LOVE STORY “ANGELINE” chapter 5
NI RHEA HERNANDEZ
Pinoy poems
naging matagumpay si Angeline sa kanyang trabaho. Pero zero parin siya sa kanyang lovelife. Pinagtutulakan na siya ng kanyang ina na mag asawa na. hindi na nga naman siya bumabata pa. Lagi niyang sagot ang 27 going 28 di pa masyadaong katandaan. Ngayon palang niya nilalasap ang kanyang natamong tagumpay sa dami ng kanyang pinag daanan. Hindi biro ang kanyang pakikibaka at hirap na naranasan sa maraming taong mga nag daan.
Mag ka minsan napapaisip din siya na panahon na nga pansinin niya ang mga lalaking nag paparamdam sa kanya. Mayroon siyang mga panuntunan kung anong klaseng lalaki ang gusto niya. Di baling di niya mahal basta buo ang pamilya at maganda ang background nito. Sa mga nag papahiwatig sa kanya mayroon isa pero sa totoo lang la siyang kagusto gusto dito. Isa siya sa mga accountant ng kanilang company.
Siya si Teddy isang maginoo, palasimba madasalin, at maka Diyos. Ang higit sa lahat maganda at buo ang kanyang pamilya. Isang family na laging nasa simbahan linggo linggo. Nag sisimba at laging nag bibigay ng donation sa simbahan. Isang ideal family ang makikita mo sa kanila. Na siyang hinahanap ni Angeline at kanyang pinapanagrap na mag karoon siya. Una niyang inaalam ang tungkol sa kanyang pamilya bago niya gustuhin ang isang lalaki. Pag nalaman niya kasi na di maganda ang history ng pamilya iniiwasan na niya ito.
Si Teddy palang ang pumapasa sa mga kretiryang kanyang hinahanap. Isang huwarang pamilya. May magandang at tahimik pamilya na matatawag. Kaya di siya nag dalawang isip na sagutin si Teddy kahit wala siyang nararamdaman dito. Madali ng pag aralang mahalin ang isang tao lalu na kung super bait ito. Wala kang makikitang kapintasan ni Teddy. Malinis sa katawan, ayos manamit, hindi siya naninigarilyo, at hindi rin umiinom. At sa kanyang physical di mo siya masasabing pangit at di ring kaguapuhan. Tamang tama lang may appeal naman sa mga babae. May pinag aralan at may magandang trabaho. Kahit sinong babae magugustuhan siya. Hindi masama kung ito ang kanyang pipiliin.
Kaya naman di na niya ito pinahirapan pa kaagad noong malaman niya ang mga katangian niya at tungkol sa pamilya niya pasado na siya. Kaya naman kahit wala siyang pag mamahal dito sinagot niya si Teddy. Naging sila na hayag sa buong opisina nila ang kanilang relasyon. Ok lang sa kanya parang ang pakikipag relasyon niya ay parang isang pakikipag deal lang sa isang contumer. Ito ang nararamdaman niya. Kaya naman walang sweet sa pagitan nilang dalawa. Mag kasintahan na sila ni hawak sa kamay ayaw niyang payagan ito. At mag kaminsan nahingi ng halik sa kanya di rin niya pinapayagan .
Hindi niya feel na pahawak man lang sa kanyang boyfriend. Lagi niyang sinasabi pag kasal na sila gusto niya kung ihaharap siya sa altar ay malinis siya. Ito lagi ang kanyang dahilan . kaya napapayag niya ito na di siya hawakan man lang. ewan ba niya di niya maatim na pahalik dito at mag pahawak man lang. Ibang iba ang nararamdaman niya kay Teddy at kay Ruffy noon. Kasi si Teddy ang kasagutan sa kanyang pinapangarap ang mag karoon ng isang ginagalang na pamilya. Na wala sa kanya buhat noong bata pa siya. Si Teddy ang magiging daan para makunpleto ang matagal niyang pinapangarap na isang pamilya.
Ramdam niya na gustong gusto na ni Teddy na maangkin siya. Pero ayaw ni Angeline kaya wala siyang magawa. Ipapakilala ni Teddy sa kanyang pamilya si Angeline. Alam niya mataas din ang standard ng mga ito para sa kanilang anak. Kaya naman pinag handaan mabuti ni Angeline ang pag haharap na ito. Sa kanyang isusuot sa pasalubong na ibibigay niya piling pili. Ayaw niyang mapahiya siya sa mga ito. Sa unang pag kikita pa lang pumasa na si Angeline sa pamantayan ng mga ito. Paano di siya papasa lahat ng angulo at pinag aralan niya. Daig pa niya kukuha ng isang pag susulit sa exam. Mga likes and dis like ng mga ito kanyang ipinagtanong at inaral.
Gusto ng mga magulang ni Teddy idaos agad ang kanilang pag papakasal. Hindi na nga naman sila mga bata para pag tagalin pa ang kanilang relasyon kung siya mag 28 na si Teddy ay mawawala na rin sa kalendryo sa susunod na taon. Kaya naman pinag usapan na rin nila ang pag papakasal nila ni Teddy. Kay bilis ng mga pang yayari. Hindi niya akalain na makakapag asawa siya agad agad pag katapos niyang sagutin si Teddy. Ok lang sa kanya na pakasal na sila total anu pa nga ba ang kanilang iniintay nasa tamang edad naman na silang pareho may mga ipon na rin sila para sa gaganaping kasalan.
Kay daming nagulat sa kanilang opisina na mag papakasal na sila. Pareho kasi silang may posisyon sa kanilang company kaya madali sa kanilang pag usapan ng mga kasamahan nila. Marami kasi ang nakakakilala sa kanila lalu na sa kanilang department na sasakupan . Sa hindi niya ikinahihiya ang kanyang ina hindi niya ito napakilala sa kanyang magiging biyanan. Nawala sa kanya na bangitin ito . Siguro naman hindi magiging hadlang ang nakaraan ng kanyang ina sa kanyang magiging biyanan.
Isang madasalin at maka Diyos naman ang mga ito. Kaya alam niya na maiintindihan nila ang kanyang kahapon ang tungkol sa pagiging isa niyang putok sa buho. Bakit ba niya ito iisipin di naman ang nanay niya ang pakakasalan ng anak nila. Lumipas ang mga araw at linggo nalalapit na ang kanilang kasal isang linggo na lang ito na ang pinakaiintay nila. Pero para sa kanya habang lumalapit ang araw ng kanyang kasal parang ayaw na niya ituloy ito. Samantala nakahanda na ang lahat pati na kung saan sila mag honeymoon. Planchado ng lahat. Pati na ang kanilang mga isususot.
Isang araw may usapan siya ng kanyang magiging biyanan na mag kikita mayroon silang bibilhin sa isang mall. Kaya ang usapan susunduin niya ang mga ito at sabay sabay na sila pupunta sa mall. Sa kasabikan ng kanyang magiging biyanan ito na ang nag sadya sa kanyang tinitirhan. Sa di niya inaasahan pag dating inabutan nito ang kanyang ina. At siya pa ang nag bukas ng pinto noong may nag doorbell. Laking gulat ng mga ito noon ang kanyang ina ang nabungaran nito.
Tinanong nila ang ina ni Angeline kung sino ito at ano niya si Angeline siempre sasabihin nito na siya ang ina ni Angeline. Ang buong akala naming wala kayo nasa ibang bansa. Iyon ang sabi ni Teddy. Oo nga pala natatandaan niya ang pakilala niya noon nasa ibang bansa ang kanyang ina . Natatandaan papala ito ni Teddy. Ayy! siguro nakakaringan lang niya ang wala ako dito nasa aming probinsya ako kailan lang ako lumuwas noong makagraduate na si Angeline kinuha niya ako sa Subic .
Siyang pag baba ni Angeline at sabi inay sino ang dumating. Halos di pa niya natatapos sabihin nabigla din siya sa kanyang nakita ang kanyang magiging biyanan na halos di niya maipinta ang mag mukha. Sabay sabi na bakit di mo sinabi sa amin na isa palang hostess ang iyong ina at ikaw ay isang putok sa buho. Bakit po mahalaga ba iyon. Di ba ang mahalaga ang ako ngayon hindi ang aking kahapon.
Isa kang sinungaling niloko mo ang aming anak. Isa ka palang maruming babae. Excuse me ang sabi ni Angeline huwag ninyo ako husgahan kung ano ang naging trabaho ng aking ina sa aking pag katao. Ang lakas pa ng loob mong sumagot at manga tuwiran.
Kung ano ang puno siyang bunga. Doon kayo nag kakamali. Kaya napilitan pasukin ng aking ina ang pag bibigay aliw sa mga lalaki dahil hinihingi ng pag kakataon. Kung ala kanang pag pipilian sa buhay mo kahit sa patalim ikaw ay kakapit.
Sa naging pang yayari ala ng kasalang magaganap. Inuurong na ng ina ni Teddy ang kanilang kasal. Sa pag kakataong ito saka niya nalaman mamas boy pala ang kanyang napiling lalaki. At ang akala niyang isang perpektong pamilya ito ay hindi pala. Ang akala niyang maka Diyos ay isang pag babalat kayo lang pala. Ang akala niya mahal siya ni Teddy di pala. Wala itong ginawa noong sabihin ng kanyang ina na huwag ng ituloy ang kasal nila. Nakahanda na ang lahat na pamigay na ang ibang invitation. Laking kahihiyan ito. Ilang araw nalang ikakasal na sana siya biglang iuurong dahil nalaman lang nila na putok siya sa buho.
Nagyon niya natuklasan di pala marunong tumayo sa sariling mga paa ang lalaking pinili niya. Mas matatag papala siya dito. Para siyang walang buto sa kanyang gulugod. Sunod sunuran sa kanyang ina. Nag papasalamat pa nga siya at di matutuloy ang kanilang kasal. Ang akala niya nakatagpo na siya ng isang perpektong pamilya na may malawak na pananaw sa buhay. Iyon pala makitid pa sa dilang makitid ang mga pag iisip nila. Tinitignan nila ang pag katao ng isang tao base sa kanyang pinag mulan o sa kanyang nakaraan.
Marami sa mga kaupisina nila ang nag tataka kung bakit hindi na tuloy ang kanilang pag papakasal. Walang masabi si Angeline kung bakit siya inayawan ng kanyang magiging biyanan. Sasabihin ba niya na kaya ayaw sa kanya dahil isa siyang putok sa buho. Kaya naman nanahimik na lang siya. Ok lang sa kanya total di naman niya mahal talaga si Teddy. Ito na siguro ang kanyang karma. Nag isip siyang gamitin ito para sa kanyang pangarap. Di niya akalain kay dali maningil ngayon sa iyong kamalian.
Dahil sa nag yari malaking leson ang kanyang natutunan. Hindi pala lahat na makikilala mo ang isang pamilya na ito ay isang mabuti kung ito ay isang madasalin at laging nag bibigay sa simbahan. O laging nag sisimba linggo linggo. Maaaring ito puro pag babalat kayo lang.. ang totoo isa silang bulok maganda lang sa labas pero sa kalooban umaalingasaw sa kabulukan. Buti papa la siya kung titingnan na galing siya sa isang putikan pero sa kalooban niya ay isang busilak .
Kay hirap kilalanin ang tunay na pag katao ng isang tao. Isang aral na naman ng buhay ang kanyang natutunan dito. Yong ngalang kay laki ng kanyang naging matrikula. Sa aral na nagyari sa buhay niya. Halos naubos lahat ang saving niya sa pag hahanda ng kasalang ito. Ayy! Naku ang buhay nga naman. Sabagay mabuti na hanggang maaga nalaman niya kung anong klase tao ang kanyang magiging asawa at magiging biyanan.
Anu na ang magyayari sa buhay ni Angeline? Hindi na nga kaya siya iibig pang muli? Tuluyan na nag kaya niya kalimutan ang kanyang pangarap mag karoon ng isang desenteng pamilya ? Sadya bang malas sa pag ibig si Angeline? ABANGAN !!
Copyright by Rhea Hernandez 1/12/12
No comments:
Post a Comment