Friday, January 13, 2012

LOVE STORY "ANGELINE " chapter 6

LOVE STORY “ANGELINE” chapter 6
NI Rhea Hernandez
Pinoy poems

              Mahirap para kay Angeline ang mga nag yari.  Pero nag papasalamat na rin siya dahil sa nag yari natuklasan niya ang tunay na pag katao ng kanyang magiging in laws. At ng lalaki kanyang papakasalan. Kahit sa pag ibig di ka dapat nag mamadali sa pag dedesisyon. Tulad din pala ito ng pakikipag deal sa negosyo. Dapat lahat ng angulo dapat sinisilip at pinag aaralan. Di basta ok, sugod ka na lang ng sugod. Mas kailangan pala kung mag aasawa ka at pipili ng lalaking makakasama mo habang buhay. Kailanga pala pag aaralan mo mabuti at kikilalanin mo siya. Tulad ngayon kung kailan malapit na ang kasal saka natuklasan ang tunay na pag uugali.
              Pasalamat na lang bago ang kasal natuklasan ang katotohanan. Kung hindi pala habang buhay siyang mag durusa sa piling ni Teddy na walang sariling pag papasya. Nakikinig siya sa lahat ng sinasabi ng kanyang ina. Malaki bang talaga ang kahalagahan ng pinag mulan ng isang tao. O ang mas mahalaga ay kung anu ka ngayon. Di ba mas mahalaga ang kasalukuyan at hindi ang iyong nakaraan. Pilit naman niya itinatama ang maling nagawa ng kanyang ina. Di naman niya masisi ang kanyang ina sa mga panahon iyon wala talaga siyang mapagpilian. Kapit sa patalim ang ginawa ng kanyang ina. Sa ngayon naman nag babago na siya kinakalimutan na niya ang kahapon.
              Ang mga dapat ayusin inayos na ni Angeline cancel dito cancel doon ang ginawa niya yong puedeng habulin hinabol. Ang mga invitation nakalat na nag padala na lang siya ng notice na di na tuloy nag kasalan. Hindi na niya ipinaliwanag kung bakit. Marami ang nag tatanong ala siyang sinagot. Masakit na ang kanyang ulo sa mga bagay bagay. Kung minsan parang sasabog na rin ang kanyang ulo. Sa mga taong nakapaligid sa kanya. Ang daming tanong ang daming nag uusisa. Ni isa wala siyang sinasagot. Naging usap usapan sila sa kanilang opisina. Lahat yata makasalubong niya na nag bubulunga siya ang pinag uusapan. Minsan naitatanong niya sa kanyang sarili anu ba itong pinasok niya.
              Kaya nag desisyon siya na ituloy na lang ang bakasyon niya. Mayroon siyang  isang buwang bakasyon  para sa kanyang honeymoon at pag aasikaso ng kanilang kasal. Gagamitin niya ang bakasyon ito para maiwasan ang mga taong makakati ang dila na alang ginawa kundi ang pag usapan siya. Baka sa pag babalik niya after one mo. Lipas na ang chismis tungkol sa di pag kakatuloy ng kasal niya. Pinayagan naman siya ng kanilang big boss. Para daw makapag isip isip siya at makalimot sa mga nag yari.
              Ngayon nasa paliparan siya papuntang boracay. Dapat dalawa sila ni Teddy ang lilipad ngayon. Ito ang araw ng kanyang kasal sana at oras para sa kanilang honeymoon. Pero ngayon mag isa na lang siyang mag babakasyon para makalimot sa pangyayari. Pag limot nga kaya ang gagawin niya? O mag iisip siya kasi ang gagamitin niya ang para sa kanilang dalawa. Promo ang nakuha niya tickets noon para sa bagong kasal. Anu ang gagawin niya sa mga welcome greetings sa bagong kasal. Anu ang isasagot niya nasaan ang groom. Mali yata itong gagawin niya. Parang nilalamutak niya ang sarili niyang sugat para mag dugo. Nag dadalawang isip siya kung itutuloy niya ito o hindi na. habang nag iintay siya sa isang upuan. Mayroon pa siyang ilang oras para mag isip.
              Samantala napukaw ng kanyang pansin ang isang lalaki na panay kamot sa batok at nakikiusap na kung puede siyang makasakay sa susunod na aalis. Subalit wala ng bakante kung mag iintay siya baka may mag cancel at makakaroon siya ng pag kakataon makasakay sa eroplano. Panay kamot sa kanyang batok. Kailangan kailangan niyang makasakay ngayon kung hindi makakawala ang kanyang ka deal. Baka hindi makahintay ang kanyang kausap.
              Sa kanyang nakikita mayroon pumasok na idea kay Angeline bakit nga ba hindi. Guapo naman ito di masama .  Mukha namang puedeng pagkatiwalaan. Mukhang may pinag aralan. Hindi naman mukhang sangano. Mas mukha pa nga business man pa ito. Kaya nilapitan niya ito at inalok ang isa pa niyang tickets dito. Pero may isang kondisyon. Na mag papangap siya na kanyang groom hangang sa hotel na kanyang tutuluyan. Alam ni Angeline na nag tataka ang lalaki kung bakit iyon ang kanyang kondisyon. Pero ang sagot ni Angeline di ko kailangan ipaliwanag kung bakit.
              Kung gusto mong bilhin ang tickets ok kailangan mag pangap ka na aking groom. Kung ayaw mo di huwag  di ko naman kailangan ang perang pag bibilhan ng tickets. Alam ni Angeline na papayag siya kasi kita niya kung gaano ito ka interesadong makalipad sa mga oras na iyon. Tama si Angeline pumayag ito sa kanyang kondisyon. At inaabot ang kanyang kamay sa tanda ng pakikipag deal nito. At sabay sabi na ako si Eric. Siguro kailangan natin maging magkakilala kasi paano tayo mag papangap na mag asawa kung di tayo mag uusap man lang.at di tayo mag kakilala.
              Sa tanda ng pag kakakilala inabot ni Angeline ang kanyang kamay at nakipag shake hand siya dito. Nag kuwentuhan doon nalaman ni Angeline di ito boring na kausap. Malakas ang kanyang sense of humor. Malakas din ang kanyang personality. Pakiramdam niya dito malaki ang confident niya sa kanyang sarili. Wow! Parang sa unang pag kakataon buhat noong kay Ruffy ngayon lang uli siya humanga sa unang kita palang. Parang ang dating nito parang si Ruffy. Malakas ang dating niya sa kanya ni Eric. Unang pag kikita at pag uusap magaan na agad ang loob niya dito. Sana tama ang kanyang kutob. Na mabuting tao itong si Eric. Ito ang sinasabi ng kanyang pakiramdam.
              Oras na sa pag boarding ng eroplano. At siempre pa mag katabi sila sa upuan. Di niya akalain mayroon welcome para sa kanila sa loob ng eroplano. Two glasses of wine para sa bagong kasal. Ito ang kanyang iniiwasan ang mapahiya siya, ang hanapin ang kanyang groom. Na solve ang isa niyang problema dahil sa tulong ni Eric. Hindi siya napahiya sa harap ng mga pasahero. Hindi nag tagal laglanding na ang eroplano . kaya di nag tagal kailangan na niyang mag check in sa hotel kung saan siya mayroong reservation dito mayroon na naman welcome to the newly wed.  Noong makapasok na siya sa kanyang room noon  lang siya nakahingan ng maluwag.
              Saka niya hinarap si Eric at nag pasalamat sa malaking tulong sa kanya para di siya mag mukhang kawawa sa paningin ng iba. Inabot na sila ng gabi at kailangan ng bumalik ni Eric sa  kanyang destinasyon. Di sya puedeng doon din mag check in. masyadong halatain sa mga tauhan ng hotel. Subalit . pag ganoon na palang oras ala ng nag bibiyahe. Di na siya makakalipat sa ibang hotel. Ang layo pa naman nila sa kabayanan. Nag iisang hotel ito sa lugar na ito. Saan ka ngayon niyan ang tanong ni Angeline kay Eric di ano pa di sa baybaying dagat na lang ako matutulog . Hayaan mo na lang akong ubusin ng nag lalakihang lamok doon.
              Nag paalam na si Eric tumalikod na ito at lumabas ng kanyang room. Noong lumabas si Eric. Inilibot ni Angeline ang kanyang mga paningin sa paligid. Ang ganda ng tanawin sa labas ng bintana. Kita mo ang kalawakan  ng karagatan. Amoy na amoy mo ang simoy ng hangin. Amoy dagat kay sariwa ng hangin dito di tulad sa kamaynilaan. Bukas mag uumpisa na siyang mag libot libot sa kapaligiran. Dahil sa pagod nag pag bibiyahe kay dali niya nakatulog. Kay sarap ng kanyang tulog halos di na yata siya nagising buong mag damag. Medyo tinanghali na nga siya ng gising ehh.
              Ano itong naaamoy niya amoy bacon at kay bango sa kanyang pang amoy. Kaya siya nagisin naamoy niya ang pag kain. Nagugutom na pala siya. Ibig niyang mapasigaw noong mayroon siyang nakita sa banda ng kusina na lalaking nag luluto. Sino ito ala naman siyang alam na kasosyo niya sa malaking kuartong kanyang inaakupa. Siyang pag lingon ito ay si Eric. Ano ang ginagawa mo dito. Dito ako natulog tulog na tulog ka kagabi noong bumalik ako.paano ka nakapasok alam ko  ni lock ko ang pintuan.
Humingi ako ng duplicate key sa front dest sabi ko naiwan ko ang susi ko di ako makapasok.natatandaan naman nila ako na ako yong groom mo.
              Huwag kang mag alala alang nag yari dito ako sa sofa natulog. Pinakialaman ko na rin ang kusina mo nakita ko tulog na tulog ka pa at inisip ko pag gising tiyak nagugutom kana. Kaya ipinag luto na kita. Hindi malaman ni Angeline ag sasabihin sa mga sandaling iyon. Para siyang napatulala sa pangyayari. Kaya lang siya bumalik sa kanyang sarili noong sabihin ni Eric baka gusto mo munang mag bihis naka pangtulog ka lang ehh! Saka siya dalawang kamay na nag uunahang takpan ang kanyang sarili. Tatawa tawa si Eric na ang sabi ayy ! naku huwag kanang mahiya kanina ko pa nakikita yan habang nag uusap tayo nakanganga ka pa nga ehh.
              Noon lang napag tanto ni Angeline ang nipis ng suot niya. At wala siyang bra buti naka panty pa siya. Sinadya niyang dalhin talaga ang mga damit na pinamili niya para sa kanilang honeymoon ni Teddy. Ngayon siya hiyang hiya sa kanyang sarili. Di niya akalain sa isang estranghero masisilayan ang kanyang pinag kakaingat ingatang katawan. Sa di sinasadya makikita ito ng ganoon lamang dahil sa kabiglaanan. Ang ganda pala ng iyong katawan at napakaganda mo bakit mo ito itinatago sa iyong pananamit at sa pag aayos mo. Sa tingin ko napaka sexy mo at napakagandang babae.
              Nag bihis na siya sa pag labas niya nakabihis na naman siya ng parang si miss Tapia. Alam mo mas maganda kapa kanina naka pantulog kesa sa ganyang ang gayak mo. Sa sinambit ni Eric namula na naman ang kanyang mukha. Napapahiya siya sa aksidenteng naganap kanina. Pero bakit ganoon di makapa ni Angeline na magalit kay Eric sa pag kakakita sa halos hubad niyang katawan kanina. Oo nahihiya siya dito pero di siya galit sa lalaki. Bakit ganito ang kanyang nararamdaman .
              Kain na pukaw ni Eric sa kanyang pag iisip. Aalis ako pag kakain ang sabi ni Eric. Mayroon akong taong ka meeting at pag naayos ko na ang lahat ng dapat kong ayusin babalik ako dito at ipapasyal kita. Kabisado ko itong lugar na ito kasi madalas ako dito. Unang punta mo lang dito ano. Bakit alam mo na una ko palang dito. Halata kasi sa mga kilos mo. Tama 1st time palang siyang nag bakasyon buhat noong umalis siya sa kanilang lugar. Ala kasi siyang inisip kundi ang kumita ng pera para sa kanyang pag aaral. At ngayon nga para sa kinabukasan nila ng kanyang ina.
              Natapos silang kumain at nag paalam na si Eric sa kanya. At ang sabi babalik ito pag katapos ng kanyang meeting at mga dapat ayusin. Hindi akalain ni Angeline mag goodbye kiss ito sa kanya. Kay daming nagaganap sa kanya na di niya maipaliwanag kung bakit pinapayagan niya si Eric na gawin ito sa kanya. Samantala sila ni Teddy matagal tagal ding naging mag kasintahan ni hindi niya ito pinayagan mahalikan man lang siya. Samantala itong si Eric wala pang 48 hrs silang mag kakakilala nakita na niya ang kanyang kabuuan na halos nakahubad sa harapan nito, at ngayon nahalikan pa siya nag di siya tumututol. Anu na ang nag yayari sa kanya bakit siya nag kakaganito.
              Anu na ang nararamdaman ni Angeline? Bakit siya namamalikmata tuwing nakakasama niya si Eric? Ito ba ang tinatawag na pag ibig sa unang pag kikita? Si Eric may pag ibig din kaya sa kanya?  May pag tingin din kaya si Eric kay Angeline? Ano ang nag yayari kay Angeline ? ABANGAN !! copyright by Rhea Hernandez 1/13/12

No comments:

Post a Comment