Monday, January 16, 2012

LOVE STORY " ANGELINE " chapter 7

LOVE STORY “ANGELINE” chapter 7
Ni Rhea Hernandez
Pinoy poem


              Nang umalis si Eric nag iisip si Angeline bakit siya natutulala. Pag napapatitig siya kay Eric. Di niya malaman kung ano mayroon ang taong ito at siya ay parang na hihipnotismo ng kanyang personalidad. Sabi niya sa kanyang sarili wala lang ito. Total nakabihis na siya kaya naisipan niyang lumabas na rin pag alis ni Eric. Nag libot libot siya libang na libang siya sa ganda ng kapaligiran. Hindi rin naman siya lumayo sa hotel na kanyang tinutuluyan. Doon pa lang ok na siya.nag lalakad lakad sa gilid ng dagat.
              Habang nag lalakad siya nag tatampisaw siya sa gilid ng tubig. Hinahayaan niyang mag laro ang tubig sa kanyang mga binti. Kung minsan para siyang bata na nakikipag habulan sa maliliit na alon. Pag eto na tumatakbo siya palayo sa tubig. Lumipas ang mga oras di niya namamalayan sa ganoong kanyang ginagawa. Mag ka minsan at may nakita siyang magagandang shell pinupulot niya ito at pinag mamasdan. Pag nag sawa balik din niya ito. Kung may dala lang siyang lalagyan  iipunin sana niya para iuwi pero dalawa lang ang kanyang mga kamay. Kaya pinag sasawa na lang niya ang kanyang mga paningin sa mga magagandang napupulot niya at saka niya iiwanan muli
              Noong makaramdam siya ng gutom saka niya naisipang bumalik sa kanyang tinutuluyan. Nag pa room service na lang siya at doon sa loob ng kanyang suite siya kumain. Pag kakain niya nag siesta na lang siya. Di niya namalayan madilim na pala noong siya nagising. Hindi na siya makakatulog sa gabi nito halos gatanghali na siyang natulog. Anu ang kanyang gagawin sa gabi di naman niya kabisado ang lugar na ito at ala pa naman siyang kasamang lumabas. Bakit ang sarap niya matulog dito. Hindi nakakapag taka. Ilang gabi na ba siya puyat. Sa pag iisip na nag daang problema sa buhay niya. Ngayon lang siya na relax ng ganito. Alang iniisip alang pino problema.
              Tama lang na iwan niyang lahat ang mga isipin sa kamaynilaan. Saka na lang niya isipin ang buhay. Kung sumama lang ang kanyang ina sana may kasama siya ngayon. Pero ayaw sumama ito, gusto ng kanyang ina na mag isip  isip siya. Para makalimot sa kanyang nakaraang kabiguan. Mas madali daw lumimot kung alang mag papaalala sa kanya ng mga pang yayari, sabagay tama naman ang kanyang ina.
              Anu ang kanyang gagawin ngayong gabi di naman siya mahilig lumabas. Sa totoo lang mahigit ng sampung taon siya sa maynila ni hindi siya nakapag libot sa gabi. Talaga lang siyang subsob sa kanyang pag aaral at trabaho. Ngayon naman sa kanyang trabaho na kay dami niyang gustong patunayan sa kanyang sarili. Na aasenso siya kahit ala siyang kinilalang ama na mag bibigay sa kanya ng magandang buhay. Sabagay sa kanyang narating masasabi niya na nag tagumpay na siya. Wala na siyang dapat patunayan pa.ang mga pinapangarap niya. Narating na niya at nagawa ang maiahon ang kanyang ina sa putikang kanyang kinasadlakan. Ngayon namumuhay sila na tahimik at sagana.
              Iyon nga lang malas siya sa mga lalaking dumating sa kanyang buhay. Sabagay bata pa naman siya makikita pa niya ang tamang lalaki para sa kanya. Sa kanyang pag babalik sa nakaraan sa kanyang  isipan. Biglang napukaw ang mga gunita sa biglang may kumatok sa pintuan. Noong buksan niya si Eric Hindi niya akalain na babalik si Eric ngayong gabi.hindi niya inisip na may isang salita pala ito. Alam niya nangako ito sa kanya na  ipapasyal siya pero di niya akalain na babalikan siya ngayong gabi na yon.
              Mag bihis ka ipapasyal kita sa mga gagandang tanawin kung gabi. May dala akong sasakyan para magamit natin sa pamamasyal. Tatalima na  si Angeline para mag bihis ng mag salita uli si Eric. Oo nga pala Angeline ito ang isuot mo ayaw ko habang namamasyal tayo pinag tatawanan ako ng mga tao o pinag uusapan  tayo. Baka akalain nila na ipinapasyal ko ang aking mama. Bakit ano ang masama sa mga damit kong isinusuot maganda naman ang mga iyon at presentable  tignan. Oo nga maganda nga sino ba may sabi sa iyo na pangit ang damit na sinusuot mo. Kaya lang hindi bagay sa iyo. Para kang nag mumukhang si miss Tapia sa  iyong kasuutan.
              Hindi makakibo si Angeline sa sinabi ni Eric. Kasi iyon naman ang katotohanan ginagaya niya si Miss Tapia sa kanyang kilos at kasuotan. Noong pumasaok na siya sa kanyang room para mag bihis. Nakita niya na isang  magandang bestida ang laman nito at isang sapatos. Kay ganda ng damit isa itong strapless at isang sapatos na bagay sa damit na suot niya. Paano nahulaan ni Eric ang kanyang sukat. Binuklat kaya niya ang kanyang mag gamit noong nag daang gabi. Pero wala naman siyang napansing kakaiba sa kanyang mga gamit. Parang wala naming nag halungkat ng mga ito.
              Nag tataka man siya wala siyang ginawa kundi isuot ang damit at sapatos. Hindi naman siya nag tataka kung lumabas nanaman ang tinatago niyang ganda sa  kanyang kasuotan. Noong lumabas siya ng room at napasipol pa si Eric. Sinasabi ko na nga ba na mayroon kang itinatagong ganda sa likod ng iyong pag babalat kayo bilang si Miss Tapia. Hindi kumibo si Angeline sa mga tinuran ni Eric sapagkat mayroon naman itong katotohanan. Bakit ka ba nag tatago sa iyong kasuotan.
              Nakatingin lang si Angeline kung sasabihin ba niya ang kanyang dahilan kung bakit siya   nag babalat kayong parang si Miss Tapia. Pero pinili na rin niyang sabihin ang lahat. Total pag uwi din naman niya ng manila wala  na siyang balak na dugtungan pa ang kanilang pag kikilala. Ehh! Kung malaman niya na isa siyang anak ng isang hostes. Isang  babae na nag bibigay ng aliw sa mga lalaking  hayok sa laman. Titig na titig si Eric sa kanya habang nag kukuwento siya. Akala niya mag babago man lang ang pag kilala sa kanya ni Eric pag katapos nitong malaman na  isa siyang  putok sa buho.
              Anu ang konekyon ng pagiging putok mo sa buho sa iyong pananamit. Kasi noong nag aaral ako at the same time nag tratrabaho ako. Ala akong time para intindihin pa ang mga lalaking gustong sumingit sa buhay ko. Mga storbo lang sila sa akin. Nakakasagabal lang sila sa aking pag aaral at the same time na nag tra trabaho ako. Wala akong time para sa mga lalaking gusto makipag lapit sa akin.  Wala akong balak at intension na magpa abala sa mga lalaki na ang gusto ay ang aking kagandahan.
Kung talagang mahal nila ako kahit ano ang aking kagayakan mamahalin pa rin nila ako.
              Parang bale wala kay Eric kung siya man ay isang putok sa buho o ang kanyang ina ay mababa ang lipad. Wala siyang mabakas na pag kakaiba kay Eric. Di tulad ni Teddy na halos pandirihan siya sa nalamang anak siya ng isang babae galing sa putikan.akala mo mayroon siyang nakakahawa sakit. Sa nalamang isa siyang putok sa buho at isang kalapating mababang lipad ang kanyang ina. Pero si Eric parang wala lang. wala daw konection iyon sa kanya. Kagustuhan daw ba niya na isilang siya na alang kinikilalang ama. Mayroon daw ba siyang kapangyarian para pumili ng magulang.
              Ang mahalaga ay ang pag susumikap mong iahon ang iyong ina sa kanyang kinasadlakan. At lumayo at iangat mo ang iyong sarili. Nag sumikap ka para ikaw at ang iyong ina ay umasenso. Hindi mahalaga ang iyong kahapon ang mahalaga ngayon kung ano ka ngayon. Sa mga sinambit ni Eric  napahanga si Angeline. Hindi niya akalain napakalawak pala ang pag unawa ni Eric. Hindi mababaw nag tulad ni Teddy.
              Habang sila namamasyal napatunayan ni Angeline na napaka  gentleman ni Eric. Laging nakaalalay  nakasuporta sa mga bagay bagay. At higit sa lahat hindi siya boring na kasama. Hindi ka maiinip pag siya ang kasama mo. Pero di mo siya mababakasan ng kayabangan sa kanyang pag sasalita. Para kay  Angeline isang maginoo at mukhang mapag kakatiwalaan si Eric. Nag enjoy siya ng husto sa pamamasyal nila. Nang mapagod na sila  nag aya ng umuwi si Angeline.
              Kaya naman noong nasa tinutuluyan na sila iniintay ni Angeline na mag paalam na si Eric pero ala pa ring katinag tinag sa kinauupuan. Kaya napilitan na si Angeline na mag tanong kung di pa siya aalis. Gusto na niyang matulog. Sige matulog ka na at ako dito lang. napamaang si Angeline dito ka uli matutulog ? bakit di ka ba nakakuha ng room sa kabilang hotel. Masyadong malayo sa iyo pag doon ako kukuha ng room. Hindi kita makakasama sa mga bakante kong oras. Hindi naman ako makakuha ng room dito malalaman nila na nag papangap lang tayong mag asawa.
              Ok lang ako dito sa sopa matulog kung kinakabahan ka mag lock ka na lang ng pintuan mo. Alang magawa si Angeline sa tinuran ni Eric. Sabagay mag kasama na nga sila kagabi natulog di nga siya naka lock ng pintuan kagabi kung may gagawing masama sa kanya sana kagabi pa. kaya noong pumasok siya sa room kumuha siya ng unan at kumot para ibigay kay Eric. Nag pasalamat naman ito. Akala ko matitiis mo akong alang unan at kumot man lang. Di naman ako ganoon nakahiga ako sa malambot na kama at ballot ng kumot tapos ikaw dito giniginaw dahil ala ka man lang kumot na maibalabal sa iyong katawan.
              Nag pasalamat si Eric at tumayo sa di ina asahan ni Angeline mag goodnight kiss ito sa kanya. Parang natural na kay Eric ang mag kiss sa kanya ang goodbye kiss at goodnight kiss ay parang ok lang sa kanya parang isang nakagawian na niyang gawin. Hindi na lang pinansin ni Angeline ang ginawi ni Eric. Kiss lang naman sa chicks anu ba yon.Baka tanda lang sa kanya ng isang pag galang at pag respeto baka alang ibang kahulugan para sa kanya.
              Hindi alam ni Angeline na may pag tatangi si Eric sa kanya. Noong maiwan si Eric sa living room saka ito nag iisip. Bakit ganito ang aking nararamdaman sa babaeng ito. Hindi naman ako ganito sa mga babaeng aking nakikilala. Tickets lang sa eroplano ang kailangan ko sa kanya bakit parang obligasyon ko na sa kanya na lubusin ang aking pag papangap na asawa niya sa mata ng tao. O talagang masama ang aking tama sa kanya pati pala si Eric naguguluhan sa kanyang nararamdaman para kay Angeline. Bakit masyado akong concern sa kanya kung ok lang siya.
              Kawalan ni Teddy kung bakit niya pinakawalan si Angeline at pabor naman sa akin ang bulong niya sa kanyang sarili. Hinding hindi ko na siya pakakawalan pa. matapos lang aking inaayos sa company ko hindi ko siya titigilan hanggang hindi siya nagiging akin. Siya lang ang nag pabalisa sa akin ng ganito. Hindi ko siya maialis sa aking isipan. Buhat sa tarmac hanggang sa ngayon siya ang laman ng aking puso at isipan. Katulad kanina may kamiting ako. Ang nasa isipan ko kung ano ang kanyang ginagawa. Mag isa lang siya dito baka maisipan niyang mag libot libot baka bigla na lang mayroon  mang bastos sa kanya. Kailangan ng isang mag tatangol sa kanya. Kaya kahit medyo malayo itong hotel niya sa hotel ng kausap ko nandito pa rin ako sa aking free time para samahan siya.
              Pero bukas kailangan nanaman siya sa kabilang barrio . buti ipinahiram sa akin ng isa kong kaibigan ang kanyang sasakyan. Ang bulong uli ni Eric sa kanyang sarili. Alam niya na habang hinihiram niya ang sasakyan nito ito ay nag tataka di niya kasi ugali ang mang hiram. At nag tataka sila kung bakit dito ako kumuha ng hotel samantala ang layo nito sa meeting place. Hindi niya ugaling ang ganito laging ang gusto niya sa ibaba lang ng kanyang tinutuluyan ang meeting place. Bakit nga naman ngayon nag bibiyahe siya ng malayo paya lang sa makita niya si Angeline.
              Mahal na nga yata niya ang babaeng mukha ni Miss Tapia. Gagawin ko ang lahat para maibalik siya sa kanyang tunay na katauhan. Hindi tama na lagi na lang siya nag tatago sa ibang katauhan.alam niya na mahihirapan siyang kumbinsihin si Angeline pero susubukan niya. Pag nakita niya na wala siyang ikakatakot na masilayan ng marami ang kanyang kagandaha. Wala siyang dapat ipanagmba sa pag harap sa totoo siya.
              Makaya nga kayang baguhin ni Eric si Angeline? Mag karoon kaya ng katugunan ang pag ibig na nararamdaman ni Eric? Mayroon din kaya pag ibig si Angeline kay Eric ? kaya siya pumapayag na mahalikan ni Eric mahal din ba niya ito?
ABANGANG !!       Copyright by Rhea Hernandez 1/16/12
             

No comments:

Post a Comment