Monday, January 23, 2012

LOVE STORY "ANGELINE" chapter 10

LOVE STORY “ ANGELINE” chapter 10
Ni Rhea Hernandez
Pinoy poems

              Sa pag babalik ni Angeline galing sa bakasyon halos di siya nakilala ng mga kasamahan niya sa opisina. Pati si Teddy di siya makapaniwala na ganoon kaganda ang dati niyang kasintahan na muntik na niyang maging asawa. Na dapat ngayon sana asawa na niya sa mga sandaling ito at siya ang nag papasasa sa magandang katawan nito. Sayang bakit di ko nakita ang itinatagong ganda ni Angeline noong kami pa. Ang bulong ni Teddy sa kanyang sarili.
              Isang araw nag  kasalubong sila ni Teddy. Taas ang kanyang noo sa pag lalakad. Sino ba ang nawalan? Akala niya ngayon umurong siya sa aming kasal mag mumukmok na lang ako sa isang sulok. Iiyakan ko siya at mag hihinayang ako sa  kanyang pag ibig na alang tibay na maaasahan. Hindi niya alam nag papasalamat pa ako at di natuloy ang aming kasal. Ang bulong ni Angeline sa kanyang sarili. Pag katapos niyang makasalubong si Teddy na halos di maalis ang tingin sa kanya.
              Hindi makapaniwala si Teddy na ganoon kaganda si Angeline. Kung alam ko lang na ganoong kaganda di sin sana di ko na siya pinakawalan pa. kahit nga noon di sya ganoong kaganda minahal ko siya. Di lalu na ngayon ganyan siya kaganda. Daig pa niya ang mga nag gagandahang mutya ng Pilipinas. Sana kung alam ko lang na di kami nag katuluyan sana noon pa lang umiskor na ako sa kanya. Para masabi ko man lang na ako ang naka una sa kanya. Pero laking pag hihinayang ni Teddy sapagkat sa totoo lang ni halik di niya nagawa. Ni ang kanyang mga magagandang labi di ko natikman man lamang. Masyado ko siyang iginalang noon iyon pala di kami mag kakatuluyan.
              Kung alam ko lang na mumurahing babae ang kanyang ina. Sana di ko na lang iginalang ang kanyang pag kababae. Kung alam ko lang na di kami mag kakatuluyan sana natikman ko man lang siya. Sayang talaga kung alam ko lang na di dapat idambana ang isang katulad niya . Akala ko kay busilak ng kanyang pag katao yon pala produkto siya ng isang galing sa putikan. Hanggang ngayon kay sama pa rin ang tingin  ni Teddy sa kanyang pag katao. Ang walanghiyang lalaki akala mo kung sinong kay linis. Kung di ko pa alam na maganda nga ang kanilang pamilya sa labas at kay linis tignan. Pero pag pinasok mo ang kalooban daig pa nito ang nabubulok at umaalingasaw sa baho.
              Hindi matangap ni Teddy na isang ginto ang kanyang inayawan. Kaya naman nilunod niya ang kanyang sarili sa alak. Ngayon niya napatunayan sa kanyang sarili na talagang mahal niya si Angeline. Ang mga kapintasan nito na pilit lang niyang ginagawa para makumbinsi niya ang kanyang sarili na di karapat dapat para sa kanya si Angeline. Pero ang totoo nag sisi siya kung bakit niya sinunod ang kagustuhan ng kanyang ina.  Kung bubuksan talaga ni Angeline ang aking puso siya lang ang nasa loob nito.
              Habang tumatagal lalu nagiging masakit ang kanilang pag hihiwalay. Lalu na ngayon makita niya si Angeline na lalung kaibig ibig. At lalung sumidhi ang kanyang pag nanasa niya dito. Halos napapabayaan na niya ang kanyang trabaho sa pag iisip kay Angeline. Halos gabi gabi nilulunod niya ang kanyang sarili sa pag inom. Kaya sa pag pasok niya sa trabaho amoy alak pa siya kahit naligo na. At di lang iyon  dahil kulang sa tulog at maraming naiinom na alak pati pag iisip ay dina tama. Napapabayaan na ang trabaho at naging bugnutin at minsan wala na sa katwiran. Kaya napapansin na ito ng kanyang supervisor. Hanggang makatangap na siya ng memo. Buhat noong mag work siya 1st time niyang makatangap at ngayon din lang siya naging pabaya sa kanyang trabaho.
              Dahit sa palaging lasing pati ang dating kay gandang manamit at neat tignan. Nawala na rin. Kaya minsan dina siya tamang mag isip. Isang araw nakita niya si Angeline pinipilit niyang kausapin siya. Ayaw ni Angeline kasi mukhang nakainom na ito.Kailan ka pa naging lasengo mukhang wala ka na sarili mong katinuan. Iyong sungab ni Teddy kay Angeline at tangkang araruhin ng halik.nag pupumiglas si Angeline para makawala sa pag kakayapos ni Teddy. Galit nag alit si Angeline sa ginagawa ni Teddy.
              Bakit ayaw mo akong pag bigyan wala ka namang ipag mamalaki. Bakit nag mamalinis ka pa isa ka naman anak ng isang puta. Sa narinig ni Angeline lalu siyang nagalit kay Teddy. Lalu lumiit ang tingin niya sa lalaki. Kay kitid ng iyong pag iisip. Ano ang kasalanan ko, kung ang aking ina ay isang hostess. Kahit hostess ang aking ina ibig sabihin hostess na rin ako. Nag mamalinis ka pa di ba kahit kailan ang santol di mamumunga ng mangga. Pinag sasampal ni Angeline si Teddy sa ginawa niya bumitiw ito at doon nag umpisang umiyak. Saka niya inamin na mahal na mahal niya ito. Hindi niya kayang mawala ito sa kanya. Hindi niya kayang kung wala siya sa buhay niya.
              Napilitan lang akong sumunod sa akin ina. Kaya umurong ako sa ating kasal. Sapagkat ito ang kanilang kagustuhan. Bilang isang mabait na anak kailangan ko silang sundin kahit labag sa aking kalooban. Sumama ka na sa akin mag tanan tayo. Ituloy na natin ang ating kasal. Ngayon napatunayan ko sa aking sarili na di ko kayang wala ka sa buhay ko. Pero Teddy ako naman dahil sa pag ayaw mo saka ko napatunayan sa aking sarili na di pala kita tunay na mahal.  Mag papakasal lang ako sa iyo sapagkat ikaw ang mag kakapag bigay sa akin na matagal ko ng pinapangarap na isang buong pamilya na may magandang background na isang huwarang pamilya na ala ako buhat noong akong isilang sa mundo.
              Ang buong akala ko isa maka Diyos ang pamilya mo maiintindihan ninyo ang aking katayuan. Pero di ko akalain kayo pa ang unang huhusga sa aking pag katao. Parang di mo ako kilala na isang matuwid at malinis na babae. Na kay tagal mo akong kakilala at sa ating mga pinagsamahan di mo nakita kung gaano kabusilak ang aking kalooban. Noong malaman mo na isang hostess ang aking ina hinusgahan mo na agad ako na isa din maruming babae. Ang buo kong akala mahal mo ako kaya mo ako handang pakasalan. Di mo pala ako mahal dahil lang sa isang  pangit na kahapon ng aking ina biglang kang umurong sa ating kasal.
              Sa mga sinambit ni Angeline parang binuhusan ng malamig na tubig si Teddy. Natulos sa kanyang kinatatayuan. Iyon ang iniintay ni Angeline para iwanan na ang lalaki malayo layo na rin ang nalalakad ni Angeline  ng mapasalampak sa semento si Teddy. Sising alipin siya. Ngayon lang niya nabatid na mahal na mahal niya si Angeline. Parang ayaw na niyang mabuhay kung mawawla ito sa kanya. Saka niya napapatunayang isang matatag na babae si Angeline. Sa nakikita niyang tatag nito sa pag harap sa malaking pag subok niya sa buhay. Napapahiya siya. Maturingan isa siyang lalaki pero wala siyang paninindigan. Siya ang nag papakita ng kahinaan .
              Dahil sa pag uusap nila ni Angeline parang natauhan si Teddy. Gusto niyang buuin uli nag kanyang sarili. Nag file siya ng leave sa kanyang trabaho. Pipilitin niyang makalimot at makabalik sa dating katauhan. Iiwasan na niya ang palaging pag inom gabi gabi. Gusto niya ipakita kay Angeline na isa na siyang matatag at may sariling paninindigan. Hindi isang sunud sunuran sa kanyang ina. Kahit mali pikit matang sinusunod ang kagustuhan nito. Kailangan na niyang mag move on. Tama si Angeline kailangan matuto na akong tumayo sa sarili kong mga paa.
              Para sa pag dating ng araw na muli akong umibig kaya ko na siyang ipag tangol sa aking mga magulang. Sa susunod na muli akong umibig hindi ko na hahayaan sila na pakialaman pa ang tinitibok ng aking puso. Sa mga isipan ni Teddy buo na ang kanyang pasya. Kahit ikagalit na ng kanyang mga magulang bubukod na siya sa mga ito para maharap niya ang kanyang pag babago. Salamat kay Angeline at inimulat niya ang aking mga mata sa katotohanan. Sana dumating ang araw na tuluyan ko siyang makalimutan. Ang kanyang nararamdamang pag mamahal kay Angeline para masabing tuluyan na siyang nakapag move on.
              Naging matatag ang pag tangi ni Angeline kay Teddy na makipag balikan. Alam niya kung bakit  hindi na si Teddy ang kanyang iniisip kundi si Eric. Mahal na nag yata niya ito. At isa  pa hindi hadlang ang mama nito kung saka sakali. Pero bakit ganoon? Buhat noong mag dinner kami sa bahay nila dina  muling nag pakita sa kanya. Oo nga panay ang padala niya ng mga bulaklak. Aanhin ko naman ang mga bulaklak kung wala naman ang nag papadala. Bakit ganito ang aking nararamdaman sa lalaking iyon. Hinahanap hanap ko na siya ngayon. Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong feeling. Kahit noon kay Ruffy hindi ako nanabik ng ganito sa kanya.
              Anu na ang nag yari kay Eric ? bakit dina siya nag pakita buhat  halikan niya ito noong ihatid? Sina sadya kaya ni Eric ? silang dalawa kaya ang mag kakatuluyan? Mahal nga kaya ni Eric si Angeline? ABANGAN!! Copyright by rhea Hernandez 1/23/12
          

No comments:

Post a Comment