Monday, January 2, 2012

LOVE STORY "CHIT" chapter 11

LOVE STORY “CHIT” chapter 11
Ni Rhea Hernandez
Pinoy poems

              Nabalitaan na lang ni Chit na ikakasal na si Alex sa isang kaibigan ng kanyang kapatid. Masaya si Chit para kay Alex at natagpuan na nito ang kanyang kapalaran. Ang kanyang makakasama habang buhay. Samantala siya wasak nanaman ang kanyang puso sa kasawian sa pag ibig. Talaga yatang di na siya sasaya pa sa ngalan ng pag ibig. Kaya naman ibinuhos na lang niya ang kanyang atensyon sa kanyang trabaho.
              Lumipas ang mga araw at buwan nag isip si Chit na mag sarili na lang kaya nag resign siya sa kanyang trabaho at nag tayo ng sariling negosyo. Nakakita siya ng isang magandang location para sa isang maliit na negosyong kanyang itatayo. Isang restaurant din nag serve ng food at inumin. Kaya naman late na sila nag bubukas di niya kayang mag bukas ng maaga dahil sa puyat.
              Pero marami ang humihiling na mag bukas sila sa umaga para may makakainan  ng agahan. Kaya naman kinausap ni Chit ang kanyang Ate Wee ween para siyang mamahala sa araw at siya sa gabi. Salitan sila ng duty sa pag mamanage ng restaurant pero ang over all siya parin ang nakakaalam sa pag papatakbo ng negosyo. Kaya ang mga suki ng ate niya di niya kilala.  Maraming naging regular costumer si Ate Wee ween. . Isa na dito si Cris. Siya ang project supervisor sa isang malaking building na itinatayo sa harap ng kanilang restaurant.
              Si Cris laging nakatambay sa restaurant kasi dito na ito kumakain ng almusal , tanghalian at hapunan. Hindi na nag luluto para sa kanyang sarili . Doon na kasi siya nakatira pang samantala  sa bagong building. Nag kataon di pa nakakabit ang telephono sa ginagawang building kaya sa restaurant na ito nakikigamit at nag aantay ng tawag galing sa kanilang main office. Ito di alam ni Chit. Kaya minsan  di na makatulog si Chit kaya naisipan niyang bumaba sa sa restaurant para tulungan ang kanyang ate.
              Sa itaas na ng restaurant nakatira sila Chit at ng kapatid niya  sa pinaka attic ng restaurant. Kaya kung mag karoon ng aberya madali niyang masolve.  Kaya kung maaga siyang nagigising bumababa na siya lalu na kung busy at maraming costumer ang ate niya. Sa pag baba niya ng maaga doon niya natuklasan na si Cris ay may sarili ng table  doon. Pag kakain  ng almusal dala dala na ang mga papers work niya at doon na ginagawa. Sa pag fallow up ng mga order ng materyales at kung anu ano pa.  tapos maya  maya humingi ng coffee kasi break time na. naging busy uli sa mga workers na bumababa para mag mieryenda. Pag di na busy mag hahanda naman na sila para sa lunch dudumugin nanaman sila .
              Di parin tumatayo si Cris sa kanyang table hanggang abutin na uli ito ng lunch . order uli ng lunch. Ganoon pa rin nasa table pa rin  siya. Paminsan  minsan mayroong dumadating kinakausap siya . Parang  nag bibigay  lang si Cris ng instruction aalis na ito balik sa kabilang building salamat na lang kahit soda na order yong darating. Halos mag hapon ganoon pag oras ng mieryenda orden siya pag katapos tuloy sa kanyang ginagawa. Sa madaling salita akupado niya ang isang table sa mag hapon iyon. Nakamasid lang si Chit kay Cris kahit di siya nakikita nito. Pero kita lahat ni Chit ang ginagawa nito.
              Hindi nakatiis si Chit kinausap niya ang kanyang Ate. Tungkol dito tumawa lang ito sabi nito huwag kang mag alala kada tawag niya sa phone nakalista at  nag babayad naman. Saka malaking tulong niya sa restaurant halos lahat ng kanyang tauhan dito kumakain at di ako nahihirapan maningil kasi binigyan ko sila ng linguhang bayad. Si Cris ang siyang kausap ko dapat nga libre na siya pero ayaw pumayag ok lang daw yon . basta daw makikigamit siya ng telephono habang ala pa silang linya. Nahihirapan daw siyang mag baba akyat sa building kaya kung maaari daw dito na muna siya. Saka ibibigay ko lang ang listahan kay Cris siya na ang nag kakaltas sa mga sueldo ng mga tauhan niya. Kaya malaki ang naitutulong niya sa akin ala pang nakakatakas sa pag babayad.
              Sa paliwag ng kanyang Ate ok na kay Chit ang lahat . Pero di niya maintindihan di niya gusto si Cris. Ang yabang ng dating sa kanya at yak ang pangit pumorma. Di marunong mag damit ng bagay sa kanya.  Ang layo sa mga tipong lalaki ni Chit.  Kasi ba naman tipo niyang lalaki tulad ng mag kadete sa PMA sa Baguio . ganoon ang mga tipo niya mga maskulado  husto sa tindig magandang mag dala ng damit. Sabagay saan ka naman hahanap nasa construction site yong tao. Alam mo na pag sinabi mong construction  ang amoy pawis at amoy araw ang mga ito.
              Kahit sabihin mo na mataas ang kanyang katungkulan iba ang pananaw ni Chit tungkol dito. Ewan ba kung bakit malaki ang pag hanga ni Chit sa mga naka uniforme.  Ang ganda kasing tignan ang paliwanag dito ni Chit. At itong si Cris di nabibilang sa ganitong kategorya. Sa totoo di naman talaga masama ang porma nito di lang malaman ni Chit kung bakit siya inis dito sa lalaking ito. Unang kita palang niya kinainisan na niya ito at nayayabangan siya sa porma. Akala mo alam lahat ang ginagawa niya. At kung mag bigay ng instruction sa mga tauhan niya akala mo kung sino.
              Kung ano ang inis ni Chit sa unang kita niya dito kabaligtaran naman ni Cris. Kahit di pa sila pinakikilala sa isat isa nakita na ni Cris si Chit minsan lumabas ito at noong pumasok sa restaurant nakita siya ni Cris. Na tuloy tuloy si Chit sa kaha. 1st time lang nakita ni Cris si Chit pero kilala na niya ito kasi nga napag uusapan nila niWee ween  Na may kapatid ito na siyang tumatao sa restaurant pag gabi na.  hindi kasi mahilig si Cris lumabas pag gabi. Di ito pala barkada sa inuman pag katapos ng trabaho kaya naman ilag dito ang mga tauhan niya. Kaya di niya kilala si Chit at di pa niya ito nakikita.
              Sa unang kita palang niya kay Chit di niya maipaliwanag ang kanyang naramdaman. Parang anghel  na bumaba sa kalangitan ang tingin ni Cris kay Chit. At gandang ganda siya dito. Tandang tanda pa niya ang suot na damit ni Chit noong una niyang masilayan ang kagandahan nito. Sa kauna unahang pag kakataon ang  gabi niya  di siya makatulog iniisip niya si Chit. Parang bumabalik sa kanyang isipan ang mga sandaling nasilayan niya si Chit. Simple lang siya kanina pero bakit ganito ang nararamdaman ko sa kanya ang sabi ni Cris sa kanyang sarili.
              Kay taas na babae siguro mga 5’6” siya bagay na bagay sa kanya ang maong na pantalon suot niya at suot niyang t shirt  kanina litaw na litaw ang kanyang ka seksihan. At ang kanyang kagandahan . Sa ganitong alalahanin ang bumabalik sa isipan ni Cris. Kaya naman sa kauna unahang pag kakataon nag aya si Cris sa ilang tauhan niya na mag inuman sa restaurant nila Chit para lang makita niya ito uli.
              Hindi naman nabigo si Cris nakita niya si Chit siya ngayon ang nakaupo sa kaha.
Sa sinag ng ilaw kitang kita mo ang kanyang kagandahan ang sabi ni Cris sa kanyang mga kasamahan. Kaya pala nag aya dito si boss para makita si mam Chit. Di po ba ninyo kilala si  mam Chit. Gabi gabi po siya dito siya laging nakaupo sa kaha. Siya po ang  may ari ng restaurant na ito. Marami nag pupunta dito para lang makita siya di lang po kayo. Sa mga kasamahan nating mga binata dami gustong pumorma kaso may pag ka snob siya di tulad ng ate niya . yong nakatao sa umaga. Kilala ko siya si wee ween. Tunay ba silang mag kapatid o bakit mag kaiba sila. Ang alam ko po sir tunay na mag kapatid sila pareho naman maganda sila ahh. Ang pag kakaiba nga lang pala kaibigan si ate  kesa mam Chit.
              Teka nga pala kanina ko pa napapansin na ate ang tawag mo doon sa ate ni Chit pero kay Chit ay mam. Bakit ganoon ang puna ni Cris sa kanyang mga tauhan. Kasi po si ate nakakausap naming na parang kaibigan si mam  Chit hindi, di sya marunong makipag chikahan sa amin. Masyado siyang pormal pero di naman siya suplada ano lang siguro dahil siya ang talagang namamahala dito. Saka di ko pa siya nakikitang nakikipag kuwentuhan sa costumer ng matagal . kaya lang siya lalapit kung may problema sa table. Ganoon ba doon lang siya sa kaha o sa kusina pasilip silip. Basta nakamasid lang siya sa mga table ng costumer. Kaya lahat sa amin mam ang tawag sa kanya. Ang mahabang paliwanag ng kasamahan ni Cris sa kanya.
              Sa isip isip ni Cris mukhang mahihirapan siyang madiskartehan  si Chit. Masama pa naman ang tama niya dito. Unang kita pa lang niya dito kanina nabigahani na siya sa kagandahan nito. Bihirang mag kagusto sa babae si Cris. Sa katunayan nga matagal na siyang alang GF. Ilang taon na ang nakakalipas noong mag karoon siya ng kasintahan. Katatapos pa lang niya ng HS noon. Buhat noon mag kahiwalay sila di na muling tumibok ang puso nito. Tinutukso na nag siya ng mga kaibigan niya  na siya na lalaki yata ang kursunada mo kaya di ka nag liligaw nag babae. Ang ganitong mga biro ay tinatawanan lang ni Cris noon kasi nga alang katotohanan.
              Talaga lang di pa nakikita niya ang babaeng mag papatibok sa kanyang puso. Pero ngayon sigurado na siya kahit unang kita pa lang niya kay Chit ito na ang kanyang hinahanap na babae na gigising sa  kanyang natutulog na puso. Na kay tagal na nanahimik alang napipisil na tibukan nito. Pero kanina parang biglang  ang pag kagising nito. Buhat noong makita niya si Chit gagawin niya ang lahat para lang mapansin siya nito. Alam ni Cris na mahihirapan siyang mapalapit kay Chit , pero gagawin niya ang lahat para lang mapansin siya nito. Sa mga nababalitaan niya tungkol kay Chit  sa palagay niya dadaan siya sa butas ng karayon. Para lang pansinin siya nito.
              Pero handa siyang mag tiyaga manuyo para lang magkaroon ng magandang resulta ang kanyang nararamdaman para sa babaeng gumising sa kanyang natutulog  na damdamin. Nakahanda siyang mag  tiyaga para lang mapansin  siya nito handa siyang suyuin ito hanggang makuha niya ang matamis nitong oo. Unang araw palang alam na ni Cris na  natagpuan na niya ang babaeng kanyang makakasama habang buhay. Ito yata ang tinatawag nilang  pag ibig  sa unang pag kikita.
              Samantala nag uusap ang mag kapatid na Chit. Mukhang masama ang tama sa iyo ni Cris ahh! Panay tanong sa iyo kanina pag katapos na makita ka. Ayy  naku ate alam mo naman ang  opinion ko dyan. Ayaw ko ng mag mahal ayaw ko ng makaranas ng kabiguan. Ayaw ko ng mag mahal. Lahat ng aking minahal nawawala lang nasasaktan lang ako. Kaya hanggang maaari umiiwas na ako sa mga lalaki. Chit di mo maiwasan ang iyong kapalaran kahit ano ang iyong gawin ang paniniyak ng kanyang ate. Ok ate hayaan na lang natin  ang panahon ang mag takda sa aking kapalaran sa pag ibig. Pero para  sa akin basta ayoko ng mag mahal. Bugbog na ang aking puso sa kasawian  di na ito nakakaramdam ng pag mamahal. Sinasabi mo lang yan kasi di pa dumadating sa buhay mo ang tamang lalaki para sa iyo.
              Ayaw na makipag talo pa ni Chit sa kanyang ate. Kasi mag kaiba na ang kanilang pananaw pag dating sa pag ibig. Nabago ang pananaw ni Chit sa ngalan ng pag ibig buhat noong sunod sunod ang kanyang pag kabigo  dito. Sabagay di naman siya masisi ng kanyang kapatid kasi nakikita niya ito kung paaano nasasaktan at kung paano niya iniiyakan ang mga kasawian  sa pag ibig. Pero  di sapat ang mga ito para di na muli siyang  mag mahal. Sana huwag niyang isarado ng tuluyan ang kanyang puso sa tawag ng pag ibig. Ito na alang ang huling nasambit ng kanyang kapatid.
              Tuluyan  nga kayang  dina muling iibig pa si Chit? Ano ang mangyayari sa nabubuong pag ibig ni Cris? Maging matagumpay kaya ito o iwasan siya ng tuluyan ni Chit? Si Cris na nga kaya ang magiging kapalaran ni Chit? ABANGAN!!
 Copyright by: Rhea Hernandez  1/2/12
        

No comments:

Post a Comment