline. Ganoon din si Eric. Sa pag tanggap ni Angeline sa kanyang pag ibig at ng alay niyang ring dito para na siyang nanalo sa lotto.ipinapangako ni Eric hinding hindi mag sisisi si  Angeline  sa pag bibigay sa kanya ng pag kakataong mahalin niya ito. Noong bumalik sila sa maynila walang mapag siglan ng kasiyahan ang puso ng dalawang nag mamahalan.
              Sila na nga kaya ang mag kakatuluyan? Sa kasalan na nga kaya sila hahantong? Sa maigsing panahon natuklasan nila na mahal nila ang isat isa. Wala na kayang magiging problema? Sa pag kakataong ito matuloy matuloy na kaya?
 ABANGAN!! Copyright by Rhea Hernandez 1/24/12
             

1 comment:

  1. sayang bitin!!! Saan na ang ka rugtong?
    pls. send me a link juvyntt@gmail.com

    ReplyDelete