Monday, January 16, 2012

ANG WALK TRAIL SA WHITTIER


ANG WALK TRAIL SA WHITTIER

NI Rhea Hernandez
pinoy poems
http://www.tulawento.blogspot.com/
...
ang walk trail na syang lagi kong pinupuntahan
mga ibon na nag liliparan parang nag kakaunawaan
sa tuwing umaga ito ang aking napag mamasdan
kung minsan dito ko nabubuo mga tula sa isipan

magagandang tanawin lagi kong kinasasabikan
pag sinapit mo mararamdaman mo ang kapayapaan
ang lugar na ito nag bibigay ng katahimikan
sa puso ko at damdamin mag ka minsan

pakingan mo lang ang huni ng ibon
mag kakaroon ka ng komunikasyon
sa hayop at kalikasan may relasyon
kaya naman noon hanggang ngayon

tuwing umaga ako pumaparoon
pag lalakad sa walk trail aking deberyon
nag bibigay sa akin ng magandang imahinasyon
kaya mga sinusulat may buhay ngayon

magandang kapaligiran ang dahilan
mga problema minsan nalilimutan
sariwang hangin kapayapaan
walk trail siya ang nagiging daan

kaya naman di ko siya nakakalimutan
pag gising sa umaga aking kinasasabikan
pag lalakad maganda rin sa katawan
kaya walk trail salamat ikaw nandiyan

ang walk trail na lagi kong kaulayaw
sa umaga laging nawawala araw araw
dito sa umaga ako laging dumadalaw
ang tanawin syang pumupukaw

dito ko lagi nasusumpungan
katiwasayan ng damdamin at isipan
sa walk trail na ito aking natagpuan
ang katahimikan aking nararanasan

sariwang hangin berdeng kapaligiran
pag muni muni sa mga kaganapan
sa buhay at katayuan mapag iisipan
walang storbo katahimikan kinasasabikan

mag lakad tuwing umaga kinagigiliwan
kaya naman ang kalooban may kapayapaan
sa walk trail laging kong nasusumpungan
kaya tuwing umaga dito mo ako matatagpuan

mga pag subok sa buhay di ko pinag iisipan
pag mabigat ang mga dalahin dito gumagaan
pag aking napag mamasdan mga punong lumtian
parang musika ang mag ibong nag huhunihan

1/16/12 ni rhea hernandez

No comments:

Post a Comment